Tahimik pa rin siya. Si Mr. Ismael. Nakatalikod pa rin sa akin, hawak ang isang basong may natitirang yelo at alak. Parang may binabalanse siyang mundo sa loob ng katahimikang ‘yon. Tumigil ako sa ilang hakbang bago siya marating. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong umatras o huminga nang malalim at sumugod na lang. Pero wala na rin akong kawala. Nandito na ako. “Sir?” mahina kong tawag, almost a whisper. Dahan-dahan siyang lumingon. At pagtingin niya sa akin, sandaling natahimik ang mundo ko. “Pinky?” he asked, his voice husky, surprised. Napakamot ako sa batok, pilit ngumiti. “Small world po, ‘no?” “Are you following me?” may halong biro, pero halata sa mata niya—he wasn't annoyed. He was... curious? “Hindi po, sir. I just needed a drink. Bad day,”

