Chapter 24

1215 Words

Napabuntong-hininga si Daisy at sumandal. Inalis niya ang tingin sa binata at tumitig sa kawalan. Hindi nagsalita si Rob, hinihintay siyang magsalita. Hayun na naman ang pakiramdam na parang may asido sa kanyang sikmura. Sa totoo lang, ayaw niyang sabihin kay Rob ang lahat ng ginawa niya noon. Subalit kung may nalaman siya na pagkakapareho nila ni Rob mula nang magkakilala sila, iyon ay ang pagiging stubborn. Kapag sinabi nitong mananatili sila roon hangga’t hindi siya nagsasalita, sigurado si Daisy na iyon nga ang gagawin ni Rob. “Hindi kami lumaking magkasama ni Lily. Katunayan, hanggang maging teenager ako ay hindi ko alam na may kakambal pala ako. At gano’n din si Lily. Noong mga bata pa kami ay naghiwalay ang mga magulang namin. Dinala si Lily ng nanay namin habang naiwan ako kay Pap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD