RIJ's POV
"Rij kamusta na? Wala parin talagang pinagbago ha!" sigaw sa' kin ni Art. Grabee nakakamis siya six years na rin kasi ang nakalipas.
"Eh ikaw rin naman Art ehh" at niyakap ko siya. Ayaw ko sana umalis kaya lang no choice.
Hindi na ako nag pa tumpik-tumpik pa at agad ko nang tinawag si Alice at nasa likod namin siya. Patungo kami sa Key's Gate.
Ang key's gate ang batayan kung karapatdapat ka bang makapasok sa loob ng iskwelahan, kung saan maa-ari kang matusta ng buhay kung pumasok ka doon ng wala kang hawak na key. Kaya ito naman kaming ni Art todo titig kung makaka pasok si Alice. Sigurado akong nagtataka na yun ngayon kung bakit ganito kami maka-asta. Sure din akong ang dami dami niyang tanong sa akin pero dapat masanay na siyang malayo sa kin kaya hindi ko na sya masyadong kinakausap para masanay.
"Rij wag kang malungkot gagabayan ko si Alice" pag uusap namin sa isip ni Art.
"Nag-aalala kasi ako para sa kanya."
"Wag ka mag-alala hindi ko naman pababayaan ang pamangkin natin." hindi parin mapanatag ang isip ko. "Ano nga palang power nya?"
"Hindi ko pa sure ehh. Siguro Legendary or Elemental? Yun lang naman ang pag mamanahan nya sa mga magulang nya ehh." Oo tama ang magulang ni Alice ay isang Elemental users at Legendary ang magulang niya. Kaya sure akong malakas ang makukuhang kapangyarihan nitong pamangkin ko. Sa totoo lang naeexcite ako malaman kung anong ang magiging power ng anak ng dalawang malakas na tao.
"Ganun ba. Kailangan na pala naming palabasin ang key niya sa lalong madaling panahon kumikilos na kasi a DFA( Dark Fury Academy) Kailangan niya ng matutong tumayo mag isa."
"Sa tingin ko lengendary ang power nya dahil may nag mamay ari na ng 4 Elemental keys" Seryosong sambit sa kin ni Art.
"Malalaman natin yan. Ingatan mo ang pamangkin natin ha"
"Makaka asa ka sakin"
Patuloy na akung lumisan ng paaralan kahit labag sa heart ko para kay Alice namin yung ginagawa ko ehh. Basta Art gawin mo lang ang dapat mong gawin.
ALICE'S POV
"Ouch!" Tsk ang sakit ng ulo ko, di ko rin mabuksan ang mga mata ko. Ano bang nangyari sa kin? Diba kumakain lang kami ni Ana kanina sa canteen. Naku baka nasa classroom na sila First day of class ko pa naman absent ako. First impression is important. Nang naka upo na ako galing sa pagkakahiga nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto at may mga pumasok, di ko sila makilala dahil bigla na naman akong nahilo at napa higa ulit.
"Alice pinag alala mo ako. Grabee ka girl!" teka familliar sa kin yung boses na 'yon ahh.
"Alice ano ba ako to si Ana!" lively niyang sagot sakin at unti-unti kong minulat ang aking mata at nakita ko si Ms Art at may kasama siyang limang lalake.
"Adrian gamutin mo ulit siya para mabawasan ang sakit ng ulo nya" utos ni Ms Art doon sa Super Gwapo at cute na lalaki. Nung tumingin ako sa kanya nagulat ako ng naka smile sya sa kin tapos pakindat kindat pa sya ha! Grabee Global Warming!! Ang HOT dito. (A/N akala ko ba may sakit bat parang lumalandi. Hahahaha)
Teka bakit naka evil smile si Ana pati yung tatlong lalaki pwera lang dun sa isang naka headset!!! Teka kala ko ba bawal phone! Tapos unti unti ng lumalapit yung mukha sa kin nung guy tapos tapos tapos hinalikan nya ko sa harap. Sa harap pa talaga nila. Nakakahiya!!!
Parang may pumasok na kung ano sa bibig ko galing sa kanya at pag katapos nun okay na ang pakiramdm ko. Dahan dahan nyang inalis ang labi nya sakin.Ghad!! Why so HoT. Hala my virgin lips!!!
"Girl okay na ba pakiramdam mo???" with a big big smile on her face
"Oo naman. Bakit sobrang ngiti ka naman dyan?" takang takang tanong ko sa kanya.
"Wala lang bakit? Masama ba ngumiti." Grabe di ako maka get over kinikilig pa rin ako. Kalma Alice, huwag ka magpahalata na bet mo na agad siya kyaaah!
"Hindi " mahina kung sagot. Kunwaring mahinhin kong sagot.
"Oh kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Ms Art.
"Okay na po. Bakit po? Ilang oras na po ba akung tulog?"
"Three days"
"What!" ohemgee kaya pala ganito ako kagutom! Heheh.
"Hayaan mo na makaka habol ka naman sa mga lesson mo eh. Kaya mag pahinga ka na lang ngayon para maka pasok ka bukas" sabi ni Ana. Haay ang ganda talaga ni Ana parang gumagaan ang paki ramdam ko kapag nakikita ko sya.
"Siya nga pala ito si Jeydon, Mark, Justin, Andrei and Adrian" Pagpapakilala ni Ms. Art.
"Hello" tapos nagsi lapitan sila sa kin.
"Nice to meet you" sabi sa kin ni Justin
"Pleasure to meet you" sabi ni Adrian. Hihihi 'Di maka get over!
Nagkausap narin kaming lahat pwera lang kay Andrei.
"Bakit may phone kayo, diba bawal?"
"Pag galing sa labas yung mga gadgets mo bawal, pero kapag dito ka bibili pwede" ahh ganon pala.
"Ahh thanks pala Justin ngayon alam ko na. Haha" Nahihiyang kong sagot. Ehe pabebe ko ng konti!
Gusto ko din bumili ng phone!!!!
Umalis na silang lahat pwera lang kay Ana na nanatili sa tabi ko.
"Grabe Alice , pinagalalaa mo talaga ako huhu!" sabi nito habang naka puppy eyes. Napansin ko lang medyo oa yung reaction pero dahil maganda siya kaya bagay sa kanya.
"Pasensya na, kakasimula pa lang ng klase may nangyarai na agad na ganito."
"Ano ka ba, 'di mo naman kasalanan 'yun." Sabay ngiti nito sa'kin. "Grabe ka Alice kakaiba yung key mo. Ang karaniwan lang kasi ay isang key lang ang kaya mong iperform pero sa'yo dalawa agad. Amaizing!" Sabi ni Anan habang may inaayos na gamit sa lamesa.
"May key ako?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
"T-teka, 'di mo naalala yung ginawa mo sa cafeteria?" Parang shock niyang sabi.
"Uhm hindi e. Siguro nauntog yung ulo ko " Sabay ilang kong tawa. Pinipilit kong lalalahanin kung ano ba ang mga nangyari pero sumsakit ang ulo ko. Nang makita ako ni Ana na ganoon sinabihan niya ako na huwag kong pilitin ang sarili ko.
--------
A/n: No soft copies. Plagiarism is a crime.