"Ganito, bago kayo maghahawak ng mga kung ano-ano dito sa kusina, be sure naghugas kayo ng kamay." Sabi niya at pinakita niya paano maghugas ng tama at paano na rin magsuot ng uniform namin.
"Ayoko ng magulong kusina, tatandaan niyo 'yan."
"Paano kapag ikaw 'yung magulo?" Tanong ni Gab.
"Edi ayaw mo na sa sarili mo, Michael?"
"Ano ba, magtatrabaho kayo o aasarin niyo lang ako maghapon?"
"Siyempre, para sa kinabukasan..."
"O siya, magtrabaho na tayo."
"..aasarin ka namin."
"Aba talaga naman, Gab!"
Tumawa na lang ako, habang tinitignan kung paano magasaran sila Michael at Gab. Matagal na kasi naming kasama si Michael kasi pinsan siya ni Gab. Kapag umuuwi kasi ang pamilya nila Gab dito sa Baguio, sinasama nila ako, kaya doon ko nakilala si Michael.
5 years ang tanda niya sa amin, so basically kuya namin siya, kaso masarap kasi siyang asarin kaya madalang ko lang siyang tawaging kuya.
Kahit na ba ganun, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya, kasi dahil sa kaniya nakaluwas ako dito sa Baguio, para magtrabaho at mag-aral. Kinausap ko ang magulang ko na habang bakasiyon ay luluwas na ako ng maag para makapagtrabaho muna at maka-ipon ng pang-gastos para sa darating na pasukan. Sayang din kasi ang 3 months na ipapahinga ko sa bahay, kaya naisipan kong magbanat ng buto, para makatulong na rin.
Lalo na't nangangarap akong makatapos ng kolehiyo at sa istado ng buhay namin, medyo mahirap kung hindi ako tutulong kina mama at papa...
"Miss, paorder naman." Narinig kong pagtawag sa akin ng isang customer.
"Yes ma'am. On the way po!"
---
Natapos nang hindi ko napapansin ang oras ng pagtatrabaho namin ni Gab. Hindi na rin kami masiyado pang binigyan ng trabaho ni Michael kasi baguhan pa kami kaya pinauwi niya kami ng maaga, at siya na raw ang magcoclose ng coffee shop.
"Nagugutom na ako." Banggit ni Gab.
Sakto, padaan kami sa isang convenient store. "Tara, kain tayo. Libre muna kita, tutal naman sa inyo muna ako tutuloy habang wala pa akong nahahanap na dorm."
"Wow. Thank you!"
Pumasok na nga kami at agad na naghanap ng mapupwestuhan.
"Anong gusto mo?" Tanong ko kay Gab.
"Sisig rice na lang sa akin." Sagot niya at umupo na sa dining table.
Tumango ako at umorder na. Dalawa na lang ang inorder ko, tutal ito lang din ang kaya ng budget ko. Ayoko namang pag-gastusin si Gab ng food namin ngayong gabi. Wala kasi kami kasama sa kanila ngayon. Wala ang mama niya nasa business trip.
Pagkatapos kong umorder ay bumalik na muna ako sa pwesto namin ni Gab, habang iniinit pa ang food naming dalawa.
Bago pa man ako umupo ay napansin kong nakatitig si Gab sa isang lalaking istudyante sa labas ng store. Naka-uniform pa 'yung lalaki, kaya namukhaan ko kaagad ang uniform. Katulad 'yun 'nung uniform ng mga istudyante mula sa Empire University, na nakita namin kanina.
"Hay, sana all may kakayanang mag-aral diyan sa school na iyan noh." Biglang banggit ni Gab habang naka-pangalumbaba. "Samantalang ako, need pa magtrabaho, para sure na may baon."
Ngumiti na lang ako. "Ano ba kasing meron sa university na iyan, at sobra mong ipagmalaki e."
"Aba, gurl. Wala ka talagang alam?"
"Mukha bang may alam ako?" Rebut ko sa kaniya, at halata naman gusto na lang niya mapahampas sa noo dahil sa sinabi ko. "Akala ko ba graduation kanina? E bakit mukhang pumapasok pa ang isang iyan?" Pagtukoy ko sa lalaking istudyante na nasa tapat ngayon ng convenience store.
"Malamang, 'yung iba diyan graduating sa college level or grade 12 students, kaya malamang may pumapasok pa. Nakalimutan mong graduation month ngayon?"
"Aba ewan ko. Haha malay ko ba, hindi ko pa nga makikilala school na iyan kung hindi ko nakita kanina."
Malay ko, wala naman kasi ako talagang idea diyan sa university na 'yon noh!
"Ganito kasi. Alam mo ba? Bago ka makapasok sa school na 'yun, need mo nagmula ka sa napaka-yaman na pamilya, kasi napaka-mahal ng tuition fee."
Umirap na lang ako. "Sos, magaaral na lang ako sa public school, at least wala pang iniisip sila mama."
"Hindi! Ganito, hindi mo kasi ako gets."
"E ano nga kasi?"
"Ang university na iyan, may inooffer na scholarship sa mga istudyanteng makakapasa sa entrance exam nila, at makakapasok ang score sa qouta para sa tinatawag na Imperial Section, per year, per strand and per level"
"Huh?" My ears perked. Scholarship ba kamo?
"Oo girl. Kapag nakapasok ka dun, exclusive ang section niyo kasi napakaraming benefits compare sa normal sections lang sa Empire University." Dagdag niya. "At ang masaya pa dun, libre lahat ng gastos sa school. 'Yung scholarship na iyon saklaw ang book fee, canteen fee, uniform fee, may allowance and doon ka mismo sa dorm nila na mala-hotel titira."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Grabe naman pala ang benefits ng scholarship na 'yun.
"Eto pa matindi. Kapag grumaduate ka at namaintain mo ang pagiging part ng Imperial Section, may scholarship ka hanggang college. Sila na magpapaaral sa iyo sa kahit na anong kursong gugustuhin mong pasukin sa Empire University college level."
Napa-lunok na lang ako sa sinabi niya sa akin. "Kahit mahirap, basta makapasa ka sa entrance exam at scholarship requirements, libre na lahat?"
"Oo, kaya nga nakakatuwa ang mga benefits na inooffer nila sa mga magagaling nilang istudyante."
Grabe pala. Kaya pala maganda ang university na iyon, kasi willing talaga sila maginvest sa mga students nila.
"Teka, paano mo pala nalaman ang bagay na 'yan?" Napaisip lang ako. Para kasing ang daming alam ni Gab sa school na 'to.
At napatungo naman siya. "Ah, kasi nagtry ako magentrance exam doon."
"Weh?! Anong nangyari?" Matalino si Gab, alam ko. Kaya malamang baka nakapasa siya--
"Hindi ako nakapasa." At humina na ang boses niya. Teka, mali pa ata ang natanong ko. "Nakapasa ako sa entrance exam, kaso sa scholarship exam score na required, hindi ko naabot ang qouta, kaya ayun.."
Naramdaman ko na lang ang lungkot ni Gab, at dahil alam kong masakit 'yun sa kaniya hindi na ako nagreact pa.
Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Huwag ka mag-alala, kung hindi man para sa iyo ang university na iyan, alam kong may plano si Lord na mas mabuti. 'Wag ka na manghinayang."
Napansin kong napangiti siya kahit kaunti dahil sa sinabi ko. "Salamat Amber."
"Amber De Guzman, for 2 Sisig rice!" Narinig kong sigaw 'nung cashier, kaya agad na lumapit ako para kunin ang order ko.
Pagka-abot na pagka-abot ng tray sa akin ay nagulat ako at biglang may mga binatang lalaki, siguro mga kaedad ko lang rin ang may sinugod sa labas ng store. At siyempre nacurious ako, at napansin kong 'yung lalaking naka-uniform ng Empire University ang kinukuyog nila.
Teka, aba. Pinagkakaisahan ba nila 'yung istudyanteng 'yun?!
"Baranggay Tanod!" Sigaw 'nung isa sa mga nambubugbog na binata 'dun sa istudyante.
"Run! No one should see us!"
"Cloud would reverse the card if we would be seen like this!"
"Tara na!"
Inalapag ko na muna sa counter ang tray na hawak ko at lumabas na ako para sana pigilan 'yung kaguluhan kaso, bago pa ako makalabas nagulat ako ng biglang may mga baranggay tanod ng umeksena na nagdahilan para tumigil ang mga lalaking nambugbog dun sa istudyante.
Dahil nagtakbuhan patakas ang mga ito, hinabol sila ng mga baranggay tanod at naiwan 'yung istudyanteng binugbog na halos nakaluhod na sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong parang dumudugo ang ilong at labi niya. Napatakbo ako sa kaniya.
I stooped down. "Kuya, ayos ka lang ba?"
Napatingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkatakot at pagkagulat sa reaksiyon niya. "Okay ka lang ba?" Nilabas ko ang paniyo ko para sana pantakip sa ilong niyang dumudugo pa rin. "Ito, itakip mo muna sa ilong mo tapos---"
Bigla niyang hinawi ang kamay ko na parang mali ang ginawa ko. "Hayaan mo ako, at huwag na huwag mong ikukwento sa ibang tao ang nakita mo." Pagbabanta niya.
Aba, loko 'to ah. Ako na nga 'tong concern sa kaniya kahit hindi ko siya kilala, ako pa ang aawayin niya. "Teka kuya, parang kasalanan ko pa na gusto kitang tulungan ngayon."
"Hindi tulong ang kailangan ko." Galit niyang pagsagot sa akin at tumayo na siya, kahit na kitang-kita ang pagkahilo niya. "Kung hindi dumating ang mga tanod, edi sana tapos na ang kalbaryo ko."
Anong sinasabi nito? Mamatay kaya siya kung hindi dumating ang mga tanod. "Kuya, mamamatay ka ng maaga kung hindi ka tinulungan ng mga tanod na 'yon."
"Miss, please lang. Mind your own business." Tinalikuran niya na ako at lumakad na, pero bago siya magpatuloy maglakad palayo tumigil siya saglit. "At please, huwag mo na lang ikwento sa iba ang nakita mo, kalimutan mo na lang ang nangyari. Dahil kapag lumabas pa 'to, lalo akong hindi titigilan ng F4."
"Huh?" Tumaas lalo ang kilay ko.
Hindi na ako nakasagot pa kasi naglakad na papalayo 'yung istudyante. Ayos 'yun, ugali ah. Nagagandahan na sana ako sa school niya, kaso ganun ugali niya. Tsk, siya na tinulungan, siya pa galit.
"Hoy Amber! Anong nangyari?!" Buong pag-aalalang tanong ni Gab sa akin.
Sasagot na sana ako sa tanong niya na okay lang naman ako, kaso napansin kong para bang may pulang card na nakalapag sa sahig ngayon dito kung saan binugbog 'yung istudyante.
Ano naman kaya 'yun? I level down at kinuha ang card. May image ng isang joker at may nakasulat na-- "F4? Ano ang F4?"
"Huy, ano 'yang hawak mo?" Tanong ni Gab
"Hindi ko alam, wala akong ideya. Naiwan ata 'to 'nung istudyanteng binugbog kanina e."