Pabagsak na inihiga ni Marcus ang katawan sa malambot na kama. Pero kung kailan nakahiga na siya ay muli naman siyang bumangon. Napapasabunot siya sa sariling buhok dahil sa samu’t saring emosyon na dinaramdam niya ngayon. Tumungo siya sa Bar counter; sa loob ng mansion, upang kumuha ng maiinom, dahil gusto niyang magpakasabog ngayong gabi. Pero nang paakyat na siya sa hagdan ay nakasalubong niya si Olive. Napakunot-noo ito nang makita siya. “Anak, ano bang nangyayari sayo? Kahapon ka pa gan’yan a. May problema ba?” tanong ni Olive. Hindi niya sinabi kay Olive ang tungkol kay Christine. Inilihim niya iyon sa matanda simula ng dumating siya kahapon. Hindi niya kayang sabihin na buntis si Christine, at si Roger ang ama. Sa isipin na namang iyon ay parang piniga ang puso niya. “I’m okay, N

