Athena Nagimbal siguro ang buong Golden Valley University dahil si Ethan naman ang kasama ko ngayon. Pero hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanilang lahat na magkaibigan lang kami. Sadyang mabait lang sa akin si Ethan Habang naglalakad kami sa pasilyo ng building ay nakasabay namin sa paglalakad sina Enzo at Alodia. Nasa likuran nila si Amara. “Hi Athena! Hi Ethan!” magandang pagbati ni Alodia Mukhang nasa good mood ang kaibigan ko ngayon. Magkahawak kamay sila ni Enzo habang naglalakad. “Hi Good morning.” Pagbati ko “Good Morning.” Bigkas ni Ethan Napatingin sa amin si Enzo. Walang reaksyon ang kanyang mukha nang tignan nya ako. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin. Ngunit ang nakakapanibago ay ang mabilisang pag-alis nya ng kanyang tingin sa akin. Binalingan n

