Pinky Miranda’s POV Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas, parang naririnig ko na rin ‘yon sa tenga ko. Kasabay ng kabog na ‘yon ay ang sunod-sunod na alaala ng nagdaang gabi. Yung club. Yung mga lalaking halos lapain ako. Yung pagdating ni Sir Ismael. Yung pag-uwi namin sa mansion. At ang gabing 'yon—kung saan hindi na namin naawat ang mga sarili. The way his lips found mine, the way his hands held my waist as if I was the only woman in the world that mattered. It was wild. Sobrang totoo. Sobrang mapusok. Hindi ko siya matignan sa mata ngayong umaga. Naaalala ko pa kung paano ako napayakap sa kumot sa sobrang lambot, pero mas malambot ang yakap niya. But now, back to reality. Bitbit ko ang towel at ang toiletries ko habang papunta sa restroom ng publication office. Ka

