Chapter 31

2140 Words

Athena Habang nasa byahe kami ay para akong binubuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Ayokong tumingin sa pwesto nina Alodia at Enzo. Ngunit alam kong nagtatawanan sila habang nagkukwentuhan. Nasa likurang bahagi kami ni Amara ng sasakyan ni Enzo. Habang si Alodia naman ay nakaupo sa tabi ni Enzo, yung dating pwesto ko kapag inihahatid at sundo nya ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, parang minamagnet ako at kusa akong napapatingin sa kanilang dalawa. Kahit ayoko. Kahit pigilan ko ang sarili kong huwag tumingin sa kanila, pero wala na akong magawa. Nakamasid ako sa kanilang dalawa habang lihim na may dinadalang bigat ang puso ko. Kitang kita ko sa mga ikinikilos ni Enzo ang labis na kaligayahan. Natatawa sya sa lahat ng binibitawang salita ng kaibigan naming si Alodia.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD