MAGKATULONG na dinala nina Tyler at Gwen ang mga hawla sa garahe. Gamit ang flashlight ay nakuha rin nila ang nabibitawan niyang hawla ng lovebirds na kapangalan nila. Kakatwang hindi nabasa ang kanilang mga ulo. Ang mga paa lang nila ang nabasa ng tilamsik ng ulan. Kahit brownout pa rin ay buhay naman ang emergency light sa kusina. Sa labas, malalakas pa rin ang kulog ngunit hindi na nila iyon alintana. Nanatili na lang sila ni Tyler sa kitchen table habang nagsasalo sila sa iniluto niyang pizza. "Paanong nangyari na ang papa mo ang tunay na ama ni Troy samantalang 'daddy'ang tawag niya sa iyo?" usisa niya kay Tyler habang magkaharap silang kumakain. "Namatay si Papa dahil sa isang car accident kasama si Mama inatake kasi sa puso si Papa while driving eight years ago. Dead on tha sp

