[Chapter 21]:Horror booth

2345 Words
Shara Pov: " Umoooh!!! Ayaw ko nga pumasok. Ayaw ko!!! ". Kanina pa nila ako kinakaladkad papasok ng Horror Booth. " Shara let's go na. It will be fan we swear! ". Hinihigit nila akong tatlo ngayon papalapit sa booth. Pero ako itong nagpipilit na kumalabos sa pagkakahawak nila upang makatakas. " Ayaw ko!!! And Naomi, how could it be fan kung mga freaking scary monsters at mumu ang makikita ko sa loob. Ayaw ko baka mamaya ay kainin nila ako ". Giit  ko. " Daaah Shara ilan taon ka na ba? you know naman na di sila totoo at mga co students lang natin sila. Aber paano ka kakainin ng mga yun ha. Let's go na kasi, nang mawala na din takot mo. It's time to conquer you're free girl ". Tugon ni Naomi sa sinabi ko. Shems! Sabi ng ayaw ko e. Dahil tatlo sila at nag-iisa lang ako ay napagtagumpayan nila makaladkad ako mismo sa booth. Nakapila na kami upang magbayad ng entrance tsaka bumili na din ng tickets which cause of ten pesos lang naman per person. Murang-mura. " Kayo nalang kaya. Hihintayin ko nalang kayo dito sa labas! ". Sambit ko. Umiling silang tatlo. Grabe! Bakit kasi samin apat ako lang itong takot na takot sa ganiyan. Paano ba naman ang papangit nang itsura nung mga mumu na makikita ko sa loob. Forth year collage naman ang nag pafacilitate nang booth na to. Magaling talaga ang mga forth year pagdating dito at kada year ay madalas sila ang nanalo. Mas malaki kasi ang kita nila kumpara sa ibang booth. Parating second place lang ang Marriage booth, third naman ang Jail booth at forth ang food booth. Humalukipkip ako dito sa gitna nila kasi pinag gigitnaan ako nang tatlo huwag lang silang matakasan. As if naman makakatakas pa ako e ang dami ng tao na nakablock sa way ko. " Hi girls! ". Naagaw ng pamilyar na boses ang atensyon ko. Mabilis na nagtama ang mga mata namin nung lingunin ko ang pinaggalingan ng boses. Kumunot agad ang noo ko nang ngitian niya ako. Pinagkakaguluhan siya ng mga babae ganun din si Kuya. At mayroon din ilan kay Sevix ko. Kahit bakla siya ay napakalakas talaga ng karisma niya. Magkakasama silang apat. Si Kuya Shekel, Yanson, Sevix ko at Ara. Anu naman kayang ginagawa nila dito? Well sa malamang papasok din sa booth. Shonga lang Shara? Kasi naman namemental block na ako sa sobrang kaba. Kaunti nalang at kami na ang susunod na papasok. " Excuse me, padaanin niyo sila Shekel. Kanina pa kasi sila nakareserve ". Wika nitong babaeng Forth Year sa mga estudyanteng kasunod namin sa pila. Tumabi naman agad sila at agad ngang sumingit sila Kuya sa pila. " Kailan pa nauso ang pareseve sa ganitong klasing booth? ". Tanong ko kay Kuya while nakahalukipkip pa din. " Ngayon lang, nakita mo diba ". Sagot niya. What a good answer from him. Napairap ako ng wala sa oras. " Nice answer Kuya! Nakaktawa ". Ani ko into a sarcastic way. Tumawa naman si Yanson. " Tinatawa mo? ". Pagsusungit ko sa kaniya. " Wala ang cute mo kasi magsungit. Mas lalo akong naiinlove sayo (Smirk*) ". Binigyan ko siya ng nandidiring tingin. " Like ewwww, mandiri ka nga! ". Sambit ko at inirapan din siya. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Sevix at Ara. " Sis, papasok ka din? ". Shonang tanong ni Ara. Kita niya naman nakapila ako diba, sa malamang oo. " Hindi Ara, tatayo lang talaga siya diyan. Gagi bakla sa malamang papasok siya. Nakapila diba? ". Pagsagot ni Sevix sa tanong sakin ni Ara. " Ikaw si Shara beks? ". Lihim akong napangiti sa ginawa ni Sevix. Inirapan niya si Ara at paglingon niya sakin at naaktuhan niyang nakangiti ako sa kaniya. Kaya pati ako inirapan niya with nandidiring tingin pa. Napapout naman ako. " Mayroon ba yan kasama niyo? ". Tanong ni Naomi. Napansin na din pala nilang nandito sila Kuya Shekel. Pinagtawanan nila Kuya si Sevix. Kaya ako bilang ultimate lover ni Sevix ay toda rescue. " Naomi, huwag mo ngang ganiyanin sweety ko ". Suway ko kay Naomi. " Ayyyy sorry girl akala ko kasi may mens isang jowa mo ". May pang-aasar sa tono ng pananalita ni Naomi tapos nakangisi pa siya so talagang nang aasahan siya. Sinuway ko siya ng palihim. Nakakahiya kasi kay Sevix. " Haha Oo na shut up na ako girl! So protective Jowa... kayo ba? ". Banat niya pa. " Hindi! ". Sagot ni Sevix. Kaya napatingin kami lahat sa kaniya. " Hindi ko jowa yang kapatid ni Shekel! Malabo ". Walang gana nitong sambit. Ouch ha parang wala ako dito. Kesa sagutin pa si Sevix ay pinabayaan ko nalang. May point naman siya. Walang kami. Hindi ko siya Jowa at di niya din ako Jowa. Ibinaling ko ang atensyon ko dahil nakalabas na yung naunang pumasok samin. Dumaloy bigla ang kaba sa buo kong katawan. Tunog at sigawan palang na naririnig ko sa loob ng booth ay nakakapanindig balahibo na sa katawan ko. " Balik na ako sa room! ". Ani ko. " No! You'll come with us ". Ani ni Alola. " Tsaka Ms. Valtocris nandito naman ako e. Ako aalalay sayo. Gusto mo suntukin ko pa mga lalapit at hahawak sayong monsters e ". Singit ni Yanson. " I don't your opinion! ". Tugon ko na ikinalip bite niya tapos kamot sa likuran ng ulo. Napahiya kasi siya, but I don't care. Diko naman kasi siya kausap sumisingit nalang. " It's you're turn na!! ". Sabi nung facilitator. " Enjoy!!! ". Dagdag niya pa. Seriously enjoy? Kapag ako lang nagkasakit sa puso dahil sa booth nilang ito sila talaga pagbabayarin ko sa bawat check ko at sa mga gamot na irereseta sakin ng doktor. Na demonyo sila! Enjoy? How can I enjoy this kind of place na itsura palang ay nakakakilabot na. Paano pa kaya ang experience diba. Napasign of the cross nalang ako nung nagsisimula na kaming pumasok sa loob. Napayakap ako kay Alola. Tinawanan niya ako ng mahina dahil sa inakto ko. " Wala pa Shara papasok palang tayo oh! ". Wika niya. " Tsaka mas matakot ka kay Dana kapag nagsalita yan haha ". Ani ni Naomi. Hindi nanaman kasi nagsasalita itong si Dana. Sabagay di pa ako nasanay e ganiyan naman na talaga yan simulat sapol na makilala ko. Naramdaman kong mayroon humawak sa balikat ko at nang lingunin ko ito ay si Yanson. Siniko ko siya para mapakalas siya sa pagkakahawak sa balikat ko. " Don't touch me! ". Ani ko. " Natatakot ako e ". Dahilan niya. " Edi hawakan mo yan sarili mo o di kaya yapusin mo si Kuya ". Giit ko sabay iwas na ng tingin sa kaniya. Lakad lang kami ng lakad pero wala pang nangyayari. Ngunit ilang sandali lang ay nagulat ako ng pumalirit bigla yung kasama namin bakla. Grabe wagas kung makapalirit si Ara. Alam kong si Ara yun dahil matinis ang boses. Si Sevix kasi di naman siya matatakotin. " Ara anu ba bakla O.A mo! ". Rinig kong reklamo ni Sevix. " Ikaw naman KJ beks. Apaka basag trip mo! ". Sagot ni Ara. " Shhhhh huwag nga kayong maingay! ". Suway naman ni Kuya Shekel. Haha kung diko alam ay takot na si Kuya. Kung anu kasing tapang ni Sevix sa ganito ay siya naman ikinaduwag ni Kuya. Syempre saan pa ba ako magmamana, kundi sa kaniya. Magkapatid kami uyyy kaya pareho kaming matatakutin sa ganito. " Alola huwag mo akong bibitawan ah! ". Kinakabahan kong bulong sa kaniya. " Basta tibayan mo lang ang kapit mo sakin! ". Sagot niya. Kapit na kapit ako sa braso niya ganun din sa damit niya. Lumiko kami dahil kailangan lumiko but we didn't expect ang sasalubong samin sa pagliko namin. Group of Zombie na sobrang scary ang face lang naman ang sumalubong samin. Napapalirit ako ganun din sila Alola, Naomi at Dana. " Waaaaaahhhh Alola, don't let go of me ". Naiiyak ko nang saad sa kaniya. Naramdaman ko naman humigpit nga ang pagkaka kapit ni Alola sa kamay ko. But the next thing na hindi namin innexpect lahat ay nang sugudin kami nung mga zombie at kunwaring kakainin pero ang totoo ay pinaghihiwa-hiwalay lang nila kami. " Sh*t get off of me!!! ". Sigaw ni Kuya Shekel! " Tangna pare subukan mong hawakan ako matatamaan ka sakin! ". Dagdag pa ni Kuya. Ganiyan talaga siya kapag ayaw niya ng ginagawa sa kaniya tapos takot pa siya. Gustuhin ko man matawa ay hindi ko magawa kasi takot na takot na talaga ako. Mas lalo pa akong nabalot nang takot nung mapabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Alola dahil bigla akong hinigit nung isa sa mga zombie. " Waaaaaah help me! Please don't eat me! Di ako masarap. Maganda ako pero di ako masarap ". Naluluha ko ng sigaw. Inilayo ako nitong Zombie na hinila-hila ako palalayo sa mga kasama ko. " Bitawan mo ako!!! Di tayo Close ". Ani ko sa kaniya sa naiiyak na tono. " Bitawan mo ako!!!! ". Hindi ko na alam kung nasaan na ako dahil sa lawak nitong horror booth. Madami pang pasikot-sikot. Wala na din akong ideya kung nasaan na yung iba tanging pagpalirit nalang nila ang naririnig ko. " I said let me go you freaky Zombie!!! ". Tinadyakan ko siya dala ng labis na takot. Naiiyak akong tumakbo papalayo sa kaniya nang mabitawan niya ako. Kahit hindi ko alam ang daan papalabas ay tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mayroon mahilo na ako dahil pakiramdam ko ay kanina pa ako nagpapaikot-ikot sa iisang lugar lang. Natigilan ako sa pagtakbo. Nakatayo lang ako dito mismo sa gitna kung saan napapalibutan ako ng apat na daan na hindi ko matandaan kung alin na ba ang nadaanan ko na. Baka kasi mamaya makasalubong ko nanaman yung mga zombie. Dahil takot na takot na ako ay hindi na napigilan maiyak. " Mommy! Help me please!!! ". Umiiyak ko nang wika habang nakatayo lang dito. Kumakabog ang dibdib sa nangangatog ang tuhod dahil sa takot. " Someone help me please!!! Please!!! ". Iyak ako ng iyak dala ng takot. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko kasi pinangungunahan na ako ng kaba. " Ayaw ko na!!! Gusto ko na lumabas!!! ". Sambit ko pa nagbabakasakali na may makarinig sakin. Hibi ako ng hibi at diko na alam ang gagawin ko. Kung saan ba ako lilikong daan. Dahil nawawalan na ako ng pag-asa ay napaupo nalang ako sa kitatayuan ko. Iniubob ang mukha ko sa tubod ko at umiyak ng umiyak. Subalit sandali palang ako sa posisyon ko nang mayroon biglang humawak sa kamay ko at hinila niya ako papatayo saka hinigit sa isa sa mga daan. Nakatulala lang ako sa kaniya habang siya ay patuloy akong hinihigit sa palagkad. " Tumahan ka na, ilalabas na kita dito ". Sambit niya sakin. " Sevix! ". Tawag ko sa kaniya habang patuloy pa din ang paglabas ng luha ko. Nilingon niya ako ng tawagin ko siya pero sandali lang yun at nagfocus siya sa dadaanan namin. Natatanaw ko na ang liwanag na ibig sabihin ay malapit na kami sa daan kaya lang may bigla nanaman humawak sa kabila kong kamay. " Waaaaah!!!! ". Sigaw ko. Natigilan si Sevix dahil sakin. Nilapitan niya yung Mumu na kamukha ni Annabel. " Please stop. She's too scared. Umiiyak na siya ". Wika ni Sevix. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya habang nakapikit lang ako sa tabi niya. " S-sige! Sorry' sige labas na kayo ". Rinig kong tugon ni Annabel. " Thanks! ". Tugon ni Sevix. Naramdaman ko na mayroon dumamping kamay sa baba ko. Inangat niya ang ulo ko. " You can open you're eyes now! ". Husky na tono ng boses niya. Tinignan ko siya eye to eye. Nakikipagtitigan din siya sakin. " Don't cry Shara! Wala na siya! ". Sambit niya, pero imbis na mapatahan ako ay mas lalo pa akong napaiyak ulit. Grabe kasi talaga yung bigat ng dibdib ko sa sobrang takot. Napayakap din ako sa kaniya ng mahigpit at sa dibdib niya ako umiyak. " Sob* N-na-nakakatakot s-sila Sob* S-sevix! Sob* ". Nauutal kong pagsasalita habang umiiyak sa kaniya. " Tahan na! they are gone now. Di ka na nila matatakot pa ". Wika niya. Di niya tinutugon ang mga yakap ko sa kaniya. Umiyak lang ako ng umiyak sa kaniya at nang marealize niya siguro na masyado na akong magiging kampanti sa kaniya ay hinawakan niya ako sa tigkabilang balikat ko. Inilayo niya ako sa kaniya. " You're fine so lumabas na tayo dito. Mauuna na ako, sumunod ka nalang! ". Parang walang nangyari sa tono ng pananalita niya. Yung mga mata kong pugto sa pag-iyak ay biglang natigilan sa paglalabas ng tubig. Nakahabol tingin ako sa kaniya na lumalabas siya ng booth. Agad din naman akong natauhan ng kaya sinundan ko na siya agad sa labas. Pagkalabas ko sinalubong ako ng yakap ni Alola. Nasa likuran niya sila Naomi at Dana. " Shara Sorry! Sorry kasi pinilit ka namin. Tahan na ha! ". Di naman na ako umiiyak pero hinayaan ko nalang sila pampapawi takot ay kaba. Sa bandang gilid namain nakatayo di Kuya Shekel, Yanson, Sevix at Ara. " Okay na ba siya? ". Interview ni Kuya na putla ang labi. Tatanungin ko sana siya kaso wala ako sa wisyo. Obvious din naman na natakot talaga siya. Siguro pinagsasapak niya yung mga nakakasalubong niyang zombie kaya nalabas pa siya ng di natitigbak sa loob ng booth. Nag aala ang mukha ni Yanson at Ara while si Sevix poker face at wala akong mabasang emosyon. Siguro itinatago lang niya o baka talagang wala siyang pakealam sakin. Binalikan niya ba ako kanina? O nagkataon lang na nagkita kami sa loob? Ayaw ko mag assume kaya dun nalang ako sa nagkataon. Yun kasi mas posible pa kesa sa isa. But then thank you pa din kasi dumating si Sevix and he save me. Thank you for saving me again Sevix!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD