Naguguluhan si Christine habang nakatingin kay Roger na tila hindi ito mapakali. Kanina pa kasi ito pabalik-balik ng lakad sa iisang direksyon. Habang nginunguya niya ang suman na kaka-deliever lang ay kunot ang noong sinusundan niya ito ng tingin. Nang hindi na siya makatiis sa ginagawa nito ay binato niya ito ng tinidor dahil pakiramdam niya ay masusuka na siya sa paroon at parito nito. “Barney, tumigil ka na!” singhal niya sa lalaki na ikinabitin ng mga paa nito sa ere. Napangiwi ito nang makita ang kan’yang mukha, lalo na sa pangalang itinawag niya rito. “K-kumain ka na lang d’yan, Si—Tin.” anito na parang pinagpapawisan pa. Tumayo siya at pinamewangan ito. “Paano ako makakain ng maayos eh, kanina pa ako nasusuka sa ginagawa mo d’yan! Ano ba kasing problema mo, Barney?” muli ay nap

