Chapter 22

1871 Words

NAKITA agad ni Daisy si Lily pagpasok niya sa restaurant. Subalit bago lumapit sa kakambal ay wala sa loob na napasulyap siya sa direksiyon ng VIP rooms. Doon din kaya naisip kumain ni Rob at ng mga miyembro ng Wildflowers? God, Daisy, why do you even care? kastigo niya sa sarili. Nakita na siya ni Lily dahil bahagya itong ngumiti at kumaway. Naglakad siya patungo sa mesa ng kakambal at umupo sa katapat na silya. “Hey.” Nakikita ni Daisy na medyo naiilang din si Lily subalit ngumiti naman ang kapatid niya. “Hi. Ito ang unang beses na kakain tayo sa labas na magkasama,” alanganing komento ni Lily. Marahang tumango si Daisy. Katulad ng kakambal, hindi rin niya alam kung ano ang tamang sabihin. Mabuti na lamang at may lumapit na waiter. Um-order muna silang dalawa habang nag-iisip siya n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD