Chapter Four: A Cup of Coffee

1597 Words
Empire University: 7.58 AM Kanina pa siya dito nakatambay sa loob ng comfort room para sa mga lalaking estudyante sa university na ayaw niyang pasukin pa kahit kailan. Buti kamo ay walang tao masiyado dito sa CR sa field, kaya walang nakapansin sa pagdating ko. Nakatingin siya ngayon sa harap ng salamin, habang tinitignan ang kaniyang sarili. Buhok na kay g**o, bangs na halos takban na niya ang mga mata niyang may suot na itim na salamin, gusot gusot na uniform. Napabuntong hininga siya, tama nga ang sinasabi nila, wala talagang kaaya-aya sa kaniya. Kahit sana ang uniform niya planstado kaso sa takot niyang malaman ng magulang niya ang sitwasyon niya, siya na lang ang naglaba ng mga ito. Hindi na niya ito plinantsa pa dahil gusto niyang pumasok ng maaga dahil ayaw niya kung maaring makatawag ng pansin ng kahit na sino. Pagkatapos ng ilang minutong pag iisip, napagdesisyonan niyang pumasok na. Ilang araw nalang ay gagraduate na ako, konting tiis na lang Eduardo, makakalaya ka rin sa mala-impyernong university na ito. Nagpalinga-linga siya kung mayroon bang nakasunod o nakatingin sa kaniya, pero napansin naman niyang mukhang walang paki alam ang ibang mga estudyante sa pagpasok niya. Sana nanatili na lang silang ganito ka tahimik. Bakit kasi kung kailan last year ko na lang bilang Senior High School Student, ngayon pa nila ako napagdiskitahan? Kung hindi lang sa isang pagkakamali na nakabangga niya ang leader ng grupong 'yun, sana ay matiwasay siyang gagraduate, kaso sa kamalasang palad, sa lahat pa ng mapapahiya niya, sadyang si Cloud pa. Ngayon nagsisisi na siya bakit ba siya sumali sa club na 'yun. Napabuntong hininga na lang siya, marahil kung hindi dumating ang mga tanod kahapon ay tapos na ang kalbaryo niya. Dumeretso siya sa locker room para sana ay magpalit ng sapatos, nang mapansin niyang ang mga estudyante na kasabayan niya ay para bang inoobserbahan siya. Anong meron? Bakit parang tinititigan siya ng mga 'to? "'Di ba naudlot daw kahapon?" "Yes... Do you think it will continue today?" "Ayaw ko magtalk, pero baka." Napalunok siya sa mga naririnig niya, pero dahil gusto na lang niyang matapos ang ilang araw na lang naman na pananatili niya dito sa university na ito ay minabuti na lang niyang buksan ang locker niya. Pagkabukas na pagkabukas niya ng locker niya ay narinig niya agad ang mga reaksyon ng ibang estudyanteng nasa paligid niya. "OMG, I told you, may continuation." "Awww~ Trip na trip talaga siya ng F4." "Ni Cloud kamo, hindi ng F4." Ayaw na niyang pakinggan pa ang mga naririnig niya at agad siyang tumingin sa kaniyang locker, at tama nga ang hinala niya... may makintab na pulang card na mayroong image ng joker dito ang nakadikit sa loob ng kaniyang locker. Napalunok siya, at agad na sinarado ang locker niya. Nag-iisip na siya san siya magtatago kaso bago pa man siya makapagdesisyon saan siya magpapalipas ng oras hindi pa nagsisimula ang mga klase ay bigla siyang may naramdamang umakbay sa kaniyang braso. "Hey, bro. Saan nga ulit tayo naputol kahapon?" Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang mga estudyanteng nagtangkang bugbugin din siya kahapon ay nasa harapan niya ngayon. "Remember us? Eduardo Del Rosario?" At narinig niyang nagtawanan ang mga ito. Nagsimula na ang ibang estudyanteng magsalita ng mga salitang hindi kaaya-aya laban sa kaniya at hindi niya na mapigilan ang sarili niyang kainin ng galit. "Ano bang ginawa ko sa inyo at bakit lahat kayo pinagkakaisahan ako? Wala bang nakakaalam sa university na 'to na nakakamatay ang bullying?" Bigla niyang sabat kaya lahat napatahimik saglit pero mabilis na sinagot siya ng isa sa mga nambugbog sa kaniya kahapon. "Well, if 'yan ang nasa isip mo, edi sana you think thrice before enrolling in this prestigious university where you do not belong." Lalo siya nakaramdam ng galit dahil sa narinig niyang sinabi sa kanya. Sino bang nagsabi na gusto kong mag-aral dito? Kung hindi lang dahil kailangan kong mag-aral ng libre dahil walang kakayahan ang magulang kong pag-aralin ako, edi sana hindi na ako nag-aral dito. Kung alam ko lang din na ang university na nangako ng langit sa akin ay impyerno, edi sana baka mapayapa akong makakapagtapos. Gusto niyang isigaw ang lahat ng iyon, pero wala siyang lakas. Tumingin siya sa lahat ng mga estudyanteng nasa paligid niya, sa isang taong nakaranas siya ng ganito, kahit isa walang tumulong sa kanya. Ngayon naiintindihan na niya na walang ibang magtatanggol sa kaniya kung hindi ang sarili niya. Sana matagal na niyang narealize, para kahit papano ay lumaban siya, kaso sa oras na 'to gusto na niyang sumuko. Lalaki siya pero wala siyang nakuhanan ng lakas ng loob para lumaban. Sinunggaban na sana siya ng suntok ng isa sa mga nambugbog sa kaniya pero naka-ilag siya at sumuntok siya pabalik at napuruhan ang isang iyon. "Aba lumalaban ka na ngayon ah?" "Edi mas exciting 'to." Dagdag ng isa pang lalaking estudyante sa tabi niya. "Hindi na isang lalaking lampa ang pagaaksayahan natin ng oras." Sa una ay nakaiwas siya ngunit, ang mga sumunod na tirada ay hindi na niya naiwasan. Gusto niya gumanti kasi masyado silang marami para sa kaniya. Gusto na niyang sumuko pero bigla niyang natanaw ang daan patungong roof top. Tama, doon nagsimula ang lahat, doon din niya tutuldukan ang lahat. ---- A M B E R : 7.30 AM  Paglabas na paglabas ko ng bahay ni Gab ay agad akong nagpalinga-linga sa paligid ko at chineck kung may mga nakasunod sa akin. Para akong nasisiraan ng bait sa ginagawa ko, pero mas maigi na 'to kaysa mamaya sa hindi ko pagiingat, hindi ko mapansin may nakasunod na palang stalker sa akin. AHHH! Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako! Bakit naman kasi sa dami-dami ng pagkakataon, talagang isang mayamang binata pa ang napatulan ko? Bakit ba kasi ako mapagpatol?! Ano ba namang genes ang pinama niyo sa akin mama at papa?! Hay nako Amber, huminahon ka, hindi pa katapusan ng mundo. Dumiretso na ako ng paglalakad habang para akong ispiya dahil sa paglalakad ko ng may sobrang pag-iingat. Simula kasi kahapon na nakasuntok ako ng hindi ko malamang nilalang, sabi sa akin ng mga customer na nananakot ay baka nag viral daw ako. Aba, hindi naman ako takot, pero kahit na baka kalbuhin ako ni mama pagnakita niyang may sinuntok akong kung sinong lalaki diyan! Nauna na sa akin si Gab sa coffee shop ni Michael kasi kanina ayoko pang bumangon gawa ng takot ko. Ang tagal ko bago magdesisyon kung papasok ba ako ngayon or absent muna. Pero syempre dahil kailangan kong sumahod ng buo para makapagpadala ako kina mama, pinili kong pumasok. Mas nakakatakot si Judith kaysa sa viral video. Nang makarating ako sa kanto ay sasakay na ako dapat ng jeep kaso, pagtingin ko sa paligid ko ay para bang pinag-uusapan nila ako. Teka? Totoo kayang nagviral ako? Bigla akong umakmang mananapak at nakasalubong ko ang mga mata ng mga ale sa tapat na kanto ng kinatatayuan ko ngayon. "Huy, sino ba gani iyang dalagang iyan at napaka-sipag?" "Ampon at ang mga magulang ni Gabriela?" "Oo ata, pero bat naman parang lalaking kumilos iyan?" Bakit ang aga nila mag tsismisan? Bigla akong napatingin sa kotse na nasa tabi ko at nakita ko ang repleksyon ko; onga mukha nga akong sira ulo. Ano ba naman kasi ang nangyayari sa akin?! Nasisiraan na ata talaga ako ng ulo para mag-overthink. Huminahon ka Amber, okay? Isa kang De Guzman, okay? 'Di ka papatibag dahil lang sa nangyari kahapon. Pinili ko na lang sumakay ng jeep at maya-maya pa ay nakarating na ako sa coffee shop. Pagdating na pagdating ko ay agad akong nagpalit ng uniform ko dito sa trabaho. Baka makagalitan pa ako ni Michael kapag nakita niyang late na nga ako tapos nagmamabagal pa ako. "Oh, nandito ka na pala." Bati ni Michael pagkadating ko sa barista area. "Opo, Kuya Michael." Maikli kong sagot. "Bait bait ah. Para kang pinagsakluban ng langit sa itsura mo, ah. Anyare?" "Ang aga-aga kasi nakita kita, kaya eto pinagkaitan na agad ako ng kasiyahan ng langit." "Ay wow naman, Amber." "Amber!" Ang aga-aga ang tinis tinis ng boses ni Gab. "Oh?" Tanong ko. Napansin ko namang may dala siyang cup na I assume na laman ay kape. "Ahm, pwede paki deliver naman nito?" Sabay abot sa akin hawak niya. "Hindi ko kasi madedeliver ito, kasi need ko pa tanggapin ang mga orders." I blinked my eyes. Kararating ko lang nag-dedeliver na agad ako. Hay, "Sige saan ko ba ito ihahatid?" May inabot naman na plastic si Michael, pang-take-out. "Check mo dito, nandito 'yung pangalan ng mag-receive ng order na 'yan." "Gamitin mo na lang 'yung E-bike sa likod." Sabay abot ng susi. "Mag-ingat ka ha." "Salamat Amber!" At bumalik na si Gab sa cashier spot niya. Napabuntong hininga na lang ako, kakatapos ko lang magsuot ng apron, aalisin ko na naman tuloy. Linagay ko na sa plastic ang order at kinuha ang stub ng order. Pumunta na ako sa likod at inilabas ang E-bike. Ilalagay ko na sana sa delivery box 'yung order, buti naalala ko na hindi ko pa pala alam ang pupuntahan ko. Agad ko naman itong chineck. "Empire University, STEM 2, Eduardo Del Rosario" "Aba, may free trip ako sa Empire University ah." Bulong ko. Dapat ay si Gab na lang ang nagdeliver nito, tutal gustong gusto niya ang school na iyon. Inilagay ko na ang order sa delivery box. Pinaandar ko na ang E-bike nang biglang may pumasok sa isip ko; Eduardo? Parang narinig ko na ang pangalang iyon, hindi ko lang maalala kung saan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD