Cute mong mag selos
The next day passed like a normal day. Wala namang awkwardness sa amin ni Jeron. I mean, bat naman magiging awkward kung alam naman namin yung feelings ng isa't isa diba?
Maaga akong nagising ngayon. 3AM palang gising na ako. And for an unknown reason, hindi na ako maka balik sa tulog ulit. Kaya nag decide ako na mag basa nalang muna ng libro. Yung 'Until He Returned' na book two nung Until Trilogy. Nasa chapter 5 na ako eh.
So the story goes on like this,
Elijah and Klare are both Montefalcos. Mag pinsan sila. They belong to a rich and well known family in Cagayan. Madami silang mag pipinsan actually.
Lahat ng pinsan nilang lalake, puro playboy. Siyempre, that includes Elijah. But things changed when Elijah fell for Klare. He knew it was wrong. But what can he do? He was so in love with her. The same goes for Klare. Kasi she also finds herself in love with Elijah. They were in a relationship for a whole now nang mahuli sila ng mga pinsan nila. Clearly, that was i****t.
Their parents was so disgusted. Who wouldn't right? Sabay silang lumaki, pareho ang mga dugo na dumadaloy sa kanila tas mai in love sila sa isa't isa? Napaka dami nilang challenges na na face and it is really amazing dahil they were able to stay strong. That's why I love this story at binabasa ko ng paulit ulit.
Anyway, nang makaramdam ako ng boredom, nag decide ako na bumaba na muna for a jog. Tulog pa halos lahat ng spikers at 5 pa naman ang training namin kaya magja jogging muna ako.
I put on my jersey shorts, la salle shirt at nag suot ng nike hoodie. Ang lamig kaya sa labas no.
I was running for an hour now at alam kong maya maya ay gising na ang spikers. Naupo muna ako sa may bleachers dito sa field.
"Aga mo ah." Napa angat bigla ang ulo ko nang marinig ang isang familiar na boses.
"Good morning, Josh." I smiled.
"Pwedeng umupo sa tabi mo idol?" Nag nod naman ako. Tapos noon ay inabutan niya ako ng Pocari Sweat
"Thank you. Ikaw lang mag isa?" Tanong ko sa kaniya. Nag nod siya.
"Tulog pa silang lahat eh. 7AM pa naman kasi ang training." Oo nga pala. Kasunod ng training namin ay ang training ng archers. "Hindi naman siguro magagalit si Kuya Jeron no?" Napa lingon ako bigla nang tanungin niya yun. Agad din namang napawi ang gulat sa aking mukha dahil natawa ako.
"Why would he?" I asked. Then he shrugged.
"You know, uh.. Something going on between you two eh?" I laughed 'cause I felt the tension in his voice.
"Jeron and I are close friends." Then I stopped, smiled after remembering that night. "At least for now." I shrugged.
"Nililigawan ka niya?"
"Hmm, no. Wala pa namang ganun ngayon." Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Josh sa sinabi ko dahil naka hinga siya ng maluwag. Wait. I'm not assuming no.
"Ikaw? How's life?" I asked. Napa ngiti naman siya ng malaki.
"There is someone I like. At baka pormahan ko na siya soon." Then he grinned. Napa tawa nalang ako
"Go, kaya mo yan!" Page encourage ko sa kaniya at tumawa.
Napa tingin ako bigla sa wrist watch na suot ko. Shoot! Quarter to five na at malamang gising na ang mga ka team ko.
"Josh, I'll head out first ha. You know, 5AM ang training namin today." Tumayo na din siya at tiningnan ang oras.
"Hatid na kita, idol. Few blocks away lang naman ang dorm namin eh." Nag nod ako at sabay na kaming nag lakad ni Josh. Siyempre, hindi mawawala ang kwentuhan.
It's fun to be with him, seriously. Joker din kasi siya eh.
"Knock knock." He said.
"Ano nanaman?" sandali akong tumigil para tumawa. "Who's there?"
"Mirror." Hindi niya pa sinasabi ang joke, napapatawa na siya. Kaya confident ako na waley to.
"Mirror who?"
"I've got the eye of a tiger, a fighter, dancing thru the fire, 'cause I am a champion and you're gonna hear mirrooooor." Napa tigil ako saglit matapos ang joke ni Josh. Na katinginan kami at sabay na tumawa.
Tumawa ako ng malakas." LAST MO NA YUN HA! Ang corny eh."
"Corny eh bat natawa ka--" natigil siya sa pag tawa at napa tingin sa harap niya. "Kuya Jeron." Napa lingon tuloy ako bigla.
Jeron was standing in front of our dorm. He was holding a paper bag on his right hand but on his left is yung fist niya na naka bilog. He doesn't look happy tho.
"Je." I smiled. Pero hindi niya ako pinansin. Nag katinginan tuloy kami ni Josh.
"Ah, ano, Ate Mika. Una na ako ha. Mag aayos pa kasi ako dahil may training." Naka ngiting sabi niya sa akin.
