[Chapter 22]: Through the rain

2692 Words
Shara Pov: Noong first day ng Foundation Day ay nagkaroon ng team building matching Zumba and Yell competition. The next day naman is mga contest, contest lang like poster making, cooking contest, slogan, essay at madami pa. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na matry ang ilan sa mga booth gaya nga nang Horror booth na halos paiyakin ako. Mabuti nalang talaga ay nasave ako ni Sevix mula dun sa scary figure ni Annabel. Sino kaya nag portray sa kaniya? mas maganda pa yung manika sa movie kesa dun sa nag portray e hehe chour. Ngayon naman third day ay puro sports competition. Sumali ako sa Volley ball kasama si Alola at kakatapos nga lang ng game namin. Uminum muna ako ng tubig sa labis na pagod. Magaling kasi talaga ang mga kalaban namin at nakakahingal kakahabol sa bola, tapos nakakatagaktak pawis sila at nakakabanat pa ng buto. Kalaban namin ang Pink team na mula sa section nila Sevix. Todo cheer pa nga sila Sevix for their team kasi nga yun ang team nila. Kahit nakakahurt na di niya ako magawang icheer ay okay lang. Sapat nang napapanuod niya din ako na maglaro. Martir ba? Wala e mahal ko. Lumapit na kami ni Alola sa mga kaibigan namin. " Yeeessss palibre naman diyan mula sa winning team ". Parinig ni Naomi. " Iba talaga kapag nanunuod si Crust!!!! ". Pagbibisaya naman ni Alola. " Haha di naman, pero sige treat ko Lunch natin mamaya ". Wika ko sa kanila na ikanatuwa nila ng husto. Gaya nga ng pangako ko ay ako ang nagbayad ng mga inorder namin pagkain sa canteen. Hindi na din kami nagtagal pa da canteen kasi susunod na ang paring soccer at obligadong pumunta ang lahat ng estudyante sa field nitong school. Humanap agad kami ng magandang puwesto. Malayo kami sa mga classmates namin dahil nahuli kami nang dating. Nagsisimula na ang first game nila Kuya. Siya ang unang isinalang kasama pa nung ibang team mates nila. Ang kalaban naman nila ngayon ay third year highschool o Grade 9. Medyo maliliit pa pero huwag ismulin. Dahil may kasabihan nga small but terrible haha. Hinanap ng mga mata ko si Sevix. Alam kong maglalaro siya ngayon. Remember kapatid ko lang naman si Shekel Valtocris, tinaguriang lalaking madaldal. Kahit di tinatanong nagkukuwento haha. Babala huwag niyong pagkakatiwalaan ng sekreto si Kuya dahil madaldal siya. Ibubuking lang niya kayo haha. Siniraan haha chour lang. mapagkakatiwalaan naman brother ko katulad ko. Dahil love ko si Kuya Sheke ay todo cheer ako para sa kaniya. I don't care kung pinagtitinginan na ako ng iba, mahal ko Kuya ko kaya todo support ako sa kaniya. After ng first game sa soccer ay lamang ang first year Collage. Sa sumunod naman game ay ipinasok na si Yanson, pumalit ito sa number 91 ng team. Magkatulong na sila ni Kuya ngayong blinablock ang dapat aagaw ng bola mula sa kalaban. " Ayyyy sayang!!! ". Wika ko ng mumintis ang pagpasok ng bola nang sipain ito ni Yanson. Siniko ako ni Alola. " Oh bakit? ". Taka kong tanong. " Wala lang hehe ". Kinikilig niyang tugon. Porke nanghinayang lang ako sa mintis na pagsipa ni Yanson sa bola ay kinilig na siya. Tsk. Inaasar niya lang naman ako sa lalaking yun. Magulo din minsan itong si Alola. Kapag andiyan si Sevix dito niya ako iuulit kapag wala kay Yanson. Gulo din niya. Naghahabulan parati sa score tigkabilang team hanggang magkaroon ng break. Sa ibaba nitong puwesto nami natanaw ko si Sevix. Kinakausap siya ng Coach nila. Sa tingin ko ay ipapasok na siya sa kasunod na quarter. Mula sa dala kong bag ay inilabas ko ang cartolina na pinagkabahalan ko kagabi. Hindi naman siya ganun kahirap kaya nakatulog pa din ako ng maaga. Alam ko kasi na maglalaro si Sevix kaya pinaghandaan ko na talaga ito. " Anu yan? ". Tanong ni Naomi sa hawak kong cartolina. " Cartolina ipupokpok niya sayo ng marealize mo na senior high ka na pero di mo pa din alam ang tawag diyan ". Mean na pagkakasabi ni Dana. Mas gugustuhin mo nalang talaga na minsan ay tahimik siya dahil kapag nag salita siya kung sensitive kang tao humanda ka na. Huwag mong kakadibdibin ang mga sinasabi niya kasi para sa kaniya joke lang yun. " Banner ito ginawa ko kagabi para kay Sevix ". Paliwanag ko. " Ayun! Na all nalang pinageeffortan anu! ". Sambit pa ni Naomi. " Inggit ka lang ". Wika ko. " Hindi anu, bakit ako maiinggit e wala naman kayo ". Tinignan ko siya ng masama. Tinawanan lang ako ng babae. Bahala siya diyan maghanap siya ng kausap. Pagtunog ng timer sign na tapos na ang break, agad na bumalik sa loob sila Yanson. Nakaout na si Kuya at mukhang pinalitan siya ni Sevix. Nakaposisyon  na silang lahat sa field. Ready to serve na din sila nung bola. " Saan ka pupunta? ". Takang tanong ni Alola ng tumayo ako sa pagkakaupo ko sa tabi niya. Walang lingon ko siyang sinagot. " Ichi-cheer ko si Sevix!!!! ". May ngiti sa labi kong sagot. " Huuuuy bumalik ka dito Shara!!! ". Tawag pa nila sakin pero hindi ako nagpatinag. Nakababa ako ng maayos sa mismong field. Malapit sa mga nakaupong team mates ni Sevix. Tumayo lang ako medyo malapit sa kanila. Nakita pa nga ako ni Kuya Shekel pero dineadma niya lang ako. Alam naman kasi niya na gagawin ko dahil nakita niya ako mismo kagabi na ginagawa itong dala ko ngang banner. Kasabay nang pagsisimula ulit ng laro ay ang nakakagulat na pagtunog ng malakas  nang kalangitan senyales na mayroon papadating na ulan. Ilan sa mga tao ay napatingala sa langit kabilang na ako dahil sa kulog. Nabakas ko nga rito ang maitim at makulimlim na itsura nito. Sa kulay palang ay halatang walang makakapigil sa pagbuhos niya kung sakali man babagsak siya. " Woooooh Go number 07!!!! ". Rinig kong sigaw ng ilan sa mga babae dahilan na ikinaagaw ng atensyon ko at nabaling sa direksyon nila. Pagkalingon ko sa gawi nila ay sinamaan ko sila ng tingin. Anung karapatan nilang icheer ang Sevix ko. Ako lang ang puwede. Dahil ako ang number one fan niya. Tsaka bali number seven ang numero  ni Sevix sa Jersey niya at favorite number niya ito kasi ang Birthday ni Sevix ay April 7 2000 at malapit na din yun chour next year pa hehe. " Yaan lang ba magagawa nila para ipakita ang suporta kay Sevix? Well ibahin nila ako! I can do everything for him kahit ikapahiya ko pa! ". Bulong ko sa isipan ko. Ibinaling ko na ang atensyon ko kay Sevix na tumatakbo na ngayon sa field. Sinisipa niya ang bola na pinaglalaruan ng kaniyang mga paa. Ipinasa niya ito kay Yanson, nagpapalitan silang dalawa. Plano ata nilang lituhin ang kalaban kung sino ba ang totoong huling sisipa nito sa kanilang dalawa upang makascore. Konti nalang at malapit na sila net, huling natapos kay Sevix ang bola. Ibig sabihin siya ang sisipa nito. Nang makahanap siya ng pagkakataon upang masipa ito ay humugot siya ng puwersa kasabay ng pagpapakawala niya nito sa pag sipa ng malakas sa bola. Parang kidlat na di napansin ng bantay ang pagdating ng bola kaya naman dagdag score ito para sa Team Pink. " Wooooooh!!!! ". Sigaw nung mga babae nanaman at ng iba pang tao. Dahil ako si Sharana Valtocris, hindi nagpapatalo. Ibinukas ko ang hawak kong banner. Itinaas lampas ulo ko, pumikit pansamantala upang humugot ng hangin at pagmulat ko isinabay ko ang pagsigaw ng " GOOOOO SETHREVIX GAIZON EZADERA!!!!!KAYA MO YAN!!!!! WOOOOOOH ANG GALING MO TALAGA!!!! I LOVE YOU SWEETY!!!!!! ". Agaw atensyon ako sa lahat nang itodo ko ang boses ko para lang mai-cheer si Sevix. I don't care kung pagtinginan nila ako, ang mahalaga ay naipakita ko ang lubos na suporta ko para sa taong mahal ko, na hindi ako mahal pero okay lang kasi darating din kami sa point na yun. Na same na kami ng feelings. " Anu ba yan, papansin lang? ". Bulungan nung mga babae. Kesa pansinin pa sila at pagaksayahan ng oras ay kay Sevix lang ako nakatingin na nakatingin na din pala sakin. As usual nakakunot nanaman ang noo niya. Sa malamang ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Pakealam niya ba sa proud akong ipaalam sa lahat na number one fan niya ako. At bukod dun ay love na love ko siya since 2006 pa until now 2020. Sa likuran ni Sevix ay nakita ko ang malungkot na pagmumukha ni Yanson. Anu naman emote ng isang yun? But never mind ang importante e napansin ako ni Sevix dahil sa ginawa ko. Nakapameawang si Sevix na nakatingin sakin but that's for a mean time, iniiwas niya din sakin ang atensyon niya habang umiiling ang ulo. Kahit malayo siya sakin nabasa ko ang sinabi niya pagbuka ng bibig niya. " Pathetic! ". Masakit pero okay lang. Siya na ang nagsabi. Patunayan ko sa kaniya na makukuha ko ang puso niya at ito na yun. Kung kinakailangan magpakabasa ako sa ulan gagawin ko para lang sa kaniya, hindi ako hihinto na icheer siya kahit umulan pa ng malakas..... Pagkasabi ko ng mga sinabi ko sa isipan ko ay saktong kumulog nanaman, ilang segundo palang din ang lumilipas ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dala ng pagkagulat ay hindi ako nakatakbo agad. Mabilis naman sumilong ang lahat sa tabi kung saan mayroon bubong. Samantalang yung mga players ng soccer ay nasa field pa din at patuloy na naglalaro. Hindi nila iniinda ang pag ulan. " Shara sumilong ka na!!! ". Sigaw ni Alola. " Oo nga girl nababasa ka na oh! ". Dagdag pa ni Naomi. Oo nga nababasa na ako! Kasi yung banner na ginawa ko para kay Sevix ay nalulusaw na ng tubig. Nagpupunit-punit na siya dahil gawa ito sa Cartolina. Nilingon ko sila Alola, ngumiti ako ng napagkalapad sabay  thumbs up na ikinataka nila. " Hoooy huwag mong sabihin di ka sisilong? Pumarito ka na! Over na yan! ". Giit ni Alola pero diko siya pinakinggan. " I'm fine! ". Ani ko. Akmang pupuntahan sana ako ni Alola para awatin sa ginagawa ko ay pinigilan sila ni Dana. " Let her do what she wanted to do! Hayaan natin si Shara she can survive by the rain but missing the best part to prove her love is a biggest fail which hard to forget! ". Ibang klase talaga ang word of wisdom kapag di Dana na ang nagsalita. Wala na ngang nagawa pa yung dalawa. Pinabayaan na nila ako sa ginagawa ko. Si Kuya naman tinitignan lang ako, pero deep inside I know gusto na niya akong galitan ngayon dahil sa ginagawa ko pero kilala niya ako at hindi ako magpapapigil. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Sevix nung biglang marinig ko ang reaksyon ng mga tao. " Whowww!!! That's hurt ". Giit nila nang mapadama si Sevix sa lupa dahil aksidente siyang natabig nung kalaban nila na medyo may kalakihan nga, nakascore ang kalaban dahil sa nangyari. Nagulat ako kaya hindi agad ako nakakilos. Puno ako ng pag-aalala para sa kaniya at hindi sa pagka malamang sa kanila ng kalaban nila. Gusto ko sana siyang lapitan pero nauna na yung mga kateam mates niya. Inalalayan siyang makatayo ni Yanson. Lumapit na din yung medic at coach nila sa kaniya. Kinakausap na siya nito basi sa nakikita ko. Sumesenyas ang Coach niya na maupo na siya at magpahinga kaya lang umiiling si Sevix. Mukhang hindi siya pumapayag sa gusto ng Coach nila. Konti nalang kasi ay malalamangan na nila ang kalaban. Nanalo si Sevix sa coach nila. Hindi siya bumalik sa tabi at naupo. Nanatili siya sa field at handang magpatuloy sa paglalaro. Mukha naman kaya niya pa nga talaga basi sa tindigan niya kaya lang hindi ko pa din maiwasang mangamba. Alam kong napanghihinaan si Sevix ngayon ng loob dahil sa mas lamang sa kanila ang kalaban nila tapos muntikan pa siyang mabalian. Dapat mayroon din akong gawin. Kesa sa mawalan ng saysay ang pagpapakabasa ko rito sa ulanan ay mabuti pang may gawin pa din ako para sa kaniya kahit wala na ang banner ko. Tuluyan na kasi itong nagka gutay-gutay dahil sa basa na. Humugot ako ng hangin, inilagay ko sa tigkabilang gilid ng bibig ko ang mga kamay ko saka sumigaw na kulang nalang ay maputol ang nga litid ko sa leeg. " SEVIX!!!! KAYA MO YAN! KONTI NALANG FIGHT!!! FIGHT!!!! WOOOOOH KAYA MO YAN EZADERA!!!!! GOOOO PINK TEAM!!! GO SEVIX!!!!! ". Pagsigaw ko with matching talon-talon pa sa sobrang tuwa dahil mukhang effective ang ginagawa ko kasi nakakascore sila at tila ginaganahan siya mag laro dahil sa pag chicheer ko sa kaniya. Ayaw ko mag aassume but yun ang nakikita ko. Ipinagpatuloy ko ang pagcheer sa Team nila lalo na sa kaniya hanggang sa matapos ang game na sila ang nanalo. Sakto naman huminto na ang ulan, nagsibalikan ang mga tao sa puwesto nila. Sinalubong naman ng team mates ni Sevix silang mga huling naglaro. Todo ngiti naman ako para sa kanila. Nagbunga naman kasi kahit papaano itong pagmumukha kong baliw. Hingal na hingal ako dala ng pagod sa pagsigaw at pagtitinalon. Masaya lang kasi talaga ako tsaka proud na proud ako sa Sevix ko. Kahit bakla siya e ang siya ang halos may malaking naiambag sa grupo. " Shara halika na dit———— ". Hindi natapos ni Alola ang pagtawag sakin kasi naagaw ni Sevix ang atensyon ko. Lumapit siya sakin but still may pagitan. Mga tatlong dangkal. Todo ngiti ako sa kaniya. " Sevix Congratula———— ". Naputol ako sa pagsasalita ko dahil sumingit siya bigla. " Baliw ka ba? ". Wika niya sa medyo malakas na tono ng boses niya at halata ko din iritado. " H-ha? ". Shonga kong tanong. " Tsk. Baliw ka nga! Magpapakamatay ka dahil lang sakin? ". Ani niya. Gets ko kung anu ang tinutukoy niya. Itong pagpapaulan ko. Hindi ako sanay maligo sa ulan alam nila yan. Last time kasi na naligo ako noong mga bata kami sa ulan ay hinapo ako ng lagnat halos mag 50/50 ako sa hospital pero iba naman na ngayon e. Malakas na ako di na tulad nung bata ako na napakahina ng resestensya. " O-okay lang naman ako e tsaka ginawa ko yun para isupport ka! ". Paliwanag ko. " Puwes I don't care about it. I don't need anything that you did. You don't need to cheer me wala akong sinabing gawin mo yun. Nakakahiya sa ibang tao baka isipin pa nilang jowa kita. Like no way! You're such a total distraction Shara not a best supporter! Sa tingin mo dapat kitang pasalamatan of course not. Dahil sayo kaya ako nadapa ". Sisi niya sakin sabay bunggo sa balikat ko ng lampasan niya ako. " I'm not going to thank you for what you did! Iyan ba ang magagawa mo para makuha ang puso ko? Such a disappointment Shara! ". Ika niya pa bago tuluyang mag walk out. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong sa wakas ay nagkausap na ulit kami magbuhat na matapos ang training ko. O masasaktan ako dahil sa nakakagunaw pag-asa niyang mga sinabi. Tumagos nanaman hanggang puso ang sinabi ni Sevix sa araw na ito. Inaasahan ko na magpapasalamat siya sakin at matutuwa dahil sa effort na ginawa ko para sa kaniya kaso wala, sablay pa din. Sinise niya pa ako kasi distruction daw ako, at para sa kaniya I'm a disappointment. Such a disappointment Shara!!!! "Through The Rain" When you get caught in the rain With nowhere to run When you're distraught and in pain Without anyone When you keep crying out to be saved But nobody comes And you feel so far away That you just can't find your way home You can get there alone It's okay What you say is I can make it through the rain I can stand up once again On my own And I know That I'm strong enough to mend And every time I feel afraid I hold tighter to my faith And I live one more day And I make it through the rain
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD