Diya POV
Paglabas ko ng consultation room kasama si Carlos agad kong hinanap si Jean sa hallway at doon ko siya nakita nakaupo sa dulo ng mahabang sofa tahimik siya at nakayuko parehong kamay magkahawak na para bang pinipigilan ang sarili na magwala.
"Jean," mahinahon kong tawag sa kanya pero hindi siya agad tumingin sa akin.
Sanay akong siya ang unang nagsasalita kapag ako ang natutulala siya ang unang humahawak kapag ako ang nanginginig, pero ngayon ako ang lumapit at ako ang nauubusan ng lakas.
"Okay ka lang ba?" tanong ko naman bago ako naupo sa tabi niya.
Ngumiti siya pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Kilalang-kilala na kita hindi ka marunong magtago ng emosyon." sabi ko sa kanya.
Doon ko unang nakita ang takot hindi ang galit niya at hindi ang selos, kundi takot na tahimik at malalim.
"Jean, huwag mo akong kausapin na parang kliyente mo ako, sabihin mo kung anong nararamdaman mo." mahina kong bulong sa kanya.
Hindi kami sobrang yaman pero may sarili kami negosyo ng pamilya ko ito ang dahilan kung bakit nakilala ko ang pamilyang Silva.
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa akin nang diretso.
"Natataranta ako, Diya."
Parang may malamig na kamay na humawak sa dibdib ko.
"Natataranta ako dahil kahit anong gawin ko, legal siya at kahit sabihin mong papel lang 'yon, hindi papel ang nakikita ng ng batas sa inyong dalawa." dagdag niya pilit niya pinapakalma ang boses niya.
"Hindi ko pinili 'to para saktan ka," sagot ko sa kanya halos pabulong na lang.
Ang hirap naman ng paghahanda ko sa kasal namin na sana masaya dapat kami ngayon.
"Alam ko, pero natatakot ako na baka sa kakalaban mo para ayusin ang mali, unti-unti mo akong bitawan." mabilis niyang sagot pero may bahagyang pagkaputol sa dulo ng hininga niya.
Napahawak ako sa kamay niya.
"Hindi kita binibitawan."
Hindi ko rin alam kung tama ang sinabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot agad at doon ko naramdaman na mas mabigat ang katahimikan niya kaysa sa anumang sigaw.
⸻
Jean POV
Hindi ko gustong makita niya ang takot ko, pero hindi ko rin kayang itago nang buo ito sa kanya.
Labintatlong taon ko siyang minahal walang kontrata, walang saksi kundi pangarap lang pero isang papel lang ang kailangan para magmukhang wala ang lahat ng 'yon.
"Diya," mahinahon kong tawag sa kanya pilit ko inaayos ang mga salitang ayaw lumabas mula sa akin.
"Kung sakaling... kung sakaling piliin mong ayusin 'yan kasama siya—"
"Jean," agad niyang putol pero itinaas ko ang kamay ko para tapusin ang sasabihin ko.
"Hindi kita pipigilan, ayokong manatili ka sa akin dahil sa awa o dahil natatakot kang masaktan ako." tuloy ko kahit ramdam kong parang may pumipilas sa loob ko.
"Hindi gano'n 'yon," sagot niya nanginginig na ang boses niya.
"Alam ko, pero mas natatakot ako sa posibilidad na isang araw magising ka at maramdaman mong may kulang dahil hindi mo sinubukang intindihin kung ano talaga ang meron sa inyo." sabi ko at pilit ngumiti sa kanya.
Tumayo ako at humarap sa bintana sa repleksyon ng salamin nakita ko si Rafael sa malayo, tahimik na nakatingin sa amin parang sinusukat ang distansya.
"Hindi ako kalaban mo, pero hindi ko rin kayang makipag-kompetensya sa batas." sabi ko nang mahina.
Lumapit siya sa likod ko.
"Hindi kita tinitignan bilang kalaban ng batas."
"Pero ang mundo gano'n ang tingin ko, at pagod na akong patunayan na sapat ang pagmamahal ko kung legal siyang asawa mo." sagot ko.
Tahimik siya at sa katahimikang 'yon, mas malinaw ang katotohanan hindi ako natatalo dahil mas mahal niya si Rafael. Natatalo ako dahil may bahagi ng buhay niya na hindi ko kailanman naabutan.
"Mahal kita,"
"Mahal natin ang isa't-isa pero hindi natin hawak ang batas," Huminga ako nang malalim at hinarap ko siya ulit.
"Sabihin mo lang sa akin ang totoo, Diya kapag tinanggal ito sa buhay mo, kapag wala ang negosyo, wala nang pressure—kanino ka babalik?"
Hindi siya agad sumagot.
At sa ilang segundong 'yon, doon ko tuluyang naramdaman ang takot hindi sa presensya ni Rafael, kundi sa posibilidad na ang katahimikan niya ang maging sagot.
—
Diya POV
Hindi ko agad nasagot ang tanong niya dahil sa unang pagkakataon hindi malinaw sa akin ang sarili ko.
"Jean..." mahina kong sabi pero nabigo ang dulo ng pangalan niya sa lalamunan ko.
Hindi dahil wala akong sagot kundi dahil alam kong anumang piliin ko may masisira.
"Hindi ko pa alam at ayokong magsinungaling sa'yo para lang gumaan ang pakiramdam mo." amin ko sa wakas sa kanya diretso ang tingin ko sa kanya.
May kung anong nagbago sa mga mata niya hindi galit at hindi paninisi, kundi isang tahimik na pag-urong.
"Salamat sa pagiging honest," sabi niya pero ramdam ko ang distansyang nagsisimula nang tumubo sa pagitan namin.
"Hindi ibig sabihin na hindi kita mahal," dagdag ko agad natatakot ako na bitawan niya ang pangako niyang kasal sa akin.
"Alam ko, pero minsan, hindi sapat ang mahal kung hindi sigurado." sagot niya.
Napatingin ako sa sahig sa replection ng ilaw na parang nahahati sa tiles.
"Natatakot ako—natatakot ako sa ideya na may parte ng buhay ko na hindi ko maalala pero may asawa na pala ako ang alam ko—wala." bulong ko hindi ko alam kung para sa kanya o para sa sarili ko.
"Siya ang takot mo?" tanong niya.
"Hindi, ang takot ko baka may version ng sarili ko noon na piniling mag-tiwala sa kanya." sagot ko
Tahimik siya at mas masakit 'yon kaysa sa anumang argumento.
⸻
Jean POV
Hindi ko inasahan ang sagot niya.
Mas gugustuhin ko pa sigurong marinig na galit siya kay Rafael o galit sa sitwasyon, pero ang narinig ko ang pagkalito at 'yon ang mas delikado.
"May tiwala ka ba sa kanya ngayon?" tanong ko pilit pinananatiling steady ang boses ko.
Sandali siyang nag-isip.
"Hindi ko pa alam, pero hindi siya nagmukhang kaaway kanina." sagot niya.
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa dibdib ko.
"Hindi siya kaaway, pero hindi rin siya inosente." mahinahon kong bulalas sa kanya.
Alam kong hindi niya gusto ang tono ko, kaya agad kong binago ang paraan.
"Diya, I love you, hindi lang dahil sanay ako sabihin 'yon sa'yo hindi lang dahil ikaw ang kasama ko sa lahat, mahal kita dahil ikaw ang pinipili ko araw-araw."
Tumingin siya sa akin at doon ko nakita ang luha na pinipigilan niya.
"Pero kung darating ang araw na piliin mo siya, ayokong ako ang maging dahilan ng guilt mo." tuloy ko kahit masakit ang posibleng mangyari.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit.
"Hindi kita gustong mawala."
"Hindi pa ako umaalis, pero hindi ko kayang manatili kung ako ang second choice sa sarili mong isip." sagot ko.
Narinig namin ang pagbukas ng pinto sa dulo ng hallway. Si Rafael 'yon, tahimik pero malinaw ang direksyon ng mga hakbang papalapit.
Hindi ko alam kung aksidente ba ang timing o sinadya, pero ramdam kong may pagbabago sa hangin.
Tumingin ako kay Diya.
"Hindi mo kailangang mag-desisyon ngayon, pero huwag mo akong hayaang mabuhay sa pagitan ng baka at sana." sabi ko.
Tumigil si Rafael ilang hakbang ang layo sa amin. Hindi siya nagsalita agad, pero sapat na ang presensya niya para maramdaman kong unti-unti nang nagbabago ang laban.
At habang magkatabi kaming nakatayo ni Diya, napagtanto kong ang katahimikan ko kanina ay hindi kahinaan—kundi paghahanda.
Dahil kung kailangan kong ipaglaban siya, gagawin ko. Pero kung kailangan ko siyang palayain para hindi siya mabali, kaya ko rin.
—
Diya POV
Tahimik ako tumitig kay Rafael na nakatayo ilang hakbang ang layo. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya hindi sa paraan na alam ko, kundi ng kontrol at siguridad.
"Rafael..." mahina kong tinawag at tumingin siya sa akin nakatayo nang diretso pero hindi agresibo.
"Diya, alam kong mahirap ang lahat ng nangyari." tawag niya may konting tensyon sa boses.
"Hindi lang mahirap, nakakatakot para bang nawawala ako sa sarili ko sa gitna ng lahat na ito." sabi ko sa kanya huminga ako ng malalim.
Si Jean nasa tabi ko naman huminga rin siya parang may dinadalang mabigat. Ramdam ko ang pag-aalangan niya sa bawat kilos ko sa bawat tingin ko kay Rafael.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin, pero gusto kong malaman—piliin mo ba ang sarili mo o ang iniisip ng iba para sa'yo?" sabi ni Rafael medyo mahina pero maririnig ko.
Huminga ako ng malalim, ramdam ang init ng mga luha sa mata.
"Piliin ko... kailangan kong piliin ang tama hindi ang madali."
Si Jean tumahimik lang siya pero ang mata niya puno ng tanong na hindi niya masabi-sabi sa akin.
"Diya...basta sabihin mo sa akin kung anuman ang gawin mo, handa akong pakinggan at respetuhin ka." tawag niya pilit na kontrolado ang boses niya.
"Hindi pa ako handa, kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago gumawa ng hakbang." sagot ko.
Si Rafael hindi nagbitiw ng salita ngumiti nang bahagya. Parang may pahiwatig ng relief at pang-unawa.
"'Yon lang ang kailangan ko marinig."
⸻
Jean POV
Tila ba isang malalim na dagat ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Diya natatakot ako sa magiging resulta ng ginagawa namin.
"Hindi ko alam kung paano mo nagagawa itong lahat," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.
Ramdam ko ang presensya ni Rafael at kahit hindi niya sinasabi alam kong nakikita niya bawat reaksyon ko.
"Diya, hindi ko sinasabi na hindi ko siya gusto, pero..." sabi ko nang malakas pilit ko tinatatagan ang boses ko at huminto ako nahirapan sa susunod na salita.
"Magkaiba kayong dalawa..."
Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim.
"Jean, naiintindihan ko 'yon at kailangan nating maging totoo sa sarili natin."
Hindi ko sinasadya parang sa bawat salita niya may nagpapabigat sa dibdib ko. Ang pag-ibig ko sa kanya hindi naman naglaho, pero ngayon feeling ko may harang isang presensya na nagbabantay sa kanya at sa totoo lang—sa akin.
⸻
Rafael POV
Nakatingin ako sa kanila sa bawat galaw ni Jean at sa bawat pag-titig ni Diya. Ramdam ko ang tensyon ang pag-aalangan at ang takot na nagmumula sa parehong panig.
"Hindi ko kayo pipilitin kailangan ninyong malaman na hindi lang papel ang kasal na ito may responsibilidad, may katotohanan at may damdamin na hindi madaling kalimutan." sabi ko pero may pag-iingat.
Si Diya tumingin sa akin ang mga mata niya puno ng tanong na may liwanag ng pag-asa.
Si Jean naman sa kabilang banda, naglakad ng ilang hakbang palayo, pero nanatiling nakatingin. Ramdam ko ang katahimikan niya isang tahimik na laban ng pagtanggap at pagpapaubaya.
"Diya, kung pipiliin mo ako, hindi lang ikaw ang may pagkakataon dito ako rin ang pipili ng tama para sa'yo at sa ating pamilya." dagdag ko na bahagyang ngumiti sa kanya.
Huminga siya ng malalim tila nag-iisip siya at sa isang iglap napagtanto ko hindi ito tungkol sa akin o sa kanya lang, tungkol ito sa kung paano namin haharapin ang katotohanan at kung sino ang handang pumili para sa tama.
Si Jean naman nanatiling tahimik ang mga mata niya puno ng damdamin na hindi niya kayang ipahayag.
Habang tumatagal ang katahimikan ramdam ko na sa kabila ng lahat ng sakit at pagkalito may isang bagay na malinaw ang susunod na hakbang hindi isang biro pero kailangang mangyari.
—
Diya POV
Hindi natapos ang gabi sa hallway na 'yon. Umuwi akong dala ang bigat ng mga tingin nilang dalawa—isang lalaking tahimik na nasasaktan at isang lalaking tahimik na naghihintay.
Pagdating ko sa condo ni Jean nadatnan kong bukas ang ilaw sa sala. Nakatayo si Jean sa may bintana nakatalikod parehong eksena noong una naming pinag-usapan ang tungkol sa PSA record. Pero iba ang aura niya ngayon mas tensyonado at mas sarado.
"Hindi ka pa natutulog?" maingat kong tanong habang inilalapag ang bag ko.
"Hindi, hindi ko alam kung paano matulog nang maayos habang iniisip ko kung kailan kita tuluyang mawawala." sagot niya sa akin ng hindi lumilingon.
Parang may pumisil sa dibdib ko.
"Jean, hindi pa ako nawawala."
"Pero hindi ka na rin sigurado at 'yon ang mas masakit." sagot niya agad at doon ko unang narinig ang bahagyang pagbitak ng boses niya.
Lumapit ako sa kanya.
"Hindi ko pinipili si Rafael dahil sa damdamin, mahal pinipili ko lang harapin ang katotohanan."
"Ang katotohanan?" Napatawa siya nang mahina pero walang saya.
"Ang katotohanan na asawa mo siya—at ako... ano ako ngayon?"
Hindi ako agad nakasagot dahil sa unang pagkakataon, wala akong malinaw na sagot.
⸻
Jean POV
Nakikita ko sa mga mata niya ang pagod. Pero mas malinaw ang pag-iingat. Para bang bawat salita niya ngayon tinatantiya niya kung sino ang masasaktan.
"Sabihin mo sa akin, kung wala ang papel na 'yon, pipiliin mo ba siya?" diretsahan kong tanong lumingon na ako sa wakas sa kanya.
Natahimik siya at sa katahimikang 'yon, doon ako natakot.
"Jean..." mahina niyang sabi.
"Hindi, huwag mong sagutin kung hindi mo kayang maging sigurado dahil kung may kahit isang percent sa'yo na nagdadalawang-isip, mas mabuting malaman ko ngayon." umiling ako.
Lumapit siya pero hindi ako umatras.
"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong hindi ko na kayang itanggi na bahagi siya ng buhay ko kahit hindi ko maalala kung paano nagsimula." amin niya.
Mas masakit pala ang hindi sigurado kaysa sa malinaw na pag-iwan.
"Labintatlong taon, Diya, labintatlong taon kitang minahal nang walang kondisyon pero ngayon, parang kailangan kong makipag-kompetensya sa isang kasal na hindi ko alam kung paano ko lalabanan." mahinahon kong sabi sa kanya kahit kumakabog ang dibdib ko.
⸻
Diya POV
Hindi ko alam kung anong mas masakit ang makita siyang unti-unting sumusuko o ang maramdaman kong hindi ko siya kayang hawakan tulad ng dati.
"Hindi kita pinapapili laban sa kanya, pinipili ko lang ayusin ang gulo na ako mismo ang pinagmulan." sabi ko halos pabulong.
Umiling siya.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari noong 2021."
"Pero desisyon ko 'yon, Jean kahit sa gitna ng takot ko—ako ang pumirma." sagot ko.
Napaupo siya sa sofa parehong kamay nakasapo sa mukha.
"Natakot ako kanina, noong nagsalita siya hindi siya galit hindi siya nagmamakaawa parang sigurado siya na may lugar siya sa buhay mo." amin niya.
At doon ko unang naisip—oo, may lugar si Rafael. Hindi dahil pinilit niya, kundi dahil pinili kong pumasok doon noon.
Tumunog ang phone ko isang mensahe mula kay Carlos.
We need to talk, may bagong development sa case hindi ito maliit, Diya.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.
"Ano 'yan?" tanong ni Jean napatingin sa akin.
"Si Carlos, may bago raw sa kaso." sagot ko.
Tumayo siya agad.
"Anong bago?"
Hindi ko pa nababasa ang kasunod na message, pero ramdam ko na hindi ito simpleng update.
Pagbukas ko, nanlamig ang kamay ko.
May lumabas na supplementary document from 2021. May clause na hindi natin napag-usapan—financial and custodial implications, we need to review it immediately.
"Jean...hindi lang kasal ang nakataya may mas malalim pa." mahinahon kong sabi sa kanya pero nanginginig ang boses ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
Huminga ako nang mabagal, pilit pinapakalma ang sarili.
"Kung totoo ito, hindi lang reputasyon ang masisira kapag lumaban tayo, may pamilyang maaapektuhan." bulong ko.
Ang plano ko lang paghahanda sa kasal namin ni Jean ang daming lumalabas na detalye na wala sa plano. Maraming nabubulgar sa kasal namin ni Rafael noong 2021.
At sa unang pagkakataon, nakita ko ang tunay na takot sa mga mata ni Jean hindi dahil mawawala ako kundi dahil may posibilidad na mas malaki pa ang itinatago ng nakaraan kaysa sa kaya naming harapin.
Sa gitna ng katahimikan ng gabi, pareho naming naunawaan hindi pa tapos ang laban.
At ang katahimikan ni Jean hindi na simpleng paglayo.
Ito ang paghahanda sa isang desisyong maaaring tuluyang magbago sa aming tatlo.
—
Jean POV
Hindi ako agad nagsalita matapos niyang ibaba ang cellphone niya. Tinitigan ko lang siya habang unti-unting nawawala ang kulay sa mukha niya at doon ko na-realize na kahit gaano ako nasasaktan, mas malaki ang problemang hinaharap niya.
"Anong klaseng clause?" tanong ko sa kanya pinipilit maging kalmado.
"Hindi pa detalyado, pero may kinalaman daw sa financial protection at custodial implications kung sakaling magka-anak." sagot niya mabilis ang paghinga.
Napatawa ako nang mapait.
"Magka-anak?"
"Jean..."
"Hindi tayo ang tinutukoy, Diya kayong dalawa ni Rafael," sagot ko agad sa kanya mas mababa ang boses ko ngayon.
Tahimik siyang napaupo sa tapat ko. Nakikita ko ang gulo sa mga mata niya hindi lang tungkol sa akin, kundi tungkol sa responsibilidad na biglang bumalik mula sa limang taong nakalipas.
"Kung may custodial implication, ibig sabihin may plano sila noon na gawing mas permanente ito kaysa sa simpleng papel." dagdag ko.
"Hindi ko alam ang buong detalye, pero bakit ngayon lang ito lumabas?" sagot niya.
Hindi ko nasagot agad ang tanong na 'yon.
Tumunog ang phone niya.
Si Carlos.
"Speaker," sabi ko.
⸻
Carlos POV
Naririnig ko ang tensyon sa pagitan nila kahit sa kabilang linya lang ako.
"Diya, kailangan nating magkita bukas may notarized addendum sa original agreement hindi ito kasama sa unang kopya na nakuha natin." direkta kong sabi sa kabilang linya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya mas mahina ang boses.
"Ibig sabihin, may provision na nagsasaad na kung mag-produce ng legitimate heirs ang kasal, may automatic transfer of shared assets under joint trusteeship." sagot ko maingat ang tono ko para maintindihan niya ang sinasabi ko.
Tahimik ang kabilang linya.
"Carlos, sigurado ka ba?" singit ni Jean sa kabilang linya magkasama silang dalawa ngayon.
"Oo, at may isa pa, may clause na nagsasabing hindi maaaring basta-basta ipa-annul ang kasal kung may potential financial destabilization sa parehong pamilya." sagot ko.
"Financial destabilization?" ulit ni Jean nakikinig lang si Diya.
"Kapag napatunayang makakaapekto ito sa negosyo ng dalawang pamilya maaaring ma-freeze ang ilang assets habang ongoing ang proseso."
Alam kong mabigat 'yon, pero mas mabigat ang susunod kong sasabihin.
"At may pirma kayong dalawa roon—Diya at Rafael."
⸻
Diya POV
Parang bumalik ako sa Naic sa isang iglap.
Amoy ng lumang munisipyo.
Ingay ng electric fan.
Papel na iniharap sa akin habang nanginginig ang kamay ko.
"Hindi ko maalala 'yon, hindi ko maalala ang addendum." bulong ko.
"Pero malinaw ang pirma at may witness." sagot ni Carlos.
"Sinong witness?" tanong ni Jean mas matalim ang tono.
"Matteo Zafra."
Napapikit ako.
Business partner ni Rafael.
"Bukas, kailangan n'yong pag-usapan ito kasama si Rafael, hindi ito kayang solusyunan ng emosyon lang." sabi ni Carlos ang daming involved sa kasal namin ni Rafael na hindi ko matandaan.
Pagkababa ng tawag mas mabigat ang katahimikan kaysa kanina.
"Hindi na ito tungkol sa atin lang," sabi ko halos pabulong na lang.
Si Jean tumayo at naglakad papunta sa kusina. Narinig ko ang pagbukas niya ng gripo ang pagbuhos ng tubig sa baso mga tunog na parang sinasadya niyang pahabain para hindi magsalita.
Bumalik siya hawak ang baso pero hindi umiinom.
"Alam mo kung anong pinakamasakit?" tanong niya.
Tinignan ko siya.
"Na kahit wala kang maalala, pumirma ka, ibig sabihin may punto sa buhay mo na pinili mo siya kaysa sa akin kahit hindi mo na matandaan kung bakit."
"Hindi 'yon laban sa'yo, laban 'yon sa sitwasyon." sagot ko agad.
"Pero ako ang naiwan," mahinahon niyang sagot.
Lumapit ako hinawakan ang kamay niya. Hindi niya ito inalis, pero hindi rin niya hinigpitan ang hawak ko tulad ng dati.
"Bukas, haharapin natin siya pero pagkatapos nito kailangan mong maging attentive, Diya hindi pwedeng lagi tayong nasa pagitan." sabi niya.
Tumango ako, kahit alam kong ang pagiging malinaw ang pinakakinatatakutan ko.
Sa labas ng bintana tahimik ang paligid.
Pero sa loob ng condo parang may ticking clock na unti-unting lumalakas.
At sa unang pagkakataon, naramdaman ko na ang katahimikan ni Jean hindi na lamang takot.
Ito ang paghahanda sa posibilidad na siya mismo ang pipili na lumayo kung sakaling ang legal na kasal na 'yon mas malalim pa kaysa sa kaya kong putulin.