Shara Pov:
" Bilisan niyo dali! dali! ". Nagkukumahog at O.A sa ka stressesan nitong make-up artist ng kalaban ko. Outsider siya halata at hindi na din siya estudyante. Mukha na siya yung talagang bakla na nagtatrabaho sa salon ganun. " Ang O.A naman niyan, e halos Isang oras pa mahigit bago magsimula ang pageant! ". Bulong ni Alola dito sa tabi ko.
Nakatayo lang kami sa isang tabi. Mayroon naman mga vacant sit dito sa dressing room ng gym sa backstage kaya lang talaga hinihintay pa namin sila Ara at Sevix kasi diba nga sila yung inassign sakin ni Ma'am Jana na make up artist ko bukod sa pagiging trainer. Umasa na talaga ako na sila yun kaya di na ako kumuha ng sarili kong make up artist gaya nitong kalaban ko na forth year Collage ata. Ewan. Pakaelam ko ba sa kaniya haha.
" Sinabi mo pa! ". Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Alola. Pinagtawanan namin yung ka O.A yan ng bakla. Huwag niyo kaming gagayahin ah bad ito haha medyo bully talaga utak namin minsan pero hindi physically ha haha bad na bad yun. Di kami ganun. Behave kami okay.
" Advance lang siguro talaga sila ". Sabat naman ni Dana. Nakasara ang libro niya ngayon at himala yun.
Inaabangan niya din kasi na makapag bihis na ako kaya lang wala pa sila Ara na magmemake up sakin. Maalam naman ang mga friend ko na kasama kaso nga lang ayaw nila ako make upan. Mabuti na daw sila Ara ang kumitingting sa maganda kong mukha para mas lumabas daw kagandahan ko haha. Chour ako na talaga nagsabi nun haha.
" Speaking of Advance dapat ready yung mga make up artist mo girl! Hindi yung contestant pa mismo naghihintay! ". Singit din ni Naomi. May point naman siya. " Baka May ginagawa pa. Diba si Sevix president ng class nila so means need talaga siya sa booth ". Pagtatanggol ko kay Sevix. " E si Ara anu tinotoo nila yung kasal at diretso Honeymoon na haha ". Ani pa ni Naomi.
Maging ako ay napatawa sa kalokohan ng babaeng ito. Haha sabi ko sa inyo may pagka bully din itong mga ito haha. " Sira, as if naman pumayag yung classmate nilang pogi anu haha! ". Sagot ni Alola. " Haha bakit hindi 150 lang katapat nun! ". Sagot ulit ni Naomi. Umiling ako. " Uhmmm no! Hindi chief si Ara. For sure 350 yun hehe ". Pagtatama ko at ikinatawa namin lalo.
Wala nga kaming pakealam sa ibang contestant na napapatingin na samin dahil sa malalakas na tawa namin. Si Dana naman ngiti lang ang ginagawa. Okay na din as long as alam namin masaya din siya. " Sis Sorry natalagan kami. Ito kasing si Sevix e dami kakaechos sa buhay, gusto pa daw magpakasal kay Oliver, classmate namin e inawat ko na kasi baka malate kami di ka pa naka make up! Sorry talaga ".
Natigilan na kami sa kasiyahan namin sa biglaang pagsulpot nang dalawa ni Ara at Sevix. Tinignan ko si Sevix at lalaking-lalaki ang dating niya. " Anu kamo, si Sevix magpapakasal din? ". Singit ni Alola. " Oo. Inggeterang palaka kasi ito ". Inirapan ni Ara si Sevix. Nag irapan silang dalawa. " Sus, huwag ka na mang hinayang Sevix dami diyan puwede pakasalan mamaya anu. Isa na itong si Shara ". Pag pasok ni Naomi ng tungkol sakin.
Dahil dun nagtinginan kami ni Sevix. Hindi ako makapagsalita kasi ang bigat ng nga tingin niya sakin. Para bang pinapatay niya ako ganun. " Huwag nalang anu! ". Sagot nito. As I was expected kaya di na ako nabanat ng ganiyan e. Kasi last na mag effort ako nagkasakit pa e useless lang din naman pala.
" Naku Sevix kung si Shara ang papakasalan mo, sulit na sulit ka. Siguradong mabubuhayan ka at buhay na buhay iyan ".
Kumunot ang noo ko sa pinakawalan salita ni Alola. Anu daw? Nabinge ako dun. Nilingon ko siya at todo ngiti ang Ate niyo wari bang mayroon iniisip na kakaiba. Sinubukan ko naman tignan Sevix at namumula ang mukha nitong nakalipbite tapos di na siya makatingin ng diretso samin. Huwag niyang sabihin na niwala siya sinabi ng kaibigan ko. E mga sira ulo minsan mga ito. Naturingang mga babae.
" Aaaaayyyy naku mabuti pa Ara make upan mo na ako. Kung anu-anu pinag-uusapan niyo! ". Hinigit ko na si Ara papunta dun sa magiging puwesto namin upang umpisahan na make up pan ako. Tawang-tawa pa din yung dalawa ni Alola at Naomi si Dana taga ngiti lang si Sevix ayun suksok sa isang tabi at hiyang-hiya pa din sa kalokohan ni Alola.
" Shara totoo ba? ". Bulong ni Ara habang sinisimulan na niyang lagyan ako ng Foundation sa mukha. " Totoo ang alin? ". Taka kong tanong. " Na magaling ka? ". Dugtong niya sa tanong niya. " Ha? M-magaling saan? ". Hindi ko kasi talaga siya maintindihan. " Sa kama, at magagawa mong pag initin si Sevix! ". Nakangisi ngayon si Ara.
Bwiset! Kanina niya pa ba iniisip yan? Pati ba siya naniwala sa mga kaibigan ko. " Anu? Ni wala pa nga akong nagiging boyfriend. Tsaka huwag ka nga maniwala sa mga FAKE NEWS diyan! ". Parinig ko sa mga kaibigan ko. Nagpipigil silang tumawa. Inirapan ko sila tapos focus kay Ara. " Haha naku suwerte pala sayo ni Sevix e! ". Niriinan niya din yung mga sinabi niya na halatang pinapakinig niya talaga kay Sevix.
Napatingin si Sevix sa gawi namin ni Ara pero sandali. " Labas muna ako bakla, ang banas dito! ". Wika ni Sevix at di pa man nakakasagot si Ara ay lumabas na ito. " Ayyyyy binanas HAHAHAHAHA.... confirm hahahahaha ". Giit nanaman nung dalawa ni Naomi at Alola. Pati ako nahahawa na sa pagtawa nila tsaka si Ara. " Saya kasama ng mga kaibigan mo anu? May mga saltik din minsan ". Wika ni Ara para mas mapatawa ako. " Haha Grabe ka sa kanila friends ko yan ". Dipensa ko. " So may saltik ka din Sis? ". Pasa niya ng tanong sakin. " Minsa haha dipende haha ". Biro ko na ikinatawa niya.
Makalipas ang isang oras ay natapos na akong make upan ni Ara. Bumalik na din si Sevix dito sa loob. Tumahimik na rin ang paligid dahil umalis na yung tatlo kong mga magagandang kaibigan. Humanap na kasi sila ng puwesto upang makapanuod ng maayos. Kaya kami lang ang naiwan dito na tatlo.
Nakapagbihis na din ako ng sports attire ko kasi yun ang una e napagpasiyahan ko na motor cycler nalang na costume ang gagawin ko kahit di ako maalam mag motor haha mema lang ganun.
" Galingan mo Sis ah! Uy beks cheer mo naman ni Shara ". Ani ni Ara kay Sevix. Nakatinginan lang kaming dalawa at hindi nagsasalita si Sevix. " Haha di na kailangan Ara. Baka kiligin ako kay Sevix mawala ako sa concentration ko! ". Banat ko nalang. Kaso parang wala lang sa kaniya. Huminga ako ng malalim. Kailangan na kasi namin pumila by number. Bali iilan lang kaming magkakalaban kasi yung iba ang back out na pati yung partner ko kaya solo flight ko ngayon. Saklap diba. Kinabahan ata e.
Well kinakabahan din naman ako pero konti lang kasi sanay na akong rumarampa sa harap ng madaming tao. Remember I'm a model at madalas nasa harapan ng camera ang mukha ng pamilya namin kaya talagang sanay na ako. Tinawag na si unang contestant, pang seven kasi at kung sinesuwerte pa ay favorite number ni Sevix, na sana lucky number ko.
Narinig ko na ang mag play ng music matapos tawagin ng Mc ang contestant number one. Nang hiyawan ang mga tao. Lakas sa audience impact nung Grade 7. " Relax Shara, you can do this! ". Paalala ko sa sarili ko. Lumipas ng lumipas ang minuto at tapos nang rumampa sa stage si number six na sinusundan ko means ako na ang kasunod. " Shara just play it ha. Alam kong kaya mo na yan! Go Sis ". Payo pa ulit ni Ara sakin na tinanguan ko nalang.
" Go Shara!!!! ". Hindi pa ako tinatawag ng Mc ay todo sigaw na agad ang mga classmates ko lalo na ang mga kaibigan ko idamay pa natin ang mga fans ko hehe nemen iba ito mayroon fandom. " Thanks Candidate number six, now let's proceed to the candidate you've been waiting for, let us call candidate number seven from Senior Higschool STEM! ". pakilala sakin ng MC at ito na nga kasabay ng tugtog ay lumakad na ako papalabas ng stage at rumampa na gaya ni Catriona Gray.
" WAAAAAAAH!!!!! GO SHARANAAAAAA!!!!! ". Cheer ng mga fans ko. " Ganda mo talaga Ms. Valtocris! ". Yung boses na yun alam ko kung kanino pero deadma nalang ako. Inikot ko sa pagrampa ang stage gaya ng itinuro sakin ni Ara. Todo rampa ako hanggang sa makarating na ako sa gitna at makaharap ko na ang mic.
Nakapameawang kong inilapit ang mukha ko sa mic pagkatapos ay sinimulan ko na ang pagpapakilala ko. " Good day Everyone, I'm Sharana Valtocris, A.K.A Shara 18 years of age, representing. Senior High School Grade 12 STEM. And I believe in saying If you adore someone don't just stared and wait for him. Do some moves, give all you've got until the day has come, he can finally be yours! And that's all thank you!!! (Wink*) ".
After ng speech ko naghiyawan nanaman ng napagkalakas ang tao para mabalot ng ingay ang buong Gym. Saka lang ako kinabahan nung makabalik na ako sa back stage. Sinalubong ako ni Ara ng mga ngiti niya. " Galing! Galing mo Shara. Yiiiie inspired na inspired sa motto mo ah. Di yata iyan ipinakita mo sakin sa messenger na motto mo! ". Ika niya.
Napatingin ako kay Sevix na tahimik lang sa tabi. " Hehe naisip ko kasing palitan nalang! ". Sagot ko ng di inaalis ang tingin kay Sevix. Sinundan ni Ara ang mga tingin ko. " O-kay gets ko na. Sige na sige na creative attire na agad ang susunod tapos uniform then talent last na ang evening gown tapos diretso Q and A na! ". Madali akong binihisan nila Sevix at Ara ng Creative attire namin made by Floral. Syempre hindi na si Ara at Sevix nanggawa nito kundi yung fashion designer na ng family ko.
" Aray!!! ". Daing ko ng matusok ako ng kauntian nung karayum na pangkabit sa number ko. " S-Sorry! ". Wika ni Sevix ng di tumitingin sakin kasi siya yung nagkakabit nito sakin. " O-okay lang! ". Tugon ko na di na niya sinagot. " Ayan ready ka na Sis! Pila na ikaw dali. Good luck Shara ". Dagdag pa ni Ara. Nginitian ko nalang sila tapos pumila na ako. Bali pagown yung akin kaya makambong talaga siya mayroon din akong paheaddress kaya medyo mabigat sa ulo tapos mayroon pa akong hawak na stick dinaig ko pang prinsesa ng kagubatan haha.
Kagaya kanina nung turn ko na ay halos pamatid litid na ang sigawan nila para sakin. Hindi ako chinicheer ni Kuya at puro si Yanson lang. Pero bago naman kami pumasok kanina ni Kuya sa school ginood luck na niya ako. Di kasi talaga showy si Kuya Shekel pero kapag kami-kami lang Oo. Madaldal siya na di showy haha iba din diba. Habang rumarampa ako binabasa ng Mc kung saan gawa ang damit ko at pagkatapos na pagkatapos ko sa creative attire palit agad kami ng school uniform which is sandali lang. Konting retouch.
Wait for my turn, rampa-rampa-rampa, hiyawan, cheer at back to likuran na ulit ng stage tapos change outfit ulit para naman sa talent. I am just wearing white dress at to be secured sa interpretative dance na talent ko ay nag short ako. " Shara remember, eye contact! ". Paalala ni Sevix sakin kasi siya yung nagturo ng talent ko. Kaya nga todong ginalingan ko para sa kaniya nung nasa practice palang kami. " E nasaan na partner mo sa sayaw? ". Tanong ni Ara.
" Sabi niya aattend siya. Di na siya sasali sa pageant pero sasamahan niya ako sa sayaw ". Wika ko. " E bakit wala pa din. Patapos na yung contestant number six oh susunod ka na! ". Ika naman ni Sevix. Kibit balikat lang ako kasi wala talaga akong ideya kung asan na yung partner ko. " Thank you for you're wonderful talent candidate number six.... syempre hindi magpapatalo ang mga Seniors diba! Kaya tawagin na din natin si Candidate number 7!! Form Grade 12 SHS STEM, Ms. Valtocris! ". s**t! Ito na nga po wala pa yung partner ko pero tinawag na ako.
" Damn where is you're partner? ". Giit ni Sevix. Kinakabahan na ako. " Don't panic guys okay! ". Ani ni Ara. " Sige na Sis lumakad ka na sa stage ". Utos ni Ara. " Ha? E wala yung partner ko paano yun? ". Ungkat ko kay Ara. " Basta Shara, pumunta ka na sa stage ". Utos na ngayon ni Sevix. Aangal pa sana ako kaso tinignan niya na ako ng mayroon awtoridad kaya wala na din akong nagawa pa.
Pagkalabas ko ng stage nagsigawan na ang mga tao. Ako kabadong-kabado kasi diko alam ang gagawin ko ngayon wala yung partner ko. Nagsimula na din tumugtog ang music na sasayawin ko. Nangingilig na ako sa kaba.
"Forevermore"
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
Sinimulan ko ang pagsayaw sa part ko kahit wala ang partner ko. Kasi ito pa naman yung solo flight ako e sa chorus pa talaga papasok dapat yung partner ko.
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night
I just cant believe that you are mine now
Sa pagsapit ng chorus dito na ako nagsimulang balutin ng kaba. Nanlamig na ang buo kong katawan dahil alam kong mapapahiya na ako anytime. Napapikit nalang ako sa huling step ko. Hanggang sa nagulat ako at mabilis na napamulat ulit ng mayroon yumakap mula sa likuran ko. Tila kinoryente din kasi ako ng biglaan niya nalang akong yakapin.
Gulat na gulat naman ang reaksyon ng mga tao lalo nila Alola. Nakikita ko din yung classmate ko na dapat e partner ko. So means hindi siya itong yumayakap sakin ngayon. Bumilis ang t***k ng puso ko hindi ako makahinga ng maayos. Sinubukan kong lingunin ang likuran ko upang tignan sana kung sino ba itong nakayakap sakin ng bigla niya akong awatin.
" Just focus Shara! ". Itong boses nato ay iisang tao lang nagmamay-ari. " A-anung ginagawa mo dito Sevix? ". Pakikipag-usap ko sa kaniya habang sumasayaw na kami. " Saving you! ". Sagot niya
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just cant compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore
All those years ive longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night
I've been watching all the stars that fall down
Binatawan na niya ako dahil kailangan namin magkalayo kasi yun iyong step. Tumakbo kami papunta sa isang direksyon, sa gitna.
Mabilis niyang hinawakan ang beawang ko at hinigit ako papalapit sa kaniya upang magkadikit ang katawan namin dalawa. Iyong isang kamay naman niya ay nakahawak sa mukha at pinadulas niya ito papunta sa baba ko, unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko na wari bang hahalikan niya ako.
Wishing you would be mine
I just cant believe that you were mine now
Time and again
There are these changes that we cannot end
Sure a star that keeps going on and on
My love for you will be forevermore
Alam kong part lang ito ng steps sa sayaw pero di ko pa din mapigilang huwag kiligin. But I have to concentrate kaya binura ko muna sa isipan ko na kiligin sa sitwasyon namin. Nag focus ako sa sayaw hangang sa matapos ito na karga-karga niya akong pangkasal at nakayakap naman ako sa leeg niya.
" WOOOOOOOOOOOOOOH!!!!!! ". Kinikilig na sigawan ng mga tao after namin sumayaw ni Sevix. At pati ako ay hindi pa din makapaniwalang nangyayari ang pagkakataon na ito. Si Sevix isinayaw ako plus sinave pa. Grabe! Kakaiba na itong bilis ng t***k ng puso ko. Need ko ng tubig. O di kaya cpr haha.
Yung heart beat ko Grabe. Si Sevix lang talaga ang nakakagawa nito. Umabot pa kaya ako ng Forevermore!!!!!
Wishing you would be mine
I just cant believe that you were mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just cant compare you with
Anything in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You're all I need to be with forever more
(As endless as forever
Our love will stay together)
You're all I need
To be with forevermore...