“Daddy! Milk! Milk!” Natatarantang napabaling si Marcus sa dalawang taon gulang na anak. Nakasimangot ang guwapo nitong mukha habang hinihila ang laylayan ng damit niyang suot. “Heto na nga anak eh. Wait lang–shit!” mahinang mura niya ng matapon ang gatas sa mesa. Ilang beses na siyang nag-timpla ng gatas ng anak pero hindi pa rin siya marunong for god sake! “Daddy, tapon mo milk? Lagot ka mommy ko!” nakapamewang na turan ng anak niya. Napakamot naman siya sa ulo. Kilala niya ang anak, kapag sinabi nito ay ginagawa talaga nito. Kaya naman inayos niya ang pagtitimpla hanggang sa magawa na niya ng maayos ang gatas ng anak. Agad niya iyong binigay kay Miguel. “Here na baby,” nakangiting sabi niya sa anak saka ito hinalikan sa noo. “Thank you, daddy!” anito saka akmang tatalikod ng pigilan

