CHAPTER 2

1248 Words
Maaga akong umalis. Suot ang pinakapayapang damit ko—isang puting dress na lampas tuhod, medyo presko, bagay sa kabundukan. Bitbit ko ang maliit na bag na may lamang tubig, notebook, at ballpen—pang-confession style kung sakaling kailangan ko ng drama. Tahimik sa daan paakyat ng Kanlungan ng Sagrado. Mga ibon lang at tunog ng hangin sa mga dahon ang maririnig. Para kang pinipilit na maging honest sa sarili mo dahil walang ibang distraction. Pagdating ko ro’n, amoy insenso agad. May mga bulaklak sa harap ng antigong altar, at may papel sa gilid para sa mga isusulat mong panata. Pero hindi agad ako nagsulat. Umupo muna ako sa isang gilid at pinagmasdan ang paligid. Tila may iniiyak ang lugar. Parang bawat sulok ay may kwento ng taong umibig, nasaktan, at umaasa. Habang nagmumuni-muni ako, bigla akong may narinig na boses. "Hoy, may tao pala," bungad ng isang babae, naka-bestida ring puti, pero may gold sash siya sa bewang—ibig sabihin, na-fulfill na ang panata niya. Napatayo ako, bahagyang nahiya. "Ah, sorry... hindi ko alam kung may tao pa rito." Ngumiti siya, lumapit, at umupo sa tabi ko. "First time?" "Yeah..." sabay buntong-hininga. "Naguguluhan pa kasi ako." "Ano bang iniisip mo?" tanong niya, habang pinipitas ang isang bulaklak na nasa paso. "Ang panata kasi, ‘di mo puwedeng pilitin. Dapat totoo. Dapat malinaw." "May gusto kasi ako... sobra... pero taken na siya. Engaged," sagot ko. “Pero kahit gano’n
 hindi ko siya matanggal sa isip ko.” Ngumiti siya, parang may alam. "Ako rin, noon. Yung panata ko, dati, may mahal nang iba. Pero sa loob-loob ko, alam kong siya talaga. So I confessed. Sinulat ko rito, sa Kanlungan, lahat ng dahilan kung bakit siya. And I said, kung hindi siya, sana mawala ‘tong damdamin. Pero kung siya talaga—bahala na si tadhana." "Tapos? Nangyari?" tanong ko, medyo lumalakas ang t***k ng puso ko. Tumango siya. "He broke off his engagement months later. Hindi dahil sa akin, kundi dahil hindi pala niya mahal yung isa. Tapos nagtagpo kami ulit. At ayun, kinasal kami last year. Kaya andito ako ngayon—para magpasalamat." Napakagat ako sa labi. May halo akong tuwa at inggit. Ang saya ng kwento niya. Ang linaw. Ang buo. Samantalang ako—di ko nga alam kung panata ba talaga ito o obsession lang. "Totoo ba talaga ‘yang sinasabi nila?" tanong ko. "Na kapag isinulat mo rito, kapag buo na ang loob mo, tutuparin talaga?" "Hindi ito magic, girl," natatawang sagot niya. "Pero kung malinaw ang puso mo, may paraan ang mundo para dalhin ka kung saan ka nararapat. Kaya siguraduhin mong totoo ka. Kasi ‘pag hindi—ikaw rin ang masasaktan." Pag-alis niya, naiwan akong tahimik. Nakatingin sa papel na walang sulat. Kinuha ko ang ballpen. Huminga ako nang malalim. At dahan-dahang isinulat: "Ismael Rivera. Hindi ko alam kung panata nga kita. Pero kung totoo itong nararamdaman ko—na ikaw ang gusto ko, na ikaw ang nararapat—sana, kahit imposible, bigyan ako ng pagkakataon. Pero kung hindi, kung hindi talaga para sa akin... please, pakawalan mo ako. Kasi ayokong habang buhay akong umaasa sa taong hindi naman ako pinapahalagahan." Pagkatapos kong isulat iyon, inilagay ko ang papel sa loob ng kahon sa altar. At sa sandaling iyon... parang may gumaan. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung si Ismael ay magiging akin. Pero alam ko na ngayon ang gusto ko. At handa akong gawin ang nararapat. Pagkatapos ng Kanlungan ng Sagrado, parang may konting linaw na sa isipan ko. Hindi man mawala agad ang feelings ko kay Mr. Ismael, at least alam ko na kung ano talaga ang gusto ko—na kung siya talaga ang panata ko, then I'll fight. Pero kung hindi... I’ll learn to let go. Pero for now? Laban. Discreet pero may dignity. Sexy pero smart. At kahit papaano, may laman na ang loob ko. May pinanghahawakan. Kaya pagpasok ko sa opisina, full glam but classy ang peg. Red lipstick, sleek na ponytail, high-waist pencil skirt, at yung signature kong heels na tunog pa lang sa sahig eh parang sinasabi: "Hoy, andito na si Pinky Miranda, lumugar kayo." "Good morning, Ma'am Pinky," bati ng janitor. "Good morning din, Kuya Ramon," sabay kindat ko. Charm never hurts. Pumasok ako sa office ni Sir Ismael para iayos ang mga documents niya sa desk. Tahimik pa, hindi pa siya dumarating. I was humming a bit, fixing the folders when... "Well, well... look who’s acting like she owns the place." That voice. Sharp. Confident. And terrifyingly calm. I slowly turned around. And there she was. Callie Torres. The fiancĂ©e. The manager. The woman standing between me and my panata. Naka-all black siya, sleek dress, minimal makeup pero lutang ang ganda. Powerhouse aura. She was staring at me like I was some stain on her white carpet. "Ma'am Callie," ngumiti ako, kahit ramdam ko nang nanginginig ang kaliwang tuhod ko. "Good morning po." "Morning," sagot niya, diretso. "Ikaw ang secretary ni Ismael, di ba?" "Yes po," mahinhin kong sagot pero may konting sassy undertone. Kahit papaano, this is still my territory. She stepped closer. Mas malapit. Hanggang halos magkalapit na ang mga mukha namin. I could smell her perfume—subtle pero mahal. Intimidating. "You’ve been working here for a while now," she said, folding her arms. "And I’ve heard
 things." “Like what po?” nakangiti pa rin ako pero palaban na ang tono. I wasn’t raised to cower, lalo na sa harap ng babaeng alam kong gusto kong maging. Callie’s eyes narrowed. “Let’s just say, rumors spread. Yung mga tingin mo sa fiancĂ© ko
 they don’t go unnoticed.” Boom. There it is. The confrontation I was trying to avoid. Or maybe
 hoping for? “I’m just doing my job,” sagot ko, diretso. “Kung may napapansin kayong sobra, maybe it’s not me who’s being too obvious.” She smirked. “Clever. You know what? I’ve dealt with girls like you before. Mga pa-sweet, pa-inosente, pero ang totoo, ambitious. Mapang-akit. Uhaw sa attention.” “Or maybe,” sabi ko, dahan-dahang lumapit, “baka insecure lang talaga ang mga babae na alam nilang hindi sila ang unang iniisip ng lalaking mahal nila.” I don’t know where that came from. Siguro adrenaline. Siguro yung panata ko from the Kanlungan. Pero grabe ang t***k ng puso ko after I said that. Callie’s smile faded. For a moment, tahimik lang kami. She blinked slowly, and then— Clack. Biglang bumukas ang pinto. And there he was. Mr. Ismael Rivera. In his charcoal grey suit, crisp white shirt, no tie. Misteryoso. Malamig. At napaka-istrikto ng aura. He looked at us both. Then sa akin. Then kay Callie. “Is there a problem here?” tanong niya, malamig pa rin ang tono. “No,” mabilis na sagot ni Callie. “Just... getting to know your secretary better.” “I see,” sagot ni Ismael. "Pinky, bring me the Q2 reports. And two coffees. Black. One for Ms. Torres." “Yes, sir,” sagot ko agad. Pero bago ako umalis, I felt Callie’s eyes on my back like sharp daggers. And for a second—just a tiny second—nang magtagpo ang tingin namin ni Sir Ismael, parang may spark. O baka ako lang ‘yon. Guni-guni lang. Panata lang. Pero kahit gano’n... I whispered to myself habang naglalakad paalis: “Sa susunod na balik ko rito
 baka ako na ang may panalo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD