bc

Boys Over Flower

book_age4+
20
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
campus
highschool
coming of age
like
intro-logo
Blurb

"Paano na lang magiging normal ang senior highschool life ko kung classmates ko ang F4?! Bakit ba kasi dito ako nag-aral sa Empire University, at talagang sa dinami-dami pa ng sections na mapapasukan ko, talagang sa Royal Bloods ako napunta?! Paano na 'yan?!

-Amber De Guzman

_____________________

Date Started:

Date Ended:

chap-preview
Free preview
Chapter One: Dream City
"AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" Napasigaw na lang ako ng makababa ako mula sa bus, sa summer capital ng Pilipinas. Ang BAGUIO, BENGUET!!! Yes, andito na nga ako. Sa tagal-tagal kong pinangarap at pinag-isipan kung baba ba ako mula sa kabundukan ng Benguet, sa kasiyahang palad, pinayagan na ako nila mama at papa para pumarito. Medyo may kalayuan kasi sa kabihasnan ang bahay namin mula dito sa Baguio City. Nasa taas pa kami ng Benguet kaya hindi ganun ka urban ang lugar namin, pero hindi naman sobrang probinsiya. Ang mahalaga andito na ako, I have taken the first step in achieving my dreams. Naglakad-lakad ako, habang amaze na amaze sa nakikita ko. Napaka-layo sa lugar namin na tahimik lang. Napaka-raming kotse sa daan at kitang-kita ko sa kinatatayuan ko ang SM Baguio. "Ahh, ang lamig pa rin pala dito." Sabi ko sabay pinagrub ko ang dalawa kong kamay sobrang lamig. Kahit na ba kasi nakajacket ako, damang-dama ko ang lamig dinhe! Sobrang iba na ang pamumuhay dito, kahit 'yung ng pananamit ng mga tao. Para na akong nasa Korea kasi nga malamig kaya, 'yung pormahan dito, kala mo nanonood ka ng shooting ng isang K-drama. Nagpalinga-linga ako sa paligid habang linalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Kasabay ko ang napaka-raming turistang bumibisita ngayon dito. Kaso nga lang ako, hindi naparito para magbakasiyon kung hindi--- "AMBER DE GUZMAN!!!" Narinig kong may tumawag sa likuran ko bago ako makatawid sa pedestrian lane, papuntang SM. "Hoy Amber! Halika!" Liningon ko ang tumawag sa akin, at hindi nga ako nagkamali, si Gab nga, ang best friend ko, ang siyang tumatawag sa akin. "Yaah! Hindi mo talaga ako papansinin?" Lumapit siya sa akin na para bang hingal na hingal. "Kanina pa ako nagaantay sa iyo. Akala ko nawala ka dito." Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Hindi ah! Paano ba naman ako mawawala dito?! E pangarap kong mapuntahan ang siyudad na'to noh!" Inakbayan ko siya kahit na ba mas matangkad ang babaeng 'to sa akin. Kunti lang naman e. "Alam mo, 'wag ka magalala sa akin, alam mo namang strong 'tong si Amber e." "Oo na." At nagtawanan na lang kaming dalawa. Matagal tagal din kaming hindi nagkita nito ni Gab kasi busy kami both sa pagaaral namin. "Ano pang inaantay natin? Tara na doon sa sinasabi mong part-time job na offer ni Michael." Pag-yaya ko sabay hila sa kaniya patawid sa kabilang dako ng daanan. "Oo, teka! Ahaha kumalma ka, ang excited e!" Kababata ko si Gabriel dela Cruz, kaya Gab na lang tawag ko sa kaniya. 'Nung una ayaw niya, kasi panglalaki nga naman ang tawag ko kaso siyempre, wala na siyang nagawa kung hindi ayunan ako, kasi best friend niya ako. Parehas kaming kakatapos lang ng grade 10 pero magkaiba kami ng pinapasukang school. Parehas kami na gustong kunin na strand sa grade 11, kaya nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay patungkol sa pag-aaral. Dati kaming magkapit-bahay noong andoon pa sila nakatira sa La Trinidad, Benguet at nangako kaming hindi kami maghihiwalay nang school, kaso wala siyang choice kung hindi magiba ng pinapasukan ng junior high kasi nga lumipat sila dito sa Baguio. Pero kahit ganun, hindi naman nawala ang communication namin, kaya ganito pa rin kami kaclose dalawa kasi may video call naman. Buti kamo hindi na ganun kahirap ang signal dito sa Benguet, hindi katulad 'nung sina-unang panahon na ang hirap maghanap ng signal! "Ang lamig, magbonet ka Amber, at baka mamaya, yelo na ang kasama ko." At inabot niya sa akin ang bonet niya. Buti na lang may dala siyang extra dahil naiwan ko ang akin sa bahay. "Salmat gabi-gab-gab." "Matuto ka ngang makuntento. Tinawag mo na nga ako ng panglalaki, pinapapangit mo pa lalo e." Tumawa na lang ako sa reaksiyon niya. Naglalakad na kami ni Gab ng bigla kaming napadaan sa tapat ng isang napaka-laking gate na bakal sa right-side naming dalawa. Napaka-lawak nito, na mula sa linalakaran namin, makikita ang malaking field at sa dulo naman ay tila naglalakihang mga modern-Spanish buildings. Hindi ako nagjojoke kapag sinabi kong lahat ng mga taong lumalabas ay sumasakay ngayon sa mga naggagandahang mga limousine at mga sports car na pumapara sa harapan ng malaking gate na 'to. Mga istudyanteng ba ang nakikita ko? Para kasing sila ay naka-uniform na napapanood ko lang mula sa mga anime at k-drama. Ang iba naman ay may soot na togang dark blue. Wait graduation ngayon? Mga parents ba iyang mga nagpapapicture sa mga kabataan na nakikita kong palabas ngayon mula sa gate na ito? Teka, venue ba ito o isang school? Pero ang OA nito sa laki kung school man ito. "Ang yayaman naman nila. School ba yan?" Napatitig na lang ako sa mga tao. Talagang may mga butler silang kasama. "Universidad de Imperio" Sagot ni Gab habang naglalakad siya ng may pagiingat na halatang halatang umiiwas na walang mabanggang kahit na sino sa daanan. Huh ano raw? "Empire University ang ibig sabihin 'nun." Halata bang 'di ko nagets meaning 'nun? Empire University? May ganung university pala? "Ibig sabihin school ang isang 'yan?! Ang laki naman!" "Hello? UP, Ateneo, De Lasalle? Hindi ka lang familiar pero normal ang ganyang kalalawak na space for universities, specially kung nagooffer ng maraming courses or even strands for grade 11 and 12 katulad ng university na iyan." "Sorry na, kakababa lang ng bundok. Hindi ako familiar sa university na iyan." Sagot ko na talagang puno ng pagtataka pagtataka. Ibig sabihin, graduation ngayon diyaan. Akala ko talaga venue lang, lakas tama. "Well, hindi kasi masiyadong kilala 'yan sa mga pooritang katulad natin, especially kung 'di ka mahilig magsearch" Sagot niya. "'Pero kasama siya sa top universities. Like one of the best schools na hindi ka basta-basta makakapasok." "Weh? Hindi naman kasi ako masearch ng ganyan. Masaya na akong nag-reresearch about sa assignments ko. Hindi ko na need malaman mga ganyang bagay." Napa-facepalm siya "Ikaw 'yung honor student na hindi mahilig mag-alam ng mga ganyang bagay noh." "Girl, naghahanap lang ako ng school na public for Grade 11. Hindi ko pa naman need hanapin ang mga ganyang universities since papasok pa lang ako grade 11." Paliwanag ko. "Tsaka, pangmayaman iyang university na 'yan, what's the point of searching for a prestigious university like that if hindi naman din ako makakapag-aral diyan? Pang-public lang tayo teh." "Pwede ka naman ata mag-take ng exam sa mga magagandang senior highschools." "E, mahalaga makapag-aral. Okay na ako na wala akong minemaintain na grade especially now na mag-woworking student ako. Mahirap na." "Nako tara na nga. Baka makabangga pa tayo dito ng istudyante." Hinatak niya ako para makalayo kami sa napaka-raming istudyanteng dumadaan sa paligid namin ngayon. Napa-sulyap ako sa huling pagkakataon sa university bago pa man kami tuluyang makalayo. Ano kayang klase ng mga istudyante ang nag-aaral diyan, maliban sa pagiging mayaman? "Bilis na Amber, yare na tayo kay Kuya Michael nito." --- Nagpatuloy kami sa paglalakad upang makarating sa coffee shop na need naming puntahan ngayon. "Dito 'yung coffee shop ni Michael, ayon oh, 'yung may placard na barko." Pagturo ni Gab. Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Nasa paligid lang ng SM at 'nung Empire University ang Coffee shop ni Michael. Ang ganda pala ng pwesto niya, takaw customer ito tiyak. Saglit lang ang linakad namin at nakarating na nga kami dito. "Amber!!! Gab!!! Namiss ko kayo!" Yayakap na sana si Michael sa amin, kaso kinaltukan ko siya bago pa niya magawa 'yun. "Hoy ano ba! Bakit ka nananakit?!" "E bakit ka rin nangyayakap?" "Bakit ba?! Namiss ko kayo e!" "E bakit rin ba? Gusto kita kaltukan e." "Lakas, parang 'di nag-aapply ng trabaho sa akin, ah." "Lah, seryoso mo naman, ang ganda-ganda ng araw e." Tumawa naman si Gab. "Sige na, turuan mo na kami Michael para makatapos kami ng maaga ni Amber at maka-gala kaming dalawa mamaya." "Ano ba 'yan, first day sa trabaho, uwian agad ang iniisip e." Rebutt niya. "Tama na ang pag-ngawa, Michael, turuan mo na kami para makapag-simula na kami, kung ano man ang pinunta namin dito." "Hindi mo pa rin ako tinatawag na kuya." He sighed in defeat. "Wala ka pa ring respeto sa kuya mo e." Totoo naman, mas matanda siya sa akin. Kaso kababata ko, ang hirap mag-kuya kapag kasama mo na ring lumaki. "Paano ba maghalo ng kape, Michael?" "Kita mo talagang batang 'to." "May customer na tayo, Michael!" "Inulit mo pa talaga, mag-kuya ka nga!" "Michael, paano maging barista?" "Ewan ko sa iyo!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Von Liam

read
598.0K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
175.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Ex-wife

read
234.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook