
Carmella Bromeo, isang babaeng bagamat mahina ay matatag sa lahat ng bagay na kaniyang ginagawa at kinakaharap. Patuloy lang siya sa buhay sa kabila ng lahat ng pagsubok na nangyari sa kaniya, ngunit iba ngayon. Hindi niya malaman kung kakayanin ba niya ang maging matatag sa kamay ni Lorenzo Martinez. Tila isa itong taong nabubuhay nga pero wala namang puso, walang awa. Lalo na nang hindi ito nag-alinlangan na saktan at durugin ang puso niya.
