AKIO'S POV Pauwi na sana ako sa Pilipinas dahil nakatanggap ako ng balita na nasa panganib ang buhay ni Satomi sa nagngangalang Viper, at ito mismo ang siyang utak sa lahat ng pangyayari magmula sa pagpaslang sa mga magulang ni Satomi hanggang sa ngayon. Alam kong nasa panganib ang buhay ni Satominsa mga sandaling ito, dahil matalino ang kalaban, marami siyang ginamit na tao para lang linlangin kaming lahat..... Ngunit ng paalis na ako ay nakatanggap ako ng balitang may dumukot kay Emperor 3 at halos lahat ng tauhan nito ay patay, ang ilan pala sa mga tauhan at ni Emperor 3 ay mga traydor at mga tauhan ni Viper. Kaya pala lahat ng galaw at kahit anong tindi ng pagpaplano namin ay nalalaman at nalalaman ng kalaban. Ang unang pinaghihinalaan namin nun ay ang mag amang shadow death at death

