Bumitaw si Daisy sa pakikipagkamay kay Mr. Gallante. Alam niya na namamasa na ang kanyang mga mata kaya tumango siya at muli ay pilit na ngumiti. “Well, I’ll leave you now. I-I have other things to do.” Nainis siya sa sarili na gumaralgal ang kanyang tinig kaya mabilis siyang tumalikod at malalaki ang hakbang na naglakad patungo sa exit ng backstage. Kailangang makaalis ni Daisy sa lugar na iyon, malayo sa maraming tao… at kay Rob. Ayaw niyang makita ng binata na labis siyang nasasaktan. Na tumutulo na ang kanyang mga luha dahil iiwan na siya nito. Napahikbi siya at inis na pinalis ang luha sa kanyang mga mata. Don’t break down. Not here, kausap niya sa sarili. Nakaliko na si Daisy patungo sa parking lot nang biglang may humablot sa kanyang braso. Napasinghap siya nang higitin paharap

