KINAGABIHAN, kinakabahang naglakad si Daisy patungo sa lobby ng TV8. Hindi niya nakalimutan ang sinabi ni Rob kanina at ginugol niya ang kalahating araw na puno ng tensiyon. Kaya nang hindi makita ang binata sa lobby, hindi niya alam kung makakahinga nang maluwag o madidismaya. Napahugot siya ng malalim na hininga at napailing, pagkatapos ay mabilis ang lakad na nagtungo siya sa parking lot na kinaroroonan ng kanyang kotse. Mabuting umuwi na lang siya bago pa may gawing kagagahan. Like calling Rob. Pinapagalitan pa lamang ni Daisy ang sarili sa naisip nang impit siyang mapasigaw dahil sa kamay na biglang humawak sa kanyang braso. Mabuti na lang at nanuot agad sa kanyang ilong ang pamilyar na amoy ni Rob. Kung hindi ay napasigaw na talaga siya. “Why do you have to sneak at on like tha

