bc

KANGKONG SQUAD in Mysterious Land (Fantasy Thriller)

book_age18+
66
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
contract marriage
one-night stand
family
HE
teacherxstudent
age gap
fated
opposites attract
arranged marriage
playboy
badboy
kickass heroine
boss
billionairess
heir/heiress
blue collar
drama
tragedy
sweet
bxg
mystery
scary
campus
city
mythology
magical world
another world
superpower
harem
ancient
love at the first sight
wild
like
intro-logo
Blurb

Kangkong Squad. That is how we call our barkada because we always feel like we'll be thrown out of the kangkungan because of our failures in this life.Para sa aming mga pamilya, kami ay mga walang silbi, kahihiyan at hindi maipagmamalaki na gaya ng ibang mga kabataan. We were always not good enough for the people we love.Isang araw napagkasunduan naming gugulin ang bakasyon sa rest house ng pinakamayaman naming kaibigan na si Yunna.Ngunit wala kaming kamalay-malay na ang bakasyong ito pala ang tuluyang babago sa mga buhay namin.  We fell into an unknown hole in the middle of the forest. Nang muli kaming magkamalay ay hindi na lang isang ordinaryong kagubatan ang kinaroroonan namin.It was dark and exuding mysterious and dangerous vibe. And now, we don't know the way back to our own world. At mukhang isang karima-rimarim na kapahamakan ang naghihintay sa aming lahat.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Zoraya’s POV Hindi ko alam kung kailan nagsimula iyong joke na ‘Kangkong Squad’ kami. Siguro noong sabay-sabay kaming bumagsak sa exam ng midterm. O baka noong isang gabi na inuman lang sana, tapos nauwi sa group therapy sa tabi ng sari-sari store ni Aling Lora. Ang sigurado lang ako, kahit paulit-ulit naming sinasabi na biro lang iyong pangalan ng grupo namin, minsan ramdam ko na totoo siya. Kasi tama naman talaga. Sa mundo namin, kaming mga kabataan ay parang laging nasa pagitan ng ‘may chance pa’ at ‘wala nang pag-asa’. At doon kami nagkakila-kilalang magkakaibigan. Sa Le Ashter University, iyong tipo ng school na may marble hallways pero may canteen pa ring amoy toyo at fried lumpia. This is a non-sectarian school na puwede lahat, mayaman man o mahirap basta naghahangad na makapagtapos. Dito rin ako unang nakaramdam ng belongingness, kahit technically, adopted ako ng isang mayamang pamilya na hindi ko talaga kadugo. They let me live a comfortable life, but I still feel like I don’t belong to them. Ako nga pala si Zoraya Escoffier, ang bunso ng Escoffier clan. O sabi nga nila, iyong pinakamalas na masuwerte. They always remember me as a girl with long golden red hair, small eyes, tall and thin nose with a simple smile. I dreamed of becoming a flight attendant, so I took tourism as my course. Kasi oo, mayaman ang umampon sa akin. Pero sa mansion namin, tahimik ang bawat dinner. Tahimik kasi puro expectations ang nakapalibot sa mesa. Kaya mas gusto ko iyong maingay pero mas totoong samahan. Iyong ramdam mo ang buhay. At sa paghahangad ko na makaramdam ng totoong pakikisama, doon ko nakilala ang mga kaibigan ko. Una ay si Dwayne David. Lagi siyang nasa gitna, literally at figuratively. Matangkad, broad shoulders, parang laging may gustong patunayan. May tattoo na ulo ng tigre sa leeg na tinatakpan ng kwelyo ng uniform. Iyong mga mata niya ay grayish blue, parang makikita niya pati ang kaluluwa mo. He has tall nose, and he really is so handsome. “‘Tol, may dala akong sasakyan. Tara, labas tayo after class,” sabi ni Dwayne minsan habang nag-aayos ng bag niya. Anak siya ng senador. Pero hindi siya iyong anak na ipinagmamalaki bagkus ay itinatago. Sa biglang tingin, mapagkakamalan siyang mayabang… kasi laging may kotse, laging may shades, mamahalin ang mga gamit. Pero sa totoo lang, wala siyang choice kundi magmukhang matapang kasi kung hindi ay dudurugin siya ng mundong nakapaligid sa kaniya. Minsan, nakikita ko siyang nakatulala, hawak ang phone niya, parang may gustong tawagan pero hindi puwedeng tawagan. Hindi siya palaging mabait. Pero marunong siyang tumahimik kapag kailangan mo ng kasama. He is the son of a senator, but her mother is a mistress. Sunod ay si Denise Carter. Si Denise naman ang planner girl namin. May notebook siya para sa lahat… budget, goals, dreams, utang, lahat. Siya iyong sunshine sa group. Mahaba ang makintab niyang buhok, laging may dalang energy na parang kape… chinita siya pero ang ganda ng mga mata na mabilis kumislap kapag may chismis. Pero kahit ganoon, halata mong pagod na siya sa kaiisip kung paano aahon ang pamilya nila sa kasalukuyang kalagayan. Minsan sabi niya sa amin, “Ayoko ng buhay na parang project lang ako ng mga magulang ko. Gusto kong ako iyong gagawa ng sarili kong plano para sa sarili ko.” Natahimik kami noon. Kasi alam namin ang totoo. Kasi sino ba naman ang gaganahang magplano kung araw-araw kang sinasabihan na maghanap ng mayamang mapapangasawa at magpakasal na lang doon para makaahon sa hirap? Next is our friend Arielle Sanford. She has soft features, brown hair, at mga matang parang laging may iniisip. Sobrang sweet niya. Madalas mabansagang cute dahil sa height niya. Tahimik si Arielle. Laging may suot na faded jacket kahit summer. Lumaki siya sa tita niyang prosti, siya mismo ang nagkuwento sa amin. Pero iyong paraan ng pagkukuwento niya ay halatang mahirap din para sa kaniya. “Hindi ako proud,” sabi niya minsan, “pero hindi rin ako nahihiya. Kasi kung hindi dahil sa kaniya, wala ako rito. Nagsasakripisyo si Tita para itaguyod ako.” Maraming nagchi-chismis sa kaniya sa campus, lalo na iyong mga elitista. Pero wala siyang pake. At kung tititigan mo siya nang matagal, mararamdaman mong mas marangal pa siya kaysa sa karamihan sa mga elitista kuno. Isa pa ay si Ashley Jonas. Long hair, dark eyes, at super sexy. Madaling lapitan at magaling mag-make up. Siya ang nagpapaganda sa amin. Si Ashley ay second child pero parang panganay na rin. Iyong ate niya kasi ay nabuntis noon bago pa maka-graduate sa kolehiyo, kaya lahat ng responsibilidad, sa kaniya bumagsak. Hindi siya sobrang talino, hindi rin maporma, pero siya iyong tipo ng tao na kapag ngumiti, parang okay na ulit lahat. Ang sabi niya minsan, “Kung pagod ka na, sabihan mo ako. Baka ako rin, sabay tayong magpahinga pero hindi tayo susuko.” Tapos tatawa siya, pero mahahalata mo ang totoo sa likod ng biro at tawa niya. Isa pa sa barkada namin ay si Yunnah Royce Villasis. Ah, si Yunnah. Kung may salitang "effortless intimidation," siya iyon. Straight na straight ang ang maiksi niyang buhok na parang sa commercial, at napakakinis ng kutis na halos translucent sa puti. Minimalist lahat, pero classy. Hindi mo alam kung gusto ka niyang kaibiganin o gusto ka niyang i-block sa existence niya. Kung pera lang ang basehan ng success, panalo na siya sa lahat ng rounds. Youngest daughter ng mga negosyanteng literal na may pag-aaring malalaking stocks, real estate, oil, tech, lahat halos dito sa Pilipinas. Pero ironically, siya rin iyong pinakahindi interesado sa negosyo. Gusto niyang maging fashion designer. “Kung hindi ako marunong magbilang ng stocks, okay lang. Marunong naman akong magkulay ng buhay,” sabi niya habang nagdo-drawing sa coffee shop. Sabi ng Daddy niya, sayang daw siya. Pero para sa amin, siya iyong taga-critic kung maganda ba ang pormahan namin sa araw-araw. She’s really good at setting trends sa school at sa barkada. Next is Jeanna Madrigal. Ang babaeng kayang sumablay ang mundo pero hindi ang eyeliner niya. Long brown curls, flawless skin, at tingin na may halong challenge at confidence. Sa totoo lang, kung magkakaroon ng away, siya iyong unang sasabak… pero with style. “Lovelife is a scam,” ang paniwala ni Jeanna or ‘Jeya’ kung tawagin namin, habang naglalagay ng lipstick sa harap ng phone camera niya. Twice na siyang niloko ng mga naging jowa niya. Kaya ngayon, hindi na siya naniniwala sa ‘forever,’ kahit sa ‘or now’. Fling-fling na lang daw at bawal ma-fall. Siya iyong kikay na hindi takot sabihin ang totoo, pero kapag umiyak, ayaw ipakita kahit kanino. Mahilig siya sa mga mamahaling perfume. Iyon kasi ang business ng Mama niya. Ang Papa naman niya ay isang sundalo. Kasama rin sa barkada namin si Alistair Ross (Ali Gou). Si Ali. Pinakulayan niya ng red ang buhok niya, tan skin, at laging may hawak na phone. Influencer, pero iyong tipong hindi mo kayang i-judge kasi genuine din naman siya. May cat eyes na parang laging may alam na sikreto. Tinatawag namin siyang social media princess, half-Chinese at may ten million followers, at siyempre marami ring mga haters. Pero ang masakit, karamihan sa haters niya ay ang mismong pamilya niya. “Para kang clown sa internet,” sabi raw ng Daddy niya minsan. Puro insulto rin ang inaabot niya sa iba pa niyang mga kamag-anak, lalo na iyong mga purong Chinese. Hindi siya umimik. Pero that same night, nag-upload siya ng vlog titled ‘This Is Me Laughing’ na nag-trending agad kinabukasan. Hindi dahil sa joke… kundi dahil totoo at maraming naka-relate. Another si Rizza Alejandro. Si Rizza ay curly haired, sun-kissed skinned, at iyong ngiti niya… parang laging may adventure na naghihintay. She laughs loud, runs fast, and feels deeply. Si Rizza, ang sunshine ng grupo. Scholar. Galing sa mahirap na pamilya pero mapagmahal ang mga magulang at kapatid niya. Sabi niya, “Wala kaming pera, pero lagi kaming sabay-sabay kumakain. Eh, kayo?” Walang may kayang sumagot. Kasi totoo… may mga pangangailangan na hindi kayang punan ng yaman. At siya iyong paalala sa amin na hindi kailangan ng tao na maging mayaman para maging buo. Totoong mahalaga ang pera lalo sa hirap ng buhay ngayon. Pero mas masarap na marami kang pera at masaya kayo sa loob ng pamilya niyo. Sumunod naman ay si Jhoezen Pranada. Si Jhoezen ay ang aming atleta. Swimmer at breadwinner pa. May laging baon na energy bar, pero laging kulang sa tulog. Ginagawa niyang secret weapon ang tubig kasi sa tubig daw, kahit mabigat ka, lulutang ka pa rin. Kaya tuwing stress ako, sinasabayan ko siya sa pool kahit hindi ako gaanong marunong lumangoy. Minsan, sabi niya, “Pagod na ako, pero alam kong hindi ako puwedeng tumigil.” Hindi ko na sinagot. Kasi paano mo naman sasalungatin iyon? Isa pa, ayaw kong lalong bumigat ang pakiramdam niya. At panghuli ay si Arkisha Del Zaro. She has pretty face with her round eyes, thick lashes and well-defined brows. Mamula-mula rin ang mga labi at makinis ang malagatas na balat. Si Arkisha ay anak mayaman din at lahat na yata ng bisyo ay nasubukan… alak, drugs, vape maging sa sugal ay hustler ang kaibigan naming ito. She stopped taking drugs because we helped her. Talagang hindi kami tumigil hangga’t hindi niya iyon hinintuan. Alam kasi naming wala naman iyong maitutulong na mabuti sa kaniya. Mabait siya at masayahin sa amin, pero sa iba, hindi siya kasing approachable ni Yunnah. Tahimik siya, very intimidating at talagang mataray ang awra. Siya iyong kapag una mong makilala ay may galawang: “Don’t talk to me unless you’re worth my time.” Pero noong minsang sabay kaming umuwing lasing, umiyak siya sa kotse. “Alam mo iyong feeling na lahat ng tao gusto lang iyong version ng sarili mong hindi totoo? They will only love us when we are perfect!” paghihimutok niya. Doon ko siya unang niyakap. Doon ko naintindihan na kahit mayaman ka, puwede ka pa ring maging marupok sa mga pagsubok. Noong gabi bago magsimula ang bakasyon namin sa rest house nina Yunnah, nakatambay kami sa may oval ng school. Kumpleto kami ngayon dahil tapos na ang lahat ng outputs at naipasa na rin namin. “Ano ba, guys,” sabi ni Jeanna, “last sem na natin ‘to. Let’s make it memorable.” “Memorable as in party?” tanong ni Ali. “Memorable as in kalimutan muna natin lahat ng problema,” sagot ni Ashley. Tumawa si Dwayne, “Eh, paano kung ang problema natin ay tayo mismo?” Imbes na matawa ay natahimik kami. Puro problematic kasi kami ngayon sa pamilya. Hanggang si Rizza na lang ang nagsalita. “Kahit anong mangyari, at least magkakasama tayo.” At doon ako napatingin sa kanila. Magkakaiba kami ng klase ng buhay, iba-iba rin ang pinagdaraanan pero nagtuturingang parang magkakapatid. “So, let’s escape our lives even for a week! Final na, let’s have a vacation in our resthouse sa Quezon. Pure peace and nature!” deklara ni Yunnah. “Yesss!” halos sabay-sabay naming sang-ayon saka nagpalakpakan pa. Ngunit ang hindi namin alam, iyong bakasyong inakala naming saglit na pagtakas sa reyalidad, iyong simpleng trip sa rest house ni Yunnah, ay siya palang magsisimula ng lahat ng kababalaghang hindi namin makakalimutan. Ako si Zoraya Escoffier. Adopted. Rich kid. Lost soul. At ito ang kuwento kung paano kaming tinawag na Kangkong Squad… At kung paanong sa isang iglap, napunta kami sa lugar na hindi namin alam kung totoo pa ba o bangungot na. Hindi ko alam kung paano kami makababalik. Ang alam ko lang… nasa matinding panganib ang mga buhay namin. *** Hello guys, this is a Free story at hindi po magla-Lock dahil magiging Physical Book siya soon... Sana po ay magustuhan ni'yo ang unang Tagalog na Fantasy Thriller na isusulat ko. Happy Reading po!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.8K
bc

Too Late for Regret

read
273.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
136.0K
bc

The Lost Pack

read
377.0K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook