Mula nang inilunsad namin ang bagong branded content project, halos hindi ako makapaniwalang gano’n kabilis ang naging impact. May increase na agad sa engagement ng site, advertisers were lining up, and the revenue graph—isang bagay na dati ay parang abstract lang sa akin—ay bigla na lang nag-spike paakyat. Lahat ng meetings naging upbeat. Lahat ng email may “Congratulations” at “Well done.” Pero ang totoo? Ang nasa utak ko habang binabasa ko ang mga success reports, ay hindi kung gaano kagaling ang proposal. Hindi kung gaano karaming sponsors ang na-secure namin. Ang nasa isip ko… si Draemon. At si Mr. Rivera. At ang panata ko. Nasa boardroom ako, kasama si Draemon. He was standing beside me habang iniisa-isa ang milestones ng proyekto. I was presenting—confidently, proudly—but somewhe

