Maaga pa pero gising na ako. Hindi ako sanay sa ganito Pero mula kagabi, mula nang ihiga ko si Pinky sa kama, mula nang maramdaman ko ang init ng balat niya sa tabi ko… hindi na ako mapalagay. That was just, you know, a night to be treasured. Dahan-dahan akong bumangon mula sa guest room. Nakayakap pa rin siya sa kumot, mahimbing ang tulog. Tiningnan ko siya saglit—tahimik, walang iniintinding gulo, parang wala kaming pinagdaanan. Hinayaan ko siyang matulog. Kailangan niya ‘yon. Ako naman, may trabaho akong dapat harapin. Bumaba ako sa kusina at naghanda ng almusal. Simpleng itlog, tinapay, at brewed coffee. Habang umiikot ang aroma ng kape sa buong bahay, para bang bumalik ang katinuan ko—unti-unting bumabalik sa akin ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ‘to. The Nike pr

