Pwede na.
Kasabay ng pag lubog ng araw ay ang pag amin sa akin ni Jeron ng mga salitang iyon.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko din alam kung paano ako magre react. Oo, inaamin ko. Ang tagal ko nang gustong marinig yun mula sa kaniya. My feelings for Jeron never changed. Not until Kiefer came.
Kaya ngayon, hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko. Yung puso ko ba na nag sasabing mahal ko si Jeron o yung utak ko na patuloy na pinipilit na si Kiefer pa din.
"I like you Mika. I still do." Mistulang napako ako sa kinatatayuan ko ng sabihin iyon ni Jeron. Kung pwede lang, lamunin na ako ng lupa dahil hindi ko talaga alam ang gagawin.
Mag sasalita pa sana siya nang may nag interrupt na boses.
"Guys, anong ginagawa niyo dyan? Dumating na yung foods. Tara na." Yaya ni Thomas sa amin. Nginitian siya ni Jeron.
"Sige Bro. Susunod na kami." Ang sagot sa kaniya ni Jeron. Tapos, ibinaling naman ni Jeron yung attention niya sa akin. "Let's go?"
Ganun na yun? Parang walang nangyari ah. Parang wala siyang sinabi? Ano yun?
"Je, ganun na lang yun? Bakit m--" I was cut nang mag salita siya at harapin ako sa kaniya.
"I'm not expecting anything, at least for now. I just want you to know that my intentions are real. My feelings never changed Ye." Mistulang naging garden ang stomach ko dahil sa butterflies nang sabihin iyon ni Jeron.
"Thanks Je. Kaya mo ba akong antayin?" I asked. Agad siyang ngumiti at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"I was able to wait for two years. Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan wala nang asungot na agila?" Then he slightly chuckled. Nginitian ko naman siya.
"In Time Je. In Time." Yun nalang ang sinagot ko sa kaniya. Two words lang pero alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.
Bumalik na kami sa VIP room at naabutan silang kumakain na.
"Ye oh, Tapsilog ang in order sayo ni Jeron kanina." Ang sabi ni Ara matapos i abot sa akin yung plato na may tapsi.
"Wala ka na kasi nung nag order kami eh." Dag dag ni Carol. Nginitian ko naman.
Lahat sila, may kaniya kaniyang plate at orders. Tapos, sa table, meron pang sizzling sisig at tofu. Partida, tig dalawang order pa. Tas ang drinks namin, mamahaling Italian Soda din.
"Ikaw ba mag babayad ng lahat Kib?" Tanong ni Josh sa kaniya.
"Oo. Bakit?"
"So, pwede pang um order?" Natatawang tanong ni Des.
"Tapusin mo muna kaya yang nasa plato mo, no Shobe." Sabi ko sa kaniya at tumawa.
Meron din palang karaoke dito. Ngayon ko lang napansin dahil kumakanta na yung mga archers.
Si Jeron nalang nga yung hindi pa nakanta kaya kinantsawan na nila.
"Sige na, King. Ikaw nalang ang hindi pa nakaka hawak ng mic oh!" Asar sa kaniya ni Andrei.
"Ayoko nga eh. Baka umulan pa." Inis na sabi ni Jeron na agad namang nag patawa sa akin.
"Sige na, Je. Kahit isa lang. Uulan lang naman eh. Hindi naman siguro babagyo." Pang aasar ko sa kaniya at tumawa. Sinamaan naman ako ng tingin.
"Sige na nga. Tss." Pumili na siya nang kanta at in insert yung number. Tumingin siya sa akin sabay sabing, "This is for the woman I like." Sinabi niya yun ng naka tingin ng diretso sa mga mata ko. Alam kong napansin din yun ng bullies dahil nag hiyawan sila.
"Oh my gosh, my JeMik heart!" Ang sabi ni May nang nag simula na yung music.
"Minsan oo, minsan hindi.
Minsan tama, minsan mali.
Umaabante, umaatras.
Kilos mong namimintas.
Kung tunay nga, ang pag ibig mo, kaya mo bang,
Isigaw, iparating sa mundo,"
Naka tingin lang siya sa mga mata ko habang kinakanta niya iyon. Alam kong may gusto siyang iparating sa akin. At naiintindihan ko yun.
Hanga din ako kay Jeron dahil nagawa niya akong intayin. It was that happening 2 years ago. We had something two years ago. Mutual Understanding. Minsan, Magulong usapan. We had a thing but it didn't work.
Pano kaya ngayon? Mag work na kaya?
Naramdaman kong lumapit sa akin si Ara at binulungan ako,
"May something pa din yan no?" She said.
"Anong something? Sira sa ulo?" Then I laughed. I knew she wasn't joking dahil seryoso ang mga mata niya. Pabiro akong tumawa. "I know. That's why I asked him to wait." Ngumiti ako kay Ara. I know she got my point. Matalino si Ara no.
"Kung maging tayo,
Sayo na ang puso ko."
Tinapos na ni Jeron yung kanta at tumabi sa kay Thomas na katapat ko lang.
"Naks, Bro. Mukhang inspired ah." Natatawang sabi sa kaniya ni Jayson.
"Sira." Natatawang reply ni Jeron sa ka team.
"Wushu. Eh alam naman namin yung para kanino yun Kuya Je eh." Ang sabi ni Dawn at palihim na tumingin sa akin.
"Tigilan niyo nga si Jeron. Baka mamaya mapa ihi yan sa sobrang kaba." Natawa si Kim sa sarili niyang joke.
Mabuti naman at medyo tumigil na ang pang aasar nila. Pero, hindi pa pala tapos.
Ako naman daw ang dapat kumanta. Talagang inikot nila yung mic para lahat maka kanta eh. At since ako yung nandito sa dulo, ako ang huling kakanta.
Kaya nga dito ako pumwesto eh. Tsk. Akala ko ligtas na ako. Asar.
"Parang isang panaginip ang muling mapag bigyan.
Tayo ay muling mag kasama.
Ang dati at bali wala."
Medyo, nasa kalagitnaan na ako ng kanta nang mapa tingin sa akin si Jeron. Hindi niya na inalis ang tingin sa akin kanina pa.
Alam kong nakukuha niya ang message ko. 'Kay tagal naming nag intay. Kay tagal kong nag intay. Pero kami din pala sa huli.'
"Wow, Ye. Sagutan lang kayo ni Jeron?" Sabi ni ate moks at tumawa.
"Nag kataon lang na pareho yung choice of song namin, Ate Moks." Sagot ko at tumawa din. Bigla namang sumingin si Carol sa usapan.
"Kunyari ka pa. Eh alam naman ng lahat ng tao na nandito sa loob ng room na to na may something kayo ni Jeron eh." Pang aasar ni Carol dahilan para mapuno nanaman ng asaran at kantsawan ang room na ito.
Around 9 nang mag yaya silang umuwi na. Siyempre, pagod din naman kaming lahat no dahil pare pareho kaming galing sa training.
Sa sasakyan kami ni Jeron sumabay. Ang nandito, Ako, Ara, Kim, Carol, Majoy, Des, Thomas, Andrei at Joshua. Yung iba, sa Hillux ni Kib sumakay.
Mabilis din naman kaming naka balik sa dorm. Bukas, half day lang naman ako kaya okay lang kung late na ako makakatulog ngayon.
Kasalukuyan na akong naka higa sa kama. Binuksan ko yung libro na binabasa ko. 'Until He ReturnedTapos na kasi ako sa kwento ni John. Etong Until He Returned ay book two nung binabasang libro ni Jeron na galing sa w*****d.
'Malamig ang hangin dito sa Davao habang naka upo ako sa Magsaysay Park.'
Yung unang mga sentence palang ang nababasa ko nang may mag text sa akin. Kaya nilapag ko muna yung libro sa may side table at binasa ang message.
From: #639********
Ye, I know you already deleted my number. Ako to, si Kiefer. Can we talk? Kahit saglit lang please? Nandito ako sa may 7/11. I hope you'll come.
Hindi ko na sana papansinin dahil wala nanaman akong pakielam sa kaniya. Wala na nga ba?
Pero dahil makulit ang puso ko, pupunta ako. Bumaba na ako sa lounge at nag suot ng hoodie.
"Kim, alis lang ako saglit ah." Paalam ko sa kaniya at lumabas na. Gising pa si Kim. Nag aaral. Masipag yun eh.
Nag lakad ako papunta sa 7/11 at malayo palang, tanaw ko na si Kiefer. Naka upo sa favorite spot naming dalawa.
"Ye! Thanks for coming." Naka ngiting sabi niya. Hindi ko alam kung nagulat lang siya o naka limot pero bigla niya akong niyakap. Agad ko namang inalis ang pag kaka yakap niya sa akin.
"Baka sabihin ng iba, ang landi ko. Nakikipag kita pa din ako sayo." Sinabi ko yun without even looking at him in the eyes. Totoo naman eh.
Akala nang iba, ako yung nandaya. Ako yung nag cheat. May kumalat kasing video na nasa bar ako, nakikipag halikan sa ibang lalaki. Eh ang mga dakilang fantards ni Kiefer, paniwalang paniwala.
Hindi naman ako yun eh. Kamukha ko lang.
"Sorry." Yun lang ang sinabi niya. Isang salita pero madaming kahulugan.
"Why did you ask me out?" I asked. Tumingin siya sa akin sabay sabing,
"Gusto ko lang naman humingi ng tawad. And, closure." Napa tingin ako sa kaniya bigla.
Ilang months na din ang nakakalipas pero, tama siya. Wala kaming proper break up. Kasi the day na nakita ko sila ni Aly na mag kasama, hindi na kami nag kita ulit. Sa text lang ako nakipag break sa kaniya.
"I want you to know that my intentions were clean. I really loved you, Ye." He said. Hindi ako tumitingin sa kaniya dahil alam kong tutulo ang luha ko. "Kaya lang, parang hindi talaga tayo eh. I'm not the one for you. Sabi nga nila diba, an eagle is only for an eagle." Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niyang yun.
Oo. Alam ko at nakikita ko na yun sa mga tweets ng fans. Pero mas masakit pala kapag kay Kiefer mismo nanggaling.
"Sabihin na natin na tama yung mga fans. Mabilis akong naka move on kay Trinca at naging tayo agad. Pero Ye, minahal kita ng tunay. I was sincere. Kaya nga lang, I felt that we're not meant for each other." He sighed. "I'm sorry that I had to cheat. It's just that, I didn't know how to tell you. Ayokong saktan ka." But you already did.
"You're a good person. Karapat dapat kang mahalin at alagaan. That's why I'm so sorry for being a fool." Nag sigh na din ako at nag salita.
"Kief isa lang naman ang gusto ko eh." Napa tingin siya sa akin. "Everyone thinks that I was the one who cheated. Everyone thinks that I'm flirt. Bakit ganun? Nadudumihan ang pangalan ko kapag ikaw ang kasama ko. Nung naging tayo, nagalit sa akin ang Lasallian community dahil nga agila ka. Tas nung nag break naman tayo, sinabi ng mga taga Ateneo na malandi ako at tinwo time kita." He slightly laughed.
"We both know that's not true." Tumingin siya sa akin at yumuko. "Pasensya na dahil nadumihan ko ang pangalan mo." Napa ngiti ako bigla. Hindi ko din alam kung bakit. I guess, this break up is not as hard as the others.
"Thanks, Kief." Yun lang ang sinabi ko bago siya tuluyang mag salita ulit.
"I'm breaking up with you." Nag nod si Kiefer at nginitian ko nalang. Tumayo na siya at nakipag shake hands sa akin. "Salamat Ye." Sabi niya ng naka ngiti bago tuluyang umalis.
Maya maya pa ay lumabas na din ako sa 7/11. Nag lakad lakad lang ako hanggang sa maka rating ako sa park. Madilim. Pero hindi ko alam dahil as soon as maka upo ako sa bleachers, bumukas yung mga ilaw.
Tapos may umupo sa tabi ko at inabutan ako ng ice cream.
"Gabi na ah." He said.
"It's official." I sighed. "Kiefer and I are finally over."
Natahimik siya bigla as I start to tear up. Hinayaan niya lang ako na umiyak at ilabas ang mga dapat kong ilabas.
Tahimik lang siya habang umiiyak ako nang naka sandal sa balikat niya.
Nang makalma naman ako ay inabutan niya ako ng panyo. Tas ng isa pang ice cream.
"Thank you so much for being here every time I need you, Je." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Alam ko naman na kailangan mo ako eh." Then he laughed.
"I feel so relaxed now. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaang na sa pakiramdam ngayon." He smiled again.
"Kasi nailabas mo na." He looked away. "There is no reason to shed tears for a man like him, Mika."
Natahimik ako ulit. Alam kong hindi ko na dapat iniiyakan si Kiefer. Totoo naman diba?
"Pwede na, Je. Our right time has finally arrived."
"I can still wait. I'm not pressuring you, Miks." Naiintindihan ko siya. Alam kong ayaw niya na maging rebound. Hindi naman eh. Hindi ko naman siya gagawing panakip butas eh.
"Kaya mo pa bang mag intay?" Tanong ko.
"I'll hold on, still." Then ngumiti siya.
Niyakag niya na akong umuwi dahil gabi na daw at malamok na. Tahimik lang kaming naglakad pabalik sa dorm habang magka hawak ang kamay.
"Thanks Je." Sabi ko at niyakap siya.
Matagal at mahigpit na yakap ang ganti sa akin ni Jeron. Sabay nang pag laro niya sa buhok ko.
"Goodnight." Sabay na sabi namin sa isa't isa.
Hindi muna siya agad umalis. Instead, inantay niya akong makapasok ng tuluyan sa dorm.
Nag-shower na ako at umakyat para makapag pahinga.
Mabuti nalang talaga at nandyan si Jeron lagi para i comfort ako.