RED PHOENIX POV Pagpasok ko sa isang pinto ay nagulat ako sa dinatnan ko , nakagapos si Rie , Sachiko, Masaaki, At Li, pare parehas nakakadena paitaas ang mga kamay at paa nila, at naka tape ang mga bibig nila. Pare parehas silang mga walang malay tanging si Rie lang ang gising, at hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, nakikita ko ang luha sa mga mata niya. Nagmamadali akong lumapit sa kinaroroonan nila, kinuha ko ang katana ko at pinatamaan ko ng katana ang Kadenang nasa mga kamay ni Rie. Ngunit bigla akong nakoryente sa unang tama ko pa lamang ng katana sa kadena niya. Nabitawan ko ang katanang hawak ko, dahil sa lakas ng boltahe ng koryenteng naka konekta sa mga kadena nila, kaya pala halos nagbibigay na ng warning sa akin si Rie. Ngunit hindi pa rin ako nagpa awat at ipinagp

