bc

Resignation

book_age16+
64
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
goodgirl
dare to love and hate
student
drama
bxg
campus
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Only once in her life, Rosee truly believe, she'll find someone who can completely turn her world around. She tell things that she never shared with another soul and they absorb everything she say and actually want to hear more. She share hopes for the future, dreams that will never come true, goals that were never achieved and the many disappointments life has thrown at her. The things that seem insignificant to most people such as a note, song or walk become invaluable treasures kept safe in her heart to cherish forever. Memories of her childhood come back and are so clear and vivid it's like being young again.

chap-preview
Free preview
RESIGNATION
RESIGNATION... "Mama bakit po kayo nag hiwalay ni Papa?" tanong ko kay Mama. Bahagya pa nyang sinusuklay ang mahaba kong buhok. "Alam mo anak may mga katanungan na sagutin at may mga bagay na sa takdang panahon mopa maiintindihan dahil musmos pa ang isip mo, hindi mo maiintindihan ang mga bagay bagay na tanging mga matatanda lang ang nakakaalam" mahabang sagot saakin ni Mama, hindi ko mapigilang mapa nguso dahil sa haba ng sinabi nya. "sa haba ng sinabi mo Mama hindi manlang nasagot ang tanong ko" reklamo kopa. Bahagya namang natawa si Mama at saka hinarap ako sakanya. "Rosee anak, ang sinasabi ko lang ay malalaman mo din ang lahat sa tamang panahon, sa ngayon ay mag aral kana muna at mag tapos ng pag aaral bago ka pumasok sa isang relasyon, naiintindihan moba?" bahagya pa kong pinanlalakihan ng mata ni Mama na para bang may gagawin akong hindi kaaya aya sa paningin nya. "Mama kung pag bo- boyfriend lang naman ang inaalala ko saakin ay no problem! Di nga ako crush ng crush ko" sagot ko ulit. Natawa nalang si Mama at pinag patuloy ang pag tatali sa buhok ko. "Pero ma bakit ganon? Bakit pa nag papakasal ang mga tao kung mag hihiwalay din pala sila sa dulo" tanong ko ulit. "Sinabi kona sana na mayroon mga katanungan na mahirap sagutin. Pero para saakin ay kaya sila nag hihiwalay dahil hindi na nila mahal ang isa't isa" sagot ni Mama, napa hinga naman ako ng malalim. "Ganon din ba kayo ni Papa?" mahina kong tanong pero sakto lang para marinig nya, segundo akong nag hintay si Mama na sumagot pero malalim na pag hinga lang ang tinugon nya. "Siguro nga ayon ang sagot" bulong kopa. "Anak pag dating ng panahon gusto ko mag papakasal ka lang sa lalaking mahal na mahal ka. Gusto ko sigurado kana sa nararamdaman mo yung wala ng magiging hadlang pa sa pag iibigan nyo" malamlam ang mata ni mama na naka tingin saakin. Gulat man ay wala akong nagawa kundi ang tumango sakanya bilang pag sang ayon. " sa edad nong labing Lima ay ganyan na ang pag iisip mo" natatawang sabi ni Mama saka sya tumayo. "Hindi naman na ako bata, Ang iba ko ngang ka klase ay may Boyfriend na" sagot ko ulit. "Ewan ko sayo Rosee basta ang bilin ko sayo wag na wag mo kakalimutan kahit anong mang yari" aniya saka sya nag soot ng apron. Paniguradong mag luluto na sya para sa almusal namin. "sa kwarto nako mama para gumawa ng home work ko" paalam kopa ngitian lang ako ni Mama kaya naman ay pumunta na ako sa kwarto ko. Single Mother si Mama at only child lang ako... Grade 4 ata ako ng mag hiwalay sila ni Papa ngayon ay graduating na ako ng junior highschool kay mas mabuti saakin na mag aral nalang kesa gumaya sa mga classmate ko na puro puso ang pina pairal kaya minsan ay mayroong umiiyak sa room dahil hiniwalayan sila ng nobyo nila. Ewan koba sakanila wala namang espesyal sa mga nobyo nila para pa aksayahan nila ng Luha, bakit hindi nalang sila mag aral para sa huli ay hindi sila ang iiyak kundi ang magulang nila... Iiyak dahil sa mg natapos nila. Minsan pa nga ay may nakikita ako sa gilid gilid na nag hahalikan, pch! kaya lumalaki ang porsyento ng teenage pregnancy sa bansa! kaya bumababa ang ekonomiya ng pilipinas! tapos sa gobyerno nila isisisi ang lahat, kung nag aral sana sila edi sana hindi sila nag hihirap ng husto, alam na nga nilang hindi mawawala ang kurap sa politiko hindi pa sila gumagawa ng paraan para maiahon ang sarili nila sa hirap puro nalang asa! *poink* "ARAYYYYY!" napa hawak ako sa likod ng ulo ko ng maramdam ko ang sakit non dahil may bumato mula sa labas ng bintana ko! Isa lang ang pwedeng gumawa saakin nito! Agad akong tumayo at lumapit sa bintana ng kwarto ko "HOY KENDIE! MASAKIT AH! ANG AGA AGA NANG IISTORBO KA!" sigaw ko sakanya mula sa taas. "Sorry Rosee, kanina pa kase kita tinatawag hindi mo ako naririnig busy ka nanaman sa pakikipag away sa isip mo" natatawang aniya. inis akong tumingin sakanya "Ano bang kaylangan mo?" "Samahan mo ako bumili ng tinapay jaan sa kanto sigi na" aniya. "Lumabas ka sa ano ni Tita Nancy mag isa kaya kaya mona yan mag isa" sagot ko sakanya. "sigi na Rosee, grabe ka naman sakin parang hindi naman tayo mag pinsang buo kasangga hanggang dulo nyan" pangungunsensya pa nya saakin. "Hintayin moko jan mag papalit lang ako ng damit" sagot ko sakanya. Agad akong kumuha ng may manggas na damit saka ko iyon pinatong sa sando kong suot. Hindi kase ako sanay lumabas ng sando lang ang soot, feel ko ang taba ng braso ko. "Ma sasamahan ko lang po si Kendie bumili jan sa kanto" Paalam ko. "O sige anak. Wag kang mag tatagal dahil kakain na tayo" sabi ni Mama. "Opo." Agad akong lumabas ng bahay at nakita ko doon ang magaling kong pinsan na ngising ngisi saakin. "Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis eh" aniya, napa irap nalang ako at nag paunang lumakad "Hoy teka! hintayin moko Rosee. May sasabihin ako" aniya. "ano ba yon?" tanong ko "Hindi naman talaga tayo bibili sa kanto eh-" "Eh ano lang pala ang gagawin natin!?" putol ko sa sinasabi nya. Agad syang lumapit saakin at inakbayan ako. "Wala ka bang tiwala saaken?" tanong nya. "sa itsura mo palang ay wala na dapat ipag katiwala sayo" pang babara ko sakanya, umakto naman syang nasaktan sa sinabi ko. Arte talaga nento! Mag sasalita pa sana ako ng matanaw ako ang pinaka kilala kong pigura ng lalaki sa kalupaan ng Las Piñas! Agad kong hinila si Kenedie para pag tago kami sa likod ng sasakyan na syang nahintuan natin. "Si Alfred teh" kinakabahan kong sabi sakanya. "yan ang gusto kong sabihin sayo kanina-" "eh bat hindi mo sinabi agad!" bulong na sabi ko sakanya. "eh sa kanina mo pa pinuputol ang sinasabi ko" pang babara nya saakin, hindi ko sya sinagot pa dahil pahiya ako doon konti, konti lang naman. "Narinig ko kase usapan nila ni Milabs kanina bibili sana ako ng Napkin sa tindahan nila aling pasing. Yun nga may pag uusapan ata sila jan kaya halika at maki chismis" bulong nya saakin habang naka tingin sa gawi nila Alfred na syang nag papa ihaw ng kung ano sa tindahan nila Baste kasama ang mga kaibigan nya. "paano naman tayo sasagap ng balita ng hindi tayo nahahalata?" tanong ko sakanya. "Ano bayan! kala ko ba honor student ka!" singhal nya saakin. "Wow! napag aaralan na pala sa school kung pano mang sagap ng chismis sa kanto, diko knows yun ah ilan ba grades mo sa subject nayan? top 1 kaba? naks! pa tutor naman" sarkastikong sagot ko sakanya. "pch!" inirapan pa ako ng gaga " eto na nga, dahil nag madali akong pumunta sa bahay nyo para i chismis sayo ang chismis na nasagap ko hindi kona nabali ang napkin ko" "yakkkk! kaya pala ang sangsang ng amoy" "dami mong sinasabi letche!" inis nyang sabi kaya naman ay nag piece sign ako sakanya. "Bibili ako ng Napkin ikaw naman ay makikinig sa pinag uusapan nila ano ayos ba?" aniya na tinanguan ko. Kinakabahan at nahihiya man ay umasta akong normal lang, yung walang gagawing kalokohan, yung hindi sasagap ng chismis... Hindi naman ako makiki chismis, makikinig lang ako sa pinag uusapan nila... Hindi naman pakiki pag chismis ang tawag don diba? "ok na insan ah, breath in breath out muna" bulong saakin ni Kenedie, nasa tapat na kami ng tindahan ni Aling Pasing habang ang grupo nila Alfred ay nasa ihawan parin kung saan ay tabi lang ng tinadahan ni Aling Pasing. "Pustahan nga tol" rinig kong sabi ni Jameson, isa sa mga kaibigan ni Alfred. "Saang court ba tayo mag lalaro?" rinig kong tanong ni Jed, na syang pinsan ni Alfred na syang crush den ni Kenedie. Actually gaya gaya lang yan si Kenedie, pinsan to pinsan nga daw kase. "Jan nalang sa court natin lalayo pa tayo, basta pustahan ang matalo sya ng bahala sa miryenda" suggest naman ni Brent, kaibigan den ni Alfred. "ice ba fred?" agad akong napa ayos ng tayo ng banggitin nya ang pangalan ni Alfred. "uhmmm" yun lang pero hindi ko maiwasang kiligin! boses palang ang gwapo na WHAAAAAA! I KENNAT! O MY GASHHHHHHH! ANG BADBOY PAKINGGAN NG BOSES NYA! "Kalma mo yang ano mo" bulong saakin ni Kenedie "Ah opo with wings mo" "ayos na mga tol, alas kuatro ah" sabi ni Jed. "Lika na" aya saakin ni Kenedie, naka yuko naman akong nag lakad, delikado baka makita nanaman ako ni Baste- "ROSEE!" napa pikit nalang ako ng mariin ng isigaw nya ang pangalan ko ng pag ka lakas lakas! at talagang sa harapan pa ni Alfred! "ROSEE!" pang uulit pa nya. dahan dahan naman akomg tumingin sakanya na may pilit na ngiti sa labi. NAKAKA HIYA! "B-Baket?" tanong ko. Anak ng kaibigan ni Mama si Baste kaya naman ay kilala ako ng baklang to. "halika dito ka muna may ilalabas lang ako" aniya pa habang sumesenyas na lumapit ako sakanya. "h-huh? h-hindi pwede k-kase kakain na kami" palusot ko pa pero sadyang makulit ang isang to. "sige na saglit lang ako promise" aniya saka ako tuluyang nahila papalapit sakanya. Gwapo naman si Baste, lalaking lalaki kung tingnan pero bakla sya kung hindi mo kilala ay tiyak na mag kaka gusto ka agad sakanya sa unang kita palang. "insan ako na bahala kay Tita! byeeee! ingat ka jan!" "H-Hoy! wag moko iwan dito!" habol kopa kay Kendie pero naka layo na ang gaga. Napa kagat nalang ako ng ibaba kong labi dahil sa hiyang nararamdaman ko. Sobrang lapit kona kay Alfred, abot kamay kona sya! Huhuhu! "A-Ah s-sainyo ba l-lahat yan?" tanong ko sakanila, ok lang kahit sino sumagot basta sumagot sila ok na. "Oo samin lahat yan" si Kenzo ang sumagot na malalaki ang ngiti saakin. Napa iwas nalang ako ng tingin dahil nakaka ilang silang lahat lalo na si Alfred huhu. Mama tawagin mona kase ako! "A-Ah ganon ba, P-Patapos na pala to" sabi ko saka ko binaliktad ang binili nilang Laman ng baboy, isaw at ulo ng manok. Alam kong tagaktak na ang pawis ko at ang haggard kona dahil sa init at dagdagan pa ng usok, jusko! nakaka hiya kay Alfred! kaylangan pa nyang makita akong ganito ang itsura. Bahagya ko pang tinali ang buhok ko dahil nag didikit na iyon sa pawisan kong katawan. kadiri! "Ganda pre" rinig kong bulong ni Kyler, hindi kona nakita kung sino ang sinabihan nyang maganda dahil isang angat ko lang ng ulo ko ay muka ni Alfred ang sasalubong saakin. AT NAKAKA HIYA YON! "Bago kalang ba dito?" Rinig kong tanong nung kung sino, nag angat ako ng tingin dahil paki ramdam ko at ako ang kinakausap nila. Pinilit kong iwasan ang mata ni Alfred dahil baka matulala ako ng wala sa oras. "Ako ba ang kausap nyo?" taka kong tanong habang naka turo pako sa sarili ko. Naka ngiti namang tumango si Brent saakin. "H-Hindi naman masyado, bago mag umpisa ang klase ay dito na ako naka tira" sagot ko. Halos kalahating taon nadin kaming naka tira dito kaya naman ay si Baste at Kendie lang ang kilala ko dito na syang konektado pa saakin. Dahil si Kendie ay pinsan ko habang si Baste naman ay kaibigan na matalik ni mama si Tita Dianne na syang nanay ni Baste. "Pero ngayon lang kita nakita dito" dagdag pa ni Kenzo. "H-Hindi kase ako nalabas ng bahay namin t-tuwing papasok lang" sagot ko saka ko kinuha ang pinaka ihaw nila at pinagay iyon sa plastic. "Eto na pala" sabi ko. Inabot nila saakin ang isang daan, naka kunot nalang ng noo ko dahil hindi ko naman alam ang presyo ng paninda nila Baste dito. "Oh Rosee, ikaw pala yan" para akong nabunutan ng tinik ng makita ko si Tita Dianne na kababa lang ng tricycle. WHUUUU! THANKS G! "Tita ikaw nalang po mag sukli hindi kopa kase alam ang presyo ng tinda nyo dito" sabi ko sabay abot ka Tita Dianne ng bayad nila Alfred. "O siya sige, nasan pala ang kaibigan mo?" tanong nya habang nag bibilang ng sukli, ako naman ay hinuhubad ang apron na sinoot saakin kanina ni Baste. "May kukunin daw po sya, sige po Tita kaylangan kona po talaga umuwi wala pong kasabay si Mama kumain bye po!" paalam ko, tiningnan ko pa muna sila Alfred na kapwang naka tingin saamin, ngumiti pa muna ako ng bahagya bago ako tumakbo pabalik ng bahay. JUSKO NAKAKA HIYA! Mabilis pa sa mabilis ay narating ko ang bahay. "Ma!" tawag ko agad ng maka pasok ako. Pumunta ako sa kusina at doon ko naabutan ang magaling kong pinsan at si Baste na sinasaluhan si Mama sa pag kain. "Mga paking shet kayo!" singhal ko, gulat naman silang napa tingin saakin. "Rosee mah prend! Kamusta ang experience naten?" bungad agad saakin ni Baste. "pinsang buo, may chismis ka bang ibabalita?" gatong pa ni Kendie. Tiningnan ko sila ng masama saka pinalo sa kanilang braso. "ARAY!" "OUCH AH OUCH!" sabay pa nilang sabi. " Plinano nyo to no!" "Di ah, medyo lang" sagot ni Kendie habang nainom ng gatas, lakas talaga ng loob neto eh. " alam nyo ba na halos gusto kona hilingin sa lupa na kainin na nya ako dahil sobrang nahihiya na ako. Tingnan nyo sarili ko humarap ako kay Alfred ng walang ligo!" "ok lang yan Teh, dika naman sisingutin ni Alfred, ikaw lang namang ang deds na deds sakanya kaya wa pakels ang status of smell mo before" sabi ni Baste. "Anong status of smell?" naguguluhang tanong ni Kendie. "Hay nako madaming sugar sa body, ang status of smell na sinasabi ko, kung good or bad ang amoy kanina ni prendship Rosee kanina" sagot ni Baste. Napa iling nalang ako sakanilang dalawa dahil sa pinag sasabi nila. Yung inis ko nawala na! "Pasensya na Ma, papansin kase si Baste eh hindi tuloy kita nasabayan" pag hingi ko ng tawad kay mama. "Ayos lang anak, muka ngang pinag planuhan ng ng dalawang iyon" natatawang sabi ni mama habang nilalagyan ako ng pride rice sa plato. "Sorry na prendship Rosee, ayaw mo non dream come true" biglang sulpot ni Baste habang hawak hawak pa ang baso na may lamang gatas. "Anong dream come true ka jan! Bangungot yun BANGUNGOT! pang didiin kopa sa sinasabi ko. Dream come true yon kung hindi sa ganong sitwasyon kami nag harap. Ini- expect ko panaman na mag kakabanggaan kami sa daan tapos malalaglag ang gamit ko tapos tutulungan nya akong mag pulot ng gamit tapos mahahawakan nya ang kamay ko, o kaya naman ay matatamaan ako ng bola sa ulo habang nanood ng liga nila tapos lalapit sya saakin para sabihing ' Rosee ayos kalang- "ARAYYYY!" "Yan! Lakas mag day dream ah! Ano insan mala w*****d bang tagpo ang nais mo? Hah! Asa ka hanggang barbequehan kalang" pang aasar ni Kendie saakin. "Nako prendship itigil mo nayan... Tita oh salamat po" aniya habang inaabot kay mama ang basong pinag inuman nya. "Gusto kopa sana makipag chikahan sainyo kaso may kaylanga pakong balikan sa tinadahan... Alis napo ako tita" paalam nya. "Bumalik ka ulit!" Sabi ni mama "WAG KANG MAG PAPAKITA SAKIN LETCHE KA!" sigaw ko sakanya, pero ang bakla ay tinawanan lang ako habang palabas sya ng bahay. Nang tuluyan na syang mawala sa paningin ko ay sinamaan ko ng tingin si Kendie. Napa ubo pa sya saka lapag ng baso sa mesa. "Alis na po ako tita salamat po" paalam nya kay mama " Insan hehe, see you nalang bukas ah" aniya saka mabilis na tumakbo palabas. "Kayo talagang mga bata kayo" iling na sabi ni Mama. " Rosee ang bilin ko sayo ah" paninigurado pa ni Mama "MAG TAPOS MUNA NG PAG AARAL BAGO MAG NOBYO" sabay naming sabi. Natawa pa kaming pareho sa kalokohan namin. Gusto kong balikan ang nga panahon na may lihim na pag tingin lang ako sayo, yung tipong chill lang at tanging pag sunod lang sayo ang problema ko... Gusto ko balikan ang panahon na tanging nasasabi ko lang ay "GUSTO KITA" at hindi ang "AYOKO NA" Itutuloy... ➖✍➖ This is work of fiction. Names, characters,businesses,place, and events are incidents are either products of author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. No parts of this book may be reproduced or transmitted in any forms or by any means, electronic at mechanical, including photo copying, recording or by any information storage or retrieval system, without written permission from the author. Plagiarism is a crime! This story is unedited So expect the typo, graphical errors, wrong spellings, grammatical errors, And what so ever errors. If you find perfect story you'll freely not to continue reading this story... Thanks! Ang MKP ( mahal kita pero ) ay bahagi lamang ng aking imahinasyon... Ito ang pinaka una kong "series" na naisulat kaya aasahan ko ang inyong buong suporta sa kwentong ito. Ang nga eksena ay bahagi lamang ng aking imahinasyon kung paano ko maayos ang daloy ng kwento sa bawat pahina nito. Sumulat ako ng walang binabastos na tao kaya sana ay bumasa din kayo ng walang binabastos na author, I highly appreciate those silent reader... Again, bago lang ako sa larangang ito kaya pag pasensyahan nyo ang mga mali ko. Pag palain nawa kayo!❤ ©Jamelle Joy

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.0K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
862.5K
bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook