Pagbalik namin sa Maynila hindi na pareho ang hangin sa pagitan naming tatlo. Hindi ito dramatic na katahimikan mas mapanganib, dahil puno ito ng mga bagay na hindi pa nasasabi.
Tinawagan ko si Carlos kinagabihan.
"Kailangan kong makita ang buong kontrata ng merger noong 2021," sabi ko agad nang sagutin niya ang tawag.
"May nakita ka sa Naic?" kalmado niyang tanong.
"May clause tungkol sa possible heir," sagot ko.
"Gusto kong malaman kung may iba pang kondisyon na hindi ko alam."
May ilang segundong katahimikan sa linya bago siya nagsalita muli.
"Diya, kung may ganyang provision, ibig sabihin hindi lang simpleng protection ang habol ng pamilya Silva noon."
"I know," bulong ko.
Kinabukasan, sa opisina ni Carlos inilatag niya sa harap ko ang makapal na folder.
"Ito ang certified copy ng merger agreement hindi ito parte ng marriage contract, pero naka-attach ang marriage certificate bilang annex."
"Annex," inulit ko parang may kumayod sa dibdib ko parang attachment lang ako sa mas malaking transaksyon.
Binuklat ko ang pahina hanggang sa may tumambad na pangalan ko. Hindi lang pirma ang nandito may handwritten note sa gilid.
'Subject agrees voluntarily under full awareness of financial implications.'
Napahigpit ang hawak ko sa papel.
"Full awareness?"
"May psychological clearance ka rin noon, Signed by Dr. Elionne Veridiano." dagdag ni Carlos maingat ang tono niya.
Biglang sumikip ang paghinga ko.
"Si Dra. Elionne ang therapist ko matapos ang breakdown."
"At mukhang bago pa 'yon," sagot niya.
Naramdaman kong hindi lang negosyo ang nakataya noon may mas systematic na paghahanda.
⸻
Jean POV
Hindi ko gusto ang ideyang si Carlos ang lagi niyang kasama ngayon, pero mas ayaw ko ang ideyang unti-unti siyang nalulunod sa mga papeles na 'yon nang mag-isa.
Nasa condo kami nang ipakita niya sa akin ang annex. Tahimik kong binasa ang bawat linya, pero ang utak ko hindi sa legal terms nakatutok nasa kanya.
"Jean, kung may psychological clearance ako bago ang kasal, ibig sabihin alam ng doktor ang estado ko noon." mahinahon niyang tawag.
"Pero alam ba niya ang pressure?" sagot ko agad.
"Alam ba niya kung gaano ka kagulo?"
Umiling siya.
"Hindi ko maalala."
'Yon ang masakit hindi ko kayang labanan ang isang alaala na wala siya.
Hinawakan ko ang mukha niya.
"Kahit anong nakasulat diyan alam ko kung sino ka, hindi ka papayag sa kasal kung malinaw ang isip mo."
"Pero malinaw daw," bulong niya.
Hindi ko napigilan ang frustration.
"Papel lang 'yan!"
Bigla siyang napatingin sa akin hindi galit, kundi pagod.
"Pero ang papel ang pinapakinggan ng korte."
Doon ako natahimik.
Dahil tama siya.
Sa unang pagkakataon, naramdaman kong baka hindi lang si Rafael ang kalaban ko baka pati sistema.
⸻
Rafael POV
Tinawagan ako ni Attorney Sevryn nang gabing 'yon.
"Lumabas na ba sa kanila ang annex?" direkta niyang tanong.
"Yes," sagot ko.
"Then expect escalation, kapag pinasok nila ang psychological angle, mabubuksan ang buong proseso." malamig niyang sabi.
"Tama lang," sagot ko.
"Rafael, kapag napatunayang competent siya noong pumirma mas titibay ang validity ng marriage pero kapag napatunayang vulnerable siya, may risk sa reputasyon ng pamilya nyo." bahagyang bumaba ang boses niya.
Hindi ko agad sinagot.
Sa totoo lang, hindi reputasyon ang iniisip ko.
Si Diya.
Pagkatapos ng tawag, tinext ko siya.
We need to talk.
Alone.
Hindi siya agad sumagot.
Makaraan ang ilang minuto, nag-reply siya. Tomorrow not at the office.
Somewhere neutral.
Alam kong hindi na ito tungkol sa negosyo.
⸻
Diya POV
Nagkita kami sa isang maliit na café sa Makati walang nakakakilala sa amin, walang history ang lugar.
"May alam ka ba sa psychological clearance ko bago ang kasal?" deretso kong tanong sa kanya pag-upo ko.
Hindi siya umiwas sa tingin.
"Yes."
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.
"At hindi mo sinabi?"
"Dahil hindi ko alam na hindi mo naaalala after the wedding, you insisted you were fine, you said you were choosing this." sagot niya.
"Choosing under pressure is not freedom," mariin kong sabi.
Bahagya siyang napailing.
"Hindi kita nakita bilang mahina noon nakita kitang determinado."
"Determinadong iligtas ang pamilya ko," sagot ko.
"Exactly," sabi niya at doon ko nakita ang kakaibang emosyon sa mga mata niya hindi negosyo hindi kalkulasyon.
"Rafael, kung napatunayang may lapse sa process, hahayaan mo ba akong makawala?" mahina kong tawag.
Tumagal ang katahimikan bago siya sumagot.
"Kung 'yon ang totoo, oo." sabi niya.
Napasinghap ako nang bahagya. Hindi ko inasahan ang sagot na 'yon.
"Pero kung mapatunayan na pinili mo ito nang malinaw hindi ako lalayo." dagdag niya mas mababa ang boses niya.
Sa paraan ng pagkakasabi niya alam kong hindi na lang ito tungkol sa kontrata.
Sa unang pagkakataon, ang laban ko ay hindi lang kung legal ba ang kasal kundi kung ano ba talaga ang pinili ko noon.
At mas nakakatakot iyon kaysa sa anumang desisyon ng korte.
—
Rafael POV
Hindi ako agad umalis matapos ang usapan namin sa café. Naiwan ako roon kahit nakatayo na siya at tuluyang lumabas, dahil sa unang pagkakataon simula 2021, hindi ko alam kung ano ang susunod kong hakbang.
Tumawag si Matteo habang nakatingin ako sa baso ng malamig na kape.
"Raf, may balita ka ba? May kumakalat na tsismis sa board na posibleng mag-reopen ng legal review ang merger."
"Sino ang naglabas?" malamig kong tanong.
"Hindi malinaw pero may nakarinig daw na kinukuha ng kampo ni Diya ang psychological records."
Hindi ko agad sinagot hindi niya kampo. Hindi ito laban na gusto kong maging digmaan.
"Handle the board, walang magsasalita sa media. At walang gagalaw nang hindi ko alam." sabi ko sa huli.
Pagbaba ko ng tawag, alam kong may mas malaking problema hindi lang sa negosyo, kundi sa pamilya ko.
Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Mama sa sala hawak ang isang folder.
"So it's escalating," sabi niya hindi na nagtatanong.
"Yes."
"Tandaan mo, Rafael, hindi lang puso mo ang nakataya dito apelyido natin." malamig niyang paalala.
Tumingin ako sa kanya nang diretso.
"Hindi ko siya ginamit."
"Pero ginamit ng sitwasyon ang pangalan natin at kung sisirain niya ang proseso sisirain niya ang pundasyon ng merger." sagot niya.
Hindi ako sumagot dahil sa kaibuturan ko, handa akong sirain ang pundasyong iyon kung 'yon ang kapalit ng kalayaan niya.
⸻
Diya POV
Kinabukasan, nasa clinic ako ni Dra. Elionne hawak ang appointment slip na parang tiket papunta sa nakaraan.
"Diya, I didn't expect to see you under these circumstances." mahinahon niyang bati nang pumasok ako.
"Neither did I, Doc, bago po ba ang kasal ko noong 2021, may clearance ba kayong nilabas?" sagot ko.
Tahimik siyang tumango.
"Yes, you requested it."
"Requested?"
"You said you needed to prove to certain people that you were mentally stable to make a major decision."
Parang may kumalabog sa loob ko.
"Sino ang certain people?"
Hindi siya agad sumagot.
"Your father was present during one session and a representative from the Silva legal team requested documentation."
Napapikit ako.
"Was I stable?"
She held my gaze carefully.
"You were under extreme stress, but you were coherent, you answered every question logically you were not delusional, not incapacitated."
"Was I scared?"
"Yes, but fear does not automatically invalidate consent." sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
Parang may pumutol sa huling pag-asa ko.
"So legally..."
"Legally, Diya, it will be difficult to argue incapacity." maingat niyang sinabi.
Paglabas ko ng clinic hindi ako umiiyak. Mas masakit ang malinaw na katotohanan kaysa sa malabong alaala.
⸻
Jean's POV
Naghihintay ako sa parking nang lumabas siya. Kita ko agad sa mukha niya ang sagot kahit hindi pa siya nagsasalita.
"Ano sabi ng doktor?" tanong ko.
"Coherent daw ako.. aware at stable," diretso niyang sagot.
Napahawak ako sa manibela nang mahigpit.
"Under pressure ka noon."
"Yes, pero hindi raw sapat ang pressure para sabihing wala akong kapasidad." sagot niya.
Hindi ko alam kung kanino ako magagalit sa doktor, sa pamilya Silva, o sa sitwasyon.
"Jean, kung hindi incapacity ang daan, ano pa?" mahina niyang tawag.
Tahimik ako sandali.
"Fraud—Undue influence—Something."
Napailing siya.
"Walang forged documents, walang fake signatures lahat documented."
Doon ako napasandal.
"So anong gusto mong sabihin?"
Tumingin siya sa akin, hindi na umiiyak, hindi na nanginginig kundi malinaw.
"Baka kailangan kong tanggapin na pinili ko 'yon."
Parang may unti-unting bumibitaw sa dibdib ko.
"At ako?"
"Hindi kita pinili laban sa kanya, pinili kita dahil mahal kita." sagot niya.
"Pero kung valid ang kasal—"
"Jean, ang tanong ngayon hindi na kung valid. Ang tanong... kaya ba nating labanan ang isang desisyon na ako mismo ang gumawa?" putol niya.
Wala akong naisagot.
Dahil sa unang pagkakataon, hindi si Rafael ang kalaban ko.
Kundi ang babaeng mahal ko na unti-unting tinatanggap na may bahagi ng nakaraan niyang hindi naman ako kasama.
At habang nakaupo kami sa loob ng kotse na hindi umaandar naramdaman kong may mas mabigat pang darating dahil kung pipili siya muli, hindi ko sigurado kung ako pa rin ang pipiliin niya.