Pagpasok ko sa bahay namin, alam kong may nagbago na. Hindi lang dahil alam na nila ang tungkol sa addendum, kundi dahil ramdam ko ang bigat ng katahimikan na tila naghihintay ng pagsabog.
Nasa sala si Mama tuwid ang likod hawak ang tasa ng tsaa na hindi niya iniinom. Si Papa naman ay nakatayo malapit sa bintana, nakatalikod, parang pinipigilang humarap agad sa akin.
"Diya, totoo ba lahat ng narinig namin?" unang nagsalita si ate Lianne nakaupo siya sa gilid ng sofa.
Huminga ako nang malalim.
"Oo."
Isang salitang sapat para mabasag ang natitirang pag-asa sa loob ng bahay.
"Ano'ng ibig mong sabihin na may addendum? Hindi ba sapat na kasal ka na?" tanong ni Mama maingat ang tono pero halatang nanginginig.
"Hindi ko alam ang buong detalye noon, Ma," sagot ko.
"Emotional breakdown ako nasa therapy ako at hindi malinaw ang lahat."
"Pero pumirma ka, hindi ka naman bata noon." singit ni ate diretso ang tingin sa akin.
Napakurap ako masakit ang katotohanan kapag galing sa pamilya.
"Hindi niya ginusto ang sitwasyon, ako ang may kasalanan kung bakit siya napunta roon." mahina pero matigas ang boses ni Papa mula sa likuran.
"Pa—"
"Hindi, dahil sa negosyo ko kaya siya napilitang pumayag sa ganoong kasunduan." putol niya.
"Hindi ako pinilit, pinili ko ''yon." sagot ko agad, kahit alam kong kalahating totoo 'yon.
"Sa ilalim ng takot! Hindi 'yon malinaw na desisyon." sigaw ni ate sa amin.
Naramdaman kong umiinit ang mata ko pero pinigilan ko ang luha.
"Hindi nyo pwedeng tanggalin sa akin ang responsibilidad ako ang pumirma."
Tahimik si Mama.
Pagkatapos ng ilang segundo nagsalita siya nang dahan-dahan.
"At ngayon? Ano'ng plano mo?"
Ang tanong na 'yon ang pinakakinatatakutan ko.
"Hindi ko pa alam, pero hindi ako tatakas." amin ko.
"Tatanggapin mo?" tanong ni ate halos hindi makapaniwala.
"Tinatanggap ko na legal ito, pero hindi ibig sabihin noon na wala na akong karapatang magdesisyon kung paano ko haharapin ang kasal na 'yon." sagot ko.
Lumapit si Mama at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, ang kahihiyan pansamantala pero ang maling desisyon natin pangmatagalan."
"Kaya nga hindi ako magmamadali," sagot ko.
"Paano si Jean?" mahinang tanong ni Mama.
Napapikit ako sandali.
"Hindi ko siya pwedeng gawing safety net habang nililinaw ko ang sarili ko."
Tahimik si Papa, pero ramdam ko ang bigat ng paghinga niya.
"Kung kailangan mong harapin ang pamilya Silva, hindi ka mag-isa," sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.
Sa kabila ng lahat, hindi niya ako tinatalikuran.
Pero bago pa ako makasagot may kumatok sa pinto.
Nagka-tinginan kami.
Si ate ang lumapit para magbukas.
At sa unang segundo pa lang ng pag-angat ng doorknob alam kong hindi ito simpleng pagbisita.
"Good evening," pamilyar na malamig at kontroladong boses ang bumungad sa sala.
Si Rafael.
Tumayo si Papa, automatic na nagbago ang postura niya.
"Ano'ng kailangan mo dito?" tanong ni ate, hindi tinatago ang galit.
"Hindi ako nagpunta dito para manggulo, nagpunta ako dito para kausapin ang asawa ko." mahinahon niyang sagot.
Asawa.
Ang salitang 'yon ang tuluyang nagpasikip sa hangin sa loob ng bahay.
Tumayo ako at hinarap siya.
"Hindi ito ang lugar para sa confrontation."
"Hinding-hindi ito magiging komportableng lugar, pero kailangan nating tapusin ang mga bagay na nagsimula limang taon na ang nakalipas." sagot niya diretso ang tingin sa akin.
At sa gitna ng galit, kahihiyan at mga matang nakatingin sa amin napagtanto ko na ang laban ko hindi lang sa batas kundi sa dalawang pamilya na parehong may stake sa desisyong gagawin ko.
Hindi agad sumagot si Papa. Tahimik siyang tumingin kay Rafael sinusukat ang tindig nito ang kontrol sa boses ang respeto sa pamamahay namin kahit malinaw na may tensyon sa bawat sulok ng sala.
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo nang malinaw." malamig na wika ni Papa sa kanya.
Hindi umupo si Rafael nakatayo lang siya parehong kamay nasa bulsa ng pantalon parang ayaw magmukhang dominante pero hindi rin nagpapakita ng kahinaan.
"Hindi ako nagpunta dito para kunin si Diya o pilitin siya nagpunta ako dito para linawin ang mga susunod na hakbang." sabi niya.
"Anong hakbang? Hindi ba sapat na ginulo nyo ang buhay niya?" singit ni ate Lianne.
"Ate," mahina kong saway pero hindi ko rin siya masisi.
Diretsong tumingin sa akin si Rafael.
"May bagong ginagawa ang kampo ni Attorney Alcaraz, Lianne kung itutuloy nyo ang challenge sa addendum hindi lang reputasyon ang tatamaan pati ang kumpanya ng Sharma." aniya.
Napatingin ako kay Papa nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"Threat ba 'yan?" tanong ni Mama may bahid ng takot sa boses.
"Hindi, tita babala." sagot ni Rafael, kalmado.
Lumapit ako ng isang hakbang.
"Bakit parang ikaw pa ang nag-dedesisyon para sa amin?"
"Hindi ako nag-dedesisyon para sa inyo, pero bahagi ako ng problemang ito legal husband mo ako, Diya hindi ko kayang manahimik habang lumalala ang sitwasyon." tugon niya.
Tahimik ang buong sala ramdam ko ang t***k ng puso ko sa tenga ko.
"Kung totoo ang sinasabi mo, anong gusto mong mangyari?" sabi ko.
Saglit siyang tumingin kay Papa, saka bumalik ang tingin sa akin.
"Mag-usap tayo nang maayos hindi sa korte, hindi sa harap ng media."
"Sa'n?" tanong ko.
"Sa lugar na walang makikinig kundi tayo."
"Ano 'to, private negotiation?" matalim ang tono ni ate sa kanya.
"Kung 'yon ang tawag mo," sagot niya nang hindi nawawala ang tono.
Tumayo si Papa at humarap sa akin. Binalingan niya si Rafael bago niya ako tignan sa mata ko.
"Diya, ikaw ang mag-dedesisyon hindi ko hahawakan ang buhay mo sa pagkakataong ito."
Napatingin ako kay Mama.
"Anak, kung makakatulong ang pag-uusap, makinig ka pero, huwag mong ibigay ang sarili mo nang walang maayos na directions." mahina niyang sabi sa akin.
Bumalik ang tingin ko kay Rafael.
"Isang pag-uusap walang abogado, walang press." sabi ko.
"Isang pag-uusap lang," ulit niya.
"Pero huwag mong kalilimutan na hindi ako bumabalik dahil pinipilit mo ako pupunta ako dahil gusto kong maintindihan kung ano ang pinasok ko noon." dagdag ko.
Sandaling nagbago ang expression niya—parang may nais sabihin pero pinigilan.
"Fair enough."
"Diya, anumang marinig mo tandaan mo kung sino ka." tawag ni Papa bago ako tuluyang makalapit sa pinto kasama si Rafael.
Tumango ako.
"Hindi ko nakakalimutan, Pa."
Paglabas namin ng bahay malamig ang hangin sa labas pero mas malamig ang pagitan naming dalawa.
Huminto siya sa tabi ng sasakyan niya.
"Hindi ito tungkol sa negosyo lang," sabi niya mas mababa ang boses ngayon.
"Tungkol saan?" tanong ko nakatingin ako ng diretso sa kanya.
Saglit siyang natahimik bago sumagot.
"Tungkol sa desisyon na ginawa mo noon at sa posibilidad na hindi lang 'yon papel para sa akin."
Naramdaman kong parang may bumagsak sa loob ko.
Dahil kung totoo ang sinasabi niya hindi lang pamilya ang haharapin ko.
Pati ang posibilidad na may emosyon na hindi ko na kayang kontrolin.
Hindi ako agad sumakay sa kotse niya. Nakatayo lang ako sa gilid ng kalsada nakatingin sa mga ilaw ng bahay namin na unti-unting nagdidilim habang isa-isang nagsasara ang mga bintana.
"Hindi ako sasama kung hindi malinaw kung saan tayo pupunta," sabi ko ng mahinahon pero matatag.
"Hindi kita dadalhin kung saan ka hindi komportable may private office ako sa Makati walang tao doon sa ganitong oras." sagot ni Rafael.
Napatingin ako sa kanya.
"Sigurado ka?"
Tumango siya.
"Sigurado ako."
Tahimik ang biyahe wala ang dating yabang o pormal na distansya ang nandoon lang ang mabigat na katahimikan na parang parehong may iniingatang salita.
Pagdating namin sa building, siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Walang bodyguard at walang sekretarya tanging kami lang at ang malamig na ilaw ng hallway.
Pagpasok sa opisina, tinanggal niya ang coat niya at isinabit nang maayos.
"Umupo ka," sabi niya itinuturo ang sofa sa gilid.
Hindi ako umupo agad.
"Sabihin mo muna kung ano talaga ang gusto mong mangyari."
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
"Ayokong masira ang pamilya mo dahil sa desisyong ginawa natin noon."
"Tayo? Rafael, hindi ko nga maalala ang araw na 'yon." ulit ko.
Lumapit siya nang kaunti pero hindi lumagpas sa hangganan.
"Pero pinirmahan mo 'yon nakatingin ka sa akin habang ginagawa mo."
Nanikip ang dibdib ko.
"Anong klaseng itsura ko noon?"
"Pagod ka—takot pero buo ang isip mo." sagot niya agad.
"Hindi mo ako pinilit?"
"Hindi, kung pinilit kita, hindi magiging ganito ang tingin ko sa sarili ko ngayon." mariin niyang tugon.
"Anong tingin mo sa sarili mo?"
"Isang lalaking ginamit ang sitwasyon para protektahan ang negosyo, pero hindi inasahang babalik ang babae sa buhay niya nang ganito."
Napaupo ako sa sofa.
"May nararamdaman ka ba noon?"
Tahimik siya sandali bago umupo sa tapat ko.
"Wala, purely arrangement."
"At ngayon?" tanong ko sa kanya ng diretso ang tingin.
Bahagyang gumalaw ang panga niya.
"Ngayon, hindi ko na sigurado."
Parang may pumutok sa loob ko sa simpleng pag-amin na ''yon.
"Hindi puwedeng hindi ka sigurado, dahil may taong nasasaktan sa pagitan nito." sabi ko.
"Si Jean," mahinang banggit niya.
"Hindi lang siya," sagot ko.
"Ako."
Saglit siyang tumingin sa akin na parang ngayon lang niya tunay na nakita ang bigat na dala ko.
"Hindi kita gustong masaktan."
"Pero nasasaktan ako," bulong ko.
Tumayo siya at lumapit sa malaking bintana ng opisina.
"Kung sasabihin kong kaya kong bitawan ang kasal na ito kung 'yon ang makakapagpa-tahimik sa lahat, magsisinungaling ako."
Napatingin ako sa likod niya.
"Bakit?"
Dahan-dahan siyang humarap.
"Dahil sa unang pagkakataon, gusto kong subukan kung may pwedeng mabuo dito na hindi tungkol sa arrangement."
Tumayo ako.
"At paano kung wala?"
Lumapit siya ng isang hakbang hindi para hawakan ako kundi para malinaw kong marinig ang sagot niya.
"Kung wala, ako ang unang aatras pero huwag mong ipagkait ang pagkakataong 'yon nang hindi man lang natin sinusubukan."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung galit ang dapat kong maramdaman o takot.
Sa gitna ng tahimik na opisina, naramdaman kong mas mapanganib ang ganitong usapan kaysa anumang hearing sa korte.
Dahil kung magpapatuloy kami sa pag-uusap na ito—hindi na lang legalidad ang nakataya.
Pati ang puso ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakatayo roon, magkaharap sa gitna ng opisina na tila masyadong malaki para sa dalawang taong parehong nagdadalawang-isip.
"Subukan? Rafael, hindi ito simpleng proposal o project na pwedeng i-pilot test." ulit ko halos pabulong pero malinaw.
"Alam ko, kaya nga hindi ako nag-dedemand, nakikiusap ako." sagot niya agad.
Napailing ako.
"May fiancé ako."
"May asawa ka," diretso niyang tugon walang galit puro katotohanan lang.
Mas masakit pala kapag kalmado ang nagsasalita.
"Hindi ko pinili ang ganitong sitwasyon, hindi ko ginusto na may isang documents na babalik para sirain ang lahat." sabi ko sa kanya ramdam ko ang bigat sa dibdib ko.
"Hindi rin kita hinanap para guluhin ang buhay mo, pero nang malaman kong magpapakasal ka na kay Jean, doon ko lang naintindihan na hindi na pwedeng manatiling tahimik." sagot niya.
"Bakit?" tanong ko halos napapagod na sa paulit-ulit na tanong na walang simpleng sagot.
"Dahil kung tuluyan kang ikasal sa kanya nang hindi naaayos ang papel na ito, pareho kayong masasaktan at ako ang magiging kontrabida kahit hindi ako nagsimula nito."
Napabuntong-hininga ako at naupo ulit.
"Hindi ko alam kung galit ako sa'yo o sa sarili ko."
"Kung kailangan mo akong sisihin para gumaan ang loob mo, tatanggapin ko," sabi niya ng seryoso.
"Hindi mo ba naiisip na baka mas mabuti kung pumayag ka na lang sa annulment kahit gaano kahirap?"
"Tinignan ko ang lahat ng option," sagot niya.
"Pero hindi 'yon basta reputasyon ang tatamaan, Diya may legal implications sa negosyo sa shareholders, sa pamilya ko, hindi ganoon kasimple."
"Tama ka, wala talagang simple sa buhay natin." mapait kong tugon.
Saglit siyang tumahimik bago muling nagsalita.
"May isa pa akong dahilan."
Napatingin ako sa kanya.
"Ano?"
"Hindi ko kayang pirmahan ang annulment kung hindi ko man lang napatunayan sa sarili ko na wala talagang puwedeng mangyari sa atin."
Parang may kumapit sa lalamunan ko.
"At kung ako ang magsabi na wala?"
"Paniniwalaan kita, pero gusto kong marinig 'yon hindi dahil sa galit o pressure, kundi dahil sigurado ka." sagot niya agad.
Narinig ko ang tunog ng cellphone ko sa loob ng bag.
Si Jean.
Hindi ko agad sinagot tumingin lang ako kay Rafael bago ako lumayo ng ilang hakbang at sagutin ang tawag.
"Jean..." mahina kong sabi.
"Nasaan ka? Nag-aalala sina Tito at Tita at ako." tanong niya, ramdam ang pagod at tensyon sa boses.
"Nasa meeting ako," sagot ko hindi ako nagsisinungaling pero hindi rin kumpleto ang katotohanan.
"Kasama siya?" diretsong tanong niya.
Napapikit ako sandali.
"Oo."
May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya.
"Diya, huwag mo akong hayaang mawala nang hindi man lang ako lumaban." mahina niyang sabi at doon ko unang narinig ang takot na matagal na niyang tinatago.
Nanikip ang dibdib ko.
"Hindi kita inaalisan ng laban, Jean."
"Pero nararamdaman kong may parte ka na nagsisimulang magtanong kung tama pa bang ako ang piliin mo."
Hindi ako nakasagot agad dahil, totoo may mga tanong na hindi ko pa kayang harapin.
Pagkababa ko ng tawag, nakatingin pa rin sa akin si Rafael hindi nagtatanong at hindi nangingialam.
"Hindi ito magiging madali," sabi ko sa kanya mas malinaw na ngayon ang boses ko.
"Hindi ko inaasahang magiging madali," sagot niya.
"Tig-isang buwan," bigla kong sabi.
Bahagya siyang nagulat.
"Para saan?"
"Para makita kung may totoong pwedeng mabuo walang pisikal na hangganan na lalagpas at walang pagpilit, isang buwan para kilalanin ang isa't isa bilang tao hindi bilang obligasyon."
Pinag-isipan niya 'yon bago tumango.
"At pagkatapos?"
"Pagkatapos, ako ang magdedesisyon at kahit ano ang piliin ko, igagalang mo." sabi ko nang buong tapang.
Diretso ang tingin niya sa akin.
"Kung 'yon ang kondisyon mo, pumapayag ako."
Huminga ako nang malalim hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.
Pero sa unang pagkakataon mula nang mabunyag ang lahat ako ang nagtakda ng rules.
Paglabas ko ng gusali hindi ko agad tinawagan si Jean. Hindi rin ako bumalik sa condo. Diretsong kotse ang tinungo ko, pero ilang minuto akong nakaupo roon nang hindi iniistart ang makina.
Isang buwan.
Ako mismo ang naglatag ng kondisyon na 'yon, pero habang iniisip ko para akong nagbukas ng pintong hindi ko alam kung saan hahantong.
Pagdating ko sa bahay namin sa Quezon City, ramdam ko agad ang bigat sa hangin. Bukas ang ilaw sa sala kahit tanghali pa lang. Nandoon silang lahat—si Mama, si Papa, si ate Lianne at si kuya Kael.
"Diya, totoo ba?" unang nagsalita si Mama, nakaupo nang tuwid, ang mga kamay nakapatong sa kandungan.
Alam kong hindi iyon simpleng tanong.
"Oo, totoo ang kasal." sagot ko ng diretso.
Tumayo si Papa mabigat ang mga hakbang papalapit sa akin.
"Bakit ngayon lang namin nalaman?"
"Hindi ko rin alam noon, Pa may breakdown ako noong 2021 may therapy at may mga parte ng panahong iyon na hindi malinaw." sagot ko pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko.
"Pero pirma mo 'yon, hindi ka naman bata noon." putol ni ate sa akin.
"Hindi ako bata, pero hindi rin ako buo." tugon ko.
Tahimik si Papa, pero kita ko ang galit sa mga mata niya hindi lang sa sitwasyon, kundi sa sarili niya.
"Kasalanan ko ito, kung hindi nalubog ang negosyo, hindi ka mapipilitang..." mahina niyang sabi.
"Hindi ako pinilit, pinili ko 'yon." mabilis kong sagot.
"Sa anong estado?" tanong ni ate sa akin.
"Sa estado ng takot, takot na makulong si Papa takot na masira ang pangalan natin at takot ako na mawalan tayo ng lahat." umamin ako.
Napahawak si Mama sa dibdib niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"
"Dahil ako ang nasa gitna na laging inaasahang matatag at sa pagkakataong 'yon akala ko 'yon ang paraan para maging matatag." sagot ko sa kanila ramdam ang pait.
Tahimik ang buong sala.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni kuya Kael, mas kalmado kaysa sa lahat.
"Tig-isang buwan," sabi ko.
"Kikilalanin ko siya, kuya walang pressure mula sa pamilya nila o sa inyo, pagkatapos, ako ang mag-dedesisyon kung ano ang buhay na gagawin ko para sa sarili ko."
"Paano si Jean?" mahinang tanong ni Mama.
Napapikit ako sandali.
"Hindi ko siya niloloko alam niya ang kondisyon."
"Alam niya o tinanggap lang niya dahil mahal ka niya?" diretsong tanong ni ate sa akin.
Masakit ''yon kasi 'yon din ang ginawa niya.
"Huwag nyo akong itulak sa desisyon na gusto nyo, buong buhay ko inuuna ko kayo—ngayon, hayaan nyo akong unahin ang sarili ko." sabi ko na mas tumibay ang boses ko.
Tumahimik si Papa bago nagsalita.
"Kung anuman ang piliin mo, susuportahan ka namin pero tandaan mo, Diya—ang pag-aasawa hindi lang papel at hindi rin ito experiments."
"Tama ka, Papa na dapat hindi mo ginawa noon sa akin at kaya nga hindi ako papasok dito nang nakapikit." sagot ko.
Maya-maya, umalis ako roon dala ang mas mabigat pero mas malinaw na isip.
Kinagabihan, nag-message si Rafael.
We'll start tomorrow. No pressure. I'll send the schedule. – R
Tinitigan ko ang screen bago ako nag-reply.
Hindi ito business deal, Rafael.
Ilang segundo lang, sumagot siya.
Alam ko, pero sanay ako sa malinaw na terms para walang masaktan sa dulo.
Napangiti ako nang bahagya hindi dahil kilig, kundi dahil doon ko nakita kung gaano kami kaiba.
Habang nakahiga ako sa kama, tumunog muli ang phone ko.
Si Jean.
"Pwede ba kitang makita bukas?" tanong niya agad.
"May lakad ako," sagot ko, totoo naman.
"Kasama siya?"
"Oo."
Mahabang katahimikan ang sumunod.
"Diya, lumalaban pa ako pero kung sa isang buwan na 'yon may magbago sa'yo, huwag mo akong patagalin sa pag-asa." sabi niya sa wakas.
Nanikip ang dibdib ko.
"Hindi kita paiikutin, Jean."
"Siguraduhin mo," sagot niya bago niya ibaba ang tawag.
Pagkatapos noon, ako na lang at ang kisame ang magkatapat.
Isang buwan.
Dalawang lalaki.
Isang papel na hindi ko maalala kung bakit ko pinirmahan pero ngayon, ako ang pipirma sa magiging kinabukasan ko.