ROSEE
Is there someone special in your heart?
After he left... life has to carry on, signs of his existence, are wiped away gradually by the quite life. Those distant and fine momment of youth have turned into a fading memories, withering slowly.
In the lapse of time, we run around in circle. will that person be waiting for you in that original place?
"What sense for reading that book again and again?" Napa tingin ako kay Baste ng mag salita sya sa gilid ko. Wala sa sarili kong sinara ang paborito kong libro at tiningnan sya. Kung dati ay tago sya kung lumantad ngayon naman ay lantaran na ang maharot nyang kilos, pero kahit ganon ay hindi naman nawawala sakanya ang pagiging lalaki nya, hindi rin nya binago ang pisikal na anyo nya at masaya ako para don... Tunay ngang people change, eh sya kaya nag bago na?
"What's wrong with reading a book?" Balik na tanong ko sakanya.
"Binasa mona kaya yan ilang beses na" sagot nya saka higop ng kape. Nasa starbucks kami ngayon at hinihintay si Kendie.
"Alam mo yang pinsan mong matamis pa sa sweet laging paimportante" reklamo nya. Pinag masdan ko lang ang kabuohan ni Baste. Gwapo naman sya, maganda ang tikas ng katawan, makinis at maputi ang kutis pero bali... "Ay nako ayoko ng ganyang tingin prendship Rosee ah" aniya napa ngiti nalang ako dahil don, maski galaw nya ay lalaking lalaki parin, minsan talaga ay napapaisip nalang ako kung bakla ba talaga to o nag papanggap lang.
"Baliw, may napansin lang ako sayo" palusot ko dahil baka isipin nya nanaman ay tinotorture ko sya sa isip ko.
"Ano?"
"Ang gwapo mo ngayon" sabi ko na kina samid nya, nainom kasi sya ng kape. "Oh HAHAHA para kaseng gago"
"Sira ka pala eh alam kong gwapo ang tatay ko at maganda si Mama alam ko den na maganda ang lahi namin kaya wag mokong tawaging gwapo dahil maganda nga diba? MA.GAN.DA" pag didiin pa nya sa salitang maganda. Napa iling nalang ako dahil papuri nya sa sarili nya.
"Kamusta naman ang buhay ibang bansa teh?" Biglang tanong nya.
"Maayos naman pero wala paring makakatalo sa bansang kinalakihan mo. It's more fun in the philippines nga diba" sagot ko sakanya. Dalawang taon na din ang nakakalipas ng maganap ang pang yayaring iyon. Sa loob ng bagong taon ay madami na ang nang yari saakin, katulad na lang ng pag babalik ni Papa at dinala nya kami ni Mama sa Canada. Hindi ko makakaila na maganda ang pamumuhay namin sa Canada pero aanuhin mo ang magandang buhay kung hindi ka naman masaya diba?
"Dalawang taon ka din don ang dami mo nang na missed dito sa Pilipinas, katulad nalang ng graduation namin nung highschool nako! Sobrang saya non!" Kwento pa nya. Napa ngiti nalang ako sa isiping iyon. Hindi nila alam ay gumawa ako ng paraan para maka balik dito ng hindi nalalaman nila mama at papa. Ginastos ko pamasahe pauwi dito sa pilipinas ang pinag hihirapan kong ipon para sana sa kolehiyo ko. Laking pasasalamat ko at sobrang saya ang naramdaman ko ng maka baba ang eroplano sa airport at maramdaman ko ulit ang init ng Pilipinas. Saktong graduation yon kaya naman ay kahit hilo sa byahe ay dumeretcho akong school para mapanood ang masayang tagpo sa buhay ng mga importanteng tao sa buhay ko... Ang pag tungtong nila sa entablado kasama ang mga magulang nila. Si Kendie kasama si Tita at Tito, si Baste na kasama ang mama nya, Sila Jameson, Jed, Kyler, Brent at Kenzo kasama ang kani kanila nilang magulang at syempre si Alfred kasama si Tita Alliana.
Pero lahat ng excitement at tuwa na nararamdaman ko biglang nawala...
-2 years ago (HS Graduation) -
Inayos kopa ang sarili ko at hinanda ang sarili ko sa pag harap ko sakanilang lahat. Surprise koto, maski isa ay walang nakaka alam na nandito ako para maki sali sa celebration nila. Pero sa pag labas ko sa pinag tataguan ko ay himbis sila ang masurpresa ay ako ang nasurpresa nila...
"Rosee" gulat na sabi ni Alfred ng makita nya ako.
"S-Surprise?" Maitago ko man ang luhang nag babadyang tumulo sa mata ko, hindi ko naman maitago ang panginginig ng labi ko dahilan para mautal ako.
"Rosee, let me explain" aniya, akmang lalapitan nya ako ng humakbang ako paatras. "Rosee"
I smiled to him " No need, sapat na ang nakita ng dalawa kong mata" naka ngiti kong sabi sakanya, pero sa kabila ng ngiting iyon ay kasabay ng pag tulo ng luha ko " sapat na yung nakita kong matamis na halikang pinag sasaluhan nyong dalawa" dagdag kopa saka pinunasan ang luha ko. I laugh " Congrats, Congrats. Dalawa yan yung isa dahil graduate kana and yung isa para sainyong d-dalawa" sabi ko habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa maleta ko.
"Rosee?" Napa tingin ako kila Jed na bagong dating lang at gulat na gulat ng makita ako, sinuyod pa nila ang kabuohan ko nang ma realized na nandito talaga ako ay nag baba sila ng tingin, hindi manlang sila maka tingin sa mata ko ng deretcho.
"Congrats din sayo ah, balak ko panaman na i surprise kayo diko akalain na ako ang ma su-surprise."
"Rosee, Let me explain" sabi ni Jed na agad kong inilingan.
"Kung alam ko lang sana hindi kona ginastos ang pang kolehiyo ko para lang maka balik dito" sabi ko na syang kinalaki ng mata nilang lahat. Alam nilang hindi ako kayang paaralin ni mama ng kolehiya kaya naman ay nag trabaho ako at nag ipon. Nag aaral sa umaga, nag ta trabaho naman sa gabi.
"Rosee, why did you do that!?" Singhal saakin ni Alfred.
"Bakit ko nga ba ginawa to? Simple lang dahil sinabi kong babalikan kita diba, saglit lang ako mawawala. Pero wala pang isang taon akong nawawala... M-Meron ka ng bago" sabi ko sabay baling doon sa babae na naka yuko na ngayon. Napa ngiti ako, ano bang laban ko dito? Mala anghel ang muka, mukang pati ang ugali din, sya din nga ata ang kasama ni Alfred nung panahon na wala ako sa tabi nya. Agad kong nilapitan yung babae na mukang takot na takot na tumingin saakin bahagya pa syang napa atras kaya naman ay nginitian ko sya.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya.
"S-Shyla po" sagot nya na kita ngiti ko.
"Katulad ng pangalan mo ay mahiyain ka rin" natatawa kong sabi. "Ako nga pala si Rosee. Kaibigan ako ni Alfred" sabi ko saka lahad ng kamay ko sa harapan nya. Nanlalaki naman ang mata nyang naka tingin saakin.
"H-hindi ka po g-girlfriend ni Alfred?" Gulat na tanong nyang kina baba ng kamay ko.
"Girlfriend nya last year, nung isang buwan, nung naka raang linggo at kahapon, pero ngayon ay break na kami" sagot ko sakanya na kina tigil nya. "Ilang weeks na kayo?" Tanong ko. Naka bilang pako ng 1-30 sa utak ko bago sya sumagot.
"Half year na po" sagot nya na kinatigil ko. Half year hindi weeks. Sa isang taon na iyon, yung kalahati ay may kahati na pala ako... Hindi ko maiwang matawa sa sarili kong naisip. Para akong nasisiraan ng ulo dahil sa tawa ko ay may kasamang luha.
"Kalahating taon... kalahating taon mo nako niloloko, kalahating taon NYO nakong niloloko" pang didiin kopa sa salitang Nyo.
"I-I'm sorry" aniya. Hindi ko sya magawang tingnan ng deretcho sa mata dahil baka bumigay ako at patawarin ko sya. Ito naba ang sinasabi saakin ni mama na maiintindihan ko lang ang lahat kapag naranasan kona? Hindi ko naman alam na ganito kasakit ang kaylangan kong pag daanan para lang maintindihan ko ang mga bagay bagay.
"I hate you" sabi ko saka ako mabilis na umalis doon hila hila ang maletang dala ko. Rinig kopa ang pag tawag nila sa pangalan ko pero maski isa ay hindi ko nagawang lingunin dahil sa galit na nararamdaman ko.
Kung alam ko lang na ganito kasakit ang daang tinatahak ko ngayon edi sana ay tumaliwas nalang ako ng daan para hindi koto nararamdaman.
--
"Rosee" nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Baste sa kamay "ayos ka lang ba? Naiyak ka" aniya saka pinunasan ang pisngi ko.
"Sorry may naalala lang ako" sagot ko saka ko pinunasan ang mata ko.
"Sya nanaman ba?" Malamlam ang mata nya habang nag tatanong saakin.
"Bumalik ako dito" taliwas na sagot ko na kina kunot ng nuo nya. "Nung graduation nyo, bumalik ako dito para isurpresa kayo, pero hindi na natuloy dahil nakita ko sya na may kahalikan na babae. Bago nyo pa sabihin saakin ay alam kona ang lahat" sagot ko sakanya na kina gulat nya.
"Kaya maski isang butil ng luha ay hindi namin nakita sayo" aniya na syang kina ngiti ko.
"Hello ebribade!" Biglang sulpot ng on time kong pinsan.
"Hay salamat dumating ka din!" Singhal ko sakanya, umupo sya sa tapat ko at si Baste ang katabi nya.
"Traffic kaya" sagot nya habang nag aayos ng sarili.
"Sus traffic daw, sabihin mo lang busy ka makipag landian jan kay Jed" pang babara sakanya ni Baste. Galit man ako kay Jed ay kinalimutan ko iyon para kay Kendie. Sana lang ay hindi nya magawang lokohin ang pinsan ko katulad ng panloloko nilang ginawa saakin noon. Nabawasan man ay nandito parin saakin ang galit na nararamdaman ko, alam kong masama ang mag tanim ng galit pero hindi ko maiwasan. Katulad ng binhi, ang galit pag tinanim mo ay kailangan mo iyon anihin sa pag lipas ng panahon. Hindi mo pwede pabayaan lang dahil unti unti non babalutin ang puso mo. Kaya hanggat maaga pa ay inuunti unti kong kina kalimutan ang galit na nararamdaman ko, mawala man lahat iyon kasabay non ang pag limot ko sa mga pinag samahan naming lahat.
"Wala bang pasalubong jan?" Tanong ni Kendie saakin.
"Nasa condo" sagot ko
"Naks may Condo iba na talaga. By the way sila tita nasaan?" Tanong ni Baste.
"Ako lang ang nandito" sagot ko na kina ngiti nila parehas.
"WHAAAA PWEDE BA KAMING MAKI TULOG SA CONDO MO?" agad na tanong ni Kendie.
"Pumayag kana tapos nighties tayong tatlo then picture and post with a caption ' girls night!' " wika ni Baste. Napa iling nalang ako at pumayag nalang dahil alam ko namang hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako napayag.
Alas kuatro na ng hapon at nandito na kami ngayon sa Condo ay nag aayos dahil kakalipat ko lang ngayon. Sinamahan din nila ako mag grocery at bumili ng iba pang mga gamit.
"Tapos na din!" Si Kendie na deretchong umupo sa couch na syang sinundan ni Baste. Hindi kona sila sinagot pa dumeretcho nalang ako sa kitchen para mag luto ng makakain. Sinigang na bangus na ang niluto kong ulam at kanin na sasakto lang saamin. Sa loob ng dalawang taon ay natuto din akong kumilos ng mga gawaing bahay, tinuruan ako ni Mama mag luto ng kung ano ano at mabilis naman akong natuto. Nung una mahirap, pero ganon naman talaga ang mga bagay, walang nag sisimula sa madali lahatay nahihirapan.
"Wow ang sarap!" Napa tingin ako kay Baste ng lumapit sya saakin at tinikman ang niluluto kong pagkain. "Uhmmmm, masarap" aniya. Kumuha ako ng plato, kutsara, tinidor at baso saka ko nilatag sa mesa.
"Dalin mona yan dito para makakain na tayo" utos ko sakanya na agad naman nyang sinunod. "KENDIE! KAKAIN NA!" tawag ko kay Kendie ng hindi sya sumagot ay tiningan ko si Baste "nasan nayun?" Takang tanong ko sakanya na syang kinibit balikat nya. "Hahanapin ko lang yon jan ka lang" sabi ko saka ako lumabas ng condo. Kakain na kung san san pa sya pumupunta. I tried calling her phone but she didn't answere so I decided to look for her at the ground floor.
Nang maka baba ako ay agad akong lumabas papunta sa parking lot kung saan nakita ko agad si Kendie na may kausap na lalaki, hindi ko makilala ang kausap nya dahil naka talikod sa gawi ko ang kausap nya. Lumapit ako sakanila para makilala kung sino yon na agad ko namang nakilala...
"Basta, dito muna ako" rinig kong sabi ni Kendie.
"Kendie kakain na" pag kuha ko sa atensyon nila. Gulat silang napa tingin saakin o mas magandang sabihin na si Jed lang. "Hey, long time no see. What's bring you here?"
"H-Hey, nakabalik kana pala"
"Yeah, ngayon lang den" sagot ko. "Bakit dito kayo nag uusap? Join us, mag di- dinner na din kame" aya ko sakanya.
"Rosee" si Kendie na pinanlalakihan pako ng mata.
"What? It's fine. Come on bilisan nyo ah lalamig ang pag kain" huling sabi ko bago ko sila tuluyang talikuran para bumalik sa condo ko.
Pag pasok ko palang ay nasa kusina si Baste at nag aayos ng mga gagamitin namin sa pag kain.
"Dagdagan mo ng isa pang plato" sabi ko.
"Huh? May bisita ba tayo?" Takang tanong nya. "Jed?" Gulat nyang tanong, nandito na pala sila.
"Upo na kayo" aya ko pa, nag pauna akong umupo na syang sinundan naman nila. Nang maayos na silang lahat ay nag simula ba akong mag dasal.
"Let's put our selves in holy presence of the Lord. The name of the father, of the son, and the holy spirit"
"AMEN" sabay sabay naming sabi.
"Thank you for the food the you gave us today" pauna ko.
"Sana po ay may makain din ang mga batang nasa lansangan" dugtong ni Baste.
"Sana din po ay biyayaan nyo papo kami ng pagkain na pag sasalusaluhan namin,ganon din po ang mga nangangailangan ng pagkain" dagdag ni Kendie. Napa tingin ako kay Jed ng hindi sya mag salita,siniko pa sya ni Kendi dahilan para mag salita sya.
"Maraming salamat po sa pag kain na pag sasaluhan namin ngayon, sana po ay masundan pa" aniya. Last nato.
"Please provide for the needs of others Amen" sabay sabay naming pag tatapos ng dasal.
"Kain na" sabi ni Baste na nag pauna ng kumain. Pinag masdan ko lang sila at pinapakinggan ang bawat salitang sinasabi nila. Kung kanina ay nahihiya si Jed ngayon naman ay mas makapal pa sa encyclopedia ang muka niya. Aaminin ko na may galit parin akong nararamdaman sakanila, hindi na ata to mawawala. Pakiramdam ko ay pinag kaisahan nila ako.
"Saan ka mag aaral Rosee?" Tanong niya.
"Same school" tipid na sagot ko saka inom ng tubig.
"Good to hear" aniya. Ano namang good doon? " Anong club ang sinalihan mo?" Dagdag na tanong pa niya.
"2nd semester na kaya ang ibang club ay hindi na natanggap ng new comers that's why I don't have any choice but to join a music Club" sagot ko na kina tanga niya. Muka naman talaga siyang ganon dati pa.
"May problema ba?" Tanong ko.
"W-Wala naman" aniya saka bumalik sa pag kain. Napa ngisi nalang ako sa kawalan. Alam ko ang iniisip niya. Pch!
Nang matapos kumain ay nag paalam na si Jed na uuwi. Kaya naman ay hinatid ko siya sa may pintuan.
"Ah Rosee" pag tawag niya sa pangalan ko. Tiningnan ko lang siya at hindi nag salita. Hinihintay lang ang mga susunod niyang sasabihin. "Gusto ko lang ulit mang hingi ng sorry sayo sa nang yari noong graduation. Hindi ko naman gustong itago sayo pero nawalan ako ng pag kakataon kase huli kona rin nalaman na may ibang babae pala si Alfred" paliwanag niya. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa bawat sinasabi niya. "Isang linggo non bago ang graduation namin. Doon ko lang nalaman ang lahat ng makita ko silang dalawa sa mall na nag lalakad ng hawak kamay. Hindi kona nagawang sabihin sayo dahil nag karoon ng problema sa pamilya ko. Nag kasakit si Mama at dinala namin sa hospital dahil sa dami ng iniisip ay nawala na sa isip ko ang dapat kong sabihin sayo" dagdag pa niya. Ngumiti ako kahit alam ko namang peke yon.
"Papatawarin kita kung gagawin mo ang sasabihin ko" seryosong sabi ko. Gulat naman siyang napa tingin saakin kaya natawa ako " Wag kang mag alala, hindi naman kita uutusan pumatay, ang gagawin mo lang ay ilihim sa kahit na sino na naka balik nako. Ikaw, si Kendie at Baste lang ang nakakaalam na naka uwi nako. Kaibigan parin naman ang turing ko saiyo kaya gusto ko sila surpresahin" sabi ko. Surpresa na siyang ikagigimbal niyong lahat.
"Kinabahan naman ako sayo kala ko kung ano na." Aniya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib "Yung lang pala. Sige makakaasa ka" dagdag pa niya.
"Thanks, see you on second semester"
"Bye! Thanks for the foods" aniya habang nakaway pa ang kamay.
Nang wala siya sa paningin ko ay napa ngisi ako ng bahagya at pumasok na sa loob kung saan naabutan ko si Kendie at Baste na nakiki chismis saamin.
"Busog naba ang tenga nyo sa mga narinig nyong chismis?" Tanong ko sakanilang dalawa. Umayos pa sila ng tayo saka ako nginitian ng pagka laki laki.
"Anong klaseng surprise ang gagawin mo?" Tanong ni Baste saakin.
"Mag papa party kaba? Ako na bahala sa designs" dagdag pa ni Kendie na syang kina iling ko.
"Walang party na magaganap. Gusto ko lang makita ang reaksyon nila pag nakita nila ako sa pasukan" natatawang sagot ko. "Look at Jed's reaction he was totally shocked when he saw me. And I want to do the same to others"
"Ang panget mo naman mag surprise" reklamo ni Kendie.
"Kung mag pa- party kaya tayo and let's invite them. Since alam na ni Jed na nandito ka siya na ang bahala sa mga kaibigan niya. I know where can we trow a party" suggest ni Baste.
"Where?"
"Sa Bar! Let's rent the VIP!" Sabay pa nilang sabi ni Kendie. Napa isip naman ako sa suggestion nilang dalawa, mukang maganda naman. Hmmmmm
"Ok, one week after the 2nd semester" naka ngiting sabi ko. Si Jed palang nakikita ko pero bumabalik na agad ang lahat ng nangyari pano pa kayo kung sila ng lahat? Ano ba ang kaya kong gawin sakanila? Oo alam kong galit ako pero hindi ko ugali ang gumanti. Pinalaki ako ni Mama ng hindi nag tatanim ng galit sa kapwa pero ito ako ngayon. Parang gusto ko sila lahat sigawan dahil sa panlolokong ginawa nila pero katulad nga ng sinabi ko, Ano naman ang kaya kong gawin sakanila?
Isa lang ang sigurado ko ngayon. Ang pakita na ok kami kahit hindi naman talaga. Plastic na kung plastic pero ayon lang ang kaya kong gawin na hindi ko masasaktan ang feeling nila Kendie at Baste. Alam ko namang napa lapit na ang loob nilang dalawa kila Alfred hindi ko naman sila masisisi dahil sa tagal kong nawala ay madami ng nang yari sakanila.
"Tabi kami sayo!" Si Kendie na kakapasok lang ng kwarto ko kasama si Baste na kapwang naka animal pajama katulad ko. Rabbit ang saakin, habang tiger ang kay Baste at giraffe namana ng kay Kendie. Agad silang sumampa sa kama ko ay umupo paharap saakin.
"Ang tagal mong nawala. Na miss ka lang namin" dagdag pa niya. Natawa nalang aki habang nailing.
"Ang mahalaga ay nandito ako sa pinaka mahalagang pangyayari sa buhay nyo" makahulugang sabi ko sakanila na siyang kina kunot ng noo nila parehas kaya naman ay napa ngiti ako. "Umuwi ako dito nung graduation nyo" dagdag kopa na siyang kina gulat nila.
"Eh bakit hindi ka samin nag pakita!" Singhal saakin ni Baste kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Umalis agad ako dahil yung panahon na yon ay doon ko rin nalaman na niloloko lang pala ako ni Alfred"
"Sorry" nasabi nalang nila.
Umiling ako saka muling ngumiti " ok lang. Wala naman din kayong alam sa nangyari kaya hindi nyo kasalanan" sagot ko.
Ito na ata ang pinaka malaking kasinungalingang nasabi ko sa buong buhay ko. Ang sabihing ayos lang ako kahit hindi naman totoo, sabihin na ok lang kahit ang totoo ay durog na durog ako, ang ngumiti sa harapan ng iba para lang masabing ayos lang ako kahit ang totoo ay lumuluha ang mga mata ko kapag wala ng ibang taong nakaka kita sa tunay na kalagayan ko.
Naramdaman ko nalang na niyakap nila akong dalawa kaya naman ay hindi kona napigilan pang lumuha. Maliban kay Mama, silang dalawa lang ang nakaka alam ng tunay kong nararamdaman. Maliban kay Mama, sila lang naman ang naka sama ko ng matagal.
Galit ako sakanila. Gusto ko silang gantihan pero hindi ko kaya. Ganito ba talaga ako kahina?
"Gawin mo ang sa tingin mo ang tama. Kung nagawan ka man nila ng kamalian. Nasaktan ka man nila pisikal o emosyonal ay wag na wag kang gagawa ng bagay na ikaka pahamak mo sa dulo. " Bulong saakin ni Baste habang naka hawak sa kamay ko.
"Wag mong hayaan na kainin ka ng galit. Dahil ang galit ay kaylan man hindi nag wawagi" dagdag pa ni Kendie habang hinahaplos ng buhok ko. Napa ngiti nalang ako dahil sa mga sinasabi nila.
Malaki na talaga ang pinag bago nila. Kung dati ay para silang aso at pusa ngayon naman ay nag kaka sundo na sila sa isang bagay. Lalo na pag puso na ang pinag uusapan.
Tunay ngang, kahit lokohin ka ng taong naka paligid sayo, pag kaisahan ka ng mga taong malapit sayo. May mga tao paring mananatili sa tabi mo at mananatiling tapat saiyo hanggang dulo. May mga taong may kaibigan tayong mabait lang sa oras ng pangangailangan, pero may mga tao ring may kaibigan na tunay at mananatili sayo hanggang dulo. Yung kapatid na ang turingan nyo sa isa't isa kahit na hindi mo naman talaga sila kadugo. Kaya nga nabuo ang kasabihang "WERE SISTER NOT BY BLOOD BUT BY HEART" at masaya akong sabihin na isa ako sa mga taong nabiyayaan ng tunay na kaibigan na nanjan sa oras ng pangangailangan.
"Matulog na tayo" sabi ko sakanila sa gitna ng pag luha ko. "Pero ikaw doon ka sa guess room" pag tukoy ko kay Baste. Nginitian lang niya ako saka lumabas ng kwarto ko. Hindi ko sya pwedeng itabi saamin dahil lalaki parin siya, may dalawang tenga at may ilong ng elepante sa baba.
Itutuloy...