Chapter 13 - Hidden Agreement

1933 Words
Rafael POV Hindi pa ako nakakapagsalita nang pumasok si Diya sa garden pavilion ng Silva residence. Tahimik ang paligid malamlam ang ilaw at ang hangin parang may dalang kakaiba na matagal ko nang iniiwasan. Tumayo ako bago pa siya tuluyang makalapit sa mesa. "Salamat at pumayag kang pumunta," mahinahon kong sabi sa kanya. "Hindi ito tungkol sa pagpayag kailangan nating mag-usap." sagot niya. Tumango ako at itinuro ang upuan sa harap ko. Hindi kami nagdikit sapat na ang distansya para malinaw na hindi ito emosyonal na pagkikita ito ang paghaharap namin kung alam mo lang, Diya. "May bagong nangyayari may interesadong gumamit ng marriage record natin para sa corporate leverage." direkta kong sinabi sa kanya. Napatingin siya sa akin hindi agad siya nagsalita. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. "May mga dokumentong hinihingi na pwedeng magbukas ng lumang agreement ang hindi nila alam, may mas malalim na kasunduan na hindi pa nailalabas." paliwanag ko. Tahimik siyang nakinig sa sinasabi ko. "Hindi ko alam na may iba pa, akala ko tapos na ang lahat sa korte." mahinang sabi niya. "Hindi pa, Diya ang marriage certificate bahagi lang ng mas malawak na arrangement noon may clauses na hindi kailanman ipinaliwanag sa'yo nang buo." sagot ko. Tumigil ako sandali bago ituloy ang totoo. "Ang pamilya ko ang nag-propose ng protection structure pero may kondisyon na dapat malinaw—ang kasal hindi pwedeng gamitin laban sa alinman sa atin at 'yon ang agreement na hindi ko agad naipaliwanag sa'yo." Nag-iba ang ekspresyon niya. "Bakit ngayon mo lang sinasabi?" Dahan-dahan akong huminga. "Dahil ngayon lang naging relevant." Lumapit siya nang kaunti, ngunit nanatili ang distansya. "Rafael, hindi ako bagay na pwedeng ilagay sa agreement," malamig niyang sagot. "Alam ko, kaya nga hindi kita itinuturing na clause. Ikaw ang dahilan kung bakit kailangan kong baguhin ang pananaw ko sa buong kasunduan." mabilis kong sagot sa kanya. Napahinto siya. May kumatok sa pinto ng pavilion si Attorney Sevryn Alcaraz ang pumasok, dala ang isang sealed envelope. "May leaked information, Mrs. Silva at Mr. Silva." sabi niya. "Anong leaked information?" seryosong tanong niya. "Someone is trying to frame the marriage as a strategic manipulation for business expansion." sagot ni Attorney Sevryn Alcara Nanigas ako. "Hindi 'yon totoo," mariing sabi ko. "Pero kailangan nating patunayan," sagot niya. Tumingin ako kay Diya. "Hindi ko hahayaan na gamitin ka nila," sabi ko nang diretso sa kanya. "Hindi mo kailangan akong protektahan sa lahat, Rafael kailangan ko lang malaman ang buong katotohanan." sagot niya. Tumango ako. "May agreement na ginawa bago ang civil wedding hindi para kontrolin ka, kundi para ayusin na kung sakaling may legal dispute hindi ka mapipilit o mapapahamak naka-file ito sa private vault, hindi sa public registry." Nanlaki ang mata niya. "So may iba pa?" "May protective clause, Diya at ikaw ang co-signer." sagot ko. "Hindi ko na maalala 'yon," mahinang sabi niya. "Alam ko, pero valid ang pirma mo at ginawa 'yon para sa seguridad mo." sagot ko. Napaupo siya nang bahagya. "Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa," sabi niya. "Hindi ito tungkol sa takot," sabi ko. Tahimik siyang naka-titig sa akin. "Kung gusto mong baguhin ang anumang bahagi ng agreement, gagawin natin," dagdag ko. "Ikaw ba mismo ang may gusto nito?" tanong niya. Huminga ako nang malalim. "Hindi ko na kayang ituring na negosyo lang ito." Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago siya tumango. "Then we review everything, together." Tumango ako pabalik at sa unang pagkakataon mula nang lumabas ang katotohanan, hindi na ito laban sa pagitan namin. Mga anak para sa inyo rin itong gagawin ko. ⸻ Diya POV Habang nakaupo ako sa pavilion, ramdam ko ang bigat ng mga salitang sinabi ni Rafael. Hindi ito tulad ng mga nakaraang pag-uusap na puno ng emosyon o pagdududa. "May hidden agreement," ulit ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o magpasalamat. Nang lumabas si Attorney Alcaraz, hindi ko siya agad kinausap narinig ko ang bawat detalye. May konting inis ako kay Attorney Alcaraz habang kausap niya si Rafael na hindi ko dapat maramdaman. Pagkatapos nilang mag-usap naiwan kaming dalawa ni Rafael. "Diya," mahinahon niyang sabi. Tumingin ako sa kanya. "Kung may iba pa akong hindi alam, sabihin mo na ngayon." Tumango siya. "May clause na magbibigay sa'yo ng full autonomy sa decisions financial man o personal kung sakaling gusto mong gamitin 'yon." Napakunot ang noo ko. "Ibig sabihin?" "Ibig sabihin, hindi kita kayang kontrolin kahit legal ang kasal at hindi ko kailanman balak gawin 'yon." sagot niya. Napatingin ako sa kanya nang matagal. "Bakit kailangan pang lagyan ng clause?" "Dahil alam ng pamilya ko na ang sitwasyon natin na may magbabago at gusto kong siguruhin na kahit magbago ang lahat, hindi ka mawawalan ng boses." sagot niya. Ito ay tungkol sa proteksyon tinignan ko muna siya bago ako magsalita. "Rafael, hindi ko alam kung handa na akong magtiwala agad." mahina kong sabi. Tumango siya na walang pag-tutol. "Hindi ko hinihingi 'yon ngayon ang hinihingi ko lang, pagkakataon na ipaliwanag ang lahat bago ka gumawa ng desisyon na mag-iisa." sagot niya. Huminga ako nang malalim. "Okay, pero mula ngayon, walang sekretong kasunduan na hindi ko alam." sabi ko sa wakas sa kanya. "Wala," mariing sagot niya. May sandaling katahimikan. At sa gitna ng malamlam na ilaw ng pavilion napagtanto kong ang relasyon namin hindi na basta legal battle o emotional conflict. Rebuilding phase. "Diya, kung may matutunan ako sa lahat ng ito, ito ay ang hindi dapat gawing dahilan ang pangalan para takpan ang katotohanan." mahinang sabi niya. Tumingin ako sa kanya. "Ang hidden agreement hindi para itago ang kasal, para siguraduhin na ang kasal hindi kailanman magiging sandata laban sa'yo." dagdag niya. Hindi ako agad nakasagot. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi na ako bahagi ng laban kundi bahagi ng desisyon. At habang papalubog ang gabi sa Silva residence, malinaw sa akin ang isang bagay. Ang kasunduan na matagal na nakatago hindi para maghiwalay kami... kundi upang ipakita kung kaya ba naming pumili nang magkasama. Paano si Jean? Ang lalaking mahal na mahal ko at mahal ako? ⸻ Rafael Silva POV Pagkatapos ng pag-uusap namin sa pavilion pinapirma ko si Attorney Sevryn sa temporary confidentiality reinforcement para hindi agad magamit ng kahit sino ang impormasyon. Hindi ito tungkol sa pagtatago tungkol ito sa kontrol sa timing. "Sevryn, siguraduhin mong walang leak," mariin kong sabi. "Already handled, pero may isa pang detalye na kailangan mong malaman." sagot niya. Napatigil ako. "Ano 'yon?" "May kopya ng hidden clause na sinusubukang kunin ng isang third party hindi ito sa pamilya mo may interes sa labas." Humigpit ang panga ko. "Sino?" "Hindi pa malinaw, pero may pattern ng paggalaw sa financial records ng Silva group." sagot niya. Huminga ako nang malalim hindi ko gustong maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan. Lumapit ako sa study room kung saan naghihintay si Diya. Nakaupo siya nang tahimik, hawak ang kanyang bag parang handa nang umalis anumang oras. "May bagong impormasyon," sabi ko habang isinara ang pinto. Tumingin siya sa akin nang diretso. "Sabihin mo." "May taong sinusubukang gamitin ang history ng kasal natin para ma-pressure ang kumpanya hindi para sirain tayo kundi para makakuha ng leverage." Nanahimik siya sandali. "So ibig mong sabihin... ginagamit tayo?" Tumango ako. "Hindi ko hahayaang mangyari 'yon." "Hindi mo kailangang ilaban mag-isa," sagot niya. Ang simpleng linyang 'yon ni Diya tumama sa akin nang mas malalim kaysa inaasahan ko. "Diya, hindi ko na ito kayang ituring na kasunduan lang hindi ito negosyo at hindi ito strategy." mahinang sabi ko sa kanya. Tumitig siya sa akin. "Kung ganun, ano ito para sa'yo?" Hindi ako agad nakasagot. Dahil sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung paano ilarawan ang relasyon na nabuo mula sa papel na ngayon may sariling buhay. "Responsibilidad at choice." sagot ko sa huli. ⸻ Diya POV Narinig ko ang salitang choice. At 'yon ang pinaka-importanteng bagay na narinig ko mula sa kanya mula nang magsimula ang lahat. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon kung saan ang kasal ko naging legal issue, pamilya issue at ngayon ay corporate leverage. Dapat ang kasal ko walang ganito at hindi kay Rafael kundi kay Jean at walang kinalaman sa negosyo ang kasal ko. "Rafael, kung may gustong gamitin ito laban sa'yo hindi ba mas madali kung mag-hihiwalay na lang tayo?" sabi ko. Tama naman ang sinabi ko para walang ganito pina-process na ang pagpapawalang bisa ng kasal namin sa korte. Nag-angat siya ng tingin. "Hindi," direkta niyang sagot. Nagulat ako sa firmness ng boses niya. "Bakit?" tanong ko. "Dahil ang pag-hihiwalay ngayon magmumukhang pag-amin na may mali," sagot niya. Lumapit siya nang kaunti at nanatili ang respeto sa distansya. "Hindi kita isasama sa kahit anong laban kung hindi ka handa, pero hindi rin kita itutulak palayo dahil sa sakit mo." dagdag niya. Ramdam ko ang bigat ng paninindigan niya. "Hindi ako takot, Rafael nag-iingat lang ako." sabi ko nang mahinahon. Tumango siya. "Kung ganoon, mag-iingat tayo nang magkasama." Sa sandaling 'yon, naramdaman kong hindi na ako isang babae na hinahatak ng dalawang direksyon. Hindi na ako nalilito sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. "May isa pa akong gustong malaman," sabi ko. "Anong bahagi—I mean anong gusto mo pa malaman?" tanong niya. "Ang hidden agreement... may expiration ba?" Saglit siyang natigilan. "Wala, pero pwede itong i-revise kung pareho nating pipirmahan." sagot niya. Tumitig ako sa kanya. "Gusto kong basahin lahat ng dokumento." Tumango siya agad. "Makukuha mo bukas." Hindi ko nakita ang pag-aalinlangan sa kanya. At doon ko na-realize hindi na ito tungkol sa pag-alis o pagkapit. Tungkol ito sa transparency. ⸻ Rafael Silva POV Habang papalabas si Diya ng silid para magpahinga naiwan ako sa study na may mabigat na pag-iisip. Hindi ko inasahan na ang kasunduang ginawa para sa proteksyon magiging dahilan pa ng bagong panganib. Pumasok si Papa nakita ko ang seryoso ng mukha niya. "May balita," sabi niya. "Ano 'yon, Pa?" tanong ko. "May external investor na nagtatanong tungkol sa marital structure mo." Nanlaki ang mata ko. "Hindi nila dapat alam 'yon." "Exactly, pero may naglabas ng impormasyon." sagot niya. Tumayo ako. "Sino ang may access?" "Isa lang ang may full archive access," sagot niya. Napahinto ako. Sevryn. Pero hindi siya maglalabas ng impormasyon nang walang dahilan. May mas malalim pa. "Rafael, kung may gustong gamitin ang marriage mo para sirain ang stability ng pamilya, kailangan nating harapin ito nang maayos." seryosong sabi ni Papa. Tumango ako. "Hindi ito laban ng negosyo laban namin ni Diya sa privacy." sagot ko. At sa unang pagkakataon mula nang lumabas ang hidden agreement malinaw sa akin. Hindi ito kasunduan na dapat itago. Kasunduan na dapat panindigan. ⸻ Diya POV Bago ako umalis ng Silva residence, pinatigil ako ni Rafael sa may hagdan. "Diya." Huminto ako. "Hindi ito magiging madali kahit gustuhin natin matapos kaagad," sabi niya. "Alam ko," sagot ko. "Pero kung darating ang panahon na kailangan mong pumili ulit hindi kita pipilitin." Tumango ako. "Hindi ko kailangan ng pressure, Rafael kailangan ko ng katotohanan." sabi ko. Tahimik siya. At bago ako tuluyang makaalis, sinabi ko ang isang bagay na hindi ko pa nasasabi nang malinaw mula nang magsimula ang lahat. "Hindi ko alam kung saan patungo itong ginagawa natin pero hindi na ako natatakot sa papel ang kinakatakutan ko kung hindi natin ito haharapin nang totoo." Tumingin siya sa akin nang diretso. "Then we face it," sagot niya. At sa gabing 'yon, sa ilalim ng ilaw ng Silva Residence hindi na ang kasal namin ang lihim. Ang totoo ay ito— May hidden agreement. May taong may interes. At ngayon, magkasama naming haharapin kung sino man ang gustong gamitin ang aming pangalan laban sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD