Athena Dahil sa mala-aso at pusang bangayan namin ni Enzo, akala ko ay hindi na nya itutuloy ang bakasyon namin sa South Korea. Ilang beses syang nagtampo, nainis at nagalit sa akin pero sa huli ay mas pinili pa rin nyang makasama ako sa malayong lugar na ito. Kahit labag sa loob ko ang bakasyon na ito dahil hindi pa naman kami lubos na magkakilala ay pinilit ko na rin ang aking sarili na ienjoy ang masarap na bakasyon dito. Para akong nananaginip nang marating namin ang Incheon International Airport. Ito ang unang beses na makakapunta ako sa ibang bansa. Kahit hindi pa winter ngayon dito ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap tuloy ako sa aking katawan dahil hindi ako sanay sa klima na mayroon ang bansang ito. Binilhan ako ni Enzo ng sweat shirt pero parang hindi sapa

