Chapter 14 – Financial Crisis (Flashback Only)

2208 Words
Year 2021 Diya POV Hindi ko pa alam noon kung gaano kalalim ang problema ng pamilya namin. Akala ko simpleng financial setback lang isang business deal na hindi nag-work. Pero habang tumatagal ang mga linggo, napapansin kong nagiging tahimik ang bahay namin. Hindi na katulad ng dati ang dining table na dati puno ng masayang usapan napalitan ng mabibigat na problema. Isang gabi, dumating ako sa bahay galing trabaho at nakita ko si Papa na nakaupo sa sala hawak ang mga documents. "Papa?" tawag ko. Nag-angat siya ng tingin halata sa mukha niya ang pagod na hindi ko pa kailanman nakita noon. "Diya," sabi niya sa akin nakitaan ko siya ng lungkot sa mukha. Umupo ako sa tapat niya. "May problema ba sa kumpanya?" tanong ko. Saglit siyang tumahimik bago sumagot. "May kaso," sabi niya nang diretso. Napatigil naman ako. "Kaso?" Tumango siya. "Contract dispute malaki ang halaga ang nawala." Ramdam kong bumilis ang t***k ng puso ko. "Magkano?" Hindi siya agad sumagot. "Papa..." "Mahigit dalawang daang milyon." Para akong nawalan ng hangin. Hindi maliit na halaga 'yon kahit ang kumpanya namin mahihirapang saluhin 'yon. "Ano mangyayari sa atin? Paano—" mahinang tanong ko. Napahawak siya sa kamay ko. "Lalaban tayo." Pero kahit sinabi niya 'yon kita ko naman sa mata niya ang katotohanan. Hindi sigurado ang laban. Anong nangyari at nagka-ganoon? ⸻ Rafael POV "Sharma Holdings is collapsing." 'Yon ang unang sinabi ni Papa habang nakatayo kami sa study room ng bahay. Tahimik akong nakatingin sa financial reports sa mesa. "Hindi pa," sagot ko. "Pero malapit na." Umupo si Papa sa leather chair at pinagmasdan naman ako. "Matagal ko nang kilala si Teodoro hindi siya pabaya kung umabot sa ganito ang problema nila, ibig sabihin malala na." sabi niya sa akin. Sumandal naman ako sa upuan. "Bakit natin pinag-uusapan ito?" tanong ko. Nagka-tinginan sila ni Mama at ayokong isipin ang gusto nila ipagawa sa akin at doon ko naramdaman na may mas malalim pa silang plano. "May paraan para protektahan ang parehong pamilya," sabi ni Mama. "Ano 'yon?" Naglabas siya ng isang folder. Binuksan ko ito at doon ko nakita ang dokumento. Marriage Agreement. Natahimik naman ako. "Hindi ba ito sobra?" tanong ko. "Hindi ito kasal na may pag-ibig sa simula, Ito'y legal protection." sagot ni Mama. Napakunot naman ang noo ko. "Paano magiging protection ang kasal?" Sumagot naman si Papa sa tanong ko. "Kapag naging legal partner ang isang miyembro ng pamilya Sharma sa pamilya Silva, magkakaroon tayo ng shared legal shield sa ilang assets." Nagsimulang mag-connect ang lahat sa isip ko. "Business alliance," sabi ko. "Exactly." Tinignan ko ulit ang dokumento at doon ko nakita ang pangalan. Diya Sharma. "Siya ang ina ng anak ko, Ma, para saan pa ito? Akala ko ba ayaw nyo siya gawing miyembro ng pamilya natin?" sagot ko. "Hindi ko ayaw sa kanya, Rafa ayaw ko lang sa sa mga episodes na meron sa kanya iba siya sa mga babaeng dumidikit sa'yo at kilala ko ang magulang niya." sagot ni Mama. Tumayo ako. "Hindi ito ganoon kadali." Tahimik ang mga magulang ko. "Hindi ako magpapakasal sa isang arrange marriage nasa new era na tayo at para lang sa negosyo at may boyfriend siya." "Hindi mo ito ginagawa para sa negosyo," sabi ni Mama. "Para saan?" "Para maiwasan ang pagbagsak ng dalawang pamilya." Sinabi nila sa akin "connected" ang negosyo namin sa pagbagsak ng negosyo ng pamilya Sharma. ⸻ Diya POV Kinabukasan, tinawag ako ng mama ko sa living room. May bisita nang pumasok ako nakita ko sina Mama at Papa na nakaupo kasama ang isang eleganteng babae. Kilalang-kilala ko siya sa pangalan. Estrella Silva. Isa sa mga pinakamakapangyarihang babae sa industriya at malapit ang magulang ko sa pamilya nila. "Diya, umupo ka." sabi ni Mama. Nararamdaman ko agad na hindi ito ordinaryong pagbisita. "Good afternoon," sabi ko nang maayos. Ngumiti si tita Estrella kahit ganyan siya iba ang aura niya. "Lumaki ka na, huling nakita kita bata ka pa." sabi niya. Umupo ako. Diretsahan siyang nagsalita. "Alam mo na ba ang problema ng pamilya mo?" Tumango ako. "Kaunti." "Kung hindi maresolba ang kaso, mawawala ang malaking bahagi ng negosyo ng pamilya mo." Mahigpit kong hinawakan ang palad ko. "Ano ang kinalaman nyo dito, tita Estrella?" Doon naman nagsalita ang papa ko. "May alok sila." Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. "Ano po 'yon?" Naglabas si tita Estrella ng isang dokumento at inilagay sa mesa. Hindi ko agad naintindihan ang nakita ko hanggang sa mabasa ko ang title. Marriage Agreement. Nanlaki ang mata ko. "Ano ito?" bulong ko. "Proteksyon," sagot ni tita Estrella. "Para kanino?" "Para sa pamilya nyo." Tumingin naman ako sa mga magulang ko. "Hindi kayo seryoso dyan." Tahimik naman sila. "Hindi ba?" tanong ko sa kanila na nanginginig ang boses. Si Papa ang sumagot. "Diya..." Tumayo naman ako bigla. "HINDI." "Diya..." Hindi ko napigilang samaan ng tingin ang magulang ko at nagsalita ako. "I have a fiance." ⸻ Rafael POV Dalawang araw matapos ang meeting ng mga magulang namin tinawagan ako ni Mama. "Rafael, kailangan mong pumunta sa office." Pagdating ko roon nakita ko agad na may tensyon sa paligid. "Tumanggi ba siya?" tanong ko. "Hindi pa," sagot ni Mama. "Pero?" "Hindi siya pumayag agad." Hindi ko alam kung bakit pero may kakaibang respeto akong naramdaman para sa babaeng—ina ng anak ko. "At ano ang plano?" Tumayo naman si Papa sa inuupuan niya. "Makikipag-usap kami ulit." "Hindi ako pupunta," sabi ko. "Hindi mo kailangang magpunta asikasuhin mo ang kumpanya natin," sagot niya. "Ang mahalaga dapat pumayag siya." Hindi naman ako sumagot hindi ba pwedeng kaming dalawa ni Diya magpasya sa buhay namin? Nandito pa rin ang pamilya sa mga past na ginagawa ng mga ninuno namin na dapat hindi. ⸻ Diya POV Kinagabihan, hindi ako makatulog tinawagan ko si Jean agad naman niyang sinagot. "Diya? Ayos ka lang ba?" Umupo ako sa gilid ng kama. "Jean... may gusto akong sabihin." "Ano 'yon?" Napapikit ako. "Kung may paraan para iligtas ang pamilya mo... kahit mahirap... gagawin mo ba?" Tahimik siya sandali. "Depende." "Sa ano?" "Kung gaano kabigat ang kapalit." Napaluha ako. "Paano kung... kasal?" Mahabang katahimikan ang nangyari ng sabihin ko 'yon sa kanya. "Diya, anong ibig mong sabihin?" sabi niya. Hindi ko agad nasagot dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko nararamdaman kong may paparating na desisyon na babago sa lahat. At sa gabing 'yon, habang hawak ko ang cellphone ko at naririnig ang paghinga ni Jean sa kabilang linya naintindihan ko ang isang bagay. Ang crisis ng pamilya ko hindi lang tungkol sa pera. Tungkol din sa sakripisyo at hindi ko pa alam kung gaano kalaki ang kailangan kong ibigay. Tahimik na kaming dalawa matapos kong itanong ang tanong na 'yon kay Jean. Naririnig ko lang ang mahinang paghinga niya sa kabilang dulo ng cellphone. "Diya, bakit parang may nangyayari na hindi mo sinasabi sa akin?" maingat niyang sabi, "" Napapikit ako. Gusto kong sabihin ang lahat. Gusto kong sabihin na may mga taong pumunta sa bahay namin kanina at naglatag ng isang desisyon na kayang baguhin ang buong buhay ko. Pero hindi ko magawa. Hindi pa. Hindi pwede. "Wala, pagod lang ako." mabilis kong sagot. Hindi siya agad naniwala. "Sigurado ka?" "Jean...malalagpasan din natin ito." pilit kong pinatatag ang boses ko. Narinig kong huminga siya nang malalim. "Hindi 'tayo' ang may problema, Diya, pamilya nyo." "Pareho lang 'yon," sagot ko. Tumahimik ulit siya bago siya nagsalita. "Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang." Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. "Salamat." Hindi ko na hinayaan pang humaba pa ang usapan. Pagkababa ko ng cellphone ko parang biglang bumigat ang buong katawan ko. Pakiramdam ko may tinatago akong kasalanan kahit hindi pa naman ako gumagawa ng desisyon. Maya-maya, kumatok ang Mama ko sa pinto. "Diya?" "Pasok po." Pumasok siya at umupo sa gilid ng kama ko. May pagod din sa mukha niya. "Hindi ka pa natutulog?" Umiling ako. "Hindi ko kaya." Tahimik siya sandali bago nagsalita. "Hindi kita pipilitin." Napatingin ako sa kanya. "Pero kailangan mong maintindihan ang sitwasyon natin." Alam ko 'yon. Hindi ko kailangang ipaliwanag pa. "Kung hindi natin ito maresolba, mawawala ang kumpanya ng papa mo." sabi niya nang mahina. "Alam ko." "Hindi lang 'yon." Napakunot ang noo ko. "Ano pa?" Hindi agad siya sumagot. "May personal guarantees ang Papa mo sa ilang investors." Nanlamig ang mga kamay ko. "Anong ibig sabihin nun?" Ibinaba niya ang tingin niya sa sahig. "Ibig sabihin... kung bumagsak ang kumpanya, pwede nilang kunin pati ang personal assets natin." Bahagyang nanginig ang boses ko. "Pati ang bahay?" Tumango siya. At sa sandaling 'yon, mas lalo kong naintindihan kung bakit napakalaki ng desperasyon ng pamilya ko. ⸻ Rafael POV Tatlong araw matapos ang unang meeting ng mga magulang namin tinawag ulit ako ng Papa ko sa study. "Umupo ka." Ginawa ko 'yon sa mesa niya nakalatag pa rin ang parehong documents nakita ko dati. Marriage agreement. "May update?" tanong ko. Tumango naman siya kaagad. "Nag-iisip pa ang pamilya Sharma." Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko sila masisisi dahil anak nila 'yon at may boyfriend siya." Dahil buhay ang nakasalalay dito. "Hindi rin ito madali para sa atin," sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Talaga?" "Iniisip mo bang gusto naming mangyari ito?" Hindi ako sumagot. "Kung may ibang paraan, gagawin namin 'yon," dagdag niya. "Pero wala?" "Wala." Napahawak ako sa dokumento. "Alam na ba niya?" Tumango siya. "Alam niya." Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Isang desisyon na gagawin ni Diya para sa pamilya niya pero direktang magbabago sa buhay ko. "Rafael." Napatingin ako kay Papa ng magsalita siya. "Kung mangyari ito, kailangan mong maintindihan ang isang bagay." "Ano 'yon?" "Hindi ito kasal na katulad ng iniisip ng ibang tao." "Alam ko." "Legal arrangement ito." Tumango ako. Pero sa loob ko hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng kasal ito at kung papayag ba si Diya sa ganitong kasunduan. ⸻ Diya POV Kinabukasan, dumating ulit ang mga abogado sa bahay kasama nila si tita Estrella. Ang sala namin parang naging conference room nasa mesa ang mga documents. Legal papers. Contracts. At ang isang bagay na ayaw kong tignan. Marriage license application. Tahimik ang lahat habang nagpapaliwanag ang isang abogado. "Kung matutuloy ito, ang kasal nina Rafael at Diya mananatiling private." Napatingin ako sa kanya. "Anong ibig sabihin?" "Hindi ito ipapahayag sa publiko." "Pero legal pa rin?" "Legal," sagot niya. Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. "May makakaalam ba?" Umiling siya. "Ang mga pamilya lamang, ang mga abogado at ang pari na mag-o-officiate isama na ang mga empleyado sa municipal hall sa Naic. Napatingin ako sa mama ko. "Paano ang ibang tao?" "Hindi nila kailangang malaman," sagot ni tita Estrella. Tahimik akong napahawak sa dokumento. "Paano kung may magtanong?" "Hindi sila magtatanong kung walang magsasabi." Napakagat ako sa labi ko. "Paano kung... may fiancé na ako?" Tahimik ang buong sala. Alam kong malinaw kung sino ang tinutukoy ko. Isa sa mga abogado ang sumagot. "Hindi ito kailangang malaman." Nanikip ang dibdib ko. "Hindi ba 'yon pagloloko kay Jean para ko na siya pinag-taksilan." Hindi agad sumagot si tita Estrella. Pagkatapos, sinabi niya ang isang bagay na hindi ko makakalimutan. "Minsan, ang pinakamabigat na sakripisyo ang puso at pamilya." ⸻ Rafael POV Nakatayo ako sa balkonahe ng opisina ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Mama. "Rafael." "Yes?" "Tuloy ang meeting ngayon." "Sa kanila?" "Hindi." Saglit akong tumahimik ng sabihin niya 'yon. "Sa municipal hall sa Naic." Napakunot ang noo ko. "Bakit sa municipal hall?" "Doon mag-uusap ang pari at ang mga abogado." Napatingin ako sa malayo. Ibig sabihin— malapit na. "Pumayag na ba siya?" Mahabang katahimikan ang sumunod. Pagkatapos ay sinabi ni Mama ang sagot. "Hindi pa." Huminga ako nang malalim, bakit namin kailangang magpunta doon? "Pero pupunta siya." At sa sandaling 'yon, naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin noon. Isang hakbang na lang at kapag ginawa niya 'yon pareho nang hindi na maibabalik ang buhay namin sa dati. ⸻ Diya POV Gabing 'yon, mag-isa akong nakatayo sa balkonahe ng bahay namin. Tahimik ang buong paligid. Sa loob ng sala, naririnig ko pa ang mahinang usapan ng mga magulang ko at ng mga abogado. Pinikit ko ang mga mata ko. Sa isip ko, nakita ko si Jean. Ang mga taon na magkasama kami. Ang mga pangarap namin. Ang mga plano namin. "Diya." Napalingon naman ako at nakita ko si Papa lumapit siya at tumabi sa akin. "Hindi kita pipilitin." Hindi ko alam kung bakit, pero doon ako lalo pang nasaktan. "Kung hindi ko gagawin ito, ano mangyayari?" tanong ko nang mahina kay Papa. Hindi siya agad sumagot. Pagkatapos, sinabi niya ang totoo. "Hindi ko alam kung paano ko ililigtas ang kumpanya." Napaluha ako. Hindi dahil pinipilit niya ako kundi dahil alam kong hindi niya ako pipilitin kahit alam niyang ako lang ang paraan at doon ko naintindihan ang tunay na bigat ng sitwasyon. Hindi ito tungkol sa utang. Hindi ito tungkol sa negosyo. Ito ay tungkol sa pamilya. Huminga ako nang malalim at sa sandaling 'yon— unti-unti nang nabubuo ang desisyon sa puso ko. Isang desisyon na walang ibang makakaalam. Hindi si Jean. Hindi ang mga kaibigan ko. Hindi ang buong mundo. Kundi ang apat na pamilya lamang at ang Diyos na magiging saksi sa isang kasal na hindi kailanman ipapahayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD