Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mukha niya—si Rafael Silva ang lalaking legal na asawa ko, sa loob ng siyam na taon tila nawala sa alaala ko. Nakaupo siya sa kabila ng mesa sa opisina ng abogado tahimik siya pero ramdam ang bigat ng presensya niya.
"Diya, kailangan nating ayusin ang dokumento," mahinang sabi niya tila may kasamang habag at kalinawan sa tono. Pero sa bawat salita niya may kakaibang init at intensyon na hindi ko maalis sa pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Rafael...hindi ko alam kung paano ko haharapin ito," bulong ko at ang boses ko nanginginig na.
"Hindi mo kailangan sagutin lahat ngayon, Isa-isa lang tayo." sagot niya at tumayo siya para lumapit sa akin.
Napangiti ako ng bahagya.
"Ngunit si Jean...paano siya?"
Tumigil siya at tumingin sa akin nang matagal tila sinusuri ang bawat galaw ko.
"Alam ko ang ginawa niya para sa'yo, pinili niyang lumayo para protektahan ka, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo sa kanya."
Huminga ako nang malalim.
"Siguro... kailangan kong tanggapin ang katotohanan," bulong ko at ramdam ko ang bigat ng responsibilidad.
"Ganyan talaga ang buhay, Diya hindi laging perfect ang timing ngunit may pagkakataon tayong gawin itong tama ngayon," sagot niya at may lalim sa mga mata niya na parang nag-iimbita sa akin sa isang panibagong simula.
—
Rafael POV
Si Diya.
Nakita ko ang takot at pagkalito sa kanyang mga mata ngunit may tinatagong lakas na hindi ko inaasahan.
"Diya, hindi mo kailangang maglakad mag-isa kahit gaano man kalabo ang nakaraan, nandito ako," sabi ko at alam kong kailangan niya ng tiwala hindi panghuhusga.
"At kung hindi natin alam ang susunod na mangyayari?" tanong niya halatang nangangamba.
"Hindi natin malalaman hanggang subukan natin, pero sa bawat hakbang, kasama mo ako." sagot ko at ramdam ko ang bigat ng bawat salita ko sa pagitan namin.
—
Diya POV
Napahinga ako at naramdaman ko ang kakaibang katahimikan.
"Siguro... siguro puwede nating subukan," bulong ko, at napansin ko ang bahagyang ngiti niya.
Parang unti-unting bumabalik ang katahimikan sa loob ko kasama ang posibilidad na pwede naming buuin ang bago kahit legal ang kasal namin at puno ng komplikasyon.
"Kung 'yon ang pipiliin mo, Diya... simulan natin," sagot niya at ramdam ko ang intensyon—pangako sa bawat galaw niya.
Hindi maalis sa isip ko ang tanong: paano kung sa kabila ng legalidad, hindi kayang suklian ng puso ang dapat nating maramdaman?
Napatingin ako sa bintana ng opisina at sa malayo nakita ko ang mata ng bayan—tahimik, payapa—na parang nagsasabing may pagkakataon pa para sa bawat isa.
"Rafael... sa tingin mo ba kaya nating itama ang nakaraan?" bulong ko halatang nangangamba sa dami ng hindi natin alam.
Tumingin siya sa akin nang diretso at sa unang pagkakataon nakita ko hindi lamang ang lalaking kasal ko sa papel, kundi ang taong handang makinig, maghintay at marahil, magmahal hindi sapilitan, kundi dahil pinili niya rin.
"Diya, hindi natin maibabalik ang eksaktong nakaraan ngunit may pagkakataon tayong gawin itong tama ngayon," sagot niya at ramdam ko ang bigat ng katotohanan sa bawat salita.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya.
"Sige...subukan natin," sabi ko at ang init ng kamay niya tila nagbigay ng bagong lakas sa puso ko.
At sa tahimik na opisina sa harap ng legalidad at emosyon, nagsimula ang isang bagong yugto isang yugto na puno ng responsibilidad, desisyon at posibleng pag-ibig na hindi lamang nakatali sa papel.
Tahimik ang Naic nang muli kong marating ang municipal hall ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ako bisita ng sarili kong nakaraan—ako na mismo ang humahabol dito.
"Dito ka tumayo noon," mahina ngunit malinaw na sabi ni Rafael sa likod ko at kusang bumilis ang t***k ng puso ko dahil ang eksena ay biglang nagkaroon ng kulay.
Sa gilid ng maliit na session hall, naalala ko ang puting blouse na suot ko noon, ang malamig na hangin ng electric fan, at ang papel na paulit-ulit kong binasa kahit hindi ko na naiintindihan ang mga salita.
"Hindi ako umiiyak noon," sabi ko ipinagtatanggol ko ang sarili ko sa multong ako rin ang gumawa.
"Hinding-hindi ka umiyak, pero nanginginig ang kamay mo habang pumipirma." sagot ni Rafael diretso ang tingin.
Bago ko pa masagot 'yon, nag-vibrate ang phone ko—si Jean.
Lumabas ako sa veranda at sinagot ang tawag.
"Jean..."
"Nasaan ka?" agad niyang tanong at ramdam ko ang pagod at takot sa boses niya.
"Nasa Naic ako, kailangan kong tapusin ang pag-alala," sagot ko nang mahinahon kahit may kirot sa dibdib ko.
"Kasama mo siya?" tanong niya at hindi ko na kailangang itanong kung sino ang tinutukoy niya.
"Oo, kailangan naming balikan kung saan nagsimula ang lahat." umamin ako.
May ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita ulit.
"Diya, natatakot ako hindi dahil kasal ka sa kanya sa papel... kundi dahil baka sa pag-alala mo may maramdaman kang hindi ko kayang tapatan."
Napapikit ako.
"Jean, labintatlong taon tayo hindi mabubura 'yon ng isang dokumento."
"Pero ang batas hindi mababago ng labintatlong taon," mahina niyang sagot at doon ko naramdaman ang lamat sa pagitan namin.
⸻
Rafael POV
Mula sa loob ng hall nakita kong nakatalikod si Diya habang kausap si Jean at hindi ko kailangang marinig ang usapan para malaman ang laman noon.
Lumapit sa akin ang kapatid na si Ysandro na kanina pa tahimik sa may pintuan.
"Kuya, hanggang kailan ka magpapaka-gentleman? Legal wife mo siya."
"Hindi siya property, Ysandro, at hindi ko siya kukunin dahil lang may papel." malamig kong sagot sa kanya.
"Pero gusto mo siya," diretsong sabi niya at hindi ako agad nakasagot.
Gusto ko ba siya noon pa? Hindi ko alam kung kailan nagsimula—siguro noong tumingin siya sa akin noong 2021 at sinabi niyang, 'Huwag mo akong kaawaan.'
Lumabas ako at nadatnan kong tapos na ang tawag niya. Namumula ang mga mata niya pero matatag ang tindig.
"Ayaw ka niyang mawala," sabi ko hindi tanong kundi obserbasyon.
"Hindi ko rin alam kung paano siya pakakawalan," sagot niya at doon ko nakita ang totoong gulo—hindi sa batas, kundi sa puso.
"Diya, kung pipiliin mo siya, hindi kita hahabulin gamit ang kasal na ito." mahinahon kong sabi ng tawagin ko si Diya.
Napatingin siya sa akin tila nabigla.
"Bakit?"
"Dahil ayokong manatili ka sa akin dahil lang tama ang papel," sagot ko at sa unang pagkakataon, hinayaan kong marinig niya ang hindi ko karaniwang ipinapakita—ang kahinaan.
Tinignan niya ang kapatid ko nakilala niya kanina lang. Walang imik ito sa likod ko alam niya ang limitasyon kapag ganitong sitwasyon.
⸻
Jean POV
Sa kabilang linya ng tawag, matagal akong nakatulala matapos niyang ibaba ang phone.
"Sorelle, okay ka lang?" tanong ng katrabaho ko nang mapansin niyang hindi ako makapagsalita.
"Legal siyang asawa ng ibang lalaki," mahina kong sabi parang doon ko lang tuluyang inamin sa sarili ko.
"Pero ikaw ang mahal niya, hindi ba?" tanong niya may pag-aalinlangan.
Huminga ako nang malalim.
"Hindi ko na alam kung sapat ang mahal kapag may batas na nakaharang."
Sa isip ko, bumalik ang eksena noong una naming nakita si Rafael sa opisina—kalma, kontrolado, parang hindi apektado.
"Jean, hindi ko siya inagaw," sabi ni Rafael noon sa harap ko, tuwid ang tindig.
"Hindi ko rin pinilit ang kasal."
"At hindi ko rin pinayagan," sagot ko noon, galit at sugatan.
"Hindi ko alam na may asawa ang fiancée ko."
Ngayon, habang nakatanaw ako sa bintana ng opisina alam kong hindi lang si Rafael ang kalaban ko—kundi ang katotohanang may bahagi ng buhay ni Diya na hindi ko nasamahan.
Kung babalik siya mula sa Naic na mas malinaw ang alaala handa ba akong tanggapin ang maaaring magbago?
⸻
Diya POV
Bumalik ako sa loob ng hall at tumigil sa eksaktong lugar kung saan kami tumayo noong 2021.
"Dito sinabi ng judge ang mga salitang 'I now pronounce you husband and wife,'" mahina kong sabi at sa wakas malinaw na malinaw ko na itong naalala.
Walang bulaklak.
Walang pamilya.
Walang pagmamahal na ipinangako—kundi responsibilidad.
"Rafael, noong araw na ito... may naramdaman ka ba?" tawag ko at lumapit siya.
Sandali siyang natahimik bago sumagot.
"May respeto at may pagnanais na protektahan ka, kahit alam kong hindi ako ang pinili ng puso mo."
Napahinga ako nang mabigat.
Sa pagitan ng dalawang lalaking handang maghintay at magparaya, ako ang kailangang pumili kung sino ang haharapin ko hindi lang bilang asawa sa papel—kundi bilang kasama sa totoong buhay.
At habang unti-unting lumulubog ang araw sa tahimik na bayan ng Naic, naramdaman kong ang susunod na hakbang ko ay hindi na tungkol sa nakaraan kundi sa kung sino ang pipiliin kong mahalin sa kabila ng lahat.
Hindi agad kami umalis ng municipal hall.
Sa halip, naupo ako sa kahoy na bangkong nakaharap sa maliit na garden, pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa labas na tila walang alam sa bigat ng mga desisyong kayang magbago ng buong buhay.
"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may kulang pa akong hindi maalala," sabi ko kay Rafael na nakatayo sa tabi ko sapat ang distansya para hindi kami magmukhang mag-asawa ngunit sapat ang lapit para maramdaman ko ang presensya niya.
"May aksidente, pagkatapos ng kasal pauwi tayo nang mabangga ang sasakyan ng escort." maingat niyang sabi at doon ako napalingon.
Nanlamig ang mga kamay ko.
"Kaya ako nag-therapy."
Tumango siya.
"You insisted you were fine, pero ilang araw kang hindi nagsasalita nang maayos...the doctor recommended memory suppression therapy dahil sa anxiety mo."
Napahawak ako sa sentido ko at tila may piraso ng alaala ang pumutok sa loob ng isip ko ang tunog ng preno ang salamin na nabasag at ang boses ni Rafael na paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko.
"Tinawag mo ako noon, hindi bilang Mrs. Silva... kundi bilang Diya." mahina kong sabi.
"Dahil 'yon ang pangalan mo bago ang papel," sagot niya at sa unang pagkakataon naramdaman kong hindi niya ako tinignan bilang obligasyon.
Biglang may tumigil na itim na sasakyan sa harap ng gate, at bumaba si Jean.
Napatayo ako.
"Jean...?"
Lumapit siya hingal at halatang nagmamadali.
"Hindi kita kayang hayaan dito nang hindi ko nakikita kung ano ang kinakaharap ko." sabi ni Jean.
Sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Rafael walang sigawan, walang suntukan, pero mabigat ang tensyon na parang anumang maling salita ay maaaring sumabog.
"Ako ang asawa niya," kalmadong sabi ni Rafael hindi pagmamayabang kundi paglalatag ng katotohanan.
"At ako ang pinili niya bago pa magkaroon ng kasal na 'yan," sagot ni Jean buo ang boses kahit may takot sa ilalim nito.
Humakbang ako sa pagitan nila.
"Tama na, hindi ako premyo na kailangang pag-agawan."
Pareho silang natahimik.
"Jean, hindi ko pa alam ang sagot, pero hindi ito laban na kailangang manalo ka o matalo siya." sabi ko hinawakan ang kamay niya.
"At ano ito, Diya?" tanong niya halos pabulong na lang.
"Pagkilala sa kung sino ako sa gitna n'yong dalawa," sagot ko at ramdam kong 'yon ang unang pagkakataong inamin ko na hindi lang sila ang nahihirapan—ako rin.
⸻
Rafael POV
Pinagmamasdan ko silang magkahawak ng kamay at kahit sanay akong kontrolado ang emosyon ko may bahid ng kirot na hindi ko inaasahan.
"Jean," tawag ko at napalingon siya.
"Hindi ko siya hahadlangan kung ikaw ang piliin niya."
"Hindi mo kailangan magpaka-bayani," malamig niyang sagot.
"Hindi ito pagiging bayani ito ang pagiging responsable," sagot ko at nakita kong kumunot ang noo niya.
"Responsible ka ba noong pinakasalan mo siya?" tanong niya.
Tinanggap ko ang tanong nang diretso.
"Oo, dahil kung hindi ko siya pinakasalan noon, pwedeng bumagsak ang negosyo ng pamilya niya at madamay pa siya sa kaso."
Napatingin sa akin si Diya at sa mga mata niya may halo ng galit at pag-unawa.
"Hindi mo sinabi sa akin ang lahat," sabi niya.
"Dahil hindi ko alam kung may karapatan akong guluhin ang buhay mo nang mas lalo pa," sagot ko.
⸻
Diya's POV
Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan silang dalawa ang lalaking minahal ko nang higit isang dekada at ang lalaking legal na nakatali sa akin sa panahong pinakamahina ako.
"Hindi ko kayo kayang sagutin ngayon, pero hindi rin ako tatakbo." sabi ko sa kanila malinaw at buo ang boses.
"Anong ibig mong sabihin?" sabay nilang tanong.
"Ibig kong sabihin, haharapin ko ang annulment process kung 'yon ang tama pero kung sa pagharap na 'yon makita kong may dahilan kung bakit tayo nagtagpo sa ganitong paraan......hindi ko 'yon ipagkakaila." napatingin ako kay Rafael.
Nanahimik si Jean at sa katahimikang 'yon, mas malakas ang mensaheng naramdaman ko natatakot siyang unti-unti akong nawawala.
Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.
"Diya, sana sa huli, ako pa rin."
Napapikit ako sandali.
"Sana sa huli, ako ang hindi mawawala sa sarili ko."
Sa likod ko, naramdaman kong umalis ng ilang hakbang si Rafael tila nagbibigay ng space ngunit hindi tuluyang lumalayo.
At habang ang araw tuluyang lumulubog sa Naic, alam kong hindi na ito simpleng laban ng legal at emosyon—ito ang laban ng alaala, sakripisyo at kung sino ang handang manatili kapag wala nang obligasyon na nagdidikta.
Ang susunod na hakbang ko ay hindi lang magpapasya kung sino ang magiging asawa ko kundi kung anong klase ng babae ang pipiliin ko.
—
Jean POV
Hindi ko agad pinaandar ang sasakyan nang iwan ako ni Diya sa tapat ng lumang simbahan sa Naic. Nasa ilang metro lang si Rafael kausap ang isang matandang caretaker tila mas pamilyar sa lugar kaysa sa akin.
Pakiramdam ko, ako ang dayo sa buhay nilang dalawa.
Bumaba ako ng kotse at nilapitan si Diya.
"Hindi ko gusto ang tingin niya sa'yo," diretso kong sabi.
"Anong tingin?" pagod niyang tanong.
"Parang alam niya ang mga pagkatao mo na hindi ko pa nakikita."
Saglit siyang natahimik, saka tumingin sa simbahan.
"Baka dahil nandoon siya noong panahong hindi mo ako nakita."
Parang may kumuyom sa dibdib ko.
"Hindi ko kasalanan na hindi mo sinabi."
"Hindi ko rin alam, Jean," sagot niya at sa boses niyang 'yon naramdaman kong hindi lang ito simpleng argumento.
Lumapit si Rafael sa amin mahinahon ang hakbang.
"May nahanap akong record sa lumang opisina ng pari may kopya ng witness list."
"Bakit mo hinahanap pa?" hindi ko napigilang itanong.
"Dahil kung may taong dapat managot sa hindi malinaw na proseso noon gusto ko rin malaman," sagot niya nang diretso.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o magalit.
⸻
Diya POV
Kinuha ko ang papel mula sa kamay ni Rafael. May apat na pirma roon dalawa ang kilala ko: akin at kanya.
Ang dalawa pa ay hindi ko maalala.
"Matteo Zafra," basa ko nang malakas.
"At... Ysandro Silva."
"Kapatid ko at business partner ko," paliwanag ni Rafael.
"Bakit sila ang witness?" tanong ko.
"Dahil mabilis ang nangyari hindi ito engrande, It was strategic," sagot niya at hindi niya itinago ang katotohanan.
Napaupo ako sa mababang pader.
"Strategic," inulit ko tila sinusubukang namnamin ang salitang ginamit niya para ilarawan ang kasal ko.
Lumuhod si Jean sa harap ko.
"Hindi ka chess piece, Diya."
Tumaas ang tingin ko sa kanya.
"Alam ko." sagot ko.
"Kung gusto mong umatras ngayon, uuwi tayo," dagdag niya puno ng determinasyon.
Ngunit bago ako makasagot, biglang nagsalita si Rafael.
"May isa pang detalye."
Pareho kaming napatingin sa kanya.
"After the accident, you refused to nullify the marriage, sinabi mo na kung may magbabayad ng utang ng pamilya mo, ikaw 'yon hindi ang pangalan ng mga magulang mo." mahinahon niyang sabi.
Parang may kumalabog sa loob ng dibdib ko.
"Sinabi ko 'yon?"
"Yes," sagot niya at ngayon ay wala nang lamig sa boses niya.
"You chose to carry it."
⸻
Rafael POV
Nakikita ko ang pagkalito sa mga mata ni Diya pero sa ilalim nito may parehong lakas na nakita ko sa kanya siyam na taon na ang nakakaraan.
"Hindi ko siya pinilit at hindi ko siya ginamit." malinaw kong sabi kay Jean, kahit siya ang tumingin sa akin nang may pagdududa.
"Pero nakinabang ka," malamig niyang sagot.
Hindi ako umiwas.
"Oo, nakinabang ang negosyo namin pero hindi ko inaasahan na babalik ito sa ganitong paraan."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Diya.
Huminga ako nang malalim.
"May clause sa kontrata ng merger noon kung sakaling magka-anak tayo, automatic na magiging joint heir ang bata sa dalawang kumpanya."
Napatayo si Jean.
"Anak?"
Kung alam mo lang, Jean ang totoo.
"Kung may anak man kami o wala, may dahilan kung bakit hindi agad ipinush ng pamilya ko ang annulment kahit kaya nila." mabilis kong linaw hindi ko pa pwedeng ibulgar ang mga anak ko.
Tahimik si Diya, pero nakita kong unti-unting nagkakabit-kabit ang mga piraso sa isip niya.
"Ginawa akong insurance," mahina niyang sabi.
Hindi ko agad nasagot.
Dahil kahit anong paliwanag ko, totoo 'yon.
⸻
Diya POV
Hindi ako umiyak nakapako lang ang mga mata ko sa papel na hawak ko sa mga pirma, sa mga pangalang tila may sariling buhay.
"Jean, kung ipagpapatuloy ko ang annulment, hindi lang ito emosyon ang kalaban—pera, reputasyon at dalawang pamilya ang masasangkot." tawag ko at naramdaman kong agad siyang lumapit.
"Haharapin natin," mabilis niyang sagot.
Tumingin ako kay Rafael.
"At ikaw?"
Saglit siyang natahimik bago sumagot.
"Kung lalaban ka, hindi kita pipigilan pero hindi rin ako basta aatras."
"Bakit?" tanong ko.
Sa unang pagkakataon, tila nawalan siya ng depensa.
"Dahil sa pagitan ng papel at obligasyon... may mga bagay na hindi ko inakalang mararamdaman."
Nanahimik kaming tatlo.
Sa malayo, tumunog ang kampana ng simbahan tila paalala na may mga sumpang binibigkas sa harap ng Diyos na hindi basta nabubura ng korte.
At sa mismong sandaling 'yon, alam kong ang susunod na hakbang ko hindi lang tungkol sa annulment.
May mas malalim pang lihim ang nakabaon sa kasal na iyon at pakiramdam ko hindi pa 'yon ang huling detalye na mabubunyag.