"Okay, thanks ulit Josh." Sabi ko sa kaniya at ngumiti. Matapos nito ay kay Jeron naman siya nag paalam.
"Je, pasok ka muna." Offer ko sa kaniya at nginitian ako. Pero walang smile back? Problema nito?
"Wag na. Babalik na ako sa dorm. Tsk." Napa ngiwi ako bigla. "Oh. Breakfast mo." Sabi niya at inabot ang paper bag.
Hindi niya na ako inintay na mag salita dahil mabilis na siyang umalis. Problema nun si Jeron?
Nag shrug nalang ako at pumasok na sa dorm. Hindi ako nag kamali dahil gising na silang lahat at naka ready na para sa training.
"Oh, san ka galing?" Ang tanong sa akin ni Cyd.
"Ang aga ko nagising eh. Nag jog." Sabi ko at dumiretso sa kitchen para uminom ng tubig.
"Ikaw lang mag isa?" Tanong naman ni Ate Moks.
"Uhm, parang. Pero may nakasabay ako pauwi eh." Ngumiti yung mga rookies at sabay sabay na nag salita.
"Si Kuya Jeron?!" Sabay sabay na sabi nila. Umiling ako.
"Joshua. Torralba." Sagot ko na agad nagpawi ng ngiti ng mga rookies. Aww. Disappointed?
"Kaya pala. tsk. Hindi mo alam kung gano katagal nag intay si King sa labas." Ang sabi ni Ara dahilan para ma curious ako.
"Ha?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"Ang aga niyan nandito. Hinahanap ka. Sabi niya nag text daw siya sayo. Hindi ka nag reply. Binilan ka pa nga ng breakfast eh." Agad akong napa tingin sa phone ko at nakita ang sunod sunod na text ni Jeron.
From: Idol Jeron
Good morning, Ye. :) dorm ka?
From: Idol Jeron
Diba 5AM ang training niyo today. Dalhan kita breakfast. :)
From: Idol Jeron
Ye, I'm outside your dorm. May breakfast akong dala.
From: Idol Jeron
Ye? Baby?
Shoot! Hindi ko napansin. Ang dami nang text sa akin ni Jeron.
"I was so busy jogging kaya hindi ko napan--" na cut ako nang mag salita si Kim. Bastos. Heh.
"Busy jogging or busy with some other guy? Tsk." Napa iling siya at nag suot na ng sapatos pang training.
Napa tingin naman ako bigla sa paper bag na inabot sa akin ni Jeron. Carbonara. Aww. Favorite ko to
To: Idol Jeron
Je, sorry ngayon ko lang nabasa messages mo. :( thank you sa breakfast. Kita tayo mamaya sa razon. :)
Hindi ako natutuwa. Anong meron ngayong araw at minamalas yata ako? Ayaw mag send ng message ko dahil wala na pala akong load!
"Baks, baka gusto mo nang mag training?" Natatawang sabi ni Carol at niyakag na akong lumabas ng dorm.
Dumiretso na kami sa Razon for our morning training. As usual, it wasn't that easy.
Spike dito, dig doon, block dito, serve doon. For others, madali lang. Never naging madali ang training under Coach Ramil's system. He is not one of the most respected volleyball coaches in the Philippines for nothing.
Saktong 7AM nang matapos ang training namin. Nandito na din ang Archers at nagre ready na para sa training nila. Hindi ako pinapansin ni Jeron. Oo, tumitingin siya pero matatalim na tingin ang binibigay niya sa akin.
Pinag stay muna kami nina Coach dito sa Razon dahil may special announcement daw siya. Kung ano yun, aba malay ko.
"Archers, gather sa may bleachers." Ang utos nung coach nila Jeron sa kanila. Agad naman silang umupo sa mga bleachers. Thomas was sitting beside Ara, Gab beside Carol, Josh beside me and Jeron beside Majoy. Bakit siya sa akin tumabi?
"Bad mood yata si Je." Ang bulong ko kay Joshua. He just shrugged.
"Possessive ate eh." Then he laughed. I didn't get his point tho.
"Okay, I know that you guys have no idea kung bakit kayo nandito ngayon, right?" Coach Ramil started."Archers, I know you were all disappointed dahil maaga kayong nalaglag sa season. As for the Lady Spikers, malapit nang mag start ang season and they have one goal, reclaim the crown."
"Yeah! Animo!" Ang sigaw ni Kib na nag patawa sa aming lahat.
"Alam namin na madami dami din ang rookies ng Lady Spikers. And as for you guys, madami din kayong rookies. Kaya naman, para mas makilala ninyo ang isa't isa, Coach Ramil and I decided to give you guys time to bond together. A team building." Agad na napa sigaw ng Yes ang mga archers dahil sa sinabi ng coach nila.
"You will be having a 3 day stay in Cagayan de Oro for a team building. Everything is set. Your tickets, hotels and other activities. Bukas na bukas din ang alis ninyo." The coaches gave few more instructions bago kami tuluyang i dismiss. Hindi na din pinag training ang archers dahil may mga pasok pa daw sila.
Kaming dalawa nalang ni Jeron ang naiwan dito sa Razon. At napaka awkward ng atmosphere.
"Je, may problema ba tayo?" Ang tanong ko sa kaniya. Malamig niya akong tinitigan sabay sabing,
"Wala." Bigla akong gininaw sa sagot niya! Wala palang problema...
He grabbed his training bag at nauna nang ma lakad. I did the same at hinabol siya.
"Uy Je, sorry na. Nag jogging kasi ako kanina kaya hindi ko nabasa ang text mo. Naka balik na ako sa dorm nang mabasa ko ang messages mo. Magre reply naman sana ako kaya lang wala na akong load, sorry." Sabi ko at yumuko. Walang effect. Wala.
"So?" Inis na sabi niya at nag lakad na ulit palayo.
"Jeron, ano ba! Kung may problema, sabihin mo sa akin. Hindi yung iniiwasan mo ako, bwisit!" Galit na sabi ko sa kaniya.
"Yun naman pala eh. Eh bat kasama mo si Joshua kanina? Kaya ba hindi ka naka reply sa akin at hindi ka manlang nag effort dahil busy ing busy ka kay Josh? Mukha ngang nag enjoy ka eh. Jogging ba yun o date?" sabi niya at nag smirk. He's freaking out because of that?!
"Hindi ko napansin yung messages mo dahil una, nagja jogging ako. Pangalawa, hindi yung iwatch ang suot ko. Pangatlo, hindi kami sabay na nag jogging ni Josh. Nag kita lang kami nung parehas na kaming tapos mag jogging. Nag kwentuhan lang kami. Nothing more, nothing less." Page explain ko sa kaniya.
"Eh bat di ka nag reply?" He asked. Napa kunot bigla ang noo ko.
"Wala nga akong load!" Ang sagot ko naman.
"Eh bat di ka nag paload?" Isa pang tanong niya.
"Hello, 5AM. May bukas na bang tindahan ng 5AM?" He shrugged.
"May utang offers naman ang TM ah. Bat di ka nag try?" He asked. Ugh, problema ba nito?!
"Je, ano bang problema mo?! Nakapag explain na nga ako sayo diba. Nasabi ko na ano pa bang kulang?!" Inis nq sabi ko.
"Fine." He sighed. "Nagse selos ako, okay?! I'm freaking jealous dahil umagang umaga si Josh na agad ang kasama mo imbes ako. Naiinis ako dahil na late ako at hindi ko na isip na mag jogging nalang din para may makasama ka. At mas lalong naiinis akong makita na masaya ka habang kasama si Josh. Happy?!" Inis na sabi niya which actually made me smile.
Kaya pala. Nagse selos pala.
"Why are you smiling?!" Inis na tanong niya sa akin. Then I laughed.
"Nakaka tawa ka kasi eh." Tinaasan niya ako ng kilay. "Cute mong mag selos." Sabi ko at tumawa. Halata naman na nainis siya dahil nag cross arms siya.
"It's not funny, Miks. Not funny." He sighed. "Hindi mo alam kung gano ako kinakabahan tuwing makikita ka with some other guy. Natatakot ako tuwing may umaaligid na lalaki dahil baka maagaw ka pa sa akin." I smiled.
Lumapit ako sa kaniya at inayos ang buhok niya.
"No need to be threatened. Sa'yo lang ako. ano naman kung may ibang lalaki sa paligid? Eh ikaw naman yung gusto ko." Sabi ko at ngumiti. Then he finally smiled. Finally!
"Promise me, you won't ever come near him again." Napa kunot ang noo ko.
"Possessive mo. Baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo." I laughed as his face looked irritated.
"Basta. Gusto ko ako lang ang tumutingin sayo."
"Kasalanan ko bang maganda ako and I'm head turning." Sabi ko at nag cross arms.
"Oo. Hindi ka dapat nag papaganda. Unang una sa lahat, ako lang dapat ang tumitingin sayo dahil para sa akin ka lang. Gets?" Napa tawa ako bigla.
"Ang possessive naman ng future ko." Sabi ko sa kaniya.
"Tss. Mag hanap sila ng iba no. Akin ka lang." Sabi niya at inakbayan pa ako as we started walking.
"Wag ka nang magtatampo ah? Sa'yo lang ako." He nodded.
"Please, don't ever do that again." This time ako naman ang nag nod.
"Tara na. May class pa tayo eh." Yaya ko sa kaniya at ngumiti. Sabay kaming nag lakad at hinatid niya ako sa dorm.
"Akin ka lang Miks ha." Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin kasabay ng pag sabi ng mga salitang iyon. I smiled.
Pumasok na ako sa dorm at na ready na para sa first class ko.
Bago muling umalis, nag log in muna ako sa twitter ko.
@mikareyesss- only yours. :)