Chapter 15 - Anxiety & Depression (Flashback Only)

1741 Words
Year 2019 Diya POV Walang prof kaya nasa labas ako ngayon para magpahangin lang hindi kami mag-kaklase ng boyfriend ko na si Jean. Dalawang taon na kami ni Jean. Stable. Loving. Sure sa future. Pero hindi ako stable inside. May mga araw na okay ako alam ng pamilya ko ang pinagdadaanan ko. May mga araw na hindi ko ma-explain kung bakit bigla na lang bumibigat ang dibdib ko kahit wala namang nangyayari. Wala naman akong iniisip masyado kundi ang palagi kong routine—school at bahay kaya ng malaman ng pamilya ko ang nangyayari sa akin hindi nila ako binigyan ng pressure sa buhay. That day, nag-isa ako sa university library pagkatapos ng classes. Tahimik ang paligid. Too quiet. Bigla na lang akong kinabahan nang walang dahilan. Hinawakan ko ang chest ko. "Breathe, Diya... breathe," bulong ko sa sarili ko. Pero nanginginig ang kamay ko. Lumabas ako para makalanghap ng hangin. Sa parking area ng building may mga sasakyan. May mga estudyante at doon ko siya unang nakita. Hindi ko siya kilala. Tall. Calm. Nakatayo malapit sa isang itim na SUV na may kausap sa phone. Gusto ko humingi ng tulong sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi siya nakatingin sa akin. Pero pakiramdam ko, napansin niya ako. Tumigil ako sa paglakad. Bigla na naman akong nakaramdam ng dizziness. "Shit..." mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko. Bigla na lang parang umiikot ang paligid. At bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse may kamay na sumalo sa braso ko. "Hey, okay ka lang?" Malalim ang boses niya hindi ko siya agad tinignan. "Yeah... I'm fine," sagot ko pilit na pinapa-kalma ang sarili ko. "Hindi ka fine," sabi niya nang diretso pero hindi judgmental. Doon naman ako tumingala. At sa unang pagkakataon nakita ko ang mukha niya nang maayos. Serious eyes. Calm expression. Hindi siya ngumiti. Pero hindi rin siya nakakatakot. "Anong nangyari?" tanong niya. "Nothing, just... stress." Tumango siya. "Do you want to sit?" Tumango ako. Umupo kami sa bench malapit doon. Tahimik. Hindi awkward. Just...quiet. "Thank you," sabi ko. "Rafael," sabi niya. Huh? Ah! Nagpapakilala ang lalaking kausap ko. Napatingin ako sa kanya. "Diya," sagot ko. Nagpakilala kami. Noong araw na iyon, isa lang siya. Stranger. Pero may kakaiba sa kanya tahimik lang siya. Hindi siya nagtatanong ng sobra. Hindi siya lumalapit nang sobra. May respect sa distance. "May anxiety ka?" bigla niyang tanong. Nagulat ako. Paano niya nalaman? "Why would you think that?" "Your breathing earlier, It wasn't normal." Napahinga ako nang malalim. "Yeah... sometimes it happens." Tumango siya. "Are you seeing someone?" "Like... a doctor?" "Yes." Umiling ako. "Not yet." Tumingin siya sa malayo. "You should." Hindi 'yon sinabi nang masama. Parang advice lang. "Why do you care?" biro ko kahit hindi ko siya kilala medyo ngiti ako sa kanya. Tumitig siya sa akin sandali. "I don't." Tahimik. Then he added softly: "But people shouldn't handle things alone." Hindi ko alam kung bakit, pero tumama 'yon sa puso ko. Iba siya kay Jean at iba siya kay kuya Kael. ⸻ Rafael POV Hindi ko planong makipag-usap sa kahit sino sa campus na 'yon. Pumunta ako roon para sa meeting ng family partner tungkol sa expansion project. Habang may kausap ako sa phone ko napansin ko ang isang babae mula sa malayo. Nakaupo sa bench. Mukhang may panic attack. Hindi ako psychiatrist pero alam ko ang itsura ng taong nahihirapan. Lumapit ako sa babae hindi dahil romantiko ako hindi concern ako. Kundi dahil hindi tama na may taong nahihirapan sa harap ko at wala akong gagawin. Nang hawakan ko ang braso niya naramdaman ko agad na malamig ang kamay niya. Hindi niya ako kilala. At that moment, hindi rin niya ako kilala bilang kahit sino. She was just a girl trying to breathe. Umupo kami. Hindi ko siya tinignan nang matagal para hindi siya ma-pressure. "May anxiety ka?" tanong ko. Hindi ako nag-diagnose nagtanong lang ako. Nang sagutin niya ako, ramdam ko na matagal na pala itong laban niya. Hindi siya mahina. Pero may kakaiba sa kanya. "Are you seeing someone?" tanong ko. Gusto kong malaman kung may support siya. "Like... a doctor?" "Yes." Umiling siya kaagad. "Not yet." Wala pala. "You should," sabi ko. Hindi para kontrolin siya. Pero para masigurong may professional help siya. Nang ngumiti siya, bahagya akong nagulat. Hindi siya mukhang broken. Mukha siyang matatag. Pero may something sa mata niya na parang laging pagod at doon ko naisip may mga tao na hindi mo nakikilala sa unang tingin. Pero mararamdaman mong may laban sila sa loob. ⸻ Diya POV Bago kami mag-hiwalay tumayo na ako sa tabi niya baka iba ang isip ng mga schoolmates ko kapag nagtagal pa ako at pag-usapan ako ng wala sa oras. "Thank you again." Tumango siya. "Take care of yourself." "Why?" "Because no one else will do it for you." Hindi ko alam kung bakit, pero natandaan ko 'yon. Gusto ko sana sabihin na meron pero hindi na lang sko nagsalita. Noong umalis ako hindi ko alam na may impact siya sa subconscious ko. Hindi kami nagkita ulit agad. Bumalik ako kay Jean mas naging supportive siya pagkatapos noong sabihin ko na muntik ako mahimatay. Pero ang anxiety ko hindi agad nawala. At si Rafael? Hindi ko na siya nakita sa campus. ⸻ Rafael Silva POV After that encounter, hindi ko na siya inisip pa. Busy ang negosyo ng pamilya. Pero minsan, bigla ko siyang naaalala. Hindi dahil may feelings. Kundi dahil may something sa energy niya. Fragile pero resilient. "Bro, ang lalim nyan." Napalingon ako kay Matteo kaibigan at kasosyo ko sa negosyo. "Ah?" "Kako, ang lalim nyan parang dapat tulungan na kitang iligtas sa lalim ng iniisip mo kanina pa ako nagsasalita dito." Hindi naman ako nagsalita biglang pumasok sa isip ko si—Diya. Hindi ko na lang pinansin si Matteo at binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. ⸻ Diya POV Hindi ko naisip na makikita ko ulit siya pagkatapos ng araw na 'yon sa campus. Pero isang linggo matapos ang encounter namin bumalik ang anxiety ko. Mas malala nasa office ako noon ng internship ko normal lang ang araw. May deadline. May meetings. Bigla na lang nag-iba ang t***k ng puso ko parang may pumipigil sa paghinga ko. "Diya, okay ka lang?" tanong ng supervisor ko. Ngumiti ako. "Yes po, Just need a minute." Tumayo ako at pumunta sa restroom. Doon ako bumagsak sa sahig. Hindi literal na nawalan ng malay pero parang hindi ko kontrolado ang katawan ko. "Breathe... breathe..." paulit-ulit kong sinabi. At doon ko na-realize hindi na ito simpleng stress. May something deeper. That night, sinabi ko kay Jean na gusto kong magpatingin sa professional. Tahimik lang siya. "Are you sure?" Tumango ako. "Hindi ko kaya mag-isa." Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm here." Mahal ko siya. Pero may parte sa akin na natatakot aminin na hindi lahat ng bagay kaya ng love lang. May kakaiba akong feelings. ⸻ Rafael POV I was in the middle of a board meeting when I received a report tungkol sa campus project partnership. Nabanggit ang pangalan niya. Diya. Hindi ko alam kung bakit nag-ring sa isip ko ang pangalan. "Is she still attending there?" tanong ko sa assistant ko. "Yes, sir." Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagtanong. Pero may instinct ako na may mali. That week, tinanong ko ang security team kung may incidents sa campus. May report na may isang female student na nagkaroon ng anxiety episode. Hindi ko alam kung siya 'yon. Pero pakiramdam ko siya nga sa intership daw nito nangyari. Hindi ko alam kung bakit ako concerned sa kanya dahil hindi ko siya kilala. ⸻ Diya POV Lumipas ang ilang buwan nag-start na ulit ako sa pag-therapy. Hindi ko sinabi kay Jean ang lahat ng detalye ng sessions. Sinabi ko lang na may anxiety ako at kailangan ko ng help. He supported me. Pero minsan, may mga gabi na hindi ako makatulog. May takot na hindi ko maipaliwanag. Sa therapy, natutunan ko na may mga triggers pala ako na hindi ko alam. Crowded spaces. Pressure. High expectations. At minsan walang dahilan. Just silence. Sa isang session, tinanong ako ng psychiatrist ko: "May memory ba na bumabalik kapag stressed ka?" Nag-isip ako. Isang mukha. Isang boses. Isang lalaki sa bench. Pero hindi ko alam kung bakit. "May isang stranger," sagot ko. "Stranger?" Tumango ako. "Hindi ko siya kilala pero parang... safe ako noong sandaling 'yon." Hindi ko alam na ang simpleng encounter na 'yon simula ng mas malaking thread ng pagkatao ko. "Iba siya kay Jean at sa pamilya mo?" "Yes, Doc iba siya hindi ko siya kilala pero ng lapitan niya ako alam mo ang feeling na ligtas na ako." Kinausap niya ako at tinanong na mga bagay na pinagtataka ko. Sino siya para magtanong ng ganitong bagay sa akin? ⸻ Rafael POV Pero may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Tuwing stress ako naaalala ko ang babaeng nakaupo sa bench. Hindi dahil may romantic intention kundi dahil sa simplicity niya. She didn't ask for attention. She didn't demand help. Pero may dignity siya kahit nahihirapan. That stuck with me at minsan, tinanong ako ni Mama. "May balak ka na ba sa personal life mo?" Sagot ko lang, "Not yet." Sagot na lang sa akin ni Mama, "Hindi ka na bumabata, Rafael." "I know, Ma focus muna ako sa career ko." sagot ko. Pero nasa isip ko si Diya, ano kaya ang apelyido niya? ⸻ Diya POV Nagbago ang ugali at kilos ko sabi ng mga kaklase ko at ni Jean madalas nagtataka rin ako sa sarili ko. 2019 was just survival year for me. Therapy. School. Love with Jean. Pero sa likod ng lahat may growing pressure sa pamilya ko. Papa's business was slowly getting unstable. Grabe pero dahil sa pamilya ko at kay Jean gusto ko gumaling. Hindi ko rin maintindihan kung saan nanggaling ang papaging ganito ko. Hindi naman na-trauma nung bata pa ako o nagkaroon ng matinding nangyari sa akin. ⸻ Rafael POV That year taught me something. Not about love. Not about marriage. But about responsibility. May mga tao na hindi mo kailangang kilalanin nang matagal para malaman mong may impact sila. Diya was one of them. I didn't pursue her. I didn't search for her. Pero minsan, naiisip ko kung hindi siya nagkaroon ng anxiety episode sa campus na 'yon... baka hindi kami kailanman nagtagpo. Life has strange timing. And 2019 was just the beginning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD