Chapter 9

2146 Words
I Love You Maaga pa lang ay gising na kaming lahat para sa flight namin papuntang Cagayan de Oro. 5AM ako halos nagising. Ako nga ang una eh. Kaya agad akong bumaba at nag prepare ng breakfast ng mga ka team ko. Kailangan ay heavy breakfast dahil malayo layo ang byahe, though we're riding a plane. Maya maya pa nang naramdaman kong may bumaba. Sina Ara at Carol na pawang kagigising lang. "Aga mo, Ye ah." Bati ni Ara at nag timpla na ng kape. "Excited na kasi ako sa trip." I chuckled, natawa na din si Carol. "Excited sa trip o excited makita si Jeron?" Pag aasar niya at sinamaan ko nalang ng tingin. Around 5:30 ng matapos akong mag luto, well tinulungan din naman ako nung dalawa eh. Gising na din ang lahat ng spikers at nagbe break fast na kami ngayon. At siyempre, maingay na din. Matapos kumain ay nag ligpit na kami. Rookies ang naka toka na mag hugas ng pinggan ngayon so let them be. Ako naman ay naligo na at nag prepare. Naka impake nanaman na ako kagabi pa eh. I cant help but smile when I remember Jeron and I's conversation last night. Wala pang commitments pero napaka possessive na. Pano nalang kaya kapag naging kami na? "Ano ba yan, astroboy. Always late ah." Inis na sabi ni Justine kay Kib. Nandito na kasi kaming lahat sa may 7/11, ang napag usapang meeting place bago pumunta sa airport. So bale, dalawang van ang dala namin. "Pasensya na. Ka face time ko kasi si Camille kagabi kaya late na naka tulog." Sabi nito at nilagay na ang mga gamit niya sa likod. "Naks. Kaya pala, lumandi." Pang aasar sa kaniya ni Josh at tumawa. Kib just showed his middle finger na ikinatawa lalo ni Josh bago tuluyang pumasok sa van. So it's Me, Ara, Kim, Carol, Jeron, Thomas, Kib, Gab, Kianna and Justine ang naka sakay dito sa isang van. Sa kabila is yung mga rookies wit Cyd and Ate Moks. "Is everything set? Wala na ba kayong naka limutan? Passport, tickets, clothes, foods." Paalala ni Gab sa amin. "Wala na akong nalimutan. Kayo baka meron." I said. "May nakalimutan ka Miks." Curious akong tumingin kay Jeron na ngayon ay katabi ko "Huh?" I asked. "Yung puso mo. Naiwan mo sa akin." Sabi niya at nag smirk. Dahilan para ulanin kami ng kantyaw ng mga kasama namin dito sa van. "Umagang kay landi!" Ang sabi ni Carol at tumawa "Pssh. Palibasa kasi, LQ!" Pang aasar ni Thomas sa kay Carol at tumawa. Sinundan ito ni Ara nang pag sasabing, "Ehem The FORT! Ehem!" Sabi ni Ara at tumawa. Tumawa na din kami ni Jeron at nakipag apir pa kay Ara. Umabot ng isang oras ang byahe papuntang airport. Mag ka sabay lang halos na dumating sa airport ang mga vans namin. Pag ka babang pagka baba nga eh ang ingay agad ng rookies from both teams, halata ang excitement. "I can't believe na konti nalang nakaka rating na tayo sa home town ni Azi my love so sweet!" Ang masayang sabi ni Tin with her dreamy voice. "Nasan na yung luggages mo?" Jeron asked. Tinuro ko naman sa kaniya ang isang maleta na pang hand carry lang. "Yan na yun?" Napa kunot ang noo niya. "Oo. We'll only stay there for three days. Tsaka may backpack pa ako oh. Three days Je, hindi three weeks." I laughed pertaining to his luggage. Meron siyang isang malaking maleta at may backpack pa. "Tsk. Travel bag to. Mga damit ko yung nandun sa maleta." Sabi niya at binelatan pa ako. Kinuha niya na yung maleta ko at naunang mag lakad. Hmm, what's in it for Jeron's airport fashion today? Khaki shorts, a white Hollister shirt, brown topsider, Rayban glasses, and a cap. Napa tingin din tuloy ako bigla sa suot ko. Short shorts, white shirt, vans, glasses and cap. Ah, well. "Nag usap ba kayo ni Jeron?" Kim then laughed at nauna nang mag lakad sa amin.  10 AM nang maka rating kami sa Cagayan De Oro. Sinalubong kami nung dalawang van na mag hahatid sa amin patungo sa Limketkai Luxe Hotel. Isa sa mga pinaka sikat at pinaka mahal na hotel dito sa CDO. Isa isa na kaming nag check in. Sina Kim, Ara, at Carol ang kasama ko sa room. Well, sanay nanaman ako. Kung tutuusin kulang pa nga ng dalawa dahil wala ang kambal. "San tayo mamaya?" Ang tanong ni Kim. "Feeling ko, hindi pa mag yayang mag tour yung mga yun dahil pare parehas pa tayong pagod at sabog." Napa tawa kaming lahat sa sinabing iyon ni Carol. She has a point tho. "Edi, libot nalang tayo dito sa hotel. Tas swimming at bar mamayang gabi. G?" Offer ko. "Nag text si Thomas." I rolled my eyes sa sinabing iyon ni Ara "Lagi naman diba?" then I wiggled my eyebrows. "Che." She glared. "Wala pa daw sa mood mag explore ang mga archers kaya most probably, dito lang tayong lahat sa hotel ngayong gabi." Ang sabi niya. "Oh, edi sabihin mo, nag offer si Mika na swimming and bar tayo tonight!" "Ayt." Nag paalam naman si Kim na sasabihan niya muna ang rookies patungkol sa plano. The ever responsible team captain. Nang makabalik siya ay sinabi niyang nag paalam ang rookies na pupunta muna sa Centrio Mall. Kasama naman daw sina ate Moks kaya okay lang. Tsk. Ang yayaman talaga nung mga rookies, wala pa kaming isang oras dito, mall agad!  From: Idol Jeron Anong ginagawa ng mahal ko? Napa tingin ako sa mag kabilang side ko kung nasa paligid ba sina Ara. Mabuti nama at wala dahil hindi nila ako nakikitang nagba blush. To: Idol Jeron Mahal ko? Possessive lang? HAHAHA wala po, eto. Bored I replied. Wala pang isang minuto ay nag vibrate ang phone ko. Tumatawag si King. "Hi, Ye!" Bati niya on the phone. "Missed me agad?" Then I laughed. "Sobra. Tsk. Wag ka kasing magpapa miss!" Inis na sabi niya at napa tawa nalang ako. "What are the plans for tonight?" He asked. "Sabi ko sa kanila dito nalang muna tayong lahat sa hotel eh. Mukhang wala din namang plano gumala pa ang archers." Then I heard him laugh. "Wala pa nga. But Thomas is out. Maybe mag kasama sila ni Ara ngayon." He said. "So ikaw lang mag isa dyan ngayon?" I asked. "Nag kanya kanyang lakad sila eh. Kib, Andrei, Joshua and Jason went out to the mall. Si Thomas, baka nasa baba lang with Ara. Gab is here with me. Pero wala ding sense dahil natutulog lang siya." He laughed then hissed. "Pwede ba kitang i video call?" By the tune of his voice, alam kong naka pout siya ngayon. Pero tinawanan ko nalang dahil hindi ko alam kung pano makakayanan ang cuteness niya. "Carol is here." I looked at the bed beside me, kung san naka higa si Carol. "She's sleeping. We might wake her up kapag nag video call pa tayo." Then I smiled. Halos mapa talon naman ako sa kinauupuan ko nang mag salita si Carol habang natutulog. "Hindi ako nags sleep talk." She said. "Ayos pang na mag video call kayo. Naka earphones naman ako eh. Pwedeng mag landian." Sabi niya at tumalikod na. Napa tawa naman ako nang marinig ang tawa ni Jeron on the other line. So we talked for a little bit, pero nag paalam na ako sa kaniya dahil sinabi kong inaantok din ako. Natulog na ako at hindi namalayan ang oras. 4PM na pala at hindi pa ako nagla lunch. Wala na din si Carol. At mukhang ako lang ang naiwan dito sa room.. "Oh, Ye. Gising ka na pala." Sabi ni Ara nang maka pasok na siya sa kwarto. "Haba ng tulog ko. Nag lunch na kayo?" She nodded. "Aalis kami ni Thomas. Baka pumunta sa centrio. Sama ka?" Why is everybody in Centrio? "Hindi na. Kakain muna ako saglit. Enjoy kayo." Then I smiled. Naligo na ako at nag bihis. Bumaba na din ako sa lounge at pumunta sa resto para kumain. Maya maya pa nang mag text sa akin si Jeron. He's asking me out. I wonder where. Around 5:30 nang matapos ako sa meal ko. Agad naman akong nag text kay Jeron at sinabing ready na ako. Nasa may parking lang daw siya ng hotel. Parking? Wala naman kaming dalang sasakyan ah. "What are you wearing?" Inis na tanog niya nang makita ako. "Clothes." I rolled my eyes. "I mean, bat sobrang sexy?" I smirked. "Problema mo ba?" He just hissed then ordered me to get in the car. Naguguluhan akong pumasok sa chevy "Who's car is this?" This time, siya naman ang nag smirk. "I made friends. Madali akong napag katiwalaan dahil si King Archer naman ako, relax. Oh, and wear this." Inabot niya sa akin ang isang jacket before started driving. Jacket? Saan naman kami pupunta?  "Tulog ka muna kaya?" He offered. Napa tawa naman ako. "Ang haba na ng tulog ko kanina. Baka hindi na ako maka tulog mamayang gabi kapag natuloy pa ulit ako." I laughed as he nodded. Nilaksan ko naman ang volume ng radio as a song started playing. Nakilala kita sa hindi ko Inaasahang pag kakataon. Nakaka bigla at para bang Sinadya at tinakda ng panahon. ? I was laughing and smiling on my mind dahil sa playlist. Hindi naman halatang JaDine fan ang owner ng sasakyan na ito no? Napa tingin ako bigla kay Jeron nang sumabay siya sa pag kanta kina James at Nadine. Natawa kami dahil masyado siyang trying hard! Maya maya ay narating na din namin ang aming location. "Welcome to Dahilayan Forest Park." Ang naka ngiti niyang sabi sakin nang mapa hawak ako sa bibig ko. "Je." "I know." Then he smiled. Lumabas na kami sa sasakyan at mag ka hawak kamay na binagtas ang lugar. Jeron and I are very close ever since we started college. I must admit, it's true that we had something before. Akala nga namin nun, kami na talaga. But Kiefer entered the picture. He knows na iba talaga yung feelings ko para kay Kiefer. He gave way. He let me love Kiefer kahit na dapat siya yun. Hindi kaya ako makapili nun. I was torn between my first love, Kiefer and Jeron, the person who is always by my side. Pero Jeron pushed me away eh. Kaya napilitan akong mahalin si Kiefer. Basta, magulo. Kaya labis nalang yung pasasalamat ko dahil kahit na may Kiefer ako noon at may Jane siya noon, we still stayed as friends. Kahit na naging awkward nga dahil sa nangyari. "You're too quiet." He said as he held my hand. Tahimik lang kaming tinitingnan ang breath taking view dito sa Dahilayan habang iniintay ang sunset. "I'm just thinking of something." Napa tingin siya bigla sa akin. "Care to share?" Nilaro niya ang mga daliri ko habang naka tingin ng diretso sa mga mata ko. "Ang dami nang nangyari. Tayo pa din pala in the end." He smiled then nodded. Hinarap niya ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay ko. "Do you know why I brought you here?" Umiling ako. "This is the place where Elijah and Klare had their first official date. Remember that?" Napa tingin ako sa paligid nang ma realize ko. Oo nga. Sa libro na binabasa namin ni Jeron, dito unang dinala ni Elijah si Klare. Silang dalawa lang, hindi kasama ang mga pinsan. Dito din sila nahuli nila Pierre at Hendrix. "I remember now." He smiled. "Klare and Elijah's love story was not easy. Napaka daming challenges pero naniwala sila na in the end, sila pa din." Hinawakan niya ang pisngi ko at saka nag salita ulit. "I want this place to have a huge role in our relationship, I want you to remember this place, na gaya nila Elijah at Klare, mangangako tayo sa mga sarili natin na lalaban tayo, hindi tayo susuko. I want you to remember this place where I asked you a question."  Napa kunot bigla ang noo ko. "Question?" I asked. Then, he nodded. "Can you keep this anklet and let me wear this to you myself on the day you say yes?" Is he proposing? Ayoko namang mag assume. Iniabot niya sa akin ang isang silver anklet na may maliit na letter 'J' "I'll keep this. And I'll make sure that in time, you would put this on for me." Nginitian ko siya. Ganun din ang ginawa niya at niyakap ako. Kasabay nang pagyayakapan namin ay ang pag lubog ng araw. Natapos ang araw na to at nabuksan nanaman ang panibagong istorya namin ni Jeron. Confident ako na ngayon, oras na namin at kami naman. "I love you Miks." I paused for a while. Alam kong alam niya na hindi ko muna sasagutin yun. He smiled then nodded as if saying na he understands.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD