CHAPTER 14

1304 Words
Lunes. Dapat simula ng panibagong linggo, panibagong sigla—pero ako? Para akong binagsakan ng toneladang tanong. Maaga akong dumating sa opisina. Sadyang maaga. Mas maaga pa sa kape sa pantry. Para makaiwas. Para maiwasan si Draemon, si Mr. Rivera, at higit sa lahat, sarili kong damdamin. Tahimik ako habang nag-aayos ng mga papeles sa mesa ko sa labas ng executive office. Focused, kunwari. Pero ang totoo, parang may kumakalabit sa dibdib ko. Ang dami kong iniisip. Ang daming tanong. Ang daming… hindi ko kayang harapin. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Ismael. Napalingon ako agad. Hindi ko sinasadya—reflex na ‘to bilang sekretarya. Pero ang bumungad sa akin ay hindi lang basta ordinaryong eksena. Si Callie. Halos sumabog ang presensya niya sa buong hallway. Nakapamewang, mahigpit ang pagkaka-kuyom ng bibig, at namumula ang mata. Hindi ko alam kung kakaiyak lang ba niya o pipigil pa lang. Sumunod si Mr. Ismael mula sa loob ng opisina, calm but firm. Iba ang aura niya ngayon. Hindi na ‘yung tipikal niyang cold professionalism. Iba. May bigat. “Callie, please,” sabi ni Ismael, malumanay pero diretso. “We can’t keep pretending anymore.” Napahinto ako. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto, nakayuko, kunwaring abala sa mga papel. Pero ang totoo, ang lakas ng t***k ng puso ko. This is it…? Ito na ba ‘yon? “You’re just saying that because of her,” bulalas ni Callie, pasinghal, sabay lingon sa akin. Napasinghap ako. Nabitawan ko ang ballpen na hawak ko. “It’s not about her,” sagot agad ni Ismael. “It’s about us. Matagal na tayong hindi nagkakaintindihan, Callie. We’re two different people. You know that.” “Don’t lie to me, Ismael. I saw how you look at her.” Tumuro siya sa direksyon ko, matalim. “I saw it. Lalo na nung gabi ng gala. Don’t tell me it’s not about her.” Hindi ako makagalaw. Parang may humawak sa paa ko’t pinagkabit sa sahig. Ang init sa pisngi ko, ang bigat sa balikat. Gusto kong mawala. Gusto kong maglaho sa eksenang ‘to. “I’m ending this,” sabi ni Ismael. Calm. Final. “It’s over, Callie. I’m sorry.” BOOM. Parang may pumutok na bubble sa hangin. Tumahimik si Callie ng ilang segundo, pero nakita ko—‘yung bahagyang panginginig ng balikat niya, ‘yung pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya, at ‘yung galit na pilit niyang tinatakpan ng pride. Lumapit siya sa akin. Nakatitig. Matalim. Mabigat. “You think you won just because he chose you?” halos pabulong pero malinaw ang bawat salita. “You’ll never have him, Pinky. Not without a war.” Bago pa ako makasagot, umiikot siya, at padabog na lumakad palayo. Ang heels niya kumalabog sa hallway—tunog ng sugat, tunog ng pagwawakas. Pagkasara ng elevator doors, naiwan ako sa labas ng opisina. Tahimik. Naka-hawak sa dibdib. Hindi ako sigurado kung takot ba ‘yung nararamdaman ko, lungkot, o… saya? Hindi ko namalayang lumapit si Mr. Ismael sa harap ko. Nagkatitigan kami—una sa loob ng isang segundo. Pero ‘yung segundo na ‘yon, ang dami niyang sinasabi sa mga mata niya. “Pinky…” bulong niya. Napapikit ako. “Don’t.” Hindi ko siya kayang tignan. “This isn’t your fault—” “Hindi ba?” sabat ko, hindi ko na napigilan. “Hindi ba ako ‘yung dahilan kaya siya umalis, kaya kayo naghiwalay?” “We were already breaking,” he said softly. “You were just the truth I couldn’t deny.” Anong truth? Anong he couldn't deny? Ano ‘to? Flowery worlds, ganon? Na he could say whatever he wants to say para paasahin ang puso ko? Humikbi ako. Hindi ko alam kung bakit mas masakit pa ‘to kaysa sa panata ko. Hindi ko alam kung bakit kahit gusto ko rin siya, kahit matagal na, mas nangingibabaw ‘yung guilt kaysa sa kilig. Umiling ako, dahan-dahan. “I need space.” And I walked away. Iniwan ko siyang nakatayo roon, tahimik, habang dala-dala ko ang bigat ng panata, sinira kong relasyon… at pusong hindi ko alam kung papaano pa buuin. I was… broken to the fact that I cause so much mess. At hindi ko maalis sa isipan ko na sisihin ang sarili ko because it wouldn't took this far kung hindi ko lang sana pinanata ang isang may fiance na. Now, I'm questioning my own tradition. Was it worth it? Was it really sacred? I don't know. Ang dali ng oras. Dahil sa sobrang hindi ko pagpansin sa dalawang lalaking pilit na ginugulo ang inner peace ko hindi ko namalayan na hapon na pala. Ay hinde, gabi na pala talaga. Maybe it was already 6pm in the evening. Mabuti nalang at pinuntahan ako ni Daphne sa desk ko kung hindi baka rito na rin ako nalipasa ng gabi. Nang makarating ako sa bahay, Ewan ko ba. Agad akong nag half bath dahil ang init ng katawan ko. Ang lamig ng gabi pero parang tanghaling tapat ang init sa dibdib ko. Pagkatapos kong maligo at makapagbibis ng favorite kung t-shirt na regalo pa sa akin ni mama, pumunta ako sa maliit na lantay sa may rooftop namin. Tahimik akong nakaupo at mula rito, tanaw ko ang mga bintana ng iba’t ibang gusali—may mga bukas pa, may mga tahimik na, pero lahat tila walang pakialam sa kaguluhang dinadala ko sa loob. Bitbit ko ang isang sobre. Luma na, may mga gasgas at tupi sa gilid. Ilang weeks ko na itong tinatago—simula pa nung araw na nagpanata ako sa harap ng altar sa Kanlungan ng Sagrado. Panata na pinanindigan ko, pinaniwalaan ko… at ngayon, gustong-gusto ko nang burahin. Binuksan ko ang sobre at inilabas ang papel. Doon nakasulat ang panata ko. Pormal, may pirma, may petsa, at may selyo pa ng pamilya naming Miranda. Para bang kontrata. Para bang utos ng langit. Ilang beses kong binasa ang bawat linya. Paulit-ulit. Hanggang sa hindi ko na alam kung panata pa ba ito o parusa. Nag-init ang mata ko. Napapikit ako. “Bakit ganito?” bulong ko. “Bakit parang kasalanan ang magmahal ng iba?” Pinilit kong paniwalaan na ang panata ko ay sagrado. Na si Mr. Ismael lang ang dapat. Na kahit gaano kasakit, kailangan kong panindigan. Pero sa huli … iba na. Iba na ang mundo ko. May Draemon na laging andyan. Tahimik pero ramdam. ‘Yung klase ng presensyang hindi kailangan ng salita para mapawi ang gulo ko. ‘Yung mga pagkakataong nararamdaman kong babae ako, hindi lang sekretarya, hindi lang Miranda—kundi ako. Si Pinky. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Tumayo ako, huminga ng malalim, at hinawakan ang panata ko sa dalawang kamay. “Patawad, Lola. Patawad, Inay… pero hindi ko na ‘to kaya.” At dahan-dahan, pinilas ko ang papel. Isa-isa. Punit-punit. Maliliit. Parang sinisira ko na rin ‘yung tanikala na ilang araw ko nang pasan. Hangin ang sumalo sa mga piraso habang tinatapon ko ang mga ito mula sa rooftop. Kasama ng mga iyon, ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko pa rin alam ang eksaktong gusto ko. Hindi ko pa rin sigurado kung si Draemon ba o si Ismael. Pero ang alam ko—ayoko na ng panatang pilit. Ayoko na ng pagmamahal na dapat lang dahil utos. Gusto ko ‘yung kusang binuo, dahan-dahang tinatahi. Gusto ko ‘yung totoo. At kung kailangan kong maging "tawaging failure" sa angkan naming Miranda, tatanggapin ko. Kasi gusto ko namang maging matagumpay sa pagiging ako. “Simula ngayon, ako na lang ang susundin ko,” bulong ko sa sarili. At sa gabing iyon, sa ilalim ng mga bituin na saksi sa aking pagbitaw, tuluyan kong pinakawalan ang isang panatang matagal nang hindi akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD