Chapter 9 - Cold Meeting

2199 Words
Diya POV Hindi ko inakala na darating kami sa puntong uupo kaming tatlo sa iisang mesa walang sigawan, walang dramatikong eksena kundi malamig na katahimikan na mas masakit kaysa anumang pagtatalo. Conference room 'yon sa opisina ng Fernandez Legal Group puro salamin ang dingding at malinaw ang ilaw, pero parang walang liwanag sa pagitan naming tatlo. Naroon si Rafael sa kaliwa ko, tuwid ang postura tila sanay sa ganitong klaseng negosasyon. Sa kanan ko naman si Jean tahimik pero ramdam ko ang tensyon sa bawat paghinga niya. Sa unahan, si Carlos Fernandez—kalma, nakamasid, parang chess player na inuunawa ang bawat galaw. "Thank you for agreeing to this joint meeting, mas malinaw ang proseso kapag walang tago." mahinahong bungad ni Carlos. Huminga ako nang malalim. "I don't want war, gusto ko lang ng malinaw na katotohanan." sabi ko ng diretso sa kanilang dalawa. "Ang katotohanan kasal tayo," malamig na sagot ni Rafael hindi rin siya galit, hindi rin malambing—pure fact. "At ang katotohanan din, labintatlong taon kaming magkasama bago lumabas ang papel na 'yan." singit naman ni Jean. Napapikit ako saglit. "Please, hindi ito paramihan ng taon." Bumuntong-hininga na lang ako mas sasakit ang ulo ko sa dalawang lalaking ito. Carlos leaned forward slightly. "Legally speaking, the marriage stands strong but there are strategic angles we can explore if the goal is separation." "Separation? Is that what you want, Diya?" tanong ni Rafael, bahagyang tumigas ang boses. Lumingon ako sa kanya hindi kaagad ako nasagot. Dahil ang totoo, hindi ko pa rin alam. ⸻ Rafael POV Hindi ko gusto ang tingin ni Jean sa akin parang ako ang umagaw, kahit alam kong wala akong kinuha. "Let's be clear, I did not force that marriage, she agreed." sabi ko bigla steady ang boses ko. "She agreed under pressure," mabilis na sagot ni Jean. "At ikaw ba, hindi mo ba siya pinilit noon na hintayin ka habang inaayos mo ang career mo?" tumingin ako sa kanya nang diretso. Napatigil siya. Carlos intervened calmly. "Gentlemen, this is not a personal duel, we are discussing legal remedies." Hindi ko inalis ang tingin ko kay Diya. "If you want out, sabihin mo nang direkta hindi kita haharangin." Ramdam kong bumigat ang hangin. Pero may parte sa akin na umaasang hindi niya 'yon sasabihin. ⸻ Jean POV Masakit marinig mula mismo sa kanya na handa siyang pakawalan si Diya na parang isa lang itong kontrata. "Hindi ito negosyo, Rafael," sabi ko pilit pinipigilan ang emosyon. "Buhay ito." "Exactly, that's why I'm not playing games." sagot niya. Napalingon ako kay Diya. "Tell him, sabihin mo kung ano talaga ang gusto mo." Tahimik siya at 'yon ang katahimikang 'yon ang pinakakinatatakutan ko. "Jean, pagod na akong maging gitna ng laban." mahinahon niyang sabi. Parang may unti-unting bumibitaw sa pagitan namin. ⸻ Carlos POV Tahimik akong nakikinig, pero malinaw sa akin na hindi lang ito usaping legal. "Mrs. Silva, kung ipagpapatuloy natin ang annulment, it will take years public scrutiny, financial exposure, emotional strain." maingat kong tawag sinasadya ang apelyido para maramdaman nila ang bigat ng realidad. Tumingin siya sa akin hindi siya galit, kundi naghahanap ng direksyon. "At kung hindi?" "Then the law remains as it is, the only variable left is what you decide to build within it." Naramdaman kong parehong tumingin sa akin ang dalawang lalaki—magkaibang dahilan, parehong tensyon. "This is no longer about who loves you more, It's about who you choose to stand beside when everything is stripped down to truth." dagdag ko. Tahimik ang silid. At sa unang pagkakataon, nakita ko sa mukha ni Diya ang hindi takot kundi pagkamulat. Huminga siya nang malalim. "Bigyan n'yo ako ng oras." Ngunit bago pa matapos ang meeting may kumatok sa pintuan at may inabot na dokumento kay Rafael. Tinanggap niya iyon, binasa sandali at bahagyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Ano 'yan?" tanong ko. Tumingin siya kay Diya, seryoso. "Board resolution, If this scandal escalates they will freeze the Sharma-Silva financial agreement." — Diya POV Nanlamig ako. Dahil biglang bumalik ang dahilan kung bakit kami nagpakasal noong 2021—negosyo, utang, proteksyon. At ngayon, hindi lang puso ang nakataya. Kundi muli, ang pamilya ko. Parang bumalik ako sa Naic noong 2021—parehong pakiramdam ng pagkakasakal habang hawak ng iba ang desisyon para sa pamilya ko. "Anong ibig mong sabihin, freeze?" tanong ko kay Rafael pilit ko pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig ang loob ko. Hindi siya agad sumagot ibinigay muna niya ang papel kay Carlos. Binasa 'yon ni Carlos nang mabilis seryoso ang mukha. "If the board votes unanimously, all joint financial shields between the Silva and Sharma corporations will be suspended pending reputational review." "Reputational review? So dahil sa personal kong buhay, puwedeng bumagsak ulit ang negosyo ng papa ko?" ulit ko halos matawa ako sa absurdity. Jean slammed his palm lightly against the table. "That's manipulation." Rafael's jaw tightened. "It's protocol! The board doesn't tolerate instability." "Instability? Ako ba ang instability?" singit ko. Tahimik siya sandali bago nagsalita. "You're not the problem, Diya the noise is." The noise parang tsismis lang ang lahat ng sakit na pinagdadaanan ko. Lumapit si Jean sa akin. "Hindi na ito tama kung ganyan ang sistema nila, mas lalo nating dapat tapusin." Napalingon ako sa kanya. "At kapag tinapos natin, paano si Papa? Paano ang empleyado nila?" Wala siyang agad na sagot. At doon ko naramdaman ang bigat ng pagiging 'legal wife'—hindi romatic na titulo, kundi sandatang pwedeng gamitin laban sa pamilya ko. ⸻ Rafael POV Ayokong makita ang takot sa mga mata niya dahil sa apelyido ko. "Listen to me, hindi ko hahayaan na masira ulit ang negosyo ng pamilya mo." sabi ko na mas mahina ang tono. "Pero hawak ninyo ang susi, kayo ang may kapangyarihan." sagot niya diretso ang tingin sa akin. Masakit marinig 'yon dahil totoo. "I'll talk to the board, this will not move without my approval." sabi ko. Jean scoffed softly. "So you're her savior now?" Hindi ko siya pinansin. "This marriage was meant to protect both sides hindi para sirain siya." Carlos cleared his throat. "Mr. Silva, with all due respect, protection can easily become control." Tumingin ako sa kanya. "Are you accusing my family?" "I'm stating risk," sagot niya na kalmado pa rin. Bumaling ako kay Diya. "You deserve stability, not chaos kung kailangan kong harapin ang board para doon, gagawin ko." Pero sa loob ko alam kong hindi ganoon kasimple. Ang pamilya ko, hindi basta sumusunod sa emosyon. ⸻ Jean POV Habang pinapanood ko silang mag-usap pakiramdam ko unti-unti akong nawawala sa eksena. Hindi dahil wala akong pakialam kundi dahil hindi ako kasama sa mundong 'yon. Corporate boards. Financial shields. Resolutions. May nalalaman man ako nasa mataas na posisyon si Rafael. "Diya, we can build something on our own hindi natin kailangan ang proteksyon nila." tawag ko ng mas mahinahon ngayon. "Madaling sabihin nyan pero kapag bumagsak ang negosyo ni Papa, hindi lang pride ang mawawala." sagot niya hindi siya galit pero pagod. Gusto kong magprotesta, pero alam kong hindi ko kayang tapatan ang kayang ibigay ng Silva. At 'yon ang kinatatakutan ko na hindi lang batas ang kalaban ko, kundi kakayahan. Tumingin ako kay Rafael. "Kung mahal mo siya—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Dahil hindi ko alam kung may karapatan ba akong itanong 'yon. ⸻ Carlos POV The room had shifted. Hindi na ito simpleng usapin ng annulment, isa na itong corporate battlefield. "May isa pang option," maingat kong sabi. Sabay silang napatingin sa akin. "A postnuptial agreement revision we restructure the financial ties so the Sharma company is protected regardless of your marital status." Rafael narrowed his eyes. "That will expose internal clauses." "Yes, but it removes leverage." sagot ko. Diya looked at me, hope flickering faintly. "Kaya ba 'yon?" "Kaya, but it will require transparency from both families." sabi ko. Tahimik si Rafael alam kong iniisip niya ang magiging reaksyon ng Mama niya. Jean leaned back slowly. "So kahit maghiwalay sila, hindi na magagamit laban sa pamilya niya?" "Yes, If we act fast." sagot ko. Sandaling katahimikan. Then Rafael spoke, firm. "Draft it." Napatingin si Diya sa kanya, nagulat sa sinabi ni Rafael. "Rafael..." "I will not let your family drown because of my surname," sabi niya, diretso ang tingin. "Whatever happens between us, hindi ko hahayaang maging sandata ka ng kahit sino." At sa sandaling 'yon, nagbago ang hangin sa silid. Hindi pa ito pag-ibig. Pero hindi na rin ito simpleng obligasyon. At habang tinitingnan ko silang tatlo, alam kong ang susunod na hakbang kung sino man ang piliin ni Diya hindi na lang ito tungkol sa puso. Kundi tungkol sa kapangyarihan, sakripisyo at kung sino ang handang tumayo sa gitna ng bagyo kasama niya. — Diya POV Hindi pa tapos ang problema kahit pumayag si Rafael sa draft ni Carlos. Pagkalabas namin ng conference room, sinalubong agad kami ng malamig na presensya ni Estrella Silva—Mama ni Rafael sa hallway, nakaayos ang postura at tila sanay sa ganitong klaseng digmaan. "So it's true," she said smoothly, her eyes landing on me as if sinusukat ang halaga ko. "You're revising a contract because of emotion." "Hindi ito emosyon, Tita Estrella, Ito po ang protection." sagot ko pilit pinatatag ang sarili. Hindi ko inaasahan sa ganitong pagkakataon ulit kami magkikita. "For whom? For you? Or for your father's failing company?" she asked, raising one brow. Narinig kong humigpit ang paghinga ni Rafael sa tabi ko. "Ma, enough." She turned to him. "You are risking structural confidentiality, Rafael." "At risk din po ang pangalan natin kung gagamitin natin ang kasal na ito bilang leverage," sagot niya kontrolado ang boses pero ramdam ko ang tensyon. Lumapit si Jean sa tabi ko, ramdam ko ang presensya niya na parang pader sa likuran ko. "Hindi namin hinihingi ang tulong nyo," malamig niyang sabi. "We're asking for fairness." Tita Estrella gave him a polite but dismissive glance. "You're not legally involved, Mr. Martin." Parang may pumutok sa loob ko. "Involved siya dahil buhay ko ito, at hindi ako asset na pwedeng ilipat kung saan nyo gusto." mariin kong bigkas sa harap nila. Tahimik ang hallway, pero ang bawat salita ko parang may katumbas na kapalit. ⸻ Rafael POV Alam kong hindi sanay ang Mama ko na may kumokontra sa kanya—lalo na ako. "Ma, this arrangement was supposed to be controlled, discreet, and mutually beneficial." I said firmly. "And it was, until feelings complicated it." she replied. "Feelings? Or conscience?" I echoed, glancing briefly at Diya. Napansin ko ang reaksyon ng mukha ni Jean sa narinig. Her gaze sharpened. "You are a Silva, you do not bend because of sentiment." Napatingin ako kay Diya hindi siya umiiyak, hindi siya galit, pero may tahimik na pagod sa mga mata niya. "I bend, if bending prevents injustice." sabi ko nang malinaw kay Mama. Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. "Draft your revision, but understand this, Rafael—once you open internal clauses, you open vulnerabilities." malamig na sabi ni Mama sa huli. "I'm aware," sagot ko. Pero ang hindi niya alam mas natatakot ako na tuluyang masira si Diya kaysa sa anumang vulnerability ng kumpanya. ⸻ Jean POV Habang pinapanood ko ang pagtatalo nila, napagtanto kong iba ang mundong ginagalawan ni Rafael mundo ng impluwensya, estratehiya at tahimik na pagbabanta. "Diya, kung gusto mong umalis dito, sabihin mo lang." bulong ko nang makalayo kami sa kanila. Tumingin siya sa akin pagod pero matatag. "Hindi ako aalis hangga't hindi malinaw ang lahat." "Handa akong magsimula ulit kahit wala ang lahat ng 'to," sabi ko pilit pinipigilan ang kirot sa dibdib ko. "Pero hindi lang tayo ang apektado, Jean may pamilya akong hindi pwedeng iwan." sagot niya. Alam kong tama siya at doon ko naramdaman ang pagkatalo hindi dahil may mas mahal siya, kundi dahil mas malaki ang responsibilidad niya kaysa sa pag-ibig namin. Lumapit si Carlos dala ang ilang documents. "We need signatures before the end of the week," sabi niya. "Otherwise the board moves first." Napatingin ako kay Rafael. "Kung umatras ka, masasagasaan siya." Hindi siya kumurap. "I won't." ⸻ Carlos POV Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng tatlong taong ito—isang legal bond, isang emotional history at isang sistemang handang lumamon ng mahina. "Ms. Sharma, may kailangan pa tayong pag-usapan privately." sabi ko kay Diya ng balingan ko siya. Tumingin siya kay Jean, saka kay Rafael. "Five minutes," sabi niya. Pagpasok namin sa maliit na consultation room, ibinaba ko ang boses ko. "This revision will protect your family. but it also forces a decision." "Anong decision?" tanong niya diretso ang tingin sa akin. "Once the leverage is removed, you'll no longer be tied to Rafael because of necessity. Only choice." paliwanag ko. Nanahimik siya. "At kapag dumating ang puntong 'yon, kailangan mong maging malinaw kanino ka mananatili hindi dahil sa obligasyon, kundi dahil 'yon ang gusto mo." dagdag ko sa kanya. Huminga siya nang malalim. "At kung hindi pa ako sigurado?" "Then someone will decide for you," sagot ko nang mahinahon. Sa labas ng pinto, naroon si Rafael at Jean magkaibang anyo ng pag-ibig at kapangyarihan. At sa gitna nila, si Diya. Ang malamig na meeting na ito hindi nagtapos sa resolusyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD