Shara Pov:
Umuwi akong dala ang bigat at sakit ng mga sinabi sakin ni Sevix kanina. Aaminin kong kanina pa ako pinapaluha nito, hindi na nga ako makahinga ng maayos kasi ang bigat-bigat sa pakiramdam na pinipigilan mong huwag maiyak. Nakakapanikip dibdib ito na parang inaatake ka sa puso which Oo directly e. Hindi ako handa sa pagbaon ni Sevix ng pana sa puso ko. Nakakapanghina!
Mas lalo pa akong nanghihina ngayon dahil sa kapasawayan ko ay tuluyan nga akong nilagnat. Sobrang sama ng pakiramdam ko sabayan pa nung pagdadamdam ko sa mga sinabi ni Sevix. Kahit sino naman sigurong sabihan ng crush nila ng ganun nakaka baba ng tingin sa sarili. Nakakapanlumo!
Ito nga at nakahiga ako sa kama ko, hinihintay na dumating si Manang na kumukuha lang ng aroskaldo na niluto niya sa kusina sa ibaba dahil pagkarating na pagkarating ko nanghihina na talaga ko at nang icheck niya ako ay umabot sa 38.6 ang lagnat ko. Hindi naman ganun kataasan pero nilalagnat pa din ako.
Wala pa sila Mommy, Daddy, at Kuya Shanon dito sa bahay. Mayroon kasi silang aattendan na comprehensive meeting with their co business partners. Baka mamaya pa sila makakauwi. Pero sinabi na ni Manang sa kanila ang kalagayan ko. Papasalubungan nalang daw nila ako ng prutas kaya sa ngayon si Manang muna ang nagaabyad sakin. Nandito na din naman si Kuya Shekel kaso nagkukulong siya sa kuwarto niya.
Umawang sa pagbukas ang pintuan ng kuwarto ko. Mula sa labas pumasok di Manang dala na nga ang aroskaldo na gawa niya pa mismo. Naupo naman ako agad. " Uhmmm ". Wika ko habang tumatayo. Kasi sobrang ang bigat ng katawan ko tapos ang init-init ko pa. " Kumain ka muna pagkatapos ay inumin mo itong gamot okay? ". Wika ni Manang na tinanguan ko.
" Ayan alam mo naman kasing mahina ka sa ulan e naliligo ka pa ". Mahinahon niyang pagsasabi sakin. Naiintindihan ko na nag-aalala lang siya sakin. Kaso nangyari na e tsaka nandito na. " Ayan Manang pagsabihan niyo po yan. Masyado pasaway, hindi naman kaya ang sarili.... Wala din naman nagbago sa kanila ". May inis sa tono ng boses ni Kuya but his face is still calm down.
Napatingin kami sa kaniya. Nakasandal siya sa gilid ng pituan ko habang nakatingin sakin. " Kahit ikaw Kuya gagawin mo din ang ginawa ko kapag nag mahal ka na! ". Wika ko. " Mahal? Hindi ka bubuhayin ng pagmamahal mo sa kaniya Shara. Kung di lang ako nagtitimpi kanina baka nakaladkad na kita papauwi. May game ako kaya di ko magawang higitin ka kanina ". Tugon niya.
" Tama na yan! Shara bunso nag-aalala lang ang Kuya mo sayo, kagaya ko ". Pagtatanggol pa ni Manang kay Kuya. Nagpalitan kami ng tinginan ni Kuya. At bandang huli nag sorry ako sa kaniya. Wala siyang isinagot pero alam kong satisfy na siya dun. Narinig ko ang pagsara ng kuwarto niya means nakapasok na siya sa loob ng kuwarto niya.
" Alam mo bunso may punto naman ang Kuya Shekel mo e. Buwis buhay na ang ginagawa mo at hindi na tama yan! Maling paraan na yan ". Giit ni Manang. Napapout ako pagkasubo niya sakin ng Aros. Medyo napaso kasi ako tsaka natamaan ako sa sinabi niya. Para nga akong bata pero sa nabibig-atan talaga ako sa katawan ko. Hindi ko kayang ako lang ang kakain mag-isa. " Ginawa ko lang naman po yun manang kasi gusto ko mapatunayan sa kaniya kahit rain or shine kaya kong kaharapin malaman lang niya na mahal ko talaga siya ". Wika ko.
Tumango-tango siya sakin. " Oo naiintindihan naman kita pero Shara bunso lahat ng bagay ay may limitasyon! Hindi masama ang ginawa mo ang masama ay ang napapabayaan mo ang sarili mo ". Ani ni Manang na ikinatigil ko. Hugot kasi ito at realtalk. Obsess na ba talaga ako kay Sevix? I've never admit to my self na obsess ako kay Sevix pero sa mga ginagawa ko narerealize ko na Oo I am obsess with him to win his love.
Hinawakan ni Manang ang isa kong kamay pansamantala niyang ibinaba ang bowl ng aros at tinignan ako diresto sa mga mata ko. " Malakas ang tiwala mo sa sarili mo bunso at nakakatuwang ganiyan ang personalidad na mayroon ka. Pero kahit anung lakas ng paniniwala mo, Lahat ng tao napapagod! At darating ka din sa puntong iyon. Mapapagod ka din bunso ". Dagdag pa ni Manang.
Hala bakit ganiyan manalita si Manang. Parang lahat ng sasabihin niya ay magkakatotoo. Huminga ako malalim. " Mahal mo si Sevix at lahat mo na ginawa para sa kaniya, di pa ba sapat yun? Ilang beses mo ng sinubukan. Hindi sa pinapasuko kita pinapaalala ko lang na tao ka din, nakakasakit, at nasasaktan. Bunso huwag mong kalimutan mahalin ang sarili mo ". Ani ni Manang.
Wala akong naitugon sa kaniya, natameme ako sa puwesto ko habang pinapakain niya. Napaisip ako sa nakuha kong pangaral kay Manang. After kong kumain ay uminom na nga rin ako ng gamot ko pagkatapos ay iniwan na din ako ni Manang mag-isa sa kuwarto ko. Tulala lang ako sa ceiling habang nagpapaulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Manang sakin.
Nakakalimutan ko nga na masama pala ang pakiramdam ko. Nangingibabaw kasi yung pag-iisip ko sa mga narinig ko. Gustuhin ko man itigil ang lahat ng ginagawa kong effort upang mapansin ni Sevix ay kusa nalang kumikilos ang isipan ko lalo't higit ang katawan ko na habulin siya, lapitan siya, kulitin siya, pagmasdan, at titigan.
Sa gaanong paraan kasi nagagawa niya akong mapansin. Kapag hindi ko gagawin ang lahat nang yun hindi niya ako magagawang kausapin. Tumagilid ako pakanan habang yakap-yakap ang malaking Iconic staff toy na si Panda nang bare bears at bakit na balot ng kumot. Isinubsob ko kay panda ang mukha ko. Daig ko pang kumain ng sandamakmak na sili sa init ng mukha ko at buong katawan.
" Shara anu nang gagawin mo? ". Tanong ko sa sarili ko habang nakasubsob pa din ang mukha kay Panda. " Kasi naman Sevix e, bakit ba hindi mo ako magawang pansinin ng tuloy-tuloy. Yung kagaya niyo ni Kuya Shekel. Paano ko ba makukuha ang puso mo? Napapagod na din ako e.... kundi lang kita mahal sumuko na ako. Kaso mahal kita, diko nga alam na mahal na pala kita kundi pa pinarealize sakin ni Ara haaaaayssss Sevix! Sevix! Sevix! ".
Kahit nilalagnat na ako ay siya pa din ang naiisip ko. Wala na ba talaga akong pakealam sa sarili ko? Hindi ko na ba nabibigyan pansin ang ako? Masyado na ba akong tutok na mapansin ni Sevix? Hindi ko alam. Sa tingin ko naman kasi okay lang ako lalo na kapag nakita kong ngumiti si Sevix o di kaya ay masilayan ko lang siya kahit salubong pa ang kilay niya. Hmmmm nalintikan na! Tinamaan na nga talaga ako sa kaniya.
Sevix how can I get you!!!!!
Kinaumagahan pagkagising ko medyo maginhawa na ang pakiramdam ko. Hindi na din sumasakit ang ulo ko tsaka pinagpapawisan na ako. Heto nga at nagpumilit pa din akong pumasok kahit na pinagbabawalan na ako nang mga kasama ko sa bahay.
Okay lang sana na di ako pumasok ngayon kasi Foundation Day naman kaya lang remember ako ang representative ng section namin for the Mr. and Ms. Foundation Day na ngayon din mismo gaganaping araw na ito. Mamaya pa naman siyang 1:30 magsisimula e 10:20 palang naman ngayon kaya tumambay muna kami dito sa dating food.
Hindi porke sinabing dating booth e couples lang ang puwede. Kahit nga mga teachers idate mo dito okay lang. Allow din ang group of friends which is good. " Di mo ginagalaw food mo Shara ". Wika ni Naomi sakin. Nasandal ang silo ko sa lamesa na pa-round tapos yung palad ko nakasalampak sa pisnge ko in short nakahalumbaba ako habang inililibot ang magagandang mata sa mga dumadaan sa harapan namin.
Open area kasi ang dating booth, parang tent lang siya ganun pero naka catering which so very organized and elegant. " Oo nga sarap pa naman Ghurla nitong choco milk tea nila! Try mo dali ". Dagdag ni Alola. Yung tipong kagagaling ko palang sa lagnat choco milktea pa talaga ang napili nilang bilihin para sakin. Nakakainsulto lang. " Ayaw ko sa inyo nalang. Wala akong gana. Wala pa din kasi akong panlasa e ". Ani ko.
" Sayang sarap pa naman. Sige akin nalang kesa masayang ". Sagot ni Naomi. " Uyyy hati tayo Naomi ubos na din sakin ". Sambit pa ni Alola. Hindi kona sila pinansin. " Pssst! ". Sitsit sakin ni Dana. Tinignan ko siya ng Walang gana. Wow mag ka rhymed hehe. So yun nga tinignan ko siya. " Wala ka ba talaga panlasa o wala sa mood? Maalin lang naman yun sa dalawa diba? ". Wika niya.
Hindi siya nagbabasa ngayon ng comics kundi pocket book naman. Precious hearts romance pa. Oh diba. Bookish kasi talaga siya e. Kasi Mommy niya Librarian sa isang malaking University. Daddy naman niya artist, nagdrawing ng mga comics characters sa isang kompanya ng mga gumagawa nun. Kaya di na kataka-taka na ganiyan si Dana.
" Alin sa tingin mo sa dalawa? ". Tanong ko din sa kaniya. Umangat siya sa pagkakasandal ng likuran niya sa bangko na inuupuan niya at lumapit siya ng kaunti sakin. " Both! Pero lamang yung wala ka sa mood. Di mo pa kasi siya nakikita! ". Sagot ni Dana at alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
Iniwas niya ang tingin niya sakin at tumuro kung saan. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakaturo. Paglingon ko nakita ko ang love of my life na mayroon hawak na bouquet of flowers. Kusang bumagal ang pagikot ng mundo ko. Tila lahat ay nag slow motion pati na din siya. Napaawang ang bibig ko at napaangat ang baba ko sa pagkakahalumbaba ng makita ko siya.
Mabagal siyang naglalakad sa red carpet papuntang altar. Hindi siya ang ikakasal pero isa siya sa mga abay. Hulaan niyo sinong ikinakasal? Walang iba kundi si Ara. Hindi sa babae kundi sa lalaki. Katuwaan lang nila. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Sevix na ang gwapo-gwapo sa suot niyang polo na white long sleeve siya pero nakalilis yung manggas nito hanggang siko. Tapos naka unbutton din yung first and second layer ng botones niya sa dibdib. Hot nanaman niya! Yan ba ang bakla? Palaging Hot.
Bigla ko tuloy naimagine na ako yung may hawak nang bouquet na hawak niya tapos siya naman ay naghihintay sa dulo malapit sa altar. Darating kaya kami sa point na yun? Si Sevix kaya ang makakatuluyan ko someday. May papatunguhan kaya itong pinaggagawa ko? Paano kung wala? Paano kung paggising ko nalang ay hindi ko na siya gusto at mahal! Imposible halos ilang taon ko na siyang gusto at ni minsan di nagbago ang nararamdaman ko kahit napakadaming gwapo na lalaki ang nagpapakilala sakin. Palagi lang silang deadma for me kasi si Sevix lang talaga ang gusto ko ang isinisigaw ng puso ko. E kaso bakla naman at hindi ako gusto.
Talaga ngang bilog ang mundo, so may tendency na magkasalubong din kami dipende kung liliko siya kasalungat ng dinadaanan ko at magtatagpo sa gitna.
"Till I Met You"
(originally by Lea Salonga)
I never dreamed
Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love was just a game that children play
And no more than a game
Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day
Kinig kong mas lumakas na tugtog nila galing sa Marriage booth. Feel na feel ko yung kanta habang nakatingin lang ng mabuti kay Sevix. As in nasa kaniya lang talaga ang atensyon ko. Nangangarap na balang araw darating din kami sa puntong mag papalitan I Do and I Will! And hoping too someday I can hear from him saying I like Shara or I love you. Hindi ako magsasawang dumating ang pagkakataon na yun.
I believe you
I believe in every word when you say:
"I love you all the way"
Now I can swear
Love is not a game that children play
So tell me that you'll stay
Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day
You and I should be together
Can't you see?
Can't you see?
Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day
Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day
Till I met you