Chapter 31

1641 Words

MABILIS na lumipas ang mga araw. Nagulat pa si Daisy na araw na ng benefit concert  ng TV8 Foundation. Kahapon pa sila walang tulog sa paninigurong maayos ang lahat. Habang nag-aayos sila ng stage, dumaan pa ang kanyang ama kasama ang ilang miyembro ng board of directors at pinaka-head ng TV8 Foundation na tiyahin niya. Mukhang impressed naman ang grupo dahil nang magtama ang tingin nila ng kanyang papa ay ngumiti ito at pasimpleng nag-thumbs-up. Pagsapit ng gabi, nagsidatingan na ang mga performer sa backstage. At nang matanaw ni Daisy ang mga miyembro ng Wildflowers, agad na sumikdo ang kanyang puso at hinanap ng mga mata si Rob. At nang makita ang binata, magkahalong saya at kaunting kirot sa dibdib ang kanyang nadama. Dalawang araw niyang hindi nakita si Rob dahil masyado siyang abala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD