One month after... Nakangiting pinagmamasdan ni Christine ang mamahaling gown na kan’yang isusuot maya-maya lamang. Pinasadahan niya ng haplos ang telang puti habang in-imagine ang sarili na suot iyon habang naglalakad sa aisle, at sa dulo ng altar ay naghihintay sa kan'ya ang guwapo niyang mapapangasawa. Si Marcus. Nang araw na malaman niya ang tungkol sa pagkatao ay nalaman rin ng binata ang tungkol sa ipinagbubuntis niya. Ang akala pala nito ay si Roger ang ama, ngunit ng malaman nito ang katotohanan ay ilang araw na nawala sa sarili ang binata. Hindi kasi ito makapaniwala sa natuklasan at sobra itong natuwa. Kaya naman nang araw din na iyon mismo ay hindi niya inaasahan na luluhod ito sa harapan niya at ng mga magulang niya. Nag-propose ito. At hindi niya kinaya ang saya na nadaram

