Habang nagluluto ng almusal ay pakanta-kanta si Christine. Hindi maalis-alis sa kan’yang mukha ang sayang nararamdaman simula pa kaninang umaga nang gumising siya. At hangga’t maaari ay ayaw niyang masira ang araw niya ngayon dahil paniguradong malilintikan sa kan'ya ang magtangkang gagawa no’n. Matapos niyang mag-sangag ng kanin ay nag-prito rin siya ng daing na bangus, at tocino. May katulong naman sa bahay si Roger pero mas pinili niyang siya ang magluto ng kanilang makakain. Pinatira na nga siya rito tapos uupo lang siya? Hindi iyon puwede sa kan'ya. Kailangang gumalaw-galaw rin siya. Kahit sa gano'ng bagay man lang ay makabawi siya sa kaibigan niya. Napailing pa siya nang maalala ang nangyari nakaraang araw nang pabalik sila ng Maynila ng kaibigan. Imbes kasi na bus ang sasakyan ni

