Hinahaplos-haplos ni Christine ang kan’yang tiyan habang nakaupo siya sa papag ng kubong sinisilungan niya. Tuwing hapon ay doon siya tumatambay upang magpahangin. Nakakadagdag kasi iyon upang gumanda ang kan’yang pakiramdam sapagkat medyo maselan ang ipinagbubuntis niya. Tatlong buwan na lang ay manganganak na siya. At hanggang ngayon ay naririto pa rin siya sa bahay ng dalawang matanda na kumupkop sa kan'ya. Nahihiya man ay wala siyang magagawa dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan. Tumutulong na lang siya sa pagtitinda ng gulay sa palengke kung saan may puwesto si Aling Melda. Nang sa gano’n ay makabawi man lang siya sa kabutihan ng mga ito bagay na hindi sana sasang-ayonan ng dalawang matanda pero dahil sa kakulitan niya ay napapayag niya ang mga ito. Minsan naiisip niyang bumal

