bc

Ang POV ng mga BAKLA sa PAG-IBIG

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
forced
campus
childhood crush
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Si Christine Joy Domingo, o mas kilala bilang Shiji, ay isang babaeng hindi naniniwala sa ordinaryong paraan ng pagmamahal.Hindi siya yung tipong naghihintay lang na ligawan.Kapag may gusto siya—lalapitan niya. Aagawin niya ang atensyon. Ipapakita niya kung gaano niya kagusto. At kung kinakailangan, siya pa mismo ang manliligaw.Pero sa likod ng pagiging confident, malandi, at palaban ni Shiji, may isang bagay na hindi alam ng karamihan...Magmahal siya nang sobra.Para kay Shiji, walang mali sa pagiging babaeng marunong gumawa ng first move. Walang mali sa pagiging clingy, selosa, protective, o sa pagbibigay ng buong puso kahit hindi pa sigurado kung ibabalik ba iyon.Dahil ang totoo, iba magmahal ang mga babaeng bakla.Minsan, kami ang unang nagcha-chat.Kami ang unang nagpaparamdam.Kami ang unang umaamin.Kami ang gumagawa ng paraan para mapansin.At kahit ilang beses masaktan, kami pa rin ang unang bumabangon para magmahal ulit.Pero paano kung sa pagkakataong ito, may isang lalaki na kayang baguhin ang pananaw ni Shiji tungkol sa pag-ibig?Sino siya?Hindi pa alam ni Shiji.Ang alam lang niya, habang hinahanap niya ang taong mamahalin niya, unti-unti rin niyang matututunan na ang pagmamahal ay hindi tungkol sa kung sino ang nanliligaw at kung sino ang nililigawan.Ito ay tungkol sa kung sino ang handang manatili.Ang story na ito ay para sa lahat ng babaeng BAKLA kung magmahal—para maintindihan ninyo kung paano kami magmahal, bakit kami ganito magmahal, at kung gaano kalalim ang kaya naming ibigay kapag tunay na ang puso namin.Dahil minsan, ang babaeng mukhang pinakamatapang magmahal...siya rin pala ang pinakakinatatakutang masaktan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: SIMULA
Shiji's POV Hindi ko sisimulan ang istoryang ito sa eksenang gigising sa umaga ang bida dahil huli na siya sa klase. Lumang kwento na iyan. Andito ako ngayon sa kubeta, dumudumi. Napakarami ko kasing kinain sa handaan ngayon. Kaarawan kasi ng pinsan ko. Wait, maglilinis lang ako ng sarili, halos isang oras na ata ako dito sa kubeta, naaliw kasi ako manood ng mga palabas sa cellphone, hindi ko na namalayan anong oras na. "Shiji, matagal ka pa ba jan?", tanong ng kapatid kong mainipin. "Patapos na," Pagkatapos, kumilos na agad ako para din makauwi na kami. "Ta, uwi na po kami, insan, salamat, happy birthday ulit," bati ko. "Sige, ingat kayo", ani ni Tita Belle. "Uuwi na kayo? Shiji parating na yung ipapakilala ko sa iyo," bira ni insan Frida. "Oo, bukas na lang, bye," ani ko. Gusto ko na rin umuwi. Ayoko muna ng mga lalaki na iyan. Ikukwento ko sa inyo bukas kung bakit. (Alarm clock ringing) Magandang umaga! Kasing ganda ko. Kilos muna ako, may pasok ako ngayon. Habang kikilos ako, ifaflashback ko muna sa inyo yung dahilan bakit ayoko munang makipagkilala ng ibang lalaki. FLASHBACK Nasa classroom na ako, since D ang unahan ng apelyido ko, malamang nasa unahan ako nakaupo, pang-apat mula pintuan. Nagtitingin ako sa paligid kung mayroon akong mabebet-an. Kaso wala. "Hoy! Sight-seeing ka na naman diyan," singhal ni Lia. "Wala nga eh, puro mga negatron ang peslak," Totoo naman. I don't judge ah, I'm just saying the truth. "Gusto ko yung pag nakita ko siya, titigil mundo ko, pakiramdam ko ibibigay ko lahat, pagsisilbihan, tutuwaran, luluhuran, charet! HAHAHAHAHAH," sambit ko. "Boset ka, HAHHAHAHAHAHA" tumawa na lang si Lia. "Wala talaga noh." "Wala talaga, pero malay mo may transferee na late lang darating," sabi ni Lia. "Ano ka, nasa telenovela? Late darating, magpapakilala sa harapan, itatabi sa akin, ganon? Kapapanood mo ng reels o Kdrama yan!" pabiro kong sabi. "HAHAHAHAHHAHAHA," tawa na lang ni Lia. "Hi, is this section A?" isang lalaking nagtanong mula sa direksyon ng pinto. Lumingon ako, gwapong lalaki na hindi ko pa nakikita sa school ever. Matangkad, moreno, may dimples, singkit ang mata, may biceps, at malalim ang boses. "Ang sarep," bigla kong banggit. Siniko ni Lia ang tagiliran ko. "Aray!" sigaw ko. "Umayos ka tan**!," pabulong niyang sabi. "Hello, yes, this is section A." sagot nung nasa malapit sa pinto na kaklase ko na si Meg. "Thanks," sabi niya. Agad siyang umupo sa likurang bahagi ng silid habang ako'y sinusundan siya ng tingin. "Mabango, check" "Matangkad, check" "Gwapo, check na check" "Malaki, ang biceps, check" "Ga** ka, Shiji, umayos ka nga, para kang nauu**ol na aso," sambit ni Lia. "Okay, behave is me," sabi ko. Umayos na lang ako ng upo. Hindi nakakaDisney Princess ang kinikilos ko. Pumasok na si Ma'am Jessica. "Good morning class, oh, Mr. Dominguez, bakit nasa likod ka? Anyways, class, we have a transferee. Late enrollee din siya. Come here muna, introduce yourself and also, iaarrange ko Yung seats alphabetical," sambit ni Ma'am. Inang 'yan! Alphabetical? Sino na naman katabi ko! Wala akong mahihingiian ng papel at sagot. "I will miss you, Lia" may pa crying effect kong sabi sabay hug kay Lia. "I will miss you too sissy huhuhuhu," sambit ni Lia na parang maghihiwalay na kami eh sa likod lang naman siya. Pumunta sa harapan si Mr. Transferee at nagpakilala. "Hi, Josh Miguel Dominguez. Nice meeting you," bored niyang sabi. "Thank you, Mr. Dominguez. Okay, everyone, please fall in line sa labas. Iaarrange ko kayo. Once I call your surname, please enter the room and seat on the designated places na inaassign ko, naiintindihan?" instructions ni Ma'am Jessica. "Yes, ma'am". Pumila na kami sa labas. Isa-isang tinawag. "Domingo," Ayan, tinawag na ako. Pumasok na ako. Nakapwesto ako sa unahan pa rin, nasa malapit sa bintana. Bale, nasa left ko bintana, sa right ko, di ko alam kung sino pa. "Dominguez," Tama ba rinig ko? Si Mr. Transferee. Agad siya pumasok. Tinuro ni Ma'am yung pwesto sa tabi ko. Napalunok ako ng laway at unayos ng upo. Napatingin ako sa bintana at nakitang nag heheart sign si Lia. Tara**tad*. Parang telenovela na ito. Will na ni ito ni Lord. Okay, habang nagsisimulang magsipwesto ang lahat, eh gumawa na ako ng paraan para makausap itong si Mr. Transferee. "Hi, taga saan ka?" tanong ko. "Concepcion," maikli niyang sagot. "Malapit lang ako doon," sambit ko. Tumango lang siya. "Ah." ... Ah. Yun lang? Pinagmasdan ko siya nang ilang segundo, naghihintay na baka may kasunod pa. Wala. Okay. So ako na naman ang bubuhat ng conversation. "Anong school ka galing?" "Saint—" Bigla siyang tumigil nang marinig namin ang kaluskos ng upuan sa loob. "Okay, class! Let's study about Biotic" sambit ni Ma'am Jessica. Naputol ang usapan namin. Umpisa na ang lesson. Napapatingin ako kay Mr. Transferee habang nagkukunwaring inaayos ang mga gamit ko kahit maayos naman talaga. Napatingin ako ulit kay Mr. Transferee. Tahimik lang siyang naglalabas ng notebook. Notebook. Ballpen. Tumigil. Okay. Wala man lang pencil case na parang may sampung klase ng highlighter. Simple. "Mabait ka ba?" tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Ha?" "Joke lang." Hindi ko rin alam kung bakit ko tinanong. Napangiti na lang ako. Natapos na si Ma'am Jessica. Oras na ni Sir Aguilar. "Good morning, class." Sabay-sabay kaming tumingin kay Sir Aguilar. Nagsimula na ang klase. At dahil first subject namin, nagpakilala muna si Sir tungkol sa mga rules at requirements niya. Ako naman, imbes na makinig nang maayos, paminsan-minsan ay napapatingin sa tabi ko. Tahimik lang si Mr. Transferee. Nagsusulat. Hindi nakikipag-usap. Hindi rin nakikialam. Parang hindi siya bagong estudyante. Kung ako ang bagong estudyante, baka sampung tao na ang kinaibigan ko bago matapos ang first period. "Shiji." Napalingon ako. "Sir?" "Are you listening?" "Yes, Sir." "What did I just say?" Natigilan ako. Tumingin ako sa board. Tumingin kay Sir. Tumingin kay Josh. Nakatingin na rin siya sa akin. Ay. Patay. "Ang sinabi niyo po ay... very important po." Nagtawanan ang mga kaklase ko. Umiling si Sir. "Very good. Sit properly." "Yes, Sir." Napayuko ako habang pinipigilan ang tawa. Paglingon ko kay Mr. Transferee, nakita kong bahagyang nakangiti siya. Napaangat ang kilay ko. "Ano?" "Wala." "Natatawa ka?" "Hindi." "Ngumiti ka." "Napangiti lang." "Same thing." Hindi na siya sumagot. Napangiti rin ako. Okay. May reaction din pala. --- Pagkatapos ng first subject, agad akong nilapitan ni Lia. "Shiji." "Hmm?" "Kamusta?" "Ano?" "Ang katabi mo." Napatingin ako kay Mr. Transferee na kasalukuyang nakikipag-usap sa isang lalaki sa kabilang row. "Okay naman." "Okay naman?" "Oo." "Yun lang?" "Anong gusto mong sabihin ko?" "Gwapo." "Gwapo." "Matangkad." "Matangkad." "Moreno." "Moreno." "May dimples." "May dimples." "May biceps." "May biceps." "At—" "Okay na, Lia." Tumawa siya. "Papansin ka." "Ako?" "Oo." "Hindi ah." "Since kanina pa, tatlong beses ka nang nagtanong ng random question." "Friendly lang ako." "Friendly?" "Yes." "Sinabihan mo siyang mabango." "Hindi ko sinabi sa kanya." "Narinig ka namin." Napahawak ako sa noo ko. "Okay, forget that." "Never." --- Third subject. Mas naging komportable na ako. Nagsimula na ang discussion at may group activity kami. As expected, pinagawa kami ng groupings. At dahil bago si Josh, siya ang pinasama sa grupo namin. "Perfect!" sigaw ni Lia. "Shut up." Napatingin si Mr. Transferee sa amin. "May problema?" "Wala," sabay naming sagot ni Lia. Umupo siya sa tabi ko. Medyo malapit. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang mukha ko. "Okay," sabi ko. "Ano gagawin natin?" Binasa namin ang instructions. "Ikaw sa research," sabi ko kay Lia. "Ikaw sa presentation." "Ako?" "Oo." "Eh bakit ako?" "Madaldal ka." "Valid." Napatingin ako kay Mr. Transferee. "Ikaw naman..." Saglit akong natigilan. "Ikaw na lang sa writing?" Tumango siya. "Okay." Simple. Walang reklamo. Walang arte. Tahimik siyang nagsimula. Habang ginagawa namin ang activity, napansin kong maayos siyang magsulat. "Ang linis ng sulat mo." Napatingin siya sa papel. "Normal lang." "Hindi." "Ha?" "Mas maganda pa sa akin." "Eh..." "Pwede pahiram ng notes mamaya?" "Sure." "Thank you." Ngumiti ako. One point. --- Lunch break. Paglabas namin ng classroom, agad akong hinila ni Lia. "Shiji!" "Ano na naman?" "Samahan mo kami sa canteen." "Sige." Habang naglalakad kami, napansin kong nasa likod namin si Josh. Hindi ko alam kung coincidence lang. Pero nang lumingon ako, nakatingin siya sa paligid. Hindi sa akin. Okay. Relax. Hindi umiikot ang mundo sa iyo. Pero nang makarating kami sa canteen, nakita kong mag-isa siyang nakapila. "Guys, mauna na kayo." Napatingin sa akin si Lia. "Ha?" "May bibilhin lang ako." "Ano?" "Water." "May tubig tayo." "Mas gusto ko bumili." Tinitigan niya ako. "Papansin." "Shut up." Lumapit ako sa pila. Tumabi ako kay Josh. "Anong lunch mo?" "Rice." Napatingin ako sa kanya. "Obviously." Napangiti siya nang bahagya. "Ano?" "Wala." "May sinabi ako?" "Ikaw ang unang nagsabi ng obvious." Natawa ako. "Okay, fair." Tahimik kaming pumila. Hindi ko alam kung bakit hindi awkward. Siguro dahil ako lang ang nagsasalita sa utak ko. --- Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa classroom. May ilang minuto pa bago magsimula ang afternoon class. Nakaupo ako habang nagdo-drawing sa notebook. Napansin kong may nahulog na ballpen sa sahig. Pinulot ko. Kay Mr. Transferee pala. "Uy." Iniabot ko sa kanya. "Thanks." "Welcome." Sandali siyang tumingin sa akin. "Mahilig ka mag-drawing?" "Oo." "Maganda." Napatingin ako sa drawing ko. Simple lang naman iyon. "Talaga?" "Oo." "Thank you." Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko sa simpleng compliment. --- Afternoon classes. Unti-unti kong napansin na hindi pala ako ang nag-iisang curious kay Mr. Transferee. May mga kaklase kaming nagtatanong kung saan siya galing, bakit siya lumipat, at kung ano ang mga dating school niya. Pero maikli lang lagi ang sagot niya. Hindi naman rude. Hindi rin sobrang friendly. Sakto lang. At dahil doon, lalo akong naintriga. May something sa kanya na hindi ko ma-explain. Hindi ko alam kung ano. Pero gusto kong malaman. Hindi dahil gwapo siya. Okay, partly dahil gwapo siya. Pero may iba pa. Parang may pader. At hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman kung ano ang nasa likod noon. --- Last subject na. Halos lahat kami pagod na. Ako, nakasandal na sa upuan habang pinipilit sundan ang discussion. Tumingin ako sa orasan. Ten minutes. Five minutes. Three minutes. "Okay, class. That's all for today." Sabay-sabay kaming napabuntong-hininga. "Don't forget your assignment." "Yes, Ma'am." Nagligpit na ang lahat. Ako rin. Habang inilalagay ko ang notebook ko sa bag, napansin kong nakatayo na si Josh. "Uy." "Hmm?" "Uuwi ka na?" "Oo." "Same." Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi. Syempre uuwi siya. Ano pa bang gagawin niya? Tumayo ako at inayos ang bag ko. Paglabas namin ng classroom, nakasabay ko siya sa hallway. Maliwanag pa ang araw. Maingay ang buong school. May mga estudyanteng nagmamadali, may naghihintay ng sundo, may nagkukuwentuhan sa gilid. Normal na araw lang. Pero para sa akin, parang may bagong parte na ngayon ang routine ko. "Shiji." Napalingon ako. "Yes?" "Yung notes kanina." "Ay." Inabot niya sa akin ang notebook. "Thanks." "Welcome." Kinuha ko. "Tomorrow ulit?" "Okay." Tumango siya. Naglakad na siya palayo. Ako naman, naiwan sandali sa hallway. Pinanood ko lang siyang papalayo. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil curious ako. Siguro dahil bago siya. O baka... Hindi. Huwag muna. First day pa lang. Umiling ako at naglakad papunta sa gate. At habang pauwi ako, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko. Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng tao si Mr. Transferee. Pero gusto ko siyang makilala. At bukas... Baka mas mapapansin ko pa siya. Hanggang sa mapansin niya rin ako. END OF FLASHBACK At iyan ang dahilan bakit ayaw ko sa lalaki o makipagkilala sa iba dahil may target lock na ako. Si Mr. Transferee. Today ko sisimulan ang Oplan ShiJo. SHIJI and JOSH! Day 1!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Don's Angel

read
78.9K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.1K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.7K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.3K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.4K
bc

In Bed With Kuya Red

read
50.6K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook