Shara Pov:
Yehey!!!! Today is the FD of FD. Gets? Mean niyan is First Day of Foundation Day. Remember, nabanggit ko sa inyo na One week ginaganap ang kapanganakan ng E.S.A at ito ang unang araw nang isang linggo. I'm here na at school. Wearing my bonggang outfit. Maong high waist pants with matching T-shirt na green dahil green theme nang all Grade 12 students.
Bawat year level ay mayroon nakaassign na kulay kaya madali namin manonotice kung anung year level ang isang tao. Bukas na din ang lahat ng booths ngayon na ang mga collage mismo ang namamahala. Sabi ni Kuya Shekel sakin kagabi nang magkausap kaming dalawa about dito nga sa Foundation day, nabanggit niya sakin na ang magiging booth na ihahandle nila is Marriage na talaga naman patok na patok sa lahat ng booths.
Mayroon samot-saring fan games ngayon na inihanda ang mga SC o ang mga student councils na siyang katulong ng mga teachers sa pag oorganize ng event na ito. Ngayon First Day ang program lang na nakalagay ay Team building pero mayroon munang magaganap na Zumba competition each year level. That's why nandito kaming lahat sa Gym. Kasama na rin dito ang bonggang Yell presentation each Year Level.
Mga nagkakaingay ang mga estudyante dala ng kaexcitetan sa gagawing activity at dala na din tuwa dahil no assessments, thesis, reportings, at misa ni teacher ang magagaganap ngayon maliban lang sa isa kundi ang pagsasaya. Puro kasiyahan lang muna kami ngayon pampatanggal stress sa mga nagdaang buwan.
" Galingan natin G-12, di papatalo Luntian!!!! ". Sigaw si Naomi. Pabida talaga siya kahit kailan haha hindi biro lang mahilig talaga siya sa mga ganito. Yung daig pang nakikibaka sa lakas ng boses niya. Nagsigawan ang lahat ng Grade 12 dahil sa kaniya. Nilabanan naman kami kaagad ng mga Lower levels pero ang pinakang pinoponterya namin ay ang Collage Department. Kulay Pink ang first year Collage sila which is gustong-gusto ni Sevix. Tapos Light blue, Apple Green, at Dark pink na ang sumunod form second to forth year collage.
Hindi ko pa nakikita si Sevix magbuhat kanina nang dumating akong school. Pero si Ara nagkasalubong na kami sa hall way. Nagbatian at kamustahan pa nga kami e kaso sandali lang kasi nagmamadali siya. Sabi niya pa nga sakin mayroon daw siyang ichichika pero mamaya nalang daw kapag nagkita ulit kami kasi malelate daw siya sa booth nila gagalitan nanaman siya ni Sevix dahil ito daw ang Class President nila sa room kaya strict tsaka mayroon pa siyang atraso kay Sevix kaya need niya talagang bumawi. Mainit ulo nun kay Ara e haha.
" Parinig naman sa Yell nang mga Grade 7 students!!!! ". Full pack of energy na sigaw ng Mc na nasa stage. Naghiyawan muna ang mga Grade na talaga naman nakakatuwa. Ang kocute nila. Kasali din naman ang Primary pero bukod ang mga palaro nila samin kasi mga baby pa sila. After mag Yell ng Grade 7 ay sumunod na ang Grade 8, 9, 10, 11 at nang kami na ang mag Yell ay iningayan pa namin ng todo sa Gym.
May pa drum at pausok pa kaming nalalaman. Yung usok namin napaeffect ay made by powder alam niyo yun, pulbo HAHAHAHA. Mayroon din kaming patorotot at banner. Oh diba tinodo talaga namin ang effort dahil palaban kami, hindi kami papatalo. Pumito muna si Naomi ng tatlong beses bago namin sinimulan ang pagkanta sa Yell namin.
" Hindi kami Pula, hindi kami dilaw, hindi kami Asul, hindi kami Pink, hindi kami Kahel kami ay Luntian! Luntian! Luuuuntian!!! Move give way Luntian is on the way2x (Drum roll) Kami ang lutian hindi magpapatalo, Handa anu man laban kami ay di susuko, Go Luntian Go Go Go Luntian Go Go Go Luntian Go Go Go Go Luntian Go Go!!! Viva Luntian!!!!!........ PINK!!!! Beast mode ka na ba???? Sa malamig sa malamig Hey! Hey! Hey! Hey! Sa malamig sa malamig! Hey! Hey! Hey! Number One! Number One! Ang Luntian!!! Hey! ".
Full pact of energy para sa performance namin ng Yell. May kasamang panghahamon din para sa Pink team ng Collage. Bigay todo kami dahil mayroon din prize ang mananalong Yell.
" Woooooh!!! ". Sigaw nang ibang year level para samin samantalang ang first year Collage na color Pink ay mga nakathumbs down para samin. " Booooooh!!! ". Sigaw nila samin mayroon din naman ilang proud samin at pinapalakpakan kami. " Pink! Papatalo ba kayo?? ". Tanong ng Mc sa Pink team. " Hindi!!! ". Sigaw lahat ng Pink team.
" Kung talagang hindi kayo nagpapatalo patunayan niyo. Go Pink Team!!! ". Mayroon din silang drum pero mga nakaupo lang sila sa isang tabi ng mga bench. Mayroon silang nga hawak na tif-iisang Mountain Dew bottles at nang magsimula na silang kumanta ay ginamit na nila ang mountain dew bottle na sa loob pala ay may lamang foil upang magsilbing pompoms nila. Umingay ang crowd sa nakakahangang creativity ng mga collage.
Mayroon din silang pasabog na mga dancer at hindi kayo maniniwalang kasama dun si Sevix. Sumasayaw siya while wearing cheer leading costume yun pambabae na nakapalda na wari bang costume ni Salor moon. Todo kembot siya habang sumasabay sa pagkanta ng Yell nila. Mas lalo pang umingay ang crowd dahil sa kanilang mga sumasayaw kasama din niya si Ara. " Kaya pala hindi ko siya nakikita kanina ay dahil pinaghahandaan niya itong Yell nila ". Bulong ko sa hangin habang titig lang kay Sevix na ang galing-galing sumayaw.
Nang matapos sila sa Yell nila mas lalong dumadumdong sa ingay ang buong gym. Hindi na din nagtagal pa ay kumanta na ng kanilang Yell ang sumunod na Year level. From second year to forth year Collage naman. Malalaman ang announcement ng nanalo sa friday all in all na yun sa lahat ng activities.
Ang sumunod na laban naman ay ang Zumba. Bali Remix ang ginawa namin tugtog. Syempre dahil nauna nag mga Juniors kanina, ngayon naman ay ang mga Collage na susundan namin Seniors pababa sa mga Juniors. Kaya nauna kong mapanuod na mag sayaw si Sevix. Ang suot kila ay jagger pants with craft top mapalalaki o babae.
" Ang astig ng style nila anu! ". Bulong ni Alola sa tabi ko. Tinanguan ko naman siya. " Tulala ka nanaman sa Sevix mo Shara ". May pasiko-siko pa si Naomi sa braso ko. Natawa nalang ako sabay iling sa kaniya. Focus lang kasi talaga akong pinapanuod si Sevix sa pagsayaw na talaga naman sobrang nakakahanga siya sa sobrang flexible din ng katawan niya.
Si Kuya Shekel hinahanap ko pero wala sila sa mga nag Zumba. Pili lang din naman kasi ang representative sa Zumba competition. Tsaka sa malamang ay hindi sasali si Kuya dahil mahilig siya sa music pero hindi sa pagsasayaw kundi sa pagtugtog o pagkanta ang hilig niya. Matapos mag perform ng Pink team ay todo palakpak ako with matching sigaw pa.
" Gooooo Sevix!!!! Galing mo talaga Sethrevix Gaizon Ezadera!!!!! ". Pagkokompleto ko pa talaga sa pangalan niya. Dahil sa ginawa ko nagawa niya akong tignan. Sandali dahil nang malaman niyang ako ang nasigaw ng pangalan niya ay nawalan siya bigla ng pakealam. Bad but sweet haha anu daw? Sweet pa ba yun haha.
At dahil nga tapos na ang Collage ay kami ang sumunod mga Grade 12 students. Syempre hindi kami magpapatalo kaya binonggahan namin ang Zumba outfit. We are wearing coat na pagkatapos ng intro ay hinubad din namin agad. Kung saan niluwa ng coat ang second layer outfit naming army style ng pants pero jagger din siya kaso comopladge ang style.
While sa upper part naman ang suot namin mga babae ay sports bra lang then ang boys kamisotsino na black na walang manggas at kitang-kitang ang mga abs nila. Syempre ginalingan din namin dahil hindi kami magpapatalo. Nang magsimula na ang tugtog namin ay todo hataw na rin kami sa pagsayaw. Ang daming nahihiyawan para icheer kami at nang matapos na nga kami mag perform ay pagod na pagod ako.
Tagaktak ang pawis ko. " Ang sexy mo naman Ms. Valtocris! ". Simaan ko kaagad ng tingin si Yanson na kasama ni Kuya. Kasama din nila si Sevix at Ara. " Sis, papicture ako oh ang Hot mo diyan sa outfit mo ". Lumapit naman sakin si Ara at nagselfie nga kami. " Yiiiiee so pretty mo Sis ". Puri pa ni Ara sakin. Itinulak ko siya ng mahina. " Ikaw nga din e tsaka ang galing mong sumayaw. Lalo ka na Sevix ".
Tinignan niya lang ako ng walang sinasabi nung purihin ko siya. " Gutom na ako kain na tayo ". Aya ni Sevix at pagbibigay walang pansin sa sinabi ko. " Gusto niyo ba sumama samin? ". Alok ni Yanson sakin at kina Alola. " Umiling ako dahi magpapalit pa ako ng damit e. " Thank you nalang ". Sagot ko. " Are you sure? ". Nginitian ko siya ng pilit. " Sure na Sure. Let's go na nga mga girls ". Aya ko na sa mga kaibigan ko papunta sa room namin dahil dun ako magpapalit.
" Next time nalang Ms. Valtocris! ". Rinig ko pang sigaw ni Yanson. " That freaking babaero halatang minamanyak ako ". Wika ko. " Paano mo naman nasabi Ghurl, baka talagang naappreciate niya lang perfect hourglass body mo! Di tulad ng Sevix obvious na naiinggit sa kasexyhan mo imbis na purihin ka ". Giit ni Naomi. " Hindi yun. Deep inside of him. Nasesexyhan talaga siya sakin. Huwag kayong ganiyan. Bihis lang ako tapos kain natayo okay ". Sambit ko sa kaniya. " Okay ". Sabay-sabay nilang sagot.
Nagpasama muna kami ni Alola sa loob ng room. Walang tao halos dahil nga sa event pero aaminin ko ang saya ko sobra. Habang sumasayaw kasi kami kanina nahuhuling kong nakatingin si Sevix sakin. Siguro akong sakin siya nakatingin dahil ako lang naman kakilala niya sa lahat ng sumayaw sa Zumba e.
Tsaka di ako papayag na mayroon pa siyang ibang babae na kakilala. Right Sevix ko!
Kaya behave ka lang diyan.
Akin ka lang Sevix!!!!!