"Okay thats all for today, and I will remind you again that we are going to test your ability next week"
Hala! Test agad. Si Ms Art yung nagsasalita. Ang galing diba nagtuturo pa rin sya sa min kahit siya yung Headmaster dito.
"Oh girl ano sama ka?" Wika ni ANa habang nag-aayos ng gamit.
"Saan naman yan Ana"
"Edi sa mall kala ko ba gustong gusto mo pumunta doon?" tama siya matagal ko nang gustong pumunta doon kaya lang hindi ako pinapayagan ni Ms Art --_--
"Oo na kelan tayo pupunta dun? Tayong dalawa lang ba? Edi maganda!" tuwang tuwa kong sambit kay Ana. Haha poker face naman siya kasi sariling kong tanong tapos ako din ang sumagot.
"Bukas tayo aalis. Tapos hindi lang tayong dalawa kundi pito tayo. Sabi kasi ni Ms Art kailangan daw marami tayo"
"Eh bakit na over dami naman ata? Pero hayaan mo na" hihihihi makikita ko si Adrian my crush. 'Di pa rin talaga ko maka get over sa kiss este pag gamot niya sa kin noon.
Inayos ko na yung gamit ko para makaderetso na kami sa dorm.
"Haaay! Kapagod maglakad sobrang laki kasi ng School na to ehh" sigaw ko sabay higa sa kama kung sobrang lambot.
Tok Tok ToK
Binuksan na ni Ana yung pinto tutal sya yung malapait dun.
"Ah si Ms Brook po pinapatawag po siya ni Ms Art" May unfamiliar na boses ang nagsalita.
"Alice pinapatawag ka daw ni Ms Art!" whaaat! Teka dont tell me sasabihin nya sakin na huwag ako sumama bukas. Nako parang awa gusto ko sumama!
Di na ako sumagot at dumiretso sa pinto
"Okay ka lang?" Salamat talaga dahil nandito si Ana. Binigyan ko lang sya ng Mala Anghel na ngiti at dumiretso na sa Headmaster's office.
"Good evening po"
"Maupo ka, kumusta naman ang dorm mo?" huh? Bakit naman nya kinakamusta ang dorm namin?
"Ok naman po bakit po may problema po ba?"
"hmm Alice ililipat kita ng Dorm bukas pag balik na pag balik niyo dito galing sa mall"
"Pero kanino naman po ako mag iistay?"
"Doon ka muna kanila Justin ha kasi doon ma proprotektahan ka nila. Kaya ayusin mo na yung mga gamit mo ha"
"opo" halos pabulong ko na lang sabi. Pano na si Ana mag isa nalang sya. Tsaka mga lalaki kasama ko doon mamaya mga p*****t sila diba. tsaka kanino naman nila ko poprotektahan?
Sa totoo lang lahat ng tao p*****t kahit nga mga babae pa minsan ehh.
"Anestacia!" sigaw ko na may pagmamaktol.
"Oh bakit baby tumae ka ba?"
"Adik! Ana naman ehh!"
"Ehh ano bang problema kesa nagmamaktol ka dyan" Oo nga naman di ko pa pala nasasabi sa kanya
"Hindi na ako dito mag iistay doon na ako titira kanila Justin" huhu! Mamimiss ko si Ana!
"Ano ka ba hindi naman mag dedisisyon ng ganon si Ms Art kung walang dahilan ehh, kaya ikaw wag ka nang mamroblema." Tama think positive "Halika tulungan na kita mag impake"
"Ana namin eh! Parang gustong gusto mo na akong paalisen ehh!"
"Ano ka ba! Kung bukas ka pa mag iimpake gagahulin ka sa oras" sa bagay may point sya dun. Nang matapos na kami mag ayos ng mga gamit namin pinilit na akong matulog ni Ana kahit di pa ako inaantok kailangan ko daw kasi ng Beauty sleep. Hahah okay na din yun para maganda ako bukas pag makita ako ni Adrian.
----
"Ana! Gising" sabay alog sa kanya. Ewan ko ba sa babaeng to mantika matulog."Ana gising na mali-late tayo baka iwan tayo ng school bus eh."
"Oo na ito na po. Excited much ka lang kay Andrei ehh" with nakakainis pang asar look pa nya.
"Andrei ka dyan mag bihis ka na nga" Yuck! Andrei yung masungit na laging na eaarphone. Kay Adrian kaya ako.
"Ito na po Lola Alice!" sabi nya sabay pasok sa banyo. Minsan talaga parang may sakit sa utak yung babaeng yun eh. Mag aayos na nga muna ako naka bathrobe pa kasi ako eh. Okay pili pili pili na ng damit
Naka white loose t-shirt ako with black pants and white snicker tapos naka cap na black na nakalagay ay cute. Hohoh cute naman ako ha!
"Oh angas mo ha baka di ka magustuhan ni Andrei niyan" Andrei?? Baka Adrian po pero mas maganda ng hindi nya alam mahirap na noh!
"Hahaha " yun lang nasabi ko.
"Teka Alice niloloko lang kita ha pero.... Ganyan talaga susuotin mo?" Ano bang problema ng babeng to?
"Bakit maganda naman eh ayoko kasi ng mga sinusuot mo noh" grabee parang diring diri pa sya sa suot ko ehh ang ganda nga ehh.
"Bhest normal lang to tsaka hindi naman maikli yung suot ko ha. Dapat mag act ka din na dalaga ka na, hindi mo ba alam na mga hot girl ang gusto ni Andrei" hahaha nirereto nya talaga ako doon ha!
"Oo na oo na bala ka na sa gusto mong isipin at halika na baka iwanan pa tayo ng mga yun!"
Andrei's POV
Ang tagal naman ng mga yun tsk ayoko ng pinag iintay.
"Bro nandyan na sila" sabi ni Jeydon sabay tayo.
"Hey pretty ladies" adik talaga tung si Mark eh.
"Uy alis na tayo baka maiwan tayo ng bus!" pag aaya nung babaeng ang angas ng suot.
"Oh angas natin ha!" sigaw ni Adrian sabay tapik sa likod nya tapos biglang natahimik yung maangas na babae Alice ata name nun eh? Anung nangyari doon bakit parang namumula.
"Hi guys aalis na ba tayo" sigaw ni Alice. Hindi na ako sumagot sa tanong nya at sumakay na ako sa bus hindi kasi ako nag sasayang ng laway para sa walang kwentang bagay
Alice's POV
Ang sungit talaga ng lalaking yun di ko naman inaano yun ah.
"Hayaan mo na yun ganun talaga yun" bulong sa kin ni Ana. After 30mins. Nakarating na kami sa mall grabee ang laki parang normal na mall naman sya kaya lang may binebentang mga potion potion etc.
"Alice bibili ka ng phone diba?" tanong ni Justin.
"Yup bakit?"
"Ah wala unahin na lang natin yun para maka pili ka pa" sabi ni Justin sabay hawak sa kamay ko. Hindi kami mag ka holding hands ha! Inalalayan lang nIya ako sa pagbaba. Grabe napaka gentledog talaga nito ni Justin. Pagkarating na pagkaratinG namin dun bumungad sa min yung mga gadgets grabe bakit sobrang dami?
"Guys bibili lang ako ha" paalam ni Mark kasama si Jeydon at Adrian. Habang si Ana naman nasa tabi ko bumibili ng kahit na ano. Tapos si Andrei nawawala saan na ba nagpunta yung lalaking yun.
"Hinahanap mo si--"
"Hindi!" mabilis kung sagot sabay tangal ng takip na kamay ko sa bibig nya. Mahirap na kasi malay mo sobrang lalakas makarinig nun diba? Kaya mas maganda ng nag iingat
Nakapili na ako ng phone yung nabili ko ay iphone . Hahaha ganda diba.
"Ana ano yung mga nabili mo?"
"Ana!" sigaw ko at tumalikod na at pag tingin ko ibang tao yung nasa likod ko. Nasan na ba yung mga kasama ko? Habang nag lalakad-lakad marami akong nadaanan na mga store na magaganda may hinahanap rin kasi ako eh gusto ko sana makakita ng bilihan ng mga pang wizard.
"Miss pwede po ba mag tanong?"
"You are already asking" mataray nitong sagot sa kin aba nagtanong lang po!
"Miss san po ba yung store ng mga magic magic"
"ah 2nd floor"
"Thanks po" sabay wave sa kanya kahit nakatalikod na sya mabait rin pala eh
"Pag tungtong na pagtungtong ko pa lang sa 2nd floor puro magic store na yung bumungad sakin. Ahh ang gaganda ng store. Pumunta muna ako sa pinaka unang store teka diba dapat puro pang magic to eh bakit puro pabango binebenta dito.
"Miss magkano po to?"
"Wala kaming puto" aba pilosopo!
"Hindi po itong hong pabango"
"Ah 250 isa" hmmm not bad bibili ako nito. Kumuha ako ng isang kulay red tapos nakalgay sa likod ng bottle HOT. Tapos kumuha rin ako ng isang violet tapos nakalagay sa likod SEXY. Kakaiba tin talaga yung mga pangalan ng pabango dito no. Tumingin ako sa watch 5pm na grabe nasaan na kaya yung mga kasama ko? Uwi na nga lang ako.
3rd Persons POV
Napilitang umuwi mag isa si Alice dahil hindi parin nya nakikita ang kanyang mga kaibigan. Habang sya'y nasa daan wala man lang kailaw ilaw ang mga poste at wala siyang kasabay ni isang tao, nang nakalayo na siya sa Mall sobrang dilim na ng palikid halos wala na syiang makita ng may mga naririnig syang sunod sunod na yapak ng paa. Binilisan na lang lalo ni Alice ang pag lalakad dahil alam niyang onti nal ang at malapit na siya makarating sa Academy nang may biglang tumakip sa bibig nya kaya hindi sya makasigaw ng tulong.
Alice'sPOV
"Ikaw ba ang legendary princess" nakakatakot yung voice nya tapos ang baho pa ng kamay nya. Pwe!
"Ano ba? Syempre hindi!" sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa katawan ko yung dalawang lalaki tig-isa sila ng hawak sa binti ko yung dalawa din sa kamay ko tapos itong isa tinatakpan yung bibig ko.
Tulong! Ayoko pang mamatay! Tulong.
Pumikit nalang ako dahil alam kung wala na akong magagawa at umiyak nal ang. Nag hihintay ako nang may papatay susuntok or ewan na ikamamatay ko pero wala, unti unti kong dinilat ang mata ko at nagulat ako ng may babaeng nagliliyab yung kamay sa harap ko.
"Ano ba iiyak ka lang ba" huhuhu babae sya pero parang lalake yung boses nya bakit ganun. "Gayahin mo lang lahat ng sasabihin ko para matapos na ang lahat ng to!"
"Opo"
"Ferla min Forlakun Fire is there Flove frok yoy"
No choice naman ako e gagayahin ko na. "Ferla min Forlakun Fire is rhere Flove frok yoy"
---
A/n: No soft copies. Plagiarism is a crime.