Diya POV
Paglabas namin ng municipal hall, hindi ko agad nilapitan ang sasakyan dahil may isang bahagi sa akin na gustong tumayo muna sa ilalim ng araw at hayaang sumiksik sa balat ko ang katotohanang limang taon ko palang tinatakasan.
"Dito tayo naghintay noon," sabi ko nakatingin sa bakanteng espasyo sa gilid ng parking lot at kusang bumalik sa akin ang eksena ng sarili kong nakaupo sa konkretong bangko habang nanginginig ang tuhod ko.
"Dito ka nagsabing hindi mo kayang magsinungaling habambuhay," sagot ni Rafael sa tabi ko parang ayaw gambalain ang mga alaala.
Napalingon ako sa kanya.
"At nag-sinungaling pa rin ako."
"Hindi, hindi ka nagsinungaling, may hindi ka lang sinabi." agad niyang sagot.
Napahawak ako sa sentido ko dahil malinaw na ngayon ang isang eksena—ako, hawak ang cellphone, binabasa ang pangalan ni Jean sa screen habang paulit-ulit itong nagri-ring at pinili kong ilagay sa silent mode.
"Tinext ko siya, sinabi kong kailangan ko ng space dahil may problema sa pamilya." sabi ko halos pabulong na rin.
Tahimik si Rafael, pero naramdaman ko ang bigat ng sandaling 'yon sa pagitan namin.
"Hindi ko sinabi ang tungkol sa'yo," dagdag ko at doon ko unang naramdaman ang hiya na matagal ko palang kinikimkim.
"Hindi mo kailangang ipagtanggol ang sarili mo sa akin," sagot niya at sa tono niya wala akong narinig na pagmamataas kundi pag-unawa.
"Pero kailangan kong maintindihan kung sino ako noon," sagot ko.
May isa pang alaala ang kumawala—isang gabi sa guest wing ng bahay nila, nakaupo ako sa mesa, hawak ang kopya ng prenuptial agreement, at pumasok siya nang hindi kumakatok.
"May gusto ka bang baguhin?" tanong niya noon.
"At kung sabihin kong gusto kong umatras?" sagot ko diretso ang tingin ko sa kanya.
"Then we call it off," sabi niya noon nang walang pag-aatubili.
Sa kasalukuyan, napalingon ako sa kanya.
"Totoo ba 'yon? Na kaya mong umatras kahit na nalalagay sa alanganin ang negosyo nyo?"
⸻
Rafael POV
Hindi ko inasahan na babalik kami sa eksenang 'yon dahil 'yon ang unang pagkakataon na halos masira ang plano ng dalawang pamilya.
"Oo, handa akong umatras noon." sagot ko diretso ang tingin ko sa kanya.
"Bakit?" tanong niya parang hindi makapaniwala.
"Dahil nakita kong hindi ka sigurado at ayokong maging dahilan ng pagbagsak mo." sagot ko at hinayaan kong lumabas ang katotohanan na matagal ko nang kinimkim.
Napatingin siya sa akin na parang may hinahanap na butas sa sagot ko, pero wala akong balak baguhin ang totoo.
"Pero hindi ka umatras," sabi niya.
"Dahil kinabukasan, bumalik ka sa akin," sagot ko at malinaw pa rin sa isip ko ang eksenang 'yon—siya, nakasuot ng simpleng blouse, ang mga mata niya namumugto pero desidido.
"Sinabi mong pipiliin mo ito, hindi para sa'kin, kundi para sa pamilya mo." dagdag ko ulit.
Tahimik siya at sa katahimikang 'yon alam kong unti-unti niyang tinatanggap ang katotohanang hindi siya biktima ng desisyon—isa siya sa mga gumawa nito.
"Rafael," sabi niya pagkatapos ng ilang segundo.
"Hm?" sabi ko.
"Kung babalik tayo sa 2021 at ibigay sa akin ang parehong sitwasyon, pero malinaw ang isip ko... pipiliin ko pa rin ba 'to?"
Hindi agad ako nakasagot dahil ang tanong na 'yon hindi tungkol sa nakaraan kundi sa kasalukuyan.
"Hindi ko alam, pero alam kong hindi kita pinilit noon at hindi rin kita pipilitin ngayon." sagot ko sa wakas.
Sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, malinaw na sa akin na ang susunod na hakbang niya hindi na dahil sa utang, hindi na dahil sa pressure, kundi dahil sa sarili niyang paninindigan at doon magsisimula ang tunay na laban naming dalawa.
—
Diya POV
Hindi ko alam kung mas mabigat ba ang hangin sa Naic o ang dibdib ko habang tinatanaw ko ang tahimik na kalsada na minsan ko nang tinahak nang hindi ko man lang inalala kung saan ako patungo.
"Dito tayo bumaba noon," mahinang sabi ni Rafael sa tabi ko ngunit ako ang unang naglakad palayo sa sasakyan parang may sariling paa ang mga alaala ko na gustong mauna.
Ang simbahan sa dulo ng kalsada hindi engrande at ang munisipyo mukhang ordinaryong gusali lang, pero habang papalapit ako roon tila may kumakalabit sa isip ko isang eksenang hindi ko matanggap na ako ang bida.
"Hindi ito mukhang lugar kung saan ako magpapakasal," bulong ko na lang sa sarili ko.
"Hindi ito naging tungkol sa lugar, naging tungkol ito sa timing." sagot niya at narinig ko ang pag-iingat sa tono niya.
Napahinto ako sa harap ng munisipyo at biglang sumingit ang isang malinaw na alaala—ako, nakaupo sa loob hawak ang ballpen nanginginig ang kamay ko habang binabasa ang pangalan ko katabi ng kanya.
"Ms. Sharma, are you entering this marriage of your own free will?" tanong ng solemnizing officer noon at kahit hindi ko maalala ang mukha niya malinaw naman ang boses.
"Yes," sagot ko noon at ang pag-usal ko ng salitang 'yon ang pinakamasakit na bahagi dahil hindi ako pinilit—pinili ko.
Sa kasalukuyan, napapikit ako at napahawak sa dibdib ko.
"Rafael... bakit dito? Bakit hindi sa Maynila?"
"Para walang makaalam," sagot niya nang diretso sa akin.
Napalingon ako sa kanya.
"Ganoon ka ba kasigurado na hindi ako magbabago ng isip?"
"Hindi ako sigurado, kaya nga tinanong kita ng tatlong beses bago tayo pumasok." sagot niya.
Napatawa ako nang mahina, pero may halong luha.
"At tatlong beses din akong nagsabing oo." sagot ko.
May isa pang alaala ang bumalik pagkatapos ng seremonya hindi kami nag-celebrate at hindi kami nag-picture na parang bagong kasal tahimik lang kaming naglakad palabas na parang may pinirmahan lang na kontrata sa negosyo.
"Hindi kita hinawakan noon," sabi ko sa kanya unti-unting binubuo ang eksena.
"Dahil ayokong magmukhang nananalo," sagot niya.
Napatingin ako sa kanya nang mas matagal at doon ko unang naintindihan na sa tahimik na bayang ito nagsimula ang isang bagay na hindi ko man lang binigyan ng pagkakataong maging totoo.
⸻
Rafael POV
Pinanood ko siyang maglakad sa harap ng munisipyo na parang hinahabol siya ng nakaraan at sa unang pagkakataon hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundan o hayaang siya mismo ang humarap sa alaala.
"Gusto mong pumasok?" tanong ko namab bago ko itinuturo ang pinto.
Huminga siya nang malalim bago sumagot.
"Kung hindi ko haharapin, Rafael mananatili itong multo." sagot niya.
Sumunod ako sa kanya sa loob at halos pareho pa rin ang itsura ng opisina lumang mesa, kahoy na bangko at ang amoy ng papel na matagal nang nakatago sa mga drawer.
"Dito ka nakaupo," sabi ko sa kanya at tinuturo ang sulok.
"At dito naman ako."
"Magkalayo," sagot niya agad nang makita ang distance namin.
"Oo, dahil 'yon ang napagkasunduan natin." sabi ko.
Napalingon siya sa akin.
"Ano pa ang napagkasunduan natin na hindi ko maalala?"
Napahawak ako sa bulsa ko parang may hawak pa rin akong documents na matagal nang naisumite.
"Na pagkatapos ng kasal babalik ka sa Maynila at ipagpapatuloy ang buhay mo na walang kinalaman dito."
"At ikaw?" tanong niya.
"Ako ang haharap sa media kung sakaling may lumabas," sagot ko.
Tahimik siya sandali bago nagsalita muli.
"Rafael, kung hindi ako nagkaroon ng breakdown noon... sa tingin mo ba may pagkakataon tayong magsimula nang normal?"
Hindi ko agad nasagot dahil ang tanong na 'yon hindi lang tungkol sa 2021 kundi sa kung ano ang kaya naming gawin ngayon.
"Hindi ko alam, pero alam kong sa araw na 'yon, kahit kontrata ang tingin mo hindi 'yon ang tingin ko." sagot ko naman sa kanya.
Napatingin siya sa akin na parang may gustong itanong pero pinigilan.
Sa labas ng munisipyo may dumaan na batang nagbibisikleta at tumawa nang malakas at sa simpleng tunog na 'yon napagtanto kong sa tahimik na bayang ito nagsimula ang isang kasal na wala sa plano ng puso namin at ngayon, dito rin kami magsisimulang magtanong kung may puwang pa ba para gawing totoo ang isang bagay na minsan naming tinuring na pansamantala.
—
Diya POV
Lumabas kami ng munisipyo at biglang bumuhos ang init ng hapon sa balat ko. Parang inaalala ng araw mismo ang takot at panghihina na naramdaman ko noon.
"Hindi ko alam kung paano ko nalampasan 'yon," bulong ko halatang nanginginig ang boses ko.
"Hindi mo rin kailangan alalahanin, ang mahalaga, alam mo na ngayon kung bakit ka narito." sagot ni Rafael pero may bigat sa bawat salita.
Tumingin ako sa kanya.
Ang mga mata niya malamig sa simula, pero may init na hindi ko alam kung ano ang pangalan.
"At bakit ako napili noon? Bakit ako?" bulalas ko.
"Hindi pinili ka lang, pinilo mo rin mismo, 'yon ang masakit at totoo." sagot niya ng malumanay pero determinado.
Napailing ako, hindi makapaniwala.
Ang mga alaala ko bumabalik ang pag-upo ko sa mesa, ang pirma na tila may sariling isip, ang pag-iyak sa loob ng banyo pagkatapos.
"Hindi ko maalala...hindi ko talaga maalala," sabi ko.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo ginawa 'yon para saktan ang sarili mo ginawa mo 'yon para iligtas ang pamilya mo." sagot niya at para bang alam niya ang bawat salitang iniisip ko.
Napahinga ako, huminga nang malalim at sandaling nakita ko ang anak ng magbubuntis sa akin ng alaala ang responsibilidad at takot na bumabalot sa puso ko noon.
"Siguro noon, hindi ko rin alam ang bigat ng desisyon," bulong ko.
"Ngayon, alam mo na at ngayon, may pagkakataon tayong gumawa ng bago, kung papayag ka." sagot niya.
Humarap ako sa kanya at nakita ang bahagyang ngiti sa labi niya.
"Rafael...baka kaya nating subukan?"
Hindi siya agad sumagot. Tumigil siya sa tabi ko at tumingin sa kalsadang tahimik.
"Hindi ko alam kung paano magiging 'normal,' Diya, pero handa akong subukan kung kasama ka."
Napangiti ako ng bahagya na parang nakakita ng liwanag sa gitna ng dilim ng nakaraang limang taon.
"Kung kaya mo, kaya ko rin," sabi ko at ramdam ang bigat ng takot na unti-unting napapalitan ng kaunting tapang.
Tahimik kami nang sandali hawak ang alaala at ang kasalukuyan. Sa likod ng simpleng bayan na ito, may simula kaming hindi inaasahan isang simula na nagsimula sa papel at takot ngunit maaari ring magtapos sa pag-ibig at pagpili.
"Diya, kung ito ang umpisa gawin nating tama." pananalig niya sa pangalan ko.
Tumango ako.
"Gawin natin hindi sa kasal lang noon...kundi para sa atin ngayon."
At sa gitna ng tahimik na kalsada sa Naic, Cavite, may isang desisyon akong ginawa isang hakbang pasulong mula sa nakaraan at isang simula na maaaring magdala ng tunay na pagkakaintindihan.
Ngunit kahit narito kami ramdam ko pa rin ang tensyon may nakalipas na alaala, may desisyong ginawa ng walang laman ang puso noon at may tanong pa rin maaabot ba namin ang totoong pag-ibig sa pagitan ng legalidad at damdamin?
Isang mahaba at tahimik na paghinga ang sumunod.
"Handa ka na ba, Rafael?" tanong ko.
"Handa na rin ako...Diya," sagot niya at ang tingin ko matindi at matapat ang sinabi niya.
At doon, sa gitna ng Naic, Cavite, nag-umpisa ang muling paglalakbay mula sa papel patungo sa puso mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan at mula sa takot patungo sa pagpili.
Habang naglalakad kami pauwi mula sa munisipyo ramdam ko pa rin ang bigat ng papel sa kamay ko ang marriage certificate na tila malamig sa pagdampi sa balat ko.
"Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito sa pamilya ko," bulong ko parang takot na sumabog sa hangin.
"Huwag kang mag-alala, Diya, hindi mo kailangang sagutin lahat ng tanong ngayon—isa-isa lang." sabi ni Rafael ang boses niya tahimik pero matatag.
Tumingin ako sa kanya at sa unang pagkakataon, nakita ko ang tao sa likod ng pangalan hindi lang siya strategic na asawa may hawak ng pwersa at kontrol kundi isang tao na may sariling pangamba at intensyon.
"Pero... paano si Jean?" tanong ko at bahagyang nanginginig ang boses ko.
Tumigil siya at hinawakan ang balikat ko nang magaan.
"Alam ko ang ginawa niya para sa'yo pinili niya ring lumayo para maprotektahan ka hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo sa kanya."
Napangiti ako ng bahagya, kahit pa may kirot sa dibdib.
"Ngunit nararamdaman ko pa rin...parang nawala ang lahat ng pinangarap namin."
"Hindi pa nawawala ang lahat ang kasal na ito... legal nga, pero hindi ito hadlang sa kung ano ang maaari nating buuin ngayon," sagot niya pero may lalim na hindi ko maalis sa tingin.
Huminga ako nang malalim.
"Siguro kailangan kong tanggapin ang katotohanan, hindi lamang ang gusto ko," sabi ko at ramdam ang pagbigat ng responsibilidad sa bawat salita.
"Ganyan talaga ang buhay, Diya hindi laging perpekto ang timing pero may pagkakataon tayong gawin itong tama ngayon," sagot niya at may kakaibang init sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.
Nang makarating kami sa maliit na plaza ng bayan napansin ko ang tahimik na paligid ang mga tindahan, ang lumang simbahan at ang mga batang naglalaro sa kalsada. Parang walang koneksyon sa drama na dala ko sa puso pero sa ilalim nito ramdam ko ang isang bagong simula.
"Rafael... nakakatakot, pero parang kailangan kong harapin ito," bulong ko at inabot ko ang kamay niya.
Hinawakan niya ito mahigpit ngunit magaan at ngumiti ng bahagya.
"Diya, hindi mo kailangang maglakad mag-isa kahit gaano man kalabo ang nakaraan, nandito ako."
Napahinga ako. "At kung hindi natin alam ang susunod na mangyayari?"
"Hindi natin malalaman hanggang subukan natin, pero sa bawat hakbang, kasama mo ako." sagot niya.
Tumingin ako sa kanya at naramdaman ko ang kakaibang katahimikan hindi takot, kundi pag-asa.
"Siguro... siguro pwede nating subukan," sabi ko at napansin ko ang bahagyang ngiti niya isang unang hakbang mula sa pormalidad patungo sa personal na koneksyon.
"Kung 'yon ang pipiliin mo, Diya... simulan natin," sabi niya at ang tingin niya puno ng intensyon at pangako.
Habang naglalakad kami paalis ng plaza ramdam ko ang tensyon at takot ngunit may kasamang kakaibang kapanatagan parang sa kabila ng lahat ng nakaraan, may simula na para sa amin